Share

GARETT: The Lost Alpha
GARETT: The Lost Alpha
Author: Hiraya Neith

UNANG PAGTATAGPO

ABALA si Garett sa pag-ikot sa silangang bahagi ng Black Forest nang makatanggap siya ng mindlink mula kay Cadmus Hunt, ang alpha ng teritoryo. Bilang isa sa apat na head Delta ng Black Forest, isa sa mga tungkulin niya ay ang mapanatiling maayos at ligtas ang lugar lalo na ang mga nakatira roon. 

Apat na taon na ang nakalipas mula nang makilala ni Garett ang alpha ng Black Forest na si Cadmus. Both of them had almost the same story. Garett was so lost when the time he met the alpha. He do not even know how to pick himself up and fix the broken pieces of his so fucked up life. Nagkakilala ang dalawa sa arena kung saan isa si Garett sa mga gladiators. Gladiator ang tawag sa mga inilalaban sa loob ng ring kung saan patayan ang labanan. Everyone has to fight for their own life to be able to survive and remain alive.

And, it was even legal.

Na-imbitahan ang alpha ng Black Forest na manood kasama ang ilan pang miyembro ng Stone Alphas. And, Garett was one of the contenders that night. The fight was between what they call, the all-time champion against the gladiators. It was one hell of a murderous fight and Garett almost die. But he won the fight with flying colors in everyone's surprise. Hindi niya kinuha ang perang napanalunan bagkus ay hiniling niya ang kanyang kalayaan. And, he announced it in front of everyone.

Noong una ay halos ayaw siyang payagan dahil magiging malaking kawalan siya sa arena. Malaking pera ang naipasok niya nang talunin niya ang all-time champion. Because why not? Who would have thought that a rockie like him could kill an all-time champion that every gladiators in the arena feared off?

It was then the alpha of Savagestone stood up for him na sinuportahan ng mga kasama nito kaya walang nagawa ang may-ari ng arena. Walang sinuman ang gustong makabangga ang alin man sa mga Stone Alphas. They were legendaries. Garett was freed and Alpha Tan offered him to be one of his head Deltas. Nag-alangan man noong una ngunit naisip niyang dapat na niyang simulang ayusin ang kanyang magulong buhay.

At kaunting panahon na lang ang kailangan niyang hintayin...

GARETT shifted into his big black wolf named  Throne and ran towards the Hunt's mansion kung saan naghihintay ang alpha. Pagkarating sa likurang bahagi ay kaagad niyang kinuha ang short na nakasabit sa isa sa mga punong naroroon at isinuot. Mabilis ang mga hakbang na pumasok siya sa loob at piniling dumaan na lang sa kusina para uminom na rin ng malamig na tubig.

"Good morning, Garett," ngiting-ngiti na bati ni Tyra sa kanya. 

Sa halip na pansinin ang babae ay tuloy-tuloy na humakbang si Garett palapit sa refregirator. Wala siyang oras para sa babae. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit ay humarang na si Tyra sa daraanan niya at kagat-labing tinitigan siya ng makahulugan.

Kunot-noong tiningnan ito ni Garett mula ulo hanggang paa bago muling ibinalik sa mukha ng babae ang paningin. Tyra is indeed a beautiful she-wolf but she's absolutely out of his league. She isn't his type... 

"Get out of my way, Tyra," nagbabantang turan ni Garett sa babae.

Matamis na ngumiti ang babae at bale-walang humakbang palapit sa refregirator. Sumandal doon si Tyra na mas lalo pang ikinainis ng binata. Mabilis niya itong nilapitan at galit na itinulak. Damn but how he hated her kind. 

Pathetic bitch!

"I said get out of my way!" madilim ang anyong angil niya rito habang dahan-dahang humahakbang palapit kay Tyra na bigla namang nabura ang mga ngiti.

He was about to grab her nang isang nagbabantang tinig ang pumigil sa kanya.

"Garett, stop! Put down your hand..."

Natitigilang nag-angat ng paningin si Garett at kaagad na naglaho ang galit nang bumungad sa mga mata niya ang Luna ng Black Forest. Kunot ang noo nito habang nakatayo at nakapameywang na nakatingin sa gawi niya.

"Luna," bati ni Garett sa babae bago bahagyang ikiniling ang ulo bilang tanda ng paggalang.

Nakasimangot na tumango lang ito sa kanya pagkuwa'y binalingan si Tyra na noon ay nakasalampak pa rin sa sahig at hintakot na nakatingin sa kanya.

"And you, stand up there. Huwag mong asahang tutulungan ka niya. And next time , know where to stand," turan nito kay Tyra na napayuko. "at ikaw naman, mag bihis ka. Samahan mo ako." Baling nito kay Garett na kaagad namang napanguso.

"Pero hinihintay ako ng alpha sa opisina niya," angal ni Garett.

