WOAH! ETO NA BA YON?
Nakanganga ako habang pinagmamasdan ang napakataas na building sa harap ko ngayon. Sobrang laki. Pinagpawisan ata ako nang malapot ah. Wew.
Naramdaman ko ang labis na kaba kaya sinilip ko ang oras. Exactly 8:00 am. Nakahinga ako nang maluwang. 8:30 ang simula ng interview at akala ko ay late na ako.
Nagmamadali akong pumasok sa loob at nagawa ko pang ngitian ang security guards. This is it. Magtatrabaho na talaga ako!
Chineck ko kung may naiwan ako. Binulatlat ko ang hawak kong envelop. Resume, NBI clearance, Barangay clearance, bio-data at kung anu-ano pa.
First time kong mag-aapply ng trabaho at hindi ko talaga alam ang kailangan. Sinabi lang ng kaibigan kong nagtatrabaho dito sa Le Veioumux na hiring daw tuwing first day of the month para sa iba't-ibang posisyon.
Grade 12 lang ang tinapos ko sa probinsya at katunayan, 1 month palang ako dito sa Maynila, naghahanap ng trabaho para na rin makatulong na kila mama sa mga gastusin maging sa pito ko pang kapatid na nagsisipag-aral din lahat.
Ako ang panganay, kambal na lalaki ang sumunod saakin, kasalukuyang 24 years old at kolehiyo na, graduating. Pareho silang may scholarship kasi matalino at maaipag mag-aral. Ang pang-apat ay babae, 21 years old at 3rd year college naman, scholar din. Panglima ay 16 years old, Grade 11 student. Yung pang-anim ay Elementary ang bunso ay nasa pre-elem.
Matapos ang Senior high school ay nagtinda ako sa harap ng bahay namin ng kung anu-ano. Hindi nila afford na pag-aralin pa ako sa college since napakarami naming magkakapatid. Nagparaya na rin ako non, dinahilan ko nalang na mag-iipon ako kasi sabi ko ay sobrang mahal ng tuition ng napili kong kurso. Pero ang totoo ay ayokong dumagdag, sa halip ay gusto kong makatulong. Nasa dugo na yata ng halos lahat ng panganay o nakatatanda ang pagpaparaya. Pagpaparaya hindi lamg para sa mga maliliit na bagay kundi pati na rin sa pag-aaral kung saan madalas na nakabase ang magiging future ng mga tao.
Wala naman talaga akong balak mag-Maynila pero ang nagtulak saakin ay nang ma-diagnose si mama ng stage 2 breast cancer last month din.
Nakakatawa dahil wala akong kahit anumang job experience, hindi nagtapos ng college at bago palang sa Manila pero heto, dito ko naisipang mag-apply sa malaking kumpanya na to. Lakas nang loob lang ang puhunan ko. Hays. Pero sa totoo lang? May laban din namn ako sa usapang utak. Kaya nga maramig nanghinayang nang malaman ng mga kapitbahay na hindi ako magkokolehiyo noon. Kilala kasi akong masipag at matalinong estudyante. Graduate ng Valedictorian sa Elementary at pati na rin college.
Kaso dito sa Maynila, hindi naman iyon ang puhunan. Kaya pati lakas ng loob, tibay ng buto e binaon ko na rin.
Tumakbo ako nang mapansin na pasarado na ang elevator. "Wait po!" Sigaw ko para marinig ako ng nasa loob pero hindi ako pinansin o sadyang hindi lang ako nito narinig. Mabuti at mabilis ako kaya napigilan ko. Hinarang ko ang kamay ko saka nagmamadaling pumasok.
Hingal na hingal akong pumasok sa loob pero nagtaka ako nang pag-angat ng tingin ay hindi pa sumasara ang pinto. Ano yan, nung tinatakbo ko papunta rito, ang bilis pero ngayong nasa loob na ako, ayaw na?
Kaso, napasimangot ako nang makitang naroon ang kamay ng katabi ko.
"Excuse me, mejo nagmamadali po kasi—"
"Get out." Kinabahan ako nang marinig ang baritonong boses na iyon. Nilingon ko ang katabi ko at ganoon nalang ang pagkamangha ko nang makita ang napakagwapo niyang mukha!
