Share

*°•CHAPTER EIGHT•°*

"Ah, ano bang gusto mo?" Nahihiyang nilingon ni David ang kaklaseng babae mula sa kaniyang likuran. Kasaluluyan silang nasa canteen at kasama ang ilan sa kaniyang mga kaklase. May dalawang lalaki siyang kaklase na kasama niya rin pero may limang babae naman na nakabuntot sa kanila.

Hindi siya nagsalita at tumitig lang sa babae. Maputi it at singkit ang mata nito. May katamtaman ang tangos ng ilong at masasabi niyang maganda ito. Nakalimutan niya kung anong pangalan ng kaklase kaya nahihiyang umiwas at ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga pagkain sa loob ng malinaw at kristal na istante.

"David, tinatanong ka ni Briana." Napalingon naman siya sa tumapik sa kaniyang balikat. Mabuti na lang at naalala niya ang pangalan nito. Si Anthony na palaging suot ang eye glasses ang tumapik sa kaniyang balikat.

"W-what?" Nahihiyang tanong niya ulit dito.

"Si Briana, bro." Pag uulit nito at saka ngumuso sa sinasabi nito. Awtomatikong napunta ang kaniyang paningin sa sinasabi nito.

"Ako na lilibre sa 'yo, tutal naman magkaklase tayo diba?" Pasimple nitong hinawi ang buhok papunta sa likod ng tainga nito.

"No, I'm good. I just want to make friend with you and I'm not hungry," ngumiti siya sa babae at saka inilibot ang paningin sa buong canteen. Kanina pa siya palinga linga ta nagbabakasakaling makita si Austine.

"Sana pati rin kami, Brianaaaa." Narinig niya ang kantiyawan ng dalawa niyang kasamang lalaki.

"Bro, halatang may gusto sa 'yo si Briana." Nabigla siya nang bumulong si Nathan sa kaniyang tainga. Nginitian na lang niya si Nathan bilang tugon sa sinabi nito. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Nathan pero napapansin din niya ang mga simpleng kilos ni Briana kanina sa loob ng silid hanggang sa hindi na nga ito lumalayo sa kaniya.

"Parang kanina ka pa may hinahanap?" Nakangiting tanong ni Briana sa kaniya. Ginantihan na niya ito ng ngiti at saka nahihiyang tumugon.

"I'm just looking for my friend..." Dahil sa sinabi niya ay kaagad din na sinundan ng mga ito ang kaniyang paningin.

"Dito ba siya nag-aaral? Anong pangalan? Baka alam namin?" Sunod sunod ang naging tanong ni Anthony.

"Austine... Austine Alcantara," tugon niya kay Anthony habang nakangiti. Kanina lang ay nagdesisyon silang dalawa ni Austine na pagkatapos ng klase at kung sino ang mauunang lumabas ay kailangan na maghintay. Tumagal ng limang minuto ang kanilang pag-uusap kanina bago pumasok sa kaniya kaniyang silid.

"Pamilyar siya sa 'kin, lagi ko kasing naririnig ang pangalan niya sa mga contests dito sa school." Tiningnan niya si Nathan nang magsalita ito.

"Talaga?" Manghang tanong niya dito pero imbis na sagutin siya nito ay parang tumagos ang paningin nito sa kaniyang likuran at saka naningkit ang mga mata na para bang meron itong tinitingnan mula sa likuran niya.

"Sa tingin ko, siya na 'yon." Kusang gumalaw ang kaniyang katawan at nilingon ang sinasabi ni Nathan.

Laking tuwa niya nang makita si Austine. Sa wakas ay sabay rin silang kakain. Mukhang hindi siya nito napansin dahil deretso lang ang lakad nito. Ngayon lang niya nakitang ganoon ang ekspresyon ng mukha ni Austine. Mukha itong hindi masaya at iritado. Naagaw ang kaniyang pansin nang makitang may umakbay kay Austine. Nakaramdam siya ng inis nang makita iyon. Kahit na malayo ang kinaroroonan ni Austine at ng kasama nito ay alam niyang magkasing tangkad lang sila ng kasama ni Austine. Naiinis si David na isiping hindi siya ang kasama ni Austine.