Malamang ay sa Ezrione Mall na naman ito pupunta. Kagabi lang ay binanggit nito iyon habang sabay-sabay silang naghahapunan.

Umirap pa muna ito bago nilapitan si Tyra bago tinulungang tumayo ang babae na bahagya pang nakangiwi. " We already talked, Garett kaya huwag ka nang magreklamo," tugon nito sa kanya na tila sinadyang hindi pansinin ang pagtanggi sa tinig niya.

Kunot-noong sinundan niya ito ng tingin habang inaalalayan nito si Tyra. She's really weird. Kanina lang ay tinarayan pa nito si Tyra. Ngayon naman ay inaalalayan nito. Napa-iling na lang si Garett. Woman are really hard to understand and also the most complicated creature on earth.

Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom bago lumabas ng kusina. Pumunta si Garett sa kanyang silid na nasa ikalawang palapag ng mansyon para maligo.

Bawat isa sa kanila ay may nakalaang silid sa mansyon kahit pa may mga sarili silang bahay na nasa paligid lamang ng Black Forest. Kasama niya roon ang beta na si Finn. Ito ang pumalit sa namatay na beta na si Hepo nang magkaroon ng digmaan laban sa grupo ng Stone Alphas at sa dating Alpha ng Black Forest na si Amado Spears. 

Mabilis siyang naligo at nagbihis ng puting damit na tinernohan ng faded maong pants na butas sa bandang tuhod. Hindi na niya pinagka-abahalang suklayin ang natural na alon-along buhok na umabot sa batok ang haba. He just combed it using his hands at nagpasya nang bumaba kung saan naabutan niyang naghihintay na ang Luna na nakasimangot. Katabi nito si Dev at Cross samantalang nakatayo naman at nakahalukipkip si Lexter sa pinto habang nakasandal naman sa isang tabi si Zeth.

"Ang tagal mo naman," reklamo ng Luna kay Garett.

He just rolled his eyes and shrugged his shoulders. Palabas na sila sa mansyon nang makasalubong nila sa driveway si Finn na pasipol-sipol pa.

"Hey, Godfrey," bati nito sa kanya. He kept on calling him on his family name and it pissed him off like a damn hell. "Malapit nang magdikit iyang mga kilay mo. Bakit hindi mo ako gayahin—"

Garett cutted him off and throw a death glare on Finn. " You run your mouth and I'll make my hands shut it up," seryosong turan niya ditong bahagya pang itinaas ang nakakuyom na kamao. "And, don't Godfrey me, Casanova..." Pahabol pa niya bago ito nilagpasan. 

Natatawang itinaas naman nito ang dalawang kamay at naiiling na umatras. "Alright, alright! I got it," turan ni Finn kay Garett. 

"You two, stop it!" sigaw ng Luna na kasalukuyan nang nakasakay sa sasakyan. "Halika na, Garett," tawag nito sa kanya.

Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay ni Garett nang mapansing nakaupo na sa likuran sina Cross at Dev maging sina Lexter at Zeth na sabay pang nagkibit-balikat. 

"What?!" sikmat ng Luna sa kanya.

Nakasimangot na lang na umikot si Garett patungo sa driver's seat at pumasok doon. Tahimik lang siya habang nagmamaneho samantalang wala namang tigil sa daldalan ang mga kasama niya.  At nakisali pa sina Lexter at Zeth sa tatlong babae. Don't they even know how to keep their mouth shut, yeah?

Pagkarating sa Ezrione Mall ay kaagad na bumaba ang Luna at kumapit sa braso ng kaibigan nitong si Dev. Umakyat sila sa third floor ng gusali at pumasok sa isang Café na tila yata gusto nang gawing tirahan ni Luna Calla. Isang araw lang yata ang pagitan at nandoon na naman ito. 

Umupo sila sa pang-animang mesa at kaagad na umorder ng sandamakmak na cookies at cake. Nagti-trigger happy yata sa matatamis ang magaling na Luna. Nangingislap pa ang mga mata nitong tila tuwang-tuwa.

"Kaya ba nating ubusin lahat 'yan?" kunot-noong tanong niya para lamang magulat nang itulak nito lahat sa harap niya ang iba't-ibang klase ng cakes at cookies.

"Para sa iyo iyan lahat, Garett," ani ni Luna Calla kay Garett na nakangiti pa nang maluwag. 

Namutla naman si Garett at tila nasabugan ng bomba na namilog ang mga mata. Ubusin raw niya lahat. Is she out of her mind?!

Tinawag nito ang isa sa mga staff dahil gusto daw nitong makilala ang may-ari ng Café. And, as if on cue ay bumukas naman ang pinto at mula roon ay bumungad ang babaing nakasuot ng itim na mini dress. Maganda ito at nakakatuwang tingnan ang itim na itim nitong buhok na sumasabay sa bawat imbay ng mahubog nitong balakang.

Nangunot ang noo ni Garett nang maamoy ito. He once again sniffed in the air to confirm it.

Human...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status