Share

*°•CHAPTER FIVE•°*

"Dito kana rin mag-aaral? Akala ko kasi luluwas kayo ng manila at doon kana mag-aaral," natawa si David sa sinabi ni Austine.

"Dito na ako mag-aaral kasi..." Sinadya niyang bitinin si Austine. Alam niya kasing maiinis ito dahil lagi itong nasasabik sa tuwing mayroon siyang gustong i-kwento.

"'ayan na naman siya sa 'kasi' na wala namang laman," inis na sumubo ito ng isang pirasong potato fries at saka nagpatuloy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyan silang nasa mansyon dahil niyaya niya itong makipag laro sa kaniya. Hindi siya pwedeng lumabas nang madalas dahil alam niyang pagbabawalan siya ng kaniyang ina. Maliban nalang siguro sa kaniyang lola Paula na madaling mapakiausapan.

"Kasi mamimiss kita," inaasahan ni David na maaasar na naman niya ang isang Austine subalit parang wala man lang siyang narinig na tugon mula dito. Nagpatuloy naman siya sa paglalaro. Car race ang kanilang nilalaro at dahil nga hindi siya pinapansin ni Austine ay sinasadya niya itong banggain gamit ang kaniyang sasakyan sa paglalaro ng video game.

"Ano ba?!" Hindi nga nagkamali si David. Nagawa na naman niyang inisin ito.

"Bakit ba?!" Kunwari ay hindi niya alam ang kaniyang ginawa. Palihim siyang napangisi.

"Kanina ka pa nambabangga, eh! Nananadya ka, noh?!" Inis na sambit nito. Dahil sa inis kaya gumanti ito na hindi naman niya inakalang mawawalan siya ng kontrol sa nilalaro at mabangga sa puno.

"'ayan! Ako nga ang talo eh!" Reklamo niya dito. Bigla naman siya nitong tinapunan nang nakakalokong mga tingin kung kaya't naging dahilan iton para siya naman ang mainis.

"Sus, talo ka lang!" Tumatawa ito habang sumusubo ng ilang pirasong potato fries. Nagtataka na rin si David kung saan ba nito inilalagay ang mga pagkain na kinakain nito dahil hindi man lang niya ito makita na kumain ng hindi marami.

Sa kaloob looban ni David ay natutuwa siya kay Austine kahit na alam na niya ang buong pagkatao at kinalikihan nito. Wala siyang nakikitang problema na makipag kaibigan kay Austine dahil masaya itong kausap at higit sa lahat, nagkakaintindihan sila.

"Oo na!" Natawa na lang din siya sa mga kilos ni Austine. Saglit itong napalingon sa kaniya dahil hindi niya magawang ialis ang paningin mula dito.

"Kanina ka pa nakatitig diyan!" Untag nito sa kaniya habang abala ito sa paglalaro at hindi man lang siya tinatapunan ng tingin. Kunwari ay naubo siya sa sinabi nito at saka mabilis na ibinalik ang atensyon sa paglalaro.

"Anong nakatitig? Ikaw nga diyan eh!"

"Ako? Eh, huling huli kana diyan!" Angal naman nito.

Ilang minuto silang nanatili na naglalaro at walang imikan. Sa pagkakataong iyon na mas malapit sila sa isa't isa ni Austine ay mas lalo siyang napapalagay dito. Ang katotohanan sa sarili niya ay hindi maikakaila na gusto niya ito na palaging nasa tabi niya.

"Tinatamad na ako, David. Baka pwedeng iba naman ang gawin natin?" Dahil sa sinabi nito ay napahinto siya sa ginagawang paglalaro at mabilis na inilapag ang aparato sa sahig. Nag-isip siya ng pwedeng gawin pero parang naubusan na rin siya ng kaalaman sa mga iba't  ibang klaseng mga laro. Ang tanging naiisip niya na lang ay ang magluto.

"Alam ko na! Magluto kaya tayo ng puto chees?" Kahit sa sarili ideya ay napangiti siya. Nakita niyang nagulat ito sa sinabi niya kaya sunod sunod ang pag-iling nito.

"Ayoko nga! Mamaya, magalit pa si lola Paula." Kitang kita ni David ang pag-aalangan nito sa naisip niyang gawin. Natuwa siya sa pagsambit nito ng kaniyang lola. Sa ilang araw na lumipas na kasama niya ito lagi ay napalagay na rin ang loob nito sa kaniyang lola at sa kaniyang ina.

"Ano ka ba naman! Sigurado akong ayos lang 'yon kina lola at mom!" Sinabayan niya iyon ng pag-akbay para maramdaman nitong ayos lang ang kanilang gagawin. Napatitig naman ito sa mukha niya dahil sa sobrang lapit na niya sa mukha nito. Nagtaas baba ang kaniyang magkabilang kilay.

"Kahit na, alam kong pagagalitan ako ni mama?" Balik na tanong nito sa kaniya. Saglit siyang napahinto sa sinabi nito.