****

"'ayan na ang pera, um-order kana kasi hindi ako nagugutom. Aalis na ako!" Inirapan niya si Jelo nang maibigay niya dito ang buong isang daan na nakalaan para sa kaniyang pambili ng pagkain. Masakit man sa kaniyang kalooban na ibigay dito ang kaniyang pang buong araw na badyet ay wala rin siyang magagawa. Sadyang matigas si Jelo kaya hinahayaan na lamang niya ito. Hindi na rin siya nagbabalak na isumbong ito sa adviser niya dahil ayaw niyang masangkot sa mga gulo at masira ang magandang performance niya bilang isang estudyante.

Handa na siyang talikuran ito nang bigla nitong isigaw ang pangalan niya.

"Austine Alcantara!" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang gawin nito iyon. Dahan dahan na inilibot ni Austine ang kaniyang paningin sa buong canteen. Sa tuwing ipapahiya siya ni Jelo ay ganoon na lamang ang kaniyang galit dito.

Nabigla ang lahat at kusang tumahimik ang buong paligid. Lahat ng tao sa loob ng canteen ay nakatingin sa kaniya. Hindi niya masikmura ang kahihiyan sa mga oras na iyon. Kahit na sobrang nag-aalangan siya na tingnan ang mga reaksyon ng tao ay ginawa niya pa rin. Mababakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya. Hindi niya akalain na gagawin iyon ni Jelo.

Bigla siyang natigilan nang makita niya ang isang pamilyar na mukha sa di kalayuan. Maigi lamang itong nakamasid at parang hinihintay nito ang susunod na kilos niya. Sa kaloob looban niya ay humihingi na siya ng tulong. Tulong na sana ay manggaling sa bagong kaibigan. Na sana ay iligtas siya nito sa ganoong sitwasyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Si David ang nakikita niyang may kasamang iba na sa palagay niya ay mga kaklase nito ang mga iyon.

Nakatitig lang siya kay David habang hindi pa rin gumagalaw at iniisip kung ano ang dapat na gawin. Biglang nag-iba ang kaniyang paningin nang makita ang isang babae na halatang nagpapapansin kay David. Nakita niya kung paano nito ilingkis ang mga kamay sa braso ni David. Sa kung ano mang bagay ay may kung anong kumurot sa kaniyang puso. Ramdam niya rin ang tila pagkawala ng kaniyang boses para banggitin ang pangalan ni David. Naguguluhan siya sa kaniyang sarili at pilit na tinatanong kung bakit ganoon ang kaniyang reaksyon nang makita niya itong may kasamang iba at lalong naguluhan siya kung bakit siya nasasaktan sa nakikita.

Naramdaman niya ang paglapit ni Jelo sa kaniyang likuran.

"Akala mo 'yon lang ang kaya kong gawin? Makinig ka," nagulat siya nang nakangisi itong bumulong sa kaniya. Doon lang siya natakot ng husto kay Jelo. Hindi pa rin siya nagsasalita kay isang sigaw na naman ang pinakawalan nito.

"Gusto kong malaman niyo! Na kami ni Austine Alcantara! Matagal nang kami!" Parang isang hangin ng delubyo ang dumampi sa mukha ni Austine nang buong lakas na isigaw iyon ni Jelo. Nagpaulit ulit ang mga salitang binitawan ni Jelo sa isip ni Austine. Tuluyan na siyang naestatwa sa kinatatayuan at parang wala nang sasabihin.

Ang lahat ay naghiyawan habang ang iba naman ay nagtatawanan. Rinig na rinig iyon lahat ni Austine at bawat salitang maririnig niya sa kaniyang paligid ay parang mga karayom na tumutusok sa kaniyang katawan. Nasasaktan siya at nagsisimula nang mabasa ang kaniyang mga mata. Kusang napunta kay David ang kaniyang paningin. Hindi nga nagkamali si Austine. Galit ang ekspresyon ng mukha nito at kitang kita niya kung paano kumuyom ang mga kamay nito.

