Chapter 3 | Last
Sa aming paglabas ng gate ay nakatingin na sa amin ang halos lahat ng kamag-anak ko. They were busy bago kami lumabas ngunit ngayon ay kami na ang bida sa kanilang mga mata.
High school ako noong lumipat kami sa tahanan nina lolo at lola upang alagaan ang dalawang matanda.
Hindi ako sang-ayon noong una na kami ay lumipat dahil sa dinami-rami ng mga apo at anak nina lolo at lola, bakit kami pa na naninirahan sa malayo at maayos na lugar ang maga-adjust?
I didn't like the idea of living in this place. Oo nga't kasama ko ang aking mga pinsan at ang mga kapatid ni mama but the environment itself was toxic.
Their eyes were full of judgements. Halos marinig ko na ang sinasabi ng kanilang mga utak sa sobrang tahimik ng aming pagdaan. Sinadya kong bilisan ang lakad at diretso ang tingin upang hindi na mas lumala ang nararamdaman.
"You really live here? May kalayuan 'to sa university, ha?" Jacob asked.
"Hindi namin opisyal na bahay 'yan, it belongs to my grandparents," sagot ko.
"Oh, but you come home every weekend at dito iyon?"
"Yes. Diyan lang kami pansamantalang tumitira because we're taking care of lolo," I answered.
"Why didn't your family move to a better place with your grandfather?" Tanong niya.
"Ayaw ni lolo umalis," sagot ko na lamang.
Jacob tried his best to lighten up my mood. Sinabayan ko lamang siya sa bawat tanong at kwento niya sa biyahe.
May iilan pa kaming ka-schoolmate na kasabay sa sinakyang public transportation at halatang nagtataka sila sa amin.
They probably knew Jacob since he was one of the outstanding chef students of the university, habang ako? I didn't know what I was known of but based on the people's way of looking at me, they thought badly of me.
"Huwag mong isipin yung mga nakatingin sa atin kanina. They're just curious siguro," alu ni Jacob.
Na sa loob na kami ng mall at naglalakad patungo sa sinehan. Inalok muna ako ni Jacob kung gusto ko bang kumain ngunit tinanggihan ko iyon.
I smiled at him, "I'm fine. I'm looking forward to the movie."
"You really like that film, huh?"
"No one is too old to enjoy a Disney movie," I said na kanyang ikinangiti.
"Buti nga at pumayag ka sa una nating date, e. I thought you didn't like to see me because of my appearance," he said.
I glanced at him, "I don't judge someone based from their physical structure."
"Glad to know that. My ex broke up with me because she was ashamed of having me." Ani Jacob.
I chuckled with sarcasm, "Mabuti at pumayag kang humiwalay. Staying in a toxic relationship will bring nothing but stress and sadness."
"I know because you said that to me. Your ex is an asshole for doing that to you. Akala mo kung sinong gwapo, payat lang siya pero mukha namang mushroom," he ranted.
Humalakhak ako roon dahil naalala ang hairstyle ni Arist na nilait ni Jacob.
"I'll buy our tickets, ikaw na sa pagkain bumili," Jacob commanded na aking sinang-ayunan.
Mas mabilis nga kapag iyon ang gagawin.
Nang tuluyan kaming naka-akyat sa Cinema, nagkanya-kanya muna kaming direksyon. May kahabaan ang pila sa tickets at ganon rin sa snacks. Mukhang sabay lang rin kaming matatapos ni Jacob sa pagbili.
I took that opportunity to text mom about my location and my doings.
She replied a minute after na nagsasabing, "Go home at the said time, Mercian."
Huminga ako nang malalim at apat pang tao bago ako makabili. I wandered my eyes around the place. Hindi ko ito unang beses manood ng sine o mapunta sa mall na ito but the surrounding looked jolly and creatively done because of the scattered Christmas decorations.
Tahimik ako sa pila at nang ako na ang bibili ay sinabi ang tamang kukunin. Natapos ako roon at hinintay si Jacob sa exit ng ticket selling. Sakto nga lang ang aming pagbili.
"The movie is still on-going. Thirty minutes pa bago ang schedule. Let's grab something to eat, gusto mo?" he offered.
