Share

CHAPTER 4

Chapter 4

Marlia POV

Uwian na namin at palabas na ako ng company ng may biglang humintong kotse sa harapan ko.

" Ms. Marlia sakay na po".saad ni james. 

" Wow ms castro may kotse ka pala at may driver ka pa ". saad ni sarah yung katrabaho niya.

" Oo nga mam mayaman ka naman pala eh bat nagtratrabaho ka pa ". saad pa ng dalawa pa niyang katrabaho. 

Nasa likod ko na rin pala ang mga katrabaho. Kaya umisip muna ako ng ipapalusot ko bago ako magsalita.

" Ah eh hindi tinawagan ko lang yan grab yan medyo malayo kasi ang bahay ko kay nagbook ako ng grab. Gusto niyo bang sumabay para makatipid kayo ng pamasahe? ". Palusot ni marlia sa mga katrabaho. 

" Ah ganun ba sige sabay na kami sayang naman eh " saad ni sarah at nagtawanan sila. 

Pinaglakihan ng mata ni marlia si james upang ipabatid na makisang ayon rin siya sa kanyang palusot.

Nakasakay na ang mga katrabaho ko sa kotse kaya sumakay na rin ako at umalis na kami. Habang nasa loob ng kotse. 

" Hi Kuya grab driver ang gwapo mo naman pwede bang ikaw na lang ang lagi kong ibook ".saad ni sarah  habang nagpapacute kay james. 

" Ah eh part time ko lang po ito mam ". palusot na saad ni james. 

Habang si marlia ay napapahawak sa noo.

Naihatid na namin  ang mga katrabaho ko at pauwi na rin kami sa bahay. 

" Pasensya kana james ah sa mga katrabaho ko ". Saad ko sa kanya.

" ayos lang po yun mam wala naman po akong gagawin ngayong week eh ". Sagot naman ni james.

" Ah ganun ba? Bakit asan si tyrone? ". Tanong ko sa kanya. 

" Ah mam may business trip po kasi siya sa china 1week po siya dun ". Sagot ulit ni james.

" Ah okay ". Saad ko kay james na medyo lumungkot ang aking boses.

" ako lang pala mag isa sa bahay saad ni marlia at napa bugtong hininga ". 

Actually hindi naman ako mag isa kasama ko naman si manang edna kaya lang wala si tyrone mamimiss ko siya ng 1week.

Nakarating na kami ng bahay at nakaalis na rin si james. Habang papasok ako ng bahay ay biglang tumunog ang aking cellphone.

New message from LOVE ❤️ 

~may business trip ako for 1week si james muna ang bahala sayo habang wala ako mag iingat ka dyan~ saad sa text.

" wow himala at nagtext sakin si tyrone ano kaya ang nakain neto.hehe nakakatuwa lang kasi madalas kasi kapag may lakad siya o business trip hindi ko na nalalaman kasi hindi naman niya sinasabi ngayon nkakapanibago dahil nagtext siya sakin.

Pagtapos kong mabasa ang text ay pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat na rin ako sa kwarto upang makapagpalit na ng damit. 

Habang Nag aayos ako para matulog nagbloblower ako ngayon ng aking buhok nang biglang nag ring ang aking phone ko. 

Ring....ring...ring...LOVE is calling

Ng makita ko kung sino ang tumatawag ay sinagot ko agad ito.

" Hello love napatawag ka? ". Saad ni marlia 

" patulog kana ba? " Tanong ni tyrone 

" ah hindi pa naman nagbloblower pa ako ng buhok". Saad ko sa kanya sa tawag. 

" Gusto ko lang sabihin na sa sunday may family dinner sa bahay namin. Kaya lang hindi ako makakasama dahil nasa business trip ako kaya ikaw lang muna ang pumunta ". Saad ulit ni tyrone sa telepono. 

" Ah ganun ba sige walang problema aattend ako sa family dinner  magpapahatid na lang ako kay james. May iba ka pa bang sasabihin? ". Saad ko ulit sa kanya.

" Ah yun lang sige bye ". Saad ni tyrone Sabay baba ng telepono 

" Wait tyrone may sasabihin pa ako pero bigla ng pinatay ni tyrone ang tawag. "

sayang binaba na niya agad tatanungin ko pa siya sana eh kung kumain na siya. Tetext ko na lang typing. 

~Love goodnight take care there i love you so much ~ at sinend ko na ito.

Tinapos ko na ang pagbloblower ng aking buhok . nang matapos na ako ay humiga na ako sa kama at natulog na ako.