Dahan dahang kumilos at saka hinarap si Jelo. Kitang kita nito ang sunod sunod na pagtulo ng kaniyang luha habang nakatingala siya dito. Parang umurong naman ang dila ni Jelo nang makitang umiiyak si Austine at nagsisimula nang humikbi. Naramdaman ni Austine ang marahan na pagtaas at baba ng kaniyang balikat. Senyales na siya ay umiiyak.

"Sobra kana!" Iyon na lang ang tanging naibulalas ni Austine at kasabay niyon ay ang malakas na pagdapo ng kaniyang palad sa mukha ni Jelo.

Pagkatapos nang nangyari ay tumingin siya sa paligid at saka huminto ang paningin sa kinaroroonan ni David. Hindi niya alam kung nasaktan ba siya sa ginawa ni Jelo o sa hindi paglapit at ang hayaan na may ibang kasama si David. Patuloy na ginugulo ng mga nangyari ang kaniyang nararamdaman.

Patakbo siyang lumabas ng canteen habang humihikbi.

Naroon pa rin si David sa kinatatayuan. Nakita nitong umiyak si Austine pero wala man lang itong ginawa. Mas nangingibaw dito ang ini nang makita nitong may kasamang iba. Mas lalo lang itong nagalit nang marinig na mag-on na pala ang dalawa. Kahit na anong mangyari ay hindi nito matitiis ang kaibigan. Mahalaga si Austine para kay David. Mabilis nitong sinundan si Austine.

****

Kanina pa walang imikan si Austine at David sa loob ng kotse. Pareho silang walang balak na magpansinan. Kanina lamang ay hinahabol ni David si Austine pero hindi siya nito pinapansin. Patuloy siya sa pagtawag ng pangalan nito pero ni hindi man lang siya nililingon hanggang sa umabot na nga sila sa labas ng library ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Maikli lang ang pasensiya ni David pero kapag tungkol na kay Austine ay parang hindi na lang niya iyon napapansin. Ang gusto lang naman niya ay maliwanagan siya kung bakit ganoon ang sinabi ng kasama nito na nobyo na nito ang lalaking iyon.

Nahirapan pa siya na kunin ang loob nito para sumakay na sa kotse. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon si Austine samantalang wala naman siyang ginagawang masama. Pasimple niyang sinilip ang mukha nito. Nakahanda na siya para suyuin ito na siya mismo ay hindi alam kung bakit niya iyon ginagawa. Palagay nga niya ay siya pa dapat ang magalit at mainis dito dahil hindi man lang nito sinabi na mayroon pa pala itong ibang kaibigan na lalaki bukod sa kaniya.

"Hey," untag niya dito pero hindi pa rin natinag ang katahimikan nito kaya hindi na niya napigilan na sundutin ito sa tagiliran.

"Ano ba?!" Saglit itong tumingin sa kaniya at kitang kita niya kung paano siya nito pagtaasan ng kilay. Pakiramdam ni David ay hindi na tama ang ikinikilos nito. Siya dapat ang magalit at hindi si Austine.

"Why are you so mad at me?!" Sa sandaling iyon ay tumaas na rin ang kaniyang boses. Tila nabigla naman si Austine sa pasigaw na tanong ni David.

"Wala!" Sigaw nito na hindi man lang nag abala na magpaliwanag. Hinihintay ni David ang sasabihin nito nang maintindihan niya kung bakit ganoon ang sinabi ng lalaki na kasama nito kanina. Hangga't maaari ay ayaw niyang alalahanin ang mga nangyari kanina sa loob ng canteen.

"Anong wala?! Yeah! It's all about that guy huh?!" Dahil sa matinding inis ay hindi na niya napigilan ang mga salitang kanina pa niya gustong sabihin dito. Kusa namang napalingon nang bigla si Austine nang mapagtanto nito ang mga sinabi niya.