"Sasabihin din naman natin 'yon kay tita Tisay. Sa ngayon, magluto na tayo!" Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Austine. Kaagad niya itong hinatak papunta sa kusina.

"Alam mo, pagdating sa 'kin, ang hilig mong manakit!" Reklamo nito nang nasa kusina na sila.

"Sige na, magluto kana." Tiningnan lang niya si Austine na para bang siya ang masusunod sa lahat ng iuutos niya. Parang hindi naman makapaniwala ang mukha nito nang tapunan siya nito ng matatalim na mga tingin.

"Aba! Pasalamat ka, baha mo 'to kundi kanina pa kita tinadyakan!" Natawa siya sa sinabi nito at sa pagnguso ng bibig nito na parang handang makipag basag ulo.

"'andami mong sinasabi! Sige na kasi!" Kunwari ay nairita na siya. Ibinulsa na naman ni David ang kaniyang magkabilang kamay sa kaniyang pantalon at hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Austine.

"Oo na!" Pagkasabi niyon ay mabilis na kumilos si Austine para magsimula.

Hindi sigurado si David kung alam ba ni Austine na gamitin ang mga kagamitang pang kusina lalong lalo na ang maghurno ng pusto cheese. Laking gulat niya nang magsimula nang kunin ni Austine ang mga kakailanganin para sa paggawa ng puto cheese. Kahit pa ilang piraso ng puto cheese ang kainin niya basta si Austine ang gumawa ay talagang lalantakan niya ang mga iyon. Sa palagay niya ay naadik na rin siya sa puto cheese na gawa nito.

"Are you sure you're good?" Untag niya dito habang abala ito sa pag-aasikaso. Nakita niyang sumama ang tingin nito sa kaniya dahil hindi man lang niya ito tinutulungan sa ginagawa. Naka-sandig lamang siya malapit sa pridyeder.

"Kailangan ko siguro ng tulong mo?" Naging sarkastiko ang pagkakasabi nito kaya mas lalo siyang natawa.

"Yeah, right." Iiling iling na tinungo niya ang kinatatayuan ni Austine. Kumuha siya ng tapis para ilagay iyon sa harap niya at makapag simulang tumulong. Sa unang pagkakataon ay mararanasan niyang makapag luto na kasama ang matalik na kaibigan. Noon pa man ay gustong na niyang matuto sa pagluluto. Sadyang abala lang ang kaniyang ina at ama sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi rin niya magawang abalahin ang kaniyang lola dahil marami itong inaasikaso sa asyenda.

****

"Ano ba, hindi kasi ganyan." Hindi makapaniwalang saad ni Austine nang makita niya ang ginagawa ni David. Nagkalat ang krema sa buong kamay nito at para siyang nakakita ng multo nang matapon ang lahat ng iyon sa mukha nito.

"I thought it's the proper way," napapamaang na sabi nito.

"Proper way ka diyan! Tingnan mo sarili mo, David! Nagmukha kang sadako!" Natawa siya sa sinabi niya at saka mabilis na inalis ang paningin mula dito.

"What's next?" Nagtatakang tanong nito habang nasa ere ang dalawang kamay nito na parang hindi na alam kung ano ang susunod na gagawin. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito at saka pasimpleng ngumiti.

"Teka, kukuha lang ako ng pamunas." Sabi niya dito at saka mabilis na kinuha ang maliit na tuwalya.

Hindi na hinintay pa ni Austine ang sasabihin ni David. Kaagad niyang pinunasan ang nagkalat na krema sa mukha nito. Napatigil siya nang marahan nitong hawakan ang kamay niya.

"I can do it," ngumiti ito sa kaniya. Madalas namang hawakan ni David ang kamay niya pero iba ang epekto niyon ngayon. Napatango na lang siya at saka hinayaan niya itong punasan ang sarili. Nag-iwas siya ng tingin mula dito dahil parang kakaiba na naman ang nararamdaman niya. Pinigil niya ang sarili. Sa pagkakaalam ni Austine ay mahirap na pigilan ang kaniyang pamumula dahil nagmana siya sa kaniyang nanay na maputi rin.

"S-sa susunod kasi, mag-iingat ka." Saad niya dito habang nakatalikod at nalilito kung anong kagamitan ang susunod niyang gagamitin para mailagay na niya ang nagawa sa malaking hurno. Sa pagkakataong iyon ay mas marami siyang nagawa.

"Sus, gusto mo lang akong hawakan eh." Sa bawat panunukso nito ay parang umaabot sa dulo ng kaniyang kuko ang iritasyon dahil hindi niya malaman kung anong klase pakiramdam ang lumalatay sa kaniyang mga ugat sa katawan.

"Nagkaganyan ka na nga, ang kapal pa rin ng mukha mo!" Inirapan niya ito at saka nagpatuloy sa ginagawa.

