Share

Chapter 2

I have no plans going out today. I’ve decided to annoy my youger sister She’s reading for sure. Pagkatapos naming mag-breakfast nakita ko siyang papunta sa kwarto niya kaya naglakad ako papunta ron. Nalala ko si Von, iyong mga sinabi niya sa akin. Napakadaldal niya. Actually naawa rin ako sa kaniya. Nakayanan niya pa ring pumasok sa school kahit binu-bully na siya. Napakabuti niya pa namang tao.

Nang nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Rein, kumatok na ako. “Rein? Pwede pumasok?” mahinahon kong saad.

“Yup. Hindi naman ‘yan naka-lock,” sagot niya.

Binuksan ko na at naglakad papasok. Deretso ako sa malambot niyang kama. Nasa gilid ng kama niya ang malaking bintana. Nakabukas ito kaya makikita mo pagsikat ng araw. May maliit ding ‘mesa sa kama niya. May bookshelf siya sa kaniyang kwarto roon sa bahay namin. Maraming mga libro, kumpara rito, wala, isa lang ang nakikita kong libro at iyon ang hawak niya. As expected, she’s reading a book again. “What are you doing here, Ate? Do you need something?” she asked without looking at me.

Ang lambot ng kama niya, sarap tuloy matulog. “Wala naman. Hindi mo kasi ako sinamahan kahapon, e. Na-miss kita ka-bonding,” sagot ko nang nakangiti. Hindi pa rin niya ako nilingon at nakatutok lang amg mata niya binabasa niyang libro. I noticed that the book she read is a classic book; Little Women by Louisa May Alcott. Hindi ba siya nabo-bore sa ganiyang libro?

Napansin niya yatang nakatitig ako aa librong dala niya kay tiniklop niya ito at pinatong niya sa kama. “Mabo-bore ka lang dito, Ate. I have to finish this book kasi may mga hindi pa ako natatapos.” Tiningnan niya lang ako. Nag-iwas ako nang tingin at bumutong-hininga. “Ayaw mo ba talaga lumabas?” tanong ko at binalik ang tingin sa kaniya.

“Sa susunod na. Tinatamad pa akong lumabas, e.” sagot niya.

I sighed. “Okay, fine.”

Umupo ako sa kama at nginitian siya. Kinuha niya kulit at kaniyang libro at nagbasa ulit. “May nakilala ako kahapon. We’re already friends. Kung sumama ka lang sa ‘kin kahapon magiging friends mo rin sana s’ya. ‘Tsaka hindi ka ba nabo-bore rito? Buong araw kang nakakulong.”

She obviously doesn’t care at all. Hindi man lang ako sinagot. Napangiwi ako at nag-iwas nang tingin.  “Anyways, Von name niya. nakatira na siya rito. And he’s friendly and loud.” Naalala ko ulit siya kaya napangiti ako. I really enjoyed his accompany yesterday. Kahit nag-uusap lang kami, hindi ako nabo-bore. Bumalik tingin ko sa kaniya at saka ko lang namalayan na nakatingin na siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. “Ba’t ka naka-ngiti?” She seems amused about it.

I shrugged. “I just smiled. What about it?” Grabe napangiti lang pinagduduhan na agad. Tinaasan ko rin siya ng kilay. “Wala, napatanong lang,” sagot niya at nagbasa ulit siya sa librong dala niya. “Okay then, parang ayaw mo ng kausap dito. I’ll leave.” I rolled my eyes. I didn’t expect that I will end up getting annoyed instead of her. Nagbabakasyon daw pero nasa loob pa rin ng bahay. Even Dad and Mom are still working kahit nandito. Bumuntong-hininga ako at nakaramdam ng uhaw kaya napagdesisyonan kong bumaba para uminom ng malamig na tubig.

Nasa kalagitnaan pa ako ng hagdan, narinig ko na nag-aaway sina Mom and Dad. “Ayaw na nga ni Rein kay Gabriel, bakit natin pipilitin? I don’t care about our business, Rayan!” I overheard Mom said to Dad. I stopped walking and kept eavesdropping their arguments. “Gabriel still loves Rein. Think about business partnership with the De Guzman, Ivory! And I know how Rein loves Gab,” Dad answered.