"Bakit napunta sa 'kin?! Hindi ba't ikaw ang may kasamang babae kanina?! At aba! Kung makakapit sa 'yo, dinaig pa ang ahas na lumalambitin sa puno!" Nagtataasan na ang kanilang boses sa loob ng kotse at lingid sa kanilang pansin na nabibingi na si mang Kanor dahil sa alitan nilang dalawa. Kasalukuyan na umaandar ang kotse habang hindi pa rin tumitigil ang dalawa sa bangayan.

"What's the problem with that?! They're just my classmates and they want to me to be their friends! Why are you acting like so weird, Austine?!" Kung naging maso lang ang kanilang mga boses ay kanina pa basag ang mga salamin sa kotse. Pareho nang magkasalubong ang kanilang mga kilay habang walang gusto may magpatalo sa matatalim na tingin.

Hindi pa nakontento si David at kaagad na sumagi sa kaniyang isipan ang mga nagyari kanina kung paano umakbay ang kasama ni Austine.

"You already have a boyfriend?! You're too young!" Sigaw niya dito ngunit sa pagkakataong iyon ay nakita niya na isa isang lumabas ang mga luha sa mga mata nito. Napamaang siya nang magsimula nang humikbi si Austine. Habang tumatagal ay mas lalong tumitindi ang pag-iyak nito. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang siya mabahala sa tuwing iiyak si Austine.

"H-hindi ko naman siya b-boyfriend eh! M-matagal na niya a-akong b-binu-bully... Maghihintay ako na lumapit ka kanina kasi nahihiya a-ako sa mga tao, 'kala ko lalapitan mo 'ko." Ni hindi masabi ni Austine ang mga salita. Biglang natahimik si David dahil sa narinig. Nakikita niya ngayon ang kaibigan na nakasubsob ang mukha sa dalawang palad at patuloy pa rin sa pag-iyak. Nahabag siya sa nakikita at unti unting humupa ang galit sa kaniyang katawan.

"I didn't know... I'm sorry... I'm really sorry, Austine." Nakita na lamang niya ang sarili na niyayakap ang kaibigan. Kung kaya lang ma higupin ng kaniyang katawan ang sakit na nararamdaman nito ay kanina pa niya ginawa.

Naramdaman niya ang pagkilos nito. Nabigla siya nang tumugon ito sa pagkakayakap niya at saka ito nag-angat ng tingin.

"Siguro crush mo 'yon noh?" Tanong nito habamg pupungas pungas. Palihim siyang natawa sa hitsura nito dahil magulo ang buhok nito at parang bata na inagawan ng kendi.

"Hush now, she's just my friend, my classmate. Wala akong gusto sa kaniya..." Nagkatitigan silang dalawa. Gustong gusto na dugtungan ni David ang kaniyang sasabihin pero nagdalawang isip siya na baka nalilito lamang siya sa kaniyang nararamdaman.

Napangiti siya nang makita niyang ngumiti si Austine at saka ito mahigpit na yumakap.

"kapag maabot ko na ang mga pangarap ko, gusto ko nandiyan ka pa rin. Nandiyan ka pa rin bilang..." Naririnig ni David ang malumanay na boses ni Austine habang ramdam niya ang pag pintig ng puso nito. Kakaiba ang hatid niyon na para bang naapektuhan din ang kaniyang buong sistema. Saglit siyang naghintay sa susunod na sasabihin nito. Nang hindi niya ito marinig ay kusa na niyang inulit huling salita na binanggit nito.

"Bilang?" Pag-uulit niya. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito bago ito magsalita. Kinakabahan siya sa susunod na sasabihin nito.

"Bilang kaibigan," hindi mabasa ang ekspresyon sa mukha ni David sa mga sandaling iyon. May parte sa kaniyang puso masaya pero mat kaunting kurot at hindi niya iyon mahagilap kung bakit.

"I promise to stay and I want you to promise the same thing," dahil sa sinabi niya ay nag-angat ulit ito ng tingin at malapad ang ngiti na tinugon siya nito.

"Pangako," bumalik sa pagkakayakap ang dalawa at parehong pinapakiramdaman ang bawat isa. Humupa ang kanilang galit at napalitan iyon ng kagalakan.

