Share

*°•PROLOGUE•°*

"Uy, anak! Ano na naman bang ginagawa mo diyan?" Tuwang-tuwa si Austine nang lingunin niya ang kaniyang ina. Walang pakundangan sa pagkendeng para lang makasabay sa tugtog ng kapitbahay. Natatawa na lamang ang ina dahil sa ginagawa ng anak.

"Aba! Mareng Tisay, meron ka nang anak na dalaga na, binata pa," natatawang hiyaw ng kumare ni Tisay na si Hulyana.

"Tama po kayo diyan, Aling Hulyana," biglang sabat naman ni Austine at saka lakas loob na lumakad na parang isang modelo sa isang magasin

Nagagalak ang nanay ni Austine dahil sa ginagawa niya at ganoon rin naman ang kumare nito.

Sobrang swerte ng nanay ni Austine dahil sa likas na pag-uugali niya. Kahit na kakaiba siyang kumilos kumpara sa mga normal na lalaki ay tanggap nito ang buong pagkatao niya.

"Naku! Ang dapat na itawag sa 'yo ay dyosa ng kalikasan!" Napatawa si Tisay dahil sa tinuran ng kumare. Mabuti na lamang at hindi lang ang nanay ni Austine ang may mabuting loob para tanggapin ang kasarian na meron ang bata.

"Mare! Sa totoo lang, itong anak mo'y may potensyal sa pagmomodelo! Aba! Kanino pa ba magmamana sa pagiging tisay, kundi sa 'yo!" Nagiging eksaherada na ang kumare ni Tisay at natatawa na lang ang nanay ni Austine sa mga sinasabi ng kumare kahit na alam ni Tisay na totoo naman ang lahat ng sinasabi nito.

"Anak! Bigyan mo nga ng isang pose si tita Hulyana mo," sigaw ni Tisay sa anak. Kaagad naman na tumalima si Austine at saka humarap sa kanila para bigyan sila ng pinaka magandang posisyon.

"Oh, pak! Oh ayan," Hiyaw naman ni Hulyana kasabay ang tuwa at pagpalakpak nito.

Napapangiti naman ang mga taong dumaraan malapit sa kanilang bahay. Ilang minuto pa ang lumipas bago lumapit si Austine sa kaniyang nanay.

"Ayoko na, ma! Pagod na po ako!" Natawa ito dahil sa hitsura ng anak. Mabilis na nag ayos si Austine at saka agad na lumapit dito. Napansin naman ni Austine na palapit sa kanila ang kumare ni Tisay na si Hulyana.

"Mama si aling Hulyana po, parang may ibabalita sa 'yo," biglang sabi ni Austine.

"Hintayin na muna natin si Hulyana, baka may alam na naman kasi itong labada. Para may ipambili tayong school supplies mo sa sa susunod na pasukan, anak." Natuwa naman si Austine sa sinabi ng kaniyang nanay. Sumilay ang ngiti sa mukha ng kaniyang nanay.

"Mareng Tisay! Uy! Alam mo ba, may bagong lipat doon sa Villa Paula! Mukhang mayaman ang bagong lipat at saktong naghahanap ng labandera! Diyos ko! Ang laki ng bayad nila at sigurado akong hindi masyadong madumi ang mga lalabhan doon kasi malilinis naman 'yon!" Nakikinig lamang ang ina ni Austine habang nagsasalita ang kumare nito. Bilib na bilib naman si Tisay sa lawak ng kaalaman ni Hulyana patungkol sa mga paglalabada.

"Oh bakit mare, hindi mo ba susubukan doon?" takang tanong ng ina.

"Mare, hindi lang isa ang kailangan nila kundi tatlo! Naisip kita at itong inaanak kong si Austine." Napatingin si Hulyana kay Austine at saka malapad na ngumiti.

"Aba! Sigurado ka diyan mareng Hulyana?! Naku mukha ngang galante ang mga taong iyon." Kitang kita ni Austine ang manghang mukha ng kaniyang nanay dahil sa sinabi ng kumare nito.

"Oo, mare! Naku! Sigurado akong masasarap din ang pagkain ng mga iyon," dagdag pa nito. Natawa na lamang si Tisay sa pagiging eksaherada ng kumare.

"Anak, kaya mo na ba akong tulungan sa paglalabada?" nakangiting tanong ni Tisay sa anak. Para kay Austine, makita niya lang na nakangiti ang nanay ay sapat na sa kaniya kaya hinding-hindi siya mag aalinlangan na tulungan ito sa kahit na anong malinis na paraan man nito gusto.

"Oo naman, mama! Ako pa ba! Fifteen years old na kaya ako!" Nangungusap ang mga mata ni Austine. Natuwa naman ang kumare ni Tisay sa tinuran ng inaanak kaya masaya nitong kinurot si Austine sa pisngi.

"Naku! Iba talaga itong dalaga mo, mare! Este, itong binatilyo mo," Natatawang inasar siya nito.

"Kailan ba tayo magsisimulang maglaba sa kanila?" interesadong tanong ni Tisay kay Hulyana.

"Aba! Bukas na bukas din!" mabilis na sagot nito. Walang ibang naramdaman si Austine sa mga sandaling iyon kundi ang saya dahil kahit na mahirap ang buhay ay magkasama pa rin sila ng kaniyang nanay kahit na matagal nang wala ang kaniyang tatay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status