Omg, parang siya yung mga bidang lalaki sa isang pelikulang bampira! Hindi sobrang puti ng kutis nya pero tila hindi iyon naaarawan dahil napakakinis talaga. Sobrang napanganga ako. Ang kapal ng kilay, seryoso ang mukha pero nakakaakit ang kulay green na mga mata, matangos ang ilong at mamula mula ang mga labi.
"Pwede bang... lahian mo ako?" Bulong ko sakanya na ikinakunot ng noo nya. Ah, oo nga pala, green eyes. Baka english speaking. "I mean, will you marry m—"
"Hindi mo ba ako narinig? I said get out." Natulala na naman ako. Nagtatagalog na green eyes. Final na talaga, parang gusto ko na talagang magpalahi!
"H-Ha?"
"You can't hear me? Are you deaf or just plain stupid? Give me your name." Maya-maya ay sabi nya matapos ang ilang minutong lumipas. Binitawan nya na rin ang pinto na parang alam na hinding hindi nya ako mapapaalis.
"Jazlyn."
At teka, ano raw? Pangalan ko? Type nya ba ako?
"Are you an employee here?" Umiling ako habang nakatitig pa rin. Kanina ko pa napapansin, bakit napakalamig naman ng tingin nya? Pati muka nya, parang tuod. Akala mo hindi mababanat ang labi para sa isang ngiti. "Why are you here then?" Malamig rin ang tinig nya na ngayon ko lang napansin.
"M-Mag... A-apply?" Patanong kong sabi. Wala syang anumang reaksyon. "Teka..." Hinawakan ko bigla ang pisngi nya at pinakatitigan. "May pimple ka ba?"
Pabigla nyang tinanggal ang kamay ko na syang ikinagulat ko. Grabe, di man lang naging gentle.
Tumigil ang elevator at nakita kong nandito kami sa 7th floor. Sabi ng kaibigan ko ay dito daw ako pumunta para sa pag-aapply ko.
Naglakad na si pogi at nakasunod naman ako. Mahirap na, sobrang laki rin nitong floor. Baka maligaw ako. O kaya naman, magpasama ako sakanya sandali sa—
"What the fuck are you doing?" Huminto sya sa paglalakad at muntik na akong bumangga sa malapad nyang likuran. Tumingin din sya saakin at napakaintense ng dating ng mata nya.
"Gusto ko lang kasing m-magtanong..." Kinakabahang sabi ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ng muka nya. Seriously, marunong ba tong ngumiti o ano? Bumuntong hininga ako. "Alam mo, maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes." Kahit medyo nanginginig ay nilawakan ko ang ngiti ko para makita nya.
Napakislot ako nang magliyab ang mata nya at tila galit na galit syang nakatingin saakin.
A-Anong ginawa ko?
Hinawakan nya ang braso ko at padarag akong hinila habang mabibilis ang hakbang nya.
Oh my, rapist ba tong lalaki na to? "T-Teka! Aray, saan mo ako dadalhin? Bitiwan moko, a-ano ba!" Nagsisigaw ako pero wala syang pakelam. Hanggang sa tumigil sya sa harap ng isang kulay grey na pinto. Binuksan nya yon at hinila ulit ako saka itinulak sa sofa.
Nanlalaki ang matang niyakap ko ang sarili ko. "P-Please, wala akong masamang ginagawa, wag! Handa naman akong magpalahi pero wag ngayon, hindi ako ready."
"Marami pa akong p-pangarap sa buhay." Kabado pa rin ako. "N-Nung naligo ako, hindi ako naghilod kaya I'm sure malibag ako, so please, lumayo kana. Wala ka namang makukuha saakin bukod sa perlas ng silanganan na siguradong hindi mo rin maeenjoy kasi meron ako ngayon. Gusto mo yon? Kadiri kaya yon, di ba? Imaginine mo nga, ang gwapo mong yan, maraming magkakagusto sayo!" Walang tigil ang bibig ko sa pagsasalita.
Malapit na akong umiyak nang makitang sya ay kalmadong lumayo saakin at umupo sa isang swivel chair.
A-Ano yon? Ganon na yon?