****

Malapad na ngiti ang baon ni David nang dumating siya sa kanilang bahay. Hindi maialis sa kaniyang isipan na ganoon ang nangyari sa unang araw ng klase. Siguro ay nakaramdam siya ng selos noong nakita niya si Austine at ang kasama nitong lalaki at palagay niya ay ganoon din ang nararamdaman nito nang makita siyang may kasamang babae.

"Nagseselos kaya siya?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig dahil hindi na rin niya mapigilan ang saya na nararamdaman.

Nagitla siya nang marinig ang ingay sa loob ng mansyon. Deretso niyang tinungo ang kusina dahil doon nanggagaling ang ingay. Habang naglalakad ay naririnig na niya ang sigaw ng kaniyang ina. Hindi niya maintindihan kung bakit ito sumisigaw. Hinanap ng kaniyang paningin ang kaniyang lola Paula subalit hindi niya ito makita. Dinalaw siya ng matinding kaba nang sumilip siya mula sa pintuan ng kusina. Namilog ang kaniyang mga mata nang makita ang ina na magulo ang buhok at sumisigaw. Nang bahagyang itaas nito ang kabilang kamay ay nakita niya ang isang baso na halatang sinadya nitong basagin.

"Mom! What are you doing?!" Kasabay ng sigaw niya ay ang mabilis na paglakad niya papunta sa kinatatayuan ng ina.

"You're dad! He's in coma!" Maagap niyang hinawakan ang ina sa magkabilang braso nito at mabilis naman siya nitong niyakap. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ramdam niya ang paghagulgol nito sa katawan niya.

"What?! That's not true!" Hindi kaagad na rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi ng kaniyang ina. Napalitan ng takot at kaba ang kaninang sigla.

"Nabangga ang kotseng sinasakyan ng dad mo pero bago pa mangyari ang aksidente, nakita ng mga pulis na may kasamang ibang babae ang dad mo! He's cheating, anak!" Parang tinatarak ang kaniyang puso nang marinig ang mga salitang iyon. Mabait ang kaniyang ama at  kahit kailan hindi niya ito pinag-isipan ng masama para saktan nito ang kaniyang ina.

"This is not happening, right?!" Naging dahilan ang matininding emosyon kung bakit siya pumiyok nang tanungin ang ina. Alam niyang hindi magsisinungaling ang ina.

"Kailangan tayo ng dad mo! We have to go–" parang nabingi siya nang sabihini nito iyon. Hindi nuya gusto ang ideya na aalis sila sa Villa Paula. Maraming dahilan kung bakit gusto niyang mamalagi sa tahanan ng kaniyang lola at isa na doon si Austine sa napaka importanteng dahilan.

"No! I won't leave, Villa Paula! Kung gusto niyong pumunta, kayo na lang ma!" Tila umusbong ang tapang sa kaniyang katawan. Hindi niya pwedeng baliin ang pangako kay Austine.

Kitang kita niya ang pagkalito sa mukha ng kaniyang ina. Tila hindi nito gusto ang kaniyang sinabi.

"Buhay ng dad mo ang nakataya dito! Kahit na nagkasala siya, ama mo pa rin siya! Asawa ko siya! We need the best doctors! At kailangan na natin siyang madala sa Amerika sa lalong madaling panahon!" Mas lalong humigpit ang mga kamay nito sa kaniyang katawan at para bang sinisigurado nitong hindi niya dapat itong biguin.

Sa sitwasyong iyon ay nagtatalo na ang kaniyang isip at nararamdaman. Tama ang kaniyang ina. Kailanga sila ng kaniyang ama. Hindi na namalayan ni David ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Nahihirapan siyang isipin ang kalagayan ng kaniyang ama at isiping iiwan niya si Austine. Ang tanging tao na nagparamdam sa kaniya na lahat ng bagay ay posible kapag may tiyaga.

Nanghihina ang kaniyang paningin habang tinititigan ang kaniyang ina. Pareho silang nag-iiyakan at parang hindi mahagilap ang mga tamang salita na dapat sabihin.