Nagtaka  ako sa sinabi ni Mom. Rein really loves Gab, and I know that. It hurts me to witnessed how she loves Gabriel so much. How she adores Gab. How he makes my sister happy. Gab and I were classmates and  he is  also my best friend. He knows Rein and he wants me to introduce him to her, kaya ayon, nagkakilala sila. Rein told me that she likes Gabriel. Nasaktan ako n’ong sinabi niya iyon kasi gusto ko rin si Gab, pero alam kong gusto rin siya ni Gab. I liked Gabriel before, but that was before. He obviously in love with my sister, Rein. I also don’t want to push myself to someone who doesn’t care and like me. And I love my sister more than anyone else, I don’t want to compete myself with her.

“Hindi na nga mahal ni Rein si Gab. We talked about it before we came here. Kaya gusto niyang lumayo muna sa manila to avoid Gab. Gusto niya raw kalimutan si Gab,” rinig kong sagot ni Mom.

“I’ll talk to Rein what really happened with the both of them,” Dad said.

Alam kong a-akyat siya sa kwarto ni Rein kaya nagpatuloy na akong naglakad pababa ng hagdanan. As what I’ve expected, Dad went upstairs. I know Rein can handle that, she can handle Dad. Tumango lang ako kay Mom bilang pagbati n’ong nakita ko siya sa kusina. Umiinon siya ng tubig, hindi man lang ako pinansin. Ano kaya nangyari sa kaniya ni Gab. Napansin ko rin noong nandon pa kami sa bahay, dalawang araw bago kami magbabakasyon, hindi na siya gaanong nakatutok sa cellphone niya, puro na lang libro. E, noon halos hindi na nga nagbabasa iyon kasi nagc-cellphone na lang. Araw-araw tumatawag sa kaniya si Gab. Napakunot-noo na lang ako.

“Labas muna ako, Mom,” I said to her when she finished drinking water. She nodded and walked passed me.

I went outside to unwind myself from what I have heard. Ano kayang nangyari kay Gabriel at Rein? Nag-away ba sila o ano? Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Ang tanging sigurado lang ako ay masakit kay Rein iyon. Ang tanga ko, bakit hindi ko man lang siya tinanong n’ong napansin ko pagbabago niya. Bumutong-hininga ako. The wind blew as I hugged myself to feel a little warm. I always forgot to bring my jacket with me. My feet led me to Von’s peaceful place. I saw him sat on the bench playing a guitar. He turned his head on me and noticed that I was looking at him. He smiled and beckoned me. I walked towards him and smiled.

Marunong pala siyang mag-guitara. Umupo ako sa tabi niya. “Ba’t ka nandito?” nakangiti kong bungad sa kaniya. Nginitian niya rin ako. “Ako dapat magta-tanong n’yan sa ‘yo, e.”

Inilipat ko ang aking tingin sa dalawang paru-paro na nakapatong sa iisang bulaklak. “Gusto ko lang lumabas. Nakaka-stress kasi r’on, e,” tugon ko. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Nakahawak siya ngayon ng guitara at kinakalabit ito. “Marunong ka pala n’yan?”

Tiningnan niya ako at ngumiti. “Dadalhin ko ba rito kung hindi ko alam p’ano gamitin?”

I rolled my eyes and smiled. “Uh… Pilosopo ka rin pala, ano? ” natatawa kong tugon. We both laughed and stared each other for a minutes. Ako na ang unang nag-iwas nang tingin kasi nailang na ako. “Ang cute mo namang ngumiti,” rinig kong sabi ni Von.

Tiningnan ko siya ulit. “Mas cute ka. Nawawala mata mo, e,” sagot ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at tumawa. “Tuwang-tuwa ka naman ah,” dagdag ko. Tumawa rin ako.

“Ba’t ka pala nandito?” tanong ko sa kaniya.

“Gusto ko lang magpahangin. Boring sa bahay.”

Malamig naman kanina, bigla nalang uminit ang pananhon. Mahangin pa naman din, kaya hindi masakit sa balat. May puno ring katabi ang bench at tinatakpan nito ang init ng araw. Nag-iwas siya nang tingin at binalik sa kaniyang dalang guitara. “Kanta ka nga, makikinig ako,” sabi ko sa kaniya nang nakangiti. Marunong din naman ako mag-guitara kaso nitong mga nakaraangbuwan, hindi ko na nagagamit. Nakalimutan ko rin dalhin dito, nawala sa isipan ko.

He smirked at me and nodded. “Sure, what song do you want me to play?” he asked.

