Share

CHAPTER 02

BREAK UP...

GUIA'S P.O.V

Naglalakad kami ngayon pa-uwi ng Dorm Room namin. Napagdesisiyunan naming maglakad na lang kesa gamitin ang quick step, dahil gusto naming magmuni-muni at makapagrelax sa pagtingin sa magandang kapaligiran.

"Ate Adhira, bakit naging ganon bigla si Kuya? Parang naawahan ata siya ng ugali ni Kuya Lucian." Tanong ko kay Ate Adhira. Napatingin naman sa akin ng masama si Kuya Lucian kaya napa-peace sign na lang ako.

"Di ko rin alam Gi. I never thought na magkakaganyan si Kali." Seryosong sagot ni Ate Adhira sa akin. Huminga lang naman ako ng malalim, ano kayang problema ni Kuya Kali? Sana okay lang siya.

"Ano kayang problema ni Kali ano? Nag-aalala narin ako para sa kanya." Saad naman bigla ni Xavier kaya napatingin ako sa kanya sabay buntong-hininga at kibit-balikat.

"Huwag mo nang masyadong isipin iyon babe." Walang ganang saad naman ni Kuya Lucian kay Xavier. Wow ah dama ko yung "sweetness" niya.

"Salamat Adrien." Nakangiting sagot naman ni Xavier kay Kuya Lucian. Wow ah, ang bastos naman! Walang respeto sa mga walang kasintahan oh!

"Ehem, respeto naman sa mga walang kasintahan oh!" Mataray na saad naman ni Ate Adhira kaya napasamid ako ng konti, dahil parang nabasa niya ang nasa isip ko hahaha.

"Kapag inggit, pikit." Walang ganang saad naman ni Kuya Lucian kay Ate Adhira na naging dahilan para kumunot ang noo ni Ate Adhira.

"Aba talagang-" putol ni Ate Adhira sa sasabihin niya ng biglang buhatin ni Kuya Lucian si Xavier. Nawa'y lahat.

Bigla namang magpapababa si Xavier, "uy, Adrien ibaba mo nga ako," tumingin naman sa kanya si Kuta Lucian at ngumisi, tapos ay tumingin sa amin at nagpaalam, "sige una na kami, may importante pa kaming gagawin." Saad niya sabay ngisi. What the heck!

"Wah! Nakaka-green minded!" Sigaw ko pero di man lang ako pinansin ni Kuya Lucian at dali-daling nag-quick step.

Nang makaalis na sila ay huminga naman ng sobrang lalim si Ate Adhira at nagpaalam, "Guia mauna na ako, may na-fefeel akong may gagawing karumaldumal yung kapatid ko, sige bye," paalam niya sabay quick step, "hays, di man lang ako hinintay sumagot."

Napag-isipan kong maglakad-lakad dahil ayaw ko munang umuwe...

Naglakad lang ako ng naglakad hanggang ihinto ako ng aking mga paa sa harap ng isang garden na may pinto ng parang isang butterfly, " ito na ba ang tinatawag nilang Garden of Lepidoptera?" Saad ko sabay lapit dito. Hahawakan ko na sana ito nang maisip ko bigla na hindi pala ako makakapasok, dahil hindi ako Royalty.

"Hays, ang unfair mo naman." Saad ko sabay himas sa gate nito na may design ng pak-pak ng butterfly, ngunit napa-atras na lang ako nang biglang bumulas ang pinto nito, kaya naman dali-dali akong tumakbo sa loob nito at doon ko nakita ang isang napakalawak na hardin na punong-puno ng mga kakaibang bulak-lak at puno.

Sinulit ko naman ang napakagandang tanawin kaya naglakad-lakad pa ako hanggang makarating ako dito sa upuan sa ilalim ng punong may mga bungu na diamond, biglang yaman ka dito kapag kinuha mo ito at ibenenta sa mundo ng mga tao hahaha. Ano ba itong pinag-iisip ko, hays.

"Love, di ko na kayang ganito. Ayaw ko na, pagod na akong sundin lahat ng kagustuhan mo!" Sigaw na saad ng isang boses na pangbabae sa likod nitong puno. Wait parang pamilyar ang boses na iyon ah, kaya naman umakyat ako sa puno upang tignan kung sino ang nag-uusap na ito. Doon tumambad sa akin sila Princess Guen at yung ptinsepeng kupal na si Prince Dritan na nag-uusap.