"Mom... I just need to see Austine before we leave," pakiusap niya dito habang patuloy sa pangingilid ang kaniyang mga luha.

"We don't have time, anak!" Mariin nitong hinawakan ang kaniyang kamay.

"I just need to see Austine! 'yon lang ang hinihingi ko, ma!" Marahas niyang tinanggal ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang kamay at saka mabilis na tumakbo palayo sa ina. Narinig na lamang niya itong sinisigaw ang pangalan niya.

"Daviiiiiiiid!!!"

Tinahak niya ang lawak ng buong Villa Paula. Wala siyang ibang maisip kundi puntahan ang kwadra ng mga kabayo. Nagmadali siyang tumakbo para marating iyon. Deretso siyang pumasok sa loob at saka hinanap ang stallion. Alam niyang mas mabilis ang ganoong uri ng kabayo kaya mabilis niya iyong kinuha at buong tapang na sinakyan iyon. Nagsimula siyang sipain ang kabayo sa likod nito at dahil doon ay mabilis na tumalima ang kabayo para bigyan siya ng pinakamabilis na takbo.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa tali nito upang maging balanse ang kaniyang timbang sa ibabaw ng kabayo. Ramdam niya ang matitinding tunog gawa ng sinasakyan na kabayo. Wala siyang ibang maisip kundi ang marating ang bahay ni Austine.

****

"Mamaaaaaaaa!!!" Isang matinding sigaw ang pinakawalan ni Austine nang makitang nakahandusay sa sahig ang kaniyang ina. Ang katawan nito ang agad na tumambad sa kaniya nang buksan niya ang pinto ng bahay. Wala na itong malay.

Bumalot sa buong pagkatao ni Austine ang pagkagulat at takot dahil sa nakita. Dali dali niya itong hinawakan para buhatin pero habang ginagawa niya iyon ay naramdaman niya ang pag-agos ng malagkit na dugo sa kaniyang balat. Unti unting binabawian siya ng diwa dahil sa nakita. Kaagad niyang hinawakan ang pulso ng ina pero wala na siyang maramdaman. Hindi na rin ito humihinga.

"Tulooooooooong!!!" Sa pangalawang pagkakataon ay sumigaw siya ulit. Maraming katanungan sa kaniyang isip pero mas nangingibabaw ang takot at pag-aalala sa kaniyang ina.

Napalingon siya nang biglang kumalabog ang pinto at doon lang niya nakita ang kaniyang ninang Hulyana at ang iba pang tao na nakatingin mula sa bintana.

"Diyos ko! Tisaaaay!!!" Tanging naisigaw na lamang ng kaniyang ninang. Nagmamadali ang lahat na pumasok sa loob ng bahay para kunin ang nakabulagtang katawan ng kaniyang nanay. Humahagulgol siya sa iyak habang hawak hawak niya ang kamay ng nanay.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang paparating na ambulansya. Mabilis ang naging kilos ng mga taong tumulong na buhatin ang kaniyang nanay para maisakay ito doon. Nang maisakay na ang kaniyang nanay ay akmang sasakay na rin sana siya pati ang kasama ang kaniyang ninang pero mabilis na hinawakan siya ng isang babae.

"Pasensiya na pero hindi pwede ang bata sa loob, ikaw na lang misis." Tinukoy nito ang kaniyang ninang.

"Mama ko po ang nasa loob! Kailangan niya ako!" Sinigawan niya ang babae na kanina lamang ay nakita niyang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sa ginagawang pag-asikaso sa kaniyang nanay.

"Austine anak, ayos lang yan. Sige na, ako na ang bahala sa mama mo. Sumunod ka na lang agad ha?" Sasagot pa lang sana si Austine sa kaniyang ninang pero mabilis ang naging kilos nito para makapasok sa loob ng sasakyan. Naiwan siyang nakatulala at parang hindi alam ang gagawin. Hindi pa rin sumasagi sa isip niya ang nangyari sa kaniyang nanay. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Sa kabilang banda ay iniisip rin niya na posibleng may gumawa ng hindi maganda sa kaniyang nanay.