Hawak ko na ang aming mga popcorns and drinks ngunit alam kong hindi ito ang pwedeng kainin habang naghihintay. Nakaramdam rin ako ng konting gutom kaya sa huli ay umo-o ako.
He ordered me shawarma since iyon ang una kong nakita. Naghihintay kami ngayon na i-serve sa amin ito.
"You have a place near the university, right?" he asked.
"Mayroon. Doon ako tuwing may pasok. Pinaparentahan iyon ng magulang ng kaibigan ko," sagot ko.
"Is your space fine?" he asked.
Kumunot ang aking noo, "Yeah. Good for one person," I answered.
"Wala kang kasama roon?" tanong niya.
Wala, "Mayro'n naman... our room is just one door apart. Iyon ang sa kaibigan ko," I lied.
Ang totoo niyan ay wala akong katabing kwarto at sa first floor natutulog si Kurt.
"Oh? Hindi ka nahihirapan doon?"
"Hindi naman. Mas komportable pa nga ako ro'n kaysa sa bahay ng grandparents ko," I answered.
"You're living in your own condo, right?" I asked.
Alam kong nasabi na niya ito sa akin noon ngunit hindi ko maalala.
"Yes. Malapit lang rin sa university," sagot niya at tinanggap ang aming pagkain.
Binigay niya ang akin at sabay kaming umupo upang kainin iyon.
Tahimik akong kumakain nang kinalabit niya ako at pinatingin sa camera. I immediately smiled and even did a peace sign. Marami pang pictures ang sumunod dahil gusto raw ni Jacob akong i-flex. Wala naman akong problema roon at napagdesisyunan ring gawin iyon mamaya.
I watched him add a picture of us on his I*******m story. Mabilis iyon nakatanggap ng viewers but he didn't mind. I took out my phone at pinatingin rin siya sa camera. Then, I added the picture on my story too, tagging him.
Nang nakita naming patapos na ang thirty minutes ay bumalik na kami sa sinehan at pumili sa tamang entrance ng panonooring pelikula.
Most of the watchers were kids since it was a Disney film. I was happy to know na para pang mapupuno ang sinehan dahil sa dami.
Pinapasok na kami sa loob at hinanap agad namin ni Jacob ang aming pwesto. He decided us to be seated at the top part of the cinema. First time ko ritong maupo dahil madalas ay sa gitna lang ako umuupo.
"Mostly kasi sa middle seats ay taken na so..." he reasoned when he sat beside me.
"This is fine. Mas wide pa ang view rito," I lied.
Kinalkalkal ko ang popcorn upang may pag-abalahan. I saw him stretching his right arm na hawak muli ang phone. Ngumiti ako muli para sa iilang litrato.
Tahimik kong inobserbahan ang middle area ng sinehan. Napansin kong may vacant seats pa roon na pwede sana naming i-occupy. It wasn't even that crowded dahil halos lahat ng bata ay na sa unahan. Nakaramdam ako ng galit sa hindi malamang rason.
Was Jacob planning something?
I'd been in a relationship for years with a cheater kaya hindi ako inosente sa ganitong bagay. Arist showed me some of the natures of men when it came to this kind of things.
Nagsimula ang film at wala na akong maintindihan. My mind was now conscious because of Jacob's actions. Sinubukan kong sabayan ang film kahit hindi ko masyadong naintindihan ang introduction.
Hindi ko napansing na-enjoy ko na pala ang palabas. Na sa kalagitnaan na ng film at nakikitawa na ako sa mga witty scenes.
"Nilalamig ka ba?" tanong ni Jacob sabay akbay.
I wanted to take off his arm from me ngunit hindi ko nagawa dahil baka anong isipin niya.
"No," sagot ko na lamang.
What would he do if I was cold? Wala naman siyang jacket. May mapalusot lang ito para maakbayan ako.
Ilang minuto rin bago ko naramdamang dahan-dahang bumababa ang kanyang braso sa aking likod. Tila ba pinapamukha niyang hindi iyon sinasadya dahil nga mabagal. I secretly looked at him na kunwari'y attentive sa palabas.
I rolled my eyes because I was really pissed and turned off.
Hinayaan ko lamang siya balak niyang gawin dahil huling kita na rin naman namin ito. Sayang, I would eventually like him sana kung hindi siya manyak at bastos.