Sa harap nito ay isang lamesa na napakaraming papeles sa harapan. Hindi nakaligtas saaking paningin ang nakapatong sa harap ng mesa, may nakalagay ditong: ADAM LUCKY LACUEZO, CEO
Nandito kami sa office ng CEO. Kung ganon, magnanakaw sya rito? Isinama nya siguro ako para mai-frame up. Sayang naman ang suot nyang tux kung magnanakaw lang sya. Sabagay, para hindi halata.
Luminga ako. Ang daming painting, I'm sure mamahalin mga to. Kapag kaya nakanakaw sya, hahatian nya ako at isasamang tumakas o isisisi nya nalang lahat saakin matapos palabasin na ako ang nagnakaw dito?
Tiningnan nya ako sandali na para bang isang bagay ako na nakakatamad tingnan. Tangina. Bat ganon? Di nya ba alam na ako lang naman ang Ms. Barangay Grand winner saamin 2 years ago?! Tinalo ko yung pamangkin ng kapitan namin na sobrang ganda at puti kasi galing Maynila.
Well, paano ba naman sya mananalo saakin e beauty and brain ako, sya, too much beauty lang ang meron. Naaalala ko pa nga, yung tanong sakanya na: If ever you'll be the winner of this pageant, how can you help your fellow youth in your own way?
Alam nyo ba ang sagot nya? "If ever I win, I have so many money so thank you very much I will buy Iphone 12 and I'll picture picture here." O di ba? Parang tanga lang, paano ba sya mananalo saakin?
"Come here." Aniya matapos ang ilang segundong pang pagtitig. Nawala tuloy ako sa iniisip ko. Napakalamig ng boses nya Kaya kahit gusto ko nang tumakbo ay parang hindi ko magawa sa takot sakanya. At malay ko rin ba, baka may hawak na baril, mahirap na. Sumunod ako at lumapit doon. "Closer." Aniya nang nagpunta ako sa gilid ng inuupuan nya.
Para akong bata na nahuli at ngayon ay papagalitan na. Ewan, hindi ko maintindihan. Kilala ako saamin na palaban at walang inuurungan. Pero eto ako, isang simpleng malamig na titig mula sa green na mga mata at utos gamit ang malamig na tinig nya ay walang wala na ako.
Umusod pa ako papalapit. May pinindot syang kung ano sa mesa at may babaeng nagsalita mula roon. "Yes, Mr. Ceo?" Napamulagat ako. A-ano raw? CEO? Etong green eyes na to? E-Etong...
Napapikit ako nang mariin dahil sa mga pinagsasabi, ginawa at inisip ko kanina.
"Send all the applicants home, may nahanap na akong bagong secretary." Doon ako napalunok.
"Copy, Sir."
Ang lalaking ito ang may ari ng napakalaking kumpanya na to? At sinong tinutukoy nyang secretary, ako ba? Pero, nag aapply ako bilang janitress dahil alam kong wala pa akong kahit anong alam sa—
"I said come closer." Dumagundong ang boses nya sa apat na sulok na opisina nya. Doon ko naramdaman ang mabigat na aura, intesidad at sobrang lamig. Kung malamig kanina, hindi OA kung sasabihin kong yung pakiramdam ko ngayon ay Nag-i-snow sa paligid ko at talagang tumatayo ang balahibo ko.
Halos marinig ko rin ang tibok ng puso ko pati ang paghinga ko. Nakakakaba naman to, maglilinis nalang ako ng mga Cr kaysa maging secretary nya kasi di ako makahinga ng maayos. Wala naman akong sakit sa puso sa pagkakaalala ko pero bakit naninikip ang dibdib ko?
Lumapit pa ako pero parang hindi pa sapat sakanya yon. Hinila nya ako nang makatayo sya at tinulak ako sa pader. Naramdaman ko ang bahagyang sakit pero mas nanaig saakin ang takot. Hindi ko alam kung para saan at kanino.
"Look at me." Ganon pa rin kabigat ang tinig nya kaya habang lumilipas ang segundo ay mas lalo akong kinakabahan. Aatakihin na yata ako sa puso. Tumingin ako sakanya gaya ng utos nya. Hindi ko kayang salubungin ang berde nyang mata pero pinilit ko hanggat kaya kong panindigan.
Mukhang mali ang desisyon kong mag-apply dito.
"Anong sabi mo kanina?" Mahina na ang boses nya, kaso ay mas parang nakakatakot.
