Share

:ஐ¤ꕥ LOVE III ꕥ¤ஐ:

ღ STRUGGLE ღ

☆*★*♪ EDWARD'S LOVE ♪*★*

Nakakapagod maging sikat, minamahal ka ng lahat. Nakakapagod maging guwapo, wala namang nagiging girlfriend na matino. Nakakapagod maging sexy, syempre pagnanasahan ka ng lahat. Teka ano ba ‘tong mga pinagsasabi ko? Nakakapagod talaga…

Tumayo ako sa higaan ko, at nakikita ko pa ding tulog ‘tong si Jayd na mukhang hamster kapag tulog, ay mali kahit hindi pala tulog mukha pa ring hamster. Bumangon na lang ako at pumunta sa kusina, nagtimpla ng kape at napalaman ng tinapay. Tinanggal ko ang muta ko, at sabay badhing. Letseng katawan ‘to, grabe talaga pinag-uusapan na naman siguro ako. After kong mag almusal, dumiretso agad ako sa banyo at tapos gising na pala ‘yung ibang member namin. Nag-almusal na rin sila except kay Zeyan. Tulog mantika kasi yun ‘di siya magiging hanggang ‘di siya gigising.

Maski nga daganan mo habang tulog ‘di talaga siya nagigising, sulatan mo man ‘yung mukha niya ‘di pa din nagigising. Lagyan mo ng yelo ‘yung itlog niya ‘di pa din nagigising, kaya nga tulog mantika eh. Nang nakarating ako sa banyo may naalala na naman tuloy ako. Oo nga! Ito na pala ang unang araw ng pagiging On Hold Idol namin, dahil sa financial problem ng school namin. Malaki naman ang tuition namin at bakit kami nawalan ng pera? Somethings fishy ang nangyayari dito.

Monday ngayon at may pasok na kami, iisang subject lang naman ay ‘yon ay Physical Education. Iisang subject lang naman pa major subject ‘tong PE teacher namin eh, nakakapagod pa! Baka maging 10 pack na ‘tong abs ko. Tsk… Tsk…

“Maganda umaga!” Bati ni Zeyan habang inuunat niya ang kanyang mga braso’t balikat. Nakikita ko sila dito, dahil bukas ang pintuan.

“Maganda umaga din.” Bati ni Mint, ‘di ko alam kung bakit ang kyut kyut nitong lalaking ‘to haha. Napagkakamalang babae nga dito ‘yan eh, mas maganda pa daw siya sa babae. Kaya laging nabubully namin, sobrang mahinhin kasi haha.

“Hoy! Edward ang tagal mo naman diyan!” ‘Di makapag-antay na sabi ni Tayumi, okay okay matatapos na ako! Binanlawan ko na ‘yung mukha ko tapos sabay labas ng banyo. Dumiretso ako sa kuwarto ko para ayusin ang gamit ko, para ready na ako mamaya. Maliligo na pala ako? Teka wala akong kasabay? Huhugutin ko na nga lang si Zeyan.

“Zeyan! Sabay tayong maligo…” Paanyaya ko sa kanya, tumingin siya sa ‘kin tapos.

“Hindi muna ako maliligo ngayon, mabango pa naman ako eh.” Sabi niya sa ‘kin, okay ah?

“Mint! Sabay tayong maligo!” Paanyaya ko kay Mint.

“Sabay kami ni Edwin eh.” Ano ba ‘yan, si Jayd na nga lang.

“JAYD! Sabay tayong maligo tara na!” Sabay hatak ko sa kanya.

“‘Di pa ako nag-aalmusal.” Ani niya.

“Mamaya na ‘yang almusal na ‘yan mas importante nakaligo na tayo.” Alibi ko haha, wala siyang choice kinuha niya lang ‘yung tuwalya niya at brief sa kuwarto niya tapos naligo na kami. Ilang oras ang nakalipas, oras ako maligo eh kaya kutis artista ang balat ko. Nagsipag-ligo na silang lahat, tapos makalipas ulit ng ilang oras sabay sabay na kaming pumasok.

“Nagugutom na ako, peste kasi ‘tong si Edward ‘di pa nga ako nag-aalmusal eh.” Reklamo ni Jayd at least binigyan ko siya ng pleasure kanina LOL Joke lang. Kinuha ko ‘yung biscuit sa bag ko tapos ibinigay ko sa kanya.

“Oh! Eto, kainin mo baka mahimatay ka na naman sa P.E.” Sabi ko sa kaniya tapos nagtawanan kaming anim, bakas sa mukha niya na naasar siya d’on.

“Anong sinabi mo?” Sabi niya niyakap niya ako sa likuran tapos sinakal niya ako sa leeg.

“Hindi ako makahinga…”

“Group hug!” Sigaw ni Marko tapos nagsilapitan silang lahat sa ‘kin tapos nag-group-hug kami. WOW! Ganda ng group hug niyo tae! Inipit nila ako ‘di na ako makahinga, dahil sa sobrang pagkakaipit nila sa ‘kin nahihilog ako. Nang tinanggal nila ang pag-kakayakap nila sa ‘kin halos ‘di pa rin ako makahinga, dahil mukhang nayupi ata ang dibdib ko sa ginawa nila sa ‘kin.

