Share

Alaala

Kabanata 19

Alaala

Tila ako napako sa aking kinatatayuan. Nagdadalawang isip na ihakbang ang mga paa. Pero dahil sa mas nangingibabaw ang kahihiyan, sa unang beses na makita ko siyang nagdadamdam at punong puno ng galit, nilabag ko pa rin siya. Inihakbang ko ang nanginginig kong mga paa, benalewala ang nanlalambot kong mga tuhod.

Habang naglalakad, naisip ko, mas mainam na nga siguro ang magkalimutan kami, hindi ba? Dahil kung ako nga, hindi pa rin matanggap ang kahayupang ginawa sa akin ni Wallace, si Drake pa kaya?

Marahil, naaawa lamang siya sa akin, o di kaya ay nakokonsensiya..

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan sa kanila'y naunahan na ako ng mabibilis na hakbang ni Drake.

Nilagpasan niya na ako..

Sinundan ko siya ng tingin..

Habang pinapanood ko ang kanyang malapad na likuran, hindi

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status