"A-Alin po doon?" Pilit kong hinahalukay ang memorya ko. Ano pa bang mga sinabi ko at gaano ba yon kasama para gantuhin nya ako? Parang gusto ko nalang mahimatay sa takot. Hindi ako maayos na makapag-isip. Nablangko rin ang memorya ko dahil sa dinudulot nyang intensidad at kaba.
Hinampas nya ang makabila nyang kamay sa pader, sa magkabilang gilid ko. Lalo tuloy akong nakulong at napapiksi nang bahagya. Nakayuko ako at parang kinawawang sisiw na nasa sulok.
"I said look at me." Tumingin ulit ako sakanya. "Anong sinabi mo kanina?" Ulit nya. Natatanga na ako. Ano bang mga sinabi ko?
"A-ahm... Sabi ko kanina na... Pwede bang lahian mo ako?" Nakakunot ang noo nya. Mukhang hindi iyon ah? "Kanina, tinanong ko kung... M-may pimple ka?"
Nako, Parang hindi pa rin yon.
"S-Sinabi kong... m-mag-aapply ako dito?"
"Sinbi Kong... Gusto kong magtanong?"
"Sinabi kong... maganda kahit sa lalaki ang ngumingiti. Nakakaattract yan ng good vibes?" Doon nagbago ang itsura nya. Iyon nga yata. Pero wala akong makitang dahilan para maging ganto kagalit ang itsura nya.
Sariling opinyon ko lang naman yon. Kaya maraming napo-fall sa mga lalaking mapagpatawa at palangiti dahil magaan ang aura at parang ang sarap nilang kasama. Naniniwala din akong nasa isip lang natin ang malas kaya kapag ngumiti ka at hindi mo inisip ang tungkol don ay makakaattract ka ng magagandang bagay. Kung yon nga ang kinagagalit nya, edi sana sinabi nyang hindi nya gusto ang opinyon kong yon. Pwede ko namang bawiin sakanya yon.
"Y-Yun po ba?"
Imbes na sumagot ay inilapit nya ang mukha nya saakin, napasiksik tuloy ako sa pader lalo. Tumatama na sa mukha ko ang mabango nyang hininga. Nakulob na rin ako sa napakabangong amoy nya at nahiya ako dahil hindi ko na maamoy ang nilagay kong cologne nang lumapit sya. At infairness, yung amoy nya ay hindi masakit sa ilong, tipong swabe lang.
Nag-iisip pa ako saka sya biglang bumulong. "From now on, you'll be my secretary and you'll regret saying the exact words she used to say before."
A-ano raw? I'll regret saying what she used to say before? Anong pagsisisihan ko? Tungkol pa rin sa sinabi ko? At sinong 'she'?
Ang naintindihan ko lang ay ako na raw ang secretary nya. So... Magiging boss ko ang cold na to?
I'm now his secretary, and my boss is this hot zombie?! Wtf!
"MISS SECRETARY, DO YOUR JOB PROPERLY!"Napapiksi ako sa sigaw saakin ng boss kong halatang palaging galit."Jazlyn, ano na naman to!?""What the hell is this, Jazlyn!?"1 week palang ako rito pero mukang susuko na ang katawan at utak ko. Maya't maya ba naman e tinatawag ako para paggawain ng kung anu-ano. Halos kalalabas ko lang sa opisina nya ay pipindutin na naman ang intercom para pabalikin ako dahil may iuutos daw sya.Parang favorite nya rin ang pangalan ko ah? Bukambibig e."I-Im so sorry, sir!" Agad kon
"HI, GOODMORNIG! NANDYAN BA SI ADAM SA LOOB?" Napaangat ako nang tingin nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Ang nakita ko ay isang napakagwapong lalaki na kulay karagatan naman ang mga mata. Parnag kasing edad lang sya ni Mr. CEO pero yung aura nila ay magkasalungat. Kung ang aura ni CEO Adam ay matapang, nakakatakot, malamig at tipong isang tingin palang ay papatay na, ang aura naman ng lalaki na kaharap ko ngayon ay friendly, palaging nakangiti at napakabait. Omg, napapalibutan ako ng mga gwapo! Pag tumingin ka, akin ka— ugh! Akin kana! Take note, ang gwapong ito ay hindi mukang sup