I was somehow fine na may nalaman akong pangit niyang ugali upang gawing rason na tigilan siya.
I felt his arm successfully went down to my back. Maya-maya pa ay naramdaman kong pa-simple niyang hinahaplos ang aking puwitan.
I hated that I couldn't make him stop, not because I liked it, but because I was scared.
Kurt's words hit me big time. Hindi ako lumulunok ng pride ngunit alam ko kung kailan ako mali at dapat magpakumbaba. This time, si Kurt na naman ang tama.
I didn't enjoy the movie at tila ba nadamay ko pa ang palabas dahil ayaw ko na muli itong panoorin kahit sa T.V o kasama ang ibang tao.
Nakangiti kaming umalis ni Jacob sa sinehan nang natapos, kunwari ay na-enjoy ko ang palabas at ang pangm-manyak niya.
"Gagamit ako ng comfort room," I announced to him.
"Oh? Ako rin. Tara," yaya niya at naunang naglakad.
The line for the girls was long, as usual. Walang pila sa mga lalaki, as usual.
"Mauuna na ako. Hihintayin na lang kitang matapos," Jacob said.
I made an okay sign at kunwaring pumila na sa mga babae.
Nang pumasok na si Jacob sa loob ay agad akong tumakbo palabas ng mall. Hindi naman talaga ako naiihi at ginawa ko lamang iyong palusot upang hindi na siya makasama mamayang pag-uwi.
I couldn't afford to be with him one hour more. Diring diri na ako sa kanya at galit na galit.
Mabilis akong nakasakay ng taxi paglabas. Hindi ko alam kung nasundan niya ba ako dahil nagmamadali akong lumabas ng mall para hindi niya mahuli. I didn't look back at all.
Nakahinga ako ng maluwag nang umandar na ang taxi palayo sa mall at nasama na sa kalsada.
I texted mom na pauwi na ako at hindi na kasama pa si Jacob. I ordered her not to answer any of Jacob's call or texts. She asked me what happened at tila ba napaaga ako ng pag-alis. Hindi na ako sumagot dahil hindi ko kaya iyon aminin.
I texted Jacob saying that I saw a friend sa pila at niyaya akong gumamit ng comfort room sa ibang floor.
Jacob: Where are you na?
Mercian: Niyaya ako ng kaibigan kong umalis patungong ibang mall, I'm sorry. I can't say no to her dahil ngayon na lang kami muling nagkita.
After a couple of minutes saka siya nag-reply.
Jacob: That's okay. Alam na ba ni tita?
Tita my ass.
Mercian: Oo, I told her na. Ingat sa pag-uwi.
Sana'y madisgrasiya kang manyak ka.
Jacob: Ikaw rin. Thank you for today.
You better enjoyed it because that was definitely the last.
Chapter 4 | Visit Kabado ako sa pag-uwi na tila ba ako pa ang may maling ginawa sa araw na ito. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kung magtanong man sina mama at papa tungkol sa aking araw. Hapon nang naka-uwi ako sa aming tahanan. Dire-diretso ang aking lakad patungo sa aking kwarto na kahit si Aphro ay hindi ako napigilan. Tahimik ang bahay, tiyak kong na sa labas si mama at si papa naman ay umalis. Kumuha ako agad ng damit na pangbahay upang makapaglinis na ng sarili. Pumasok si Aphro sa aming kwarto habang nagtatanggal ako ng aking earrings. "Ang aga mo ate?" she started.
Chapter 5 | Modern "Huwag ka namang ganyan, Ian," may pagmamaka-awa sa boses ni Arist. I scanned my ex boyfriend's face and tried looking for a reason why I even liked him in the first place. His eyes were full of sincerity but those won't fool me anymore. "Mag-usap tayo," paki-usap niya sa akin. I didn't say anything for seconds. I noticed some of our neighbors, which were my relatives, looking at us. "Sino 'yan, Ian?" one of my cousins asked. "Si Arist lang, mag-uusap daw kami," I answered blankly. "Huwag ka ng gumawa ng
Chapter 6 | Watch"Ian, nabayaran ko na pala ng advance ang space mo kina Kurt hanggang January," imporma sa akin ng aking ina nang lumabas ako ng aking kuwarto."Sige, ma, salamat. Ano iyang ginagawa ninyo?" I asked right away as I noticed them doing something."Ito?" tinaas ng aking ina ang hawak niyang stick, "barbeque lang, kakainin mamayang gabihan."Tumango ako at tumungo sa aming banyo upang maglinis ng sarili. Grabe ang init kaninang tanghali, himala pa nga't nakatulog ako. Nagtagal ako sa banyo upang magbabad sa tubig. Hindi naman kalakihan ito ngunit sakto naman para sa dalawang tao. Kompleto rin ang aming mga kagamitan at maayos ang pagkadisenyo like the usual comfort rooms of a house.