"Guen, huwag mo namang sabihin yan oh, pag-usapan natin ito ng matino." Nagpipigil sa pag-iyak na saad ni Prince Dritan. Owww, interesting haha.

"No, kailangan na nating tapusin ito. Pagod na ang pride ko, pagod na ang isip ko, at pagod na ang katawan ko sa lahat ng kagustuhan mo! Napaka-immature mo!" Sigaw ni Princess Guen. Yah, I agree, super immature nga ng prinsepeng iyan.

"Anong sabi mo!" Sigaw ni Prince Dritan kay Princess Guen at..

(PAK!)

Isang malakas na sampal ang natamo ni Princess Guen. Wah! Imaature nga!

"See?" Seryosong saad ni Princess Guen habang pinupunasan ang dumudugong labi.

"I'm so sorry G-Guen." Paghingi naman ng tawad ng immature na prinsepe.

"Sige, alis na ako." Paalam ni Princess Guen sa prinsepe, pinigilan naman siya ng prinsipe, "teka Guen, look, I-I'm so sorry, hindi ko sinasadya." Umiiyak na paghingi ng tawad ng prinsepe.

"Sadya mo man o hindi. Hindi nun mababago ang desisyon kong makipaghiwalay sa iyo." Umiiyak na ring saad ng prinsesa sabay talikod at naglaho.

"AHHH!" Sigaw naman ng prinsepe habang umiiyak.

"Tsk, tsk, tsk kawawa nama- Ahh!" Putol na sigaw ko sa sasabihin ko nang bihlang maputol ang sangang tinutuntingan ko at...

(BOGSH)

"A-Aray." Saad ko na lang habang pinipilit kong tumayo kahit sobrang sakit na ng likod ko. Nang makatayo na ako ay tinignan ko naman ang prinsepe, doon ko nakita na sobrang sama ng tingin na ipinupukol sa akin nito.

"Guia?!" Galit na sigaw ng prinsepe, kaya naman ngumiti ako sabay peace sign...

...

KALI'S P.O.V

Kasalukuyan parin kaming lumilipad ni Fuchsia sa himpapawid ngayon.

"Ano? Matagal pa ba tayo Fuchsia?" Tanong ko kay Fuchsia.

"Hintay lang Owner, malapit na tayo." Sagot namna ni Fuchsia kaya naman napanatag na ang loob ko.

"Siya nga pala Owner," saad bigla ni Fuchsia, "ano iyon?" Tanong ko naman, "ano kase, babae ka ba o lalake, Owner?" Tanong ni Fuchsia sa akin na kinatawa ko naman.

"Hahaha, ang totoo niyan, wala sa dalawa ang kasarian ko. Bakit ba?" Natatawang saad ko kay Fuchsia.

"Ah, ano wala kase akong maramdaman na naka-umbok haha, pero teka, anong gusto mong sabihin sa wala sa dalawa ang kasarian mo?" Tanong nito sa akin.

"Kase wala naman akong kasarian, I'm genderless." Sagot ko kay Fuchsia at dahil sa sagot kong iyon ay nag- historical si Fuchsia na kinatakot ko.

"WHAT?!" Sigaw ni Fuchsia saby tigil kaya naman napabitaw ako sa hawak ko pero himalang hindi man lang akong nahulog.

"Fuchsia naman! Napabitiw tuloy ako, pero teka wait bakit hindi ako nahulog?" Tanong ko kay Fuchsia.

"Eh kase, hinahawakan ka ng katawan ko. Iyang apoy na nakikita mo ngayon sa buong katawan ko ay siyang tunay kong katawan, kung baga isa akong buhay na apoy." Sagot naman sa akin ni Fuchsia kaya naman tumngo-tango na lang ako.

"Uy, Fuchsia bakit gulat na gulat ka sa pagiging genderless ko?" Tanong ko naman sa Bosom Fera ko.

"Basta, never mind. Pero huwag mong ipagkakalat na genderless ka ah." Utos naman sa akin ni Fuchsia na pinagtaka ko.