Natingin ang mga tao sa kaniya pero wala siyang pakialam sa mga ito. Naghanap siya ng masasakyan pero wala siyang makita hanggang sa mawala na lang din sa paligid ang mga tao na kanina lamang ay panay ang bulong bulungan.

"Austine!!!" Isang sigaw ang nagpalingon sa kaniya sa 'di kalayuan. Malayo pa ito sa kaniya ay kilalang kilala na niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Nang makalapit na ito ay saka lamang niya nakita ang isang tao na nakasakay sa itim na kabayo.

"David?!" Bulalas niya nang makita niya ito. Mabilis ang naging kilos nito at agad din namang bumaba. Walang anu ano'y kaagad siya nitong niyakap. Nagulat siya nang makita itong umiiyak.

"I have to leave and I just want you to know that I'll be back," hindi siya nito pinapakawalan sa pagkakayakap. Sa sobrang higpit ay parang hindi na rin siya makahinga. Alam niyang may mali at may pinag-dadaanan ito. Ramdam niya iyon at kitang kita sa mga ikinikilos nito.

"A-anong ibig mong sabihin? At b-bakit ka umiiyak?" Takang tanong niya dito habang pasimple niyang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Aalis na kami dito sa Villa Paula, masyadong mahirap para ipaliwanag–"

"Ipaliwanag mo!" Sumigaw na siya dito. Naiintindihan na niya ang gusto nitong iparating. Kung ano man ang dahilan nito ay gusto niya pa rin na malaman.

"Babalik ako... Babalikan kita, Austine. Babalikan kita kasi mahal kita, mahal na kita Austine." Kasabay ng mga salita nito ay ang pagiging garalgal ng boses nito na mas lalo lang nagbigay ng kalituhan sa kaniyang buong pagkatao.

"David–" pigil ang hininga na hindi niya naipagpatuloy ang gustong sabihin nang bigla siya nitong halikan. Isang halik na hindi aksidenteng nangyari. Ramdam niyang isa iyong halik na sinadya talaga nito. Namilog ang kaniyang mga mata dahil sa ginawa ni David.

"Sa ngayon, iiwan kita. Kailangan kitang iwan, Austine." Nakatulala lamang siya sa mga sinasabi nito hanggang sa mapansin na lang niya itong naglalakad palayo sa kaniya. Dahil doon ay mabilis siyang kumilos para habulin ito.

Matinding emosyon ang lumalabas mula sa kaniyang katawan at sa pagkakataong iyon ay hindi na niya iyon mapipigilan. Bigla niya itong niyaka mula sa likod nito ngunit naging marahas ang mga kamay nito. Tinanggal nito ang pagkakayakap niya.

"Mahal din kita, David." Sinigurado niyang maririnig nito iyon subalit tila wala itong naging reaksyon at nagpatuloy lang sa paglalakad para puntahan ang kabayo. Sinundan niya pa rin ito kahit na nakasampa na ito sa kabayo.

"Mahal kita, David!!" Isinigaw na niya dito nang buong lakas ang kaniyang nararamdman. Wala siyang pakialam kung sino ang makakarinig. Hindi ito nagbigay ng kahit isang saglit na tingin. Kaagad nitong sinipa ang kabayo at saka mabilis na pinatakbo. Dahil sa sobrang pagkataranta ay hinabol pa niya ito. Hindi niya pinapansin kung saan na siya tumatakbo ang mahalaga sa lahat ay mahabol niya ito at mapigilan na umalis. Habang papalayo nang papalayo ang kabayo ay parang napapagod na ang kaniyang paa para tumakbo. Masakit isipin na lalayo sa kaniya ang taong nagbigay ng pag-asa para maramdaman niya na karapatdapat siyang mahalin ng isang David Ortega. Sa huling lakas  ng kaniyang katawan ay isinigaw niya ang pangalan na minsan nang bumuo sa kaniyang puso.

"Daviiiiiiiiiid!!!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status