Chapter 7 | Sleep"Hoy, kanina ka pa lutang!" Puna sa akin ni Kurt na nagpagising sa akin.Tinampal pa ako ng bakla sa magkabilang pisngi. I stopped him when his hit kind of hurt."Gising ako, okay?""Pero iyang utak mo, kanina pa nalipad, hala ka!" he accused me.I painfully shut my eyes closed and tried bringing my senses back. Talaga naman, Mercian. I still hadn't recovered from the scene I watched earlier. Maga-alas otso na ngunit ang isipan ko ay tila naiwan kaninang tanghali."Bakit, anong nangyari?" Kurt asked me."You won't believe it," I said instead.
Chapter 8 | Desire Kinain ko ang jolly hotdog habang wala si BJ. Hindi ko na inisip pang tumigil upang uminom o huminga, mabilis ko itong inubos upang maka-alis na rin agad ng fast food. I originally planned to stay and review while eating but since the man I saw half naked sat with me in one table, I decided to sacrifice my plan and leave afterward. Hindi ko sigurado kung babalik pa ang mokong ngunit hiniling kong sana ay huwag na. Wala na akong mukha pang ipakikita, tanging pride ko na lamang ang matayog at hindi nagpapatalo. I secretly looked for BJ among the crowd. Siya na ang um-order, teka? Ngayon pa lang siya o-order? Kung gano'n, anong ginawa niya rito, pinanood akong magmukhang tanga?
Chapter 9 | Act When you less expected on things, you wouldn't be disappointed when it really didn't happen. Danica, on the other hand, expected her kuya Marcus to show out anytime soon... yet no one distracted my peace. My classes for the week ended and my issue around the campus somehow lessened. One day, the judgemental eyes weren't staring at me anymore... I wasn't sure how it happened, their sudden change of mood quite felt suspicious. I didn't bother on that part anymore, the exam week was about to come and I needed to prepare for the major subjects. "Hindi ka uuwi ngayong weekend?" my mother called me, five in the Saturday morning.
Chapter 10 | Smile Honestly, I wasn't sure where our act of being natural would go far. Being in front of BJ was enough to intimidate me, imagine adding four you'd get a total of five... five hot yet calm men. Their manly figures occupied the free table with eight chairs. They were sitting far from each other yet stood up when they saw us nearing. "Dito ka na lang," a guy commanded another. "Sila na riyan, sa gilid ka na lang ni Jaren, Verge," Marcus told in a casual tone. Thankfully, Nemo stopped crying when Kurt lifted him up earlier. Nemo was now looking curiously at the men in front while unconsciously biting his fingertip
Chapter 11 | Humiliate Ikatlong araw na ng grupo sa aming karindirya at sa loob ng mga nagdaang araw ay halos hindi na nabakante ang alinman sa mga upuan ng aming kainan. I wasn't sure if they promoted this place to gain more customers or they were just really eye catching. Most of our customers yesterday were girls, both average kind and rich-just imagine that... some really went here to just see the five. I couldn't say anything harsh about it though. Out of all people, ako ang pinakanakikinabang sa biglaang lago ng karindirya sapagkat ako ang anak ng may-ari. Tanghali nang medyo nakaluwag kami sa dami ng gawain. Wala ng niluluto pa at pinapa-ubos na lamang ang mga hinaing pagkain. Nanay Feran was the one in charge serving the foods from the counter while Verge, Jaren and Marcus delivered. Sina Cadne at Daniel naman ang tagalinis ng mga lamesa pati na rin tagahatid ng mga husagin sa kusina. Kasama ko naman si Kurt sa kusina upang maghugas ng