Share

Chapter 8

Bryce Pov.

Kasalukuyan akong nagbibihis para sa date namin ni Azthrea. Wala eh, nafall na ako sa kanya. Minabuti ko na lamang ang pagmamadaling magbihis kasi susunduin ko pa siya sa kanilang bahay.

"Oh! Son, where are you going? Ang ganda ng porma, bihis na bihis ngayon ah," Mom said. Halata sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Having a date with someone Mom." Bahagya siyang napangiti dahil sa sinabi ko. Wala pa kase akong naipapakilala sa kanya or kanila na girlfriend ko.

Wala kasi akong natipuang babae sa school na pinanggalingan namin. Well, hindi naman kasi ako playboy.

"And who's that lucky girl? For the first time son, you're having a date. Okay ka lang ba? Anong nakain mo? Hindi ka ba nananaginip?" Napaka oa naman ni Mom oh.

"Mom please relax, your son is fine Mom." Bakit bawal ba makipagdate? Sabagay wala naman kase kaming label. Ano naman? Basta.

Sabi kasi nila label bago say I Love You. Eh, ang dali lang naman kasing sabihin 'yong I love you. Baka gan'to ang gusto nilang sabihin "Label I love you" pak, ang galing ko. Hahaha! Ganoon ba dapat? Gagayahin ko na 'yan para hindi na nila kailangang sabihin na label muna bago I love you, tsk.

"Ipakilala mo din sa akin 'yong lucky girl na natitipuan mo, hah? Hihintayin ko siya," parang batang sambit ni mom.

"Yes Mom. Makikilala mo din siya soon," I  answered to her then i smiled.

"Sige mag-iingat ka sa pagmamaneho mo," paalala ni Mom sa'kin. Hinalikan ko pa siya sa kanyang pisngi bago tuluyang umalis.

*****

Nandito na ako ngayon sa bahay nila Azthrea. Kasalukuyan akong naghihintay sa kanya, wala siyang ibang kasama kundi ang mga maids lang nila at Mommy niya.

Namangha ako dahil sa lawak at laki ng kanilang bahay. Malaki't malawak din ang aming bahay ngunit higit na mas malaki ang bahay nila kesa sa amin.

"Ito iho magmiryenda kana muna habang inaantay mo si Azthrea, mabagal pa namang nagbibihis 'yon," natatawang saad ng mom ni Azthrea.

"Okay lang po tita."

"Maiwan na muna kita dito at baka masunog pa 'yong niluluto ko," sambit niya. May maids naman sila pero bakit siya pa ang nagluluto? Pagkatalikod ng Mom niya ay ang kasabay ng pagbaba ni Azthrea sa hagdan nila kaya naman napatayo ako at sinalubong ko siya.

"You're so beautiful," I said. She's really cute while blushing. Well, she's still beautiful even if she's not blushing.

"Hmmm... Thank you," she answered at me habang malawak ang ngiti.

"Ano, tara na? Ready kana?" I asked. Bahagya lang siyang tumango tsaka na kami nagpaalam sa mommy niya.

Habang nagmamaneho ako ay biglang nagsalita si Azthrea.

"Hmm...Bryce pwede bang simple date na lang? Mas komportable ako eh tsaka simpleng babae lang ako. Fishball tsaka ihaw ihaw lang sapat na para maging masaya ako." Hmm, hindi naman ako kumakain nang gano'n. Sa mga mamahaling restaurant lang kami kumakain ng mga magulang ko even my friends.

"Baka sumakit lang 'yang sikmura mo, punta na lang tayo sa mamahaling restaurant kung gusto mo bilhin ko na din yung restaurant para sayo, ano?" Pagyayabang ko sa kanya kaya napatawa siya sa sinabi ko.

"Bryce, I'm serious. Hindi naman sumasakit tiyan ko kapag nakakakain ako nun eh tsaka hindi mo pa ba natitikman yung mga sinasabi ko?" She asked me na halata sa kanyang mukha ang pagtataka.

"Hindi pa kase," sabi ko.

"Well tara na lang sa park ipapatikim ko sayo yung mga sinasabi ko. Tiyak na magugustohan mo kapag natikman mo." Paano ba 'yan? Hindi ko kayang tanggihan ang babaeng 'to. Ang lakas kasi niya sa'kin, eh.

"Sige na nga, alam mo naman na malakas ka sa akin eh," sabi ko sa kanya sabay kindat syempre, hahaha.

"Yehey!" Parang batang sambit niya. Feeling niya nabigyan siya ng isang candy. Natatawa na lamang ako dahil sa mga pinag-iisip ko.

Nandito na kami ngayon sa park kasalukuyan pa kaming nagkukwentohan ni Azthrea. Kase wala pa 'yong sinasabi niyang nagbebenta ng mga ihaw-ihaw daw.

" Bryce look ayon na si manong na taga benta ng fishball tsaka mga isaw oh," Natutuwang sabi niya tsaka na siya tumayo at naglakad palapit sa lalaking nagtitinda.

"Kuya dalawang isaw nga po ipapatikim ko po muna sa kasama ko," sabi nito na may malawak na ngiti.

"Libre mo hah? Ikaw nagyaya ng date eh hahah." Well, ano pa nga ba? Alangan naman na siya ang manlibre sa'kin diba?

"Eto na ija." Iniabot na ng lalaki ang isaw kay Azthrea.

"Salamat ho," Azthrea said again.

"Ayan tikman mo kainin mo." Iniaabot na ni Azthrea sa akin 'yong isaw na sinasabi niya pero nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi.

"Hoy! Ano na? Tititigan mo na lang hanggang matunawNangangawit na kamay ko, sige na kasi tikman mo na arte naman nito." Kinuha ko na ito pero hindi ko pa kinain samantalang si Azthrea nakadalawang stick na.

"Say, ahh! Ibubuka mo bibig mo o iiwan kita dito at hindi na papansinin?" Pagbabanta niya kaya dali dali kong ibinuka ang bibig ko tsaka ko sinubo ang hawak hawak ko kanina pa.

Ba't ganito ang lasa? Hmmm, ang sarap naman pala ngayon ko lang natikman ito sa buong buhay ko.

"Anong masasabi mo?" Nagtatakang tanong ni Azthrea sa akin, pati na din si manong na nagbebenta nakatingin na sa akin.

Hindi ko na sinagot si Azthrea sa kanyang tanong dahil mas inuna ko muna ang pag-oorder sa isaw na ipinatikim niya sa'kin.

"Sabi ko na nga ba magugustohan mo eh, sadyang maarte ka lang talaga. Ang sarap kaya nito," pagyayabang niya.

"Oh! Dahan dahan sa pagkain," sabi ko sa kanya. Bahagya akong lumapit sa kanya na siyang ipinagtaka niya. Dinukot ko ang panyo sa likod ng bulsa ko tsaka ko pinunasan ang naiwang sauce malapit sa kanyang bibig. Halata sa kanyang mukha ang pamumula.

Pagbaling namin sa tindero ay nakangiting nakatingin sa amin na parang siya na ang kinikilig.

Simpleng date lang 'to para kay Azthrea pero para sa akin napaka special ng araw na ito.

Maganda't mayaman siyang babae pero iba siya sa mga babaeng nakilala ko. Akalain mo ba naman? Sa simpleng fishball at isaw lang napakasaya na niya.

Masaya na din ako kapag nakikita ko siyang masaya.

"She's a simple girl with a good heart" kaya nga mas lalo akong na i-inlove sa kanya dahil simpleng babae lang siya. Walang masyadong arte pero ma attitude nga lang minsan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status