Biglang nag ring ‘yung bell at nagising kaming lahat sa katotohanan. Tumakbo kaming lahat papuntang gymnasium, dahil late na late na kaming pito. Sa kakamadali namin, may nabasa akong post sa announcement area. Wala daw kaming P.E.! Ano ba ‘yan! Napatakbo pa kami ng wala sa oras, hingal na hingal tuloy kaming pito.

“Wala naman pala tayong P.E. kyahahahaha, tumakbo pa tayo kyahahaha” Hingal na hingal na tawa ni Marko.

“Sino ba ang may pasimuno?” Lahat kami nakatingin kay Leader.

“Ba’t kayo nakatingin sa ‘kin?” Tanong niya.

“Sino ba kasi ang unang tumakbo…” Sabi ko.

“Oo nga! Siya may kasalanan!” Sabi ni Mint habang tinuturo niya si Jayd. Si Jayd naman tumingin lang ng malagkit kay Mint na nagsasabing kapag ‘di ka tumahimik, itatapon kita sa ilog pasig.

“Tama! Ikaw may sala kaya manlilibre ka!” Natutuwang sabi ni Edwin, si Zeyan naman walang pakielam pagod eh busy siya sa pangungulangot. Nakita kong lumapit si Edwin kay Zeyan, tapos binatukan niya ‘to.

“Hoy! Tigil tigilan mo nga ‘yan nakakadiri. Idol ka pa man din.” Suway ni Edwin sa kanya, na may kasamang batok.

“Gusto mo kulangutin ‘di kita? Paki mo ba?” Sabi niya tapos, nagpapakyut pa ‘to habang inuturo niya yung daliring ginamit niya sa pangungulangot. Nandiri si Edwin at tumakbo palayo sa kanya pero sinundan siya ni Zeyan.

“Sige sige! Manlilibre na kung manlilibre! Sa’n gusto niyo?” Tanong niya sa ‘min, tapos ‘di kami makapag-isip. Tutal gutom naman siya alam ‘ko kung sa’n magandang kumain.

“Doon na lang oh!” Sabay turo sa canteen. Tumungo na lang siya at naglakad na kami papunta doon. Ilang minuto din kaming naglakad tapos biglang nagkaroon ng kaguluhan, doon banda sa gate.

“Ano meron d’on?” Sulyap ni Marko sa tao d’on na nagtitipon-tipon. Napaka-tsismoso talaga ‘tong si Marko.

“Tara puntahan muna natin.” Dagdag ni Tayumi, geez parehas tsismoso. Wala din akong nagawa, tumakbo kaming pito d’on at tinignan kung sino ‘yung pinagkakaguluhan.

“Tignan mo pare? Oh? Artista ba ‘yan?” Tanong ng isang lalaki sa katabi.

“Hindi ko din alam pare, ang liit niya at may itsura.” Ani sa kanya ng kausap niya, hah? Sino? Sino wala akong makita? Napansin ko na lang na may kasama ‘yung Sir Julius na isang lalaki. Oo nga, maliit lang siya at may itsura. Mas hamak naman na may itsura ako sa kanya no? Who cares mas guwapo kaming INFINITIZE!

Teka? Lalake ba siya? Ba’t mukha siyang babae?

“Pare? Lalake ba ‘yan?” Tanong ko sa kanilang dalawa…

“Tanga ka ba dude? Dito pumasok kaya malamang sa malamang lalake ‘yan.” Sagot niya.

“Ah… Okay…” Tumungo ako, ba’t ‘di ko naisip ‘yun? Alangan naman babae mag-aaral sa INSPIRIT UNIVERSITY? Siguro kung babae sya lalabas na siyang buntis kapag nagkataon.

“Wala palang kuwenta ‘to eh, tara makaalis na nga.” Sabi sa ‘min ni Edwin at sumunod na kami sa kanya, tumingin ulit ako sa mukha ng lalake na ‘yun. Mukha talaga siyang babae, ahh… Siguro sa buhok niya, long haired guy kasi kaya mukhang babae. Dapat mag pagupit siya kundi yari siya sa mahilig mambully dito sa school na ‘to. Kasama na ‘ko d’on, kaya mag-ingat siya sa ‘kin…

“HOY!? EDWARD?!”

“ANAK NG ASDFGHJK!” Napasigaw ako sa sobrang gulat ko, ginulat ba naman ako ni Jayd.

“Wahahahah!” Tawa nilang lahat dahil nakakatawa daw ako dahil napatalon daw ako ng wala sa oras. Sino bang hindi tatalon ng masigawan sa tenga? Sigawan ko nga din kayo!

“Ba’t ka kasi ang lalim ng iniisip mo?” Tanong sa ‘kin ni Zeyan.

“Ah… wala lang… Hoy Jayd! Dahil ginulat mo ako! TIMES TWO ang libre mo!” Nagtawanan kaming lahat at nag agree silang anim. "Kapag may kaibigan ka mag handa ka na!" Dahil matutuyot ang pitaka niya ng wala sa oras kaya dapat laging handa. Hahaha…

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status