Kinabukasan.

" Iha ito na yung baon mong lunch alam kong may mga restaurant naman doon pero mas masarap pa rin ang lutong bahay ". Saad ni manang edna.

" Maraming salamat po manang kaya love na love ko po kayo eh ". Saad ni marlia sabay ngiti rito.

" Sige po manang aalis na po ". Saad ulit ni marlia at lumabas na ng bahay.

Paglabas niya ng bahay ay nakita na niya si james sa labas ng gate at hinihintay na siya.

" Good morning po ma'am tara na po ". Saad ni james sabay bukas ng pinto.

" Good morning din james ". Saad ni marlia sabay sakay na sa kotse.

" James dapat hindi kana nag abala eh kaya ko naman mamasahe papasok sa trabaho eh". Saad ni marlia rito.

" Okay lang po ma'am tsaka ibinilin po kayo saakin ni sir tyrone kaya trabaho ko po ito ". Saad ni james habang nag mamaneho.

" Oh sige na nga pero sa medyo malayo mo na lang ako ihatid ah. Baka kasi may makapansin na naman sa mga katrabaho ko eh ". Saad ulit ni marlia.

" Okay po ma'am wala pong problema ". Sagot naman ni james sa kanya.

Mayamaya lamang ay nakarating na sila sa company .

" Thank you james sa paghatid mag iingat ka sa pagmamaneho ". Saad ni marlia sabay baba ng kotse.

umalis na rin si james at pumasok na sa loob si marlia.

Nakapag adjust na rin ako rito mababait ang mga katrabaho ko at madali lang sila pakisamahan. Kaya naging okay ako agad dito. 

" Miss marlia, mamaya sabay tayong kumain ". Saad ni sarah sa kanya.

" Okay sige may baon pala ako share tayo " saad ko kay sarah.

" Uyy sosi may baon ka pa sigesige mamaya patikim ako ng baon mo ". Saad ni sarah na medyo nakangisi.

At nagpatuloy na sila kanilang mga ginagawa.

LUNCH BREAK

" Wow ang sarap naman nitong baon mo ". Saad ni sarah

" Hehehe salamat ". Sagot naman ni marlia

" Sinong nagluto ? Nanay mo for sure ". Saad naman ulit ni sarah.

" Ah eh oo nanay ko. " Sagot naman ni marlia na medyo nag aalangan dahil hindi niya pwedeng sabihin na si manang edna ang nagluto dahil magtataka na naman ito dahil may katulong kami.

Natapos na ang dalawa at bumalik na sila sa kanilang trabaho.

- -

" Miss marlia, napag desisyunan namin na magkaroon tayo ng pawelcome party mo sa friday ". Saad ni sarah

" Wow talaga ba naku maraming salamat ". Saad ni marlia na sobrang saya 

" Wala yun miss marlia dahil sobrang sipag mo at hindi ka agad napapagod tapat lang yun para sayo ". Saad ni sarah na masaya rin. 

Sumabay ako ngayon kay sarah pauwi. Nagtext ako kay james na wag na muna akong sunduin at mamasahe na lang muna ako kasama ko naman si Sarah kaya wala naman sigurong mangyayaring masama sakin.

" Miss marlia dito na baba mag iingat ka kita na lang tayo bukas sa work". Saad ni sarah sabay baba ng bus at nagpaalam na rin si marlia sa kanya.

Mas nauuna kasi si sarah bumaba kesa saakin kaya naiwan na ako mag isa rito sa bus.

Nakakamiss rin pala ang magcommute dahil simula nung kinasal kami ni tyrone madalas na nakakotse kami kapag umaalis kaya hindi ko na ito nararanasan. Ngayon na lang ulit.

Simula kasi nung naghirap na kami  noon at nawala na saamin ang lahat nailipat ako sa public school medyo malayo rin ang school na yun kaya lagi akong nagbubus papasok at pauwi ng bahay kaya sanay na sanay na akong mamasahe.

Mayamaya lamang ay huminto na ang bus at bababa na rin ako maglalakad na lang ako ng kunti at makakarating na ako ng bahay.

Nakarating na ako ng bahay at pumasok na ako sa loob at dumiretso na ako agad sa kwarto. Humiga na ako sa kama. Hayssyt nakakapagod ! Saad ko sa aking sarili. Habang nakahiga ay bigla niyang naisip ang kanyang asawa. Kamusta na kaya si tyrone? namimiss ko na siya. Saad niya ulit sa kanyang isip at hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

- -

End of chapter 4

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status