PARANG ANG WEIRD TALAGA TODAY.Matapos ang ginagawa ko, eksaktong 3:30 pm ay inayos ko na ang mga gamit ko. First time yatang gantong oras ng uwi to kaya naman sobrang nakakaexcite ano!Papalabas na ako nang bumukas ang pintuan sa office ni Boss. Nagulat pa ako nang saktong magtama ang mata namin pero parang wala lang sakanya. Napatingin sya saakin nang walang emosyon."Boss, uwi na po ako. Babush!" Tumango sya at nauna na akong maglakad pero dahil mahahaba ang biyas nya at mabilis humakbang ay mas nauna sya.Aba, mukang uuwi na rin sya ah? Kaya naman pala maaga akong pinauwi, maaga
"WHERE ARE YOU?" Si Boss!Sa sobrang taranta ko pagkagising ay dali-dali akong naligo at nagbihis. Nakasakay na ako sa taxi at papunta na sa building nang maalala kong tanggal na nga pala ako sa trabaho. Well, hindi naman talaga ako tinaggal pero ganon na rin.Ginising ako kanina ng tunog ng cellphone ko. May 10 missed calls ako at may isang text galing kay Mr. CEO, tinatanong kung nasaan na ako samantalang 5 am palang. Ang masakit, ang missed call nya ay since 4 am pa. Paninindigan nya talagang papasukin ako ng alas cuatro!? Aba— gago talaga sya!Isang gwagago. Gwapong
"SAMAHAN MOKO." Sabi ko sakanya nang makita ko syang prenteng nakaupo sa mesa ng office ko talaga bilang secretary. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero gumagamit sya ng computer na nakapatong sa mesa.Kasabay ng pagpapalit namin ng posisyon ngayong araw e nagpalit din syempre kami ng office.Well, nga pala, talagang hindi ko napaalis tong gwapong green eyes na to sa kumpanya kanina. Kahit sinabi ko nang fired na sya ay nanatili pa rin talaga sya dito. Makulit. Pero okay na rin to dahil may makakasama ako sa pupuntahan ko ngayon.Mukhang tamad na tamad syang nag-angat saakin ng tingin. Para bang sinasabi na... "Kanina tinanggal-tangg
HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA. PAANO MAG MOVE ON!?Hindi ko na namalayan. Nawala ata ako sandali sa sarili ko dahil bigla nalang nang matauhan ako ay nandito na ako sa napakagarbong mansyon na to na tinutuluyan ni Bernard.Nag-aano ba ako dito? Bakit ako nandito?Pinakiusapan nya ako na samahan sya. Nilinaw nyang wala syang ibang kasama kundi ang mga katulong.Dapat di ba matakot ako dahil lang sa ipinagtapat nya saakin na pamilya nya ang may pakana ng nangyari kina boss at girlfriend nya noon? Pero wala e, ni hindi ko sya magawang pagdudahan. Hindi naman sa pagigi
UWIAN.Nagulat ako nang saktong paglabas ko sa building ng kumpanya ay may humintong napakagarang puting kotse sa harap ko. Bumukas ang pinto at lumabas si Bernard. Sobrang aliwalas na ng itsura nya ulit, di gaya kaninang madaling araw.Akala mo ibang tao na sya at hindi ang nakausap ko kanina about sa problema nya. Kung engot lang ako, baka isipin kong ibang tao talaga sya ngayon.Binuksan nya ang kabilang pinto ng kotse nya at pinasakay ako. "Come here, hatid na kita." Sino ba naman ako para tumanggi, duh, sasakay ako sa magarang kotse, gora na.
Tahimik na ako buong byahe matapos nang nangyari kanina. Matapos nyang magsalita sy pumikit uli sya kanina kaya naman siguro ay naalimupungatan lang sya non. Nung una ay magtutulog-tulugan lang sana ako pero nagising ako paglipas ng ilang oras at saktong papasok na kami sa may nakalagay na "WELCOME TO HERMOSA BATAAN."Umayos ako nang upo at tiningnan ang katabi ko. Tulog. Hindi pa ba sya nagigising mula kaninang umaga?Inalala ko ang sinabi ng nurse sa hospital. Binantayan raw ako ng asawa ko magdamag at hindi man lang ito nagpahinga kaya siguro puyat sya. But that doesn't make sense at all. Kasi sabi ni Boss, nang dalhin nya a