"Bakit?" Natanong ko na lang, huminga naman ng malalim si Fuchsia, "ang mga genderless kase dito sa Mundo da Fantasia ay tanging mga purong Deus at Dea lang, kaya nga nakakapagtakang isa kang genderless, kaya huwag mong ipagsabi Owner ah, baka kapagnalaman ng mga taga Dark Continent eh, kunin ka nila at gamitin sa kasamaan." Kwento naman sa akin ni Fuchsia na kinabigla ko. Grabe akala ko challenge lang sa akin ng Supreme Dea ito, meron pa ring mabigat na tungkulin ito.

"Nandito na tayo Owner." Saad ni Fuchsia na pumutol sa pag-iisip ko, nasa himpapawid parin kami pero masisilayan mula dito ang isang isla na kulay fuchsia pink sa gitna ng walang hanggang dagat. Wow! Agad naman kaming bumaba roon...

Ngayon nga ay nakababa na kami at kitang-kita kong kulay pink lahat ng nandito, mga puno at halaman, lupa, bato at tubig na nakapalibot dito ay kulay pink.

"Hate naman masyado ng lugar na ito ang kulay pink ano?" Sarkastikong tanong ko kay Fuchsia. Nagpalit naman ito ng anyo at naging isang napakagandang babae ulit.

"Hahaha, ginawa ko kaseng kulay pink lahat para lumayas si Abadon hahaha." Tawang-tawang sagot naman ni Fuchsia. Oo nga pala, magkapatid pala ang Dragon na iyon at si Fuchsia.

"Fuchsia matanong ko lang, nasaan pala ang inyong magulang ni Abadon?" Tanong ko kay Fuchsia.

"Well, sabi ng nag-alaga sa amin ay kapanganak daw ng aming ina sa amin ay namatay na daw ito, yung tatay naman namin ay napatay ni Ainesh Otizam noong ikalawang digmaang pangmundo, ang tatay kase namin ang Bosom Fera ni Haring Equinox." Kwento naman ni Fuchsia na kinagulat ko. Grabe ang dami ko pa lang hindi pa natutuklasan na mundong ito, napakarming sikreto, napakamisteryoso.

"Ngayon ko lang nalalaman ang mga ito Fuchsia, sino pa lang kumupkop sa inyo noong namatay na ang magulang niyo?" Tanong ko si Fuchsia, humuntong hininga naman ito at ngumiti.

"Isang Fantasian ang kumpkop sa amin na nagngangalang Yolanda. Ang nag-iisang kapatid ni Haring Equinox na pumatay din sa kanya." Nakangiting saad ni Fuchsia, pero mahihimigan mo siya ng lungkot. Wait, kapangalan pa ni mama - ang aking ina sa mundo ng mga tao. Ang kumupkop kay Fuchsia at Abadon.

"Wait, Fuchsia bakit pala pinatay ni Yolanda ang sarili niyang kapatid?" Tanong ko kay Fuchsia, huminga naman ito ng malalim.

"Dahil kinumbinsi siya ni Ainesh Otizam na gawin iyon." Simpleng sagot ni Fuchsia na nahpakunot ng aking noo.

"Sa papaanong paraan?" Tanong ko ulit, "hindi ko kase pwedeng sabihin eh, patawad Owner." Malungkot na saad nito, ngumiti naman ako at hinimas ang ulo nito.

"Nirerespeto ko ang desisyon mo." Nakangiting saad ko dito.

"Bakit hindi mo pa sabihin? Ayos lang sa akin iyon, Fuchsia." Sigaw ng isang nilalang sa aming likod, kaya naman napaharap kami dito. Makikita ngayon ang isang babaeng nakasuot ng purong itim na dress pero hindi ko maaninag ang mukha dagil medyo mahina nga ang aking mga mata kaya tumingin naman ako kay Fuchsia.

Nang tignan ko si Fuchsia ay tumutulo na pala ang luha nito, nagulat namana ko tumayo ito at tumakbo sabay sigaw ng, "YOLANDA!" Kaya naman tumakbo din ako para sundan ito at nanag makalapit ako ay nabigla na lang ako at napatulala sa aking nakita.

Prinoproseso pa ng utak ko ang nakikita ko ngayon hanggang sa masambit ko ang katagang, "mama."...

...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status