"Tulungan mo na ako dito, dali." Biglang banggit nito at saka nagsimulang hawakan ang panghalo at ang malaking tason. Nakita niya itong ngumiti. Dahil sa inis ay hindi na niya napigilan ang sarili na pagsabihan ito.

"David, sana naalala mo kanina na pwede mo namang gamitin ang mga 'yan. Sino ba naman ang wala sa katinuan na lalamasin ang krema? Ngayon lang ako nakakita ng katulad mong nilalamas ang krema at ang gatas sa loob ng tason na 'yan," ramdam ni Austine ang inis. Nakatitig lamang si David habang pinagsasabihan siya ni Austine. Ilang saglit pa ay nagawa na rin nitong tumugon sa kaniya.

"I don't know how to bake and besides, you're here to teach me!" Umakbay ito sa kanya at dahil hindi pa natatanggal ang ilan sa mga dumi sa kamay nito ay napunta iyon sa kaniyang damit. Magrereklamo sana siya kaso bigla na naman itong nagsalita.

"Isn't it great, you're baking with such a cute guy?" Kumindat kindat pa ito. Napamaang si Austine sa mga pinagsasasabi nito. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakakita ng katulad ni David na halos ipangalandakan kung ano ang mayroon dito. Kahit pa sabihin ng iba na mabait ito, hindi pa rin nababawasan ang kaniyang inis na nararamdaman sa tuwing aasarin siya nito.

Hindi na niya kinaya ang mga sinasabi nito. Kumuha siya ng krema at dumukot nang sakto sa kaniyang palad at mabilis na pinahiran ito sa mukha.

"What the..." Tila hindi ito makapaniwala sa kaniyang ginawa.

"Ang kulit mo kasi!" Hindi pa siya nakontento at nilagyan pa niya ito nang mas marami.

"Ah, gano'n ah!" Gumanti rin si David. Mabuti na lang at nailagay na ni Austine ang mga nagawa niya sa loob ng hurno. Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin sila tumitigil sa paglalagayan ng krema sa mukha. Dahil sa mabilis na kanilang kilos ay hindi na namalayan ni David na malapit na pala ang mukha niya sa mukha ni Austine.

Aksidenteng nadulas ang kamay nito mula sa balikat ni Austine papunta sa likod niya at naging dahilan iyon para dumampi ang bibig nito sa kaniyang pisngi. Dahil sa nangyari ay mabilis silang kumawala sa isa't isa. Pasimpleng tinanggal ni Austine ang mga nagkalat na krema sa kaniyang katawan habang ganoon din ang ginagawa ni David.

"Mukhang masarap 'yang bini-bake niyo ah?" Nagulantang silang dalawa nang marinig ang boses ng kanilang lola Paula. Hindi nila namalayan ang pagsulpot nito.

"Lola, kanina ka pa po ba diyan?" Naramdaman ni Austine ang pagkailang sa tanong ni David sa lola nito. Bigla namang napayuko si Austine dahil baka nakita ng matanda ang nangyari.

"Hindi, ngayon pa lang. Apo, kayo ba ni Austine ang naghuhurno?" Nakita ni Austine ang pagkamangha sa mukha ng matanda.

"Si Austine po ang nag bake, lola. Tumulong lang ako sa kaniya," nakangiting tugon naman ni David. Kahit na naging pasaway si David sa kaniya ay masasabi niyang nagiging maganda rin ang araw niya na kasama ito. Saglit na napatitig ang matanda sa kanilang dalawa at parang doon lang din niya napansin ang mga kalat sa kanilang mga mukha.

"David, Austine, anong nangyari sa mga mukha niyo?" May halong tawa sa pagkakasabi nito. Dahil sa hiya niya ay nailagay ni Austine ang magkabilang kamay sa kaniyang likuran at saka yumuko.

"Nagkatuwaan lang po, lola..." Narining niyang nagpaliwanag si Austine pero mas nangingibabaw ang hiya at takot niya na baka magalit ang matanda dahil sa pagkakalat nilang dalawa.

"Ayos lang 'yan apo," naramdaman niya ang paglapit ng matanda sa kiantatayuan nilang dalawa hanggang sa huminto ito sa harapan niya. Nahihiya siya kaya hindi pa rin siya nag-aangat ng paningin.

"Masarap po si Austine, lola..." Dahil sa sinabi ni David ay awtomatikong nag-angat siya ng paningin at hindi akalaing sabay pa sila ng magiging reaksyon ng matanda.

"Ano?!" Natatawa ang matanda samantalang namimilog naman ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi nito. Parang may ilang sipa ng kabayo ang naramdaman ni David nang mapagluho nito ang sinabi.

Ilang beses na nagpapikit pikit ang mga mata ni Austine at saka napapaurong ang bibig. Hindi na nito alam ang sasabihin dahil ramdam niya ang hiya.

"Ibig ko pong sabihin, masarap po ang puto cheese ni Austine, lola." Kaagad na nag-iwas ng tingin si David dahil sa kahihiyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status