“Ewan, depende na sa ‘yo. Ano bang kanta ang bagay sa ‘kin?” tugon ko sa kaniya. Nag-iwas lang siya nang tingin at napangiti sa kawalan. Binalik niya ulit ang tingin niya sa akin at ngumiti. Nagsimula na siyang tumutog. I swayed my head and smiled at him.

“Ang buhok mo'y parang gabing numinipis

Sa pagdating ng madaling-araw

Na kumukulay sa alapaap

Ang ngiti mo'y parang isang tala

Na matagal na ang kinang

Ngunit ngayon lang nakita kung kailan wala na

Kailan kaya mahahalata

Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

Kahit mawala ka pa

Hinding-hindi mawawala

Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo.”

Napangiti ako sa kinakanta niya. I like the song. I like Munimuni. Nakaka-relate rin ako sa mga kanta nila. Bumutong-hininga ako at nakatingin lang sa kaniya habang kumakanta siya.

“Bawat segundo ay natutunaw

Tumutulo parang luha

Humuhugis na parang mga puting paruparo

Kailan kaya mahahalata

Ang pighati sa ilalim ng iyong mga tawa?

Kahit mawala ka pa

Hinding-hindi mawawala

Ang damdamin ko'y sa 'yong sa 'yo…”

“Sa 'yong sa 'yo

Sa 'yong sa 'yo

Sa 'yong sa 'yo

Sa 'yong sa 'yo…”
napasabay ako sa pagkanta. Alam ko naman din ang susunod na liriko. Napangiti siya sa akin

His voice sounds like a lullaby. Bagay sa kaniyang mahinhin na boses ang  kantang napili niya. Napangiti rin ako. Huminto na siya sa pagkanta gayon din ang pagkalabit niya sa guitara.

“Alam mo pala ‘yong kanta na ‘yan?” sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Nag-iwas nang tingin at hinawi ang buhok na nakapatong sa kaliwang balikat ko. Naiilang ulit ako sa tingin niya sa akin.

“Oo, marunong din akong gumamit ng guitara, ano,” sagot ko sa kaniya. Tumingin ulit ako sa kaniya at ngumiti. “Sayang nga, nakalimutan kong dalhin dito. Hindi ko na rin kasi nagagamit. Nabubulok na ‘yon sa gilid ng kwarto ko,” dagdag kong tugon.

“Bakit naman? Nawala na sa interest mo?” tanong niya sa akin.

Dahan-dahan akong tumango. “Parang gan’on na nga. May dahilan din kasi kung bakit nawalan na akong gana tumugtog.” Mapait akong ngumiti sa kaniya. “Pero move on na ako. Plano ko ngang dalhin dito kaso nawala sa isipan ko. I forgot,” dagdag ko. Nakatitig lang siya sa akin parang binabasa kung ano nasa isipan ko.

“Anong rason ba ‘yan?” tanong niya sa akin. Nakatitig pa rin siya.

“Mali ba tanong ko?” natawa siya bigla. Ang weird ng taong ‘to. Ano ba’ng nakatatawa sa pinag-uusapan namin? Nakalulungkot kaya. Napansin niya yata na hindi ako natutuwa kaya tumigil siya katatawa. “Sorry for laughing,” aniya.

Nag-iwas lang ako nang tingin. Ramdam ko ang dampi ng preskong hangin sa balat ko kaya napapikit ako. Kahit may araw, nakaka-relax pa rin. Huminga ako nang malalim. “Okay lang,” sagot ko.

“’Yong best friend ko. S’ya ‘yong dahilan,” dugtong ko at tumingin sa kaniya. Hindi na siya nakatingin sa akin. Tumango ito at tumingin sa kawalan.

“Ano ba nangyari? Between the both of you?” napalingon ulit siya sa akin.

Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba. Parang wala na si Gabriel sa akin, e, kinalimutan ko na siya. Hindi na kami katulad nang dati. Siguro nga kinalimutan niya na rin ako pagkatapos kung umamin sa  kaniya. Napabuntong-hininga ako. Nakalulungkot isiping parang hindi na kami magkakilala ngayon dahil lang umamin ako. Siguro naiilang na rin siya kaya hindi ko rin siya masisisi. Kung pwede ko kang maibalik ang lahat, hindi na lang sana ako umamin sa kaniya. Dapat kasi move-on na ako rito, e, bakit pa tumutulo luha ko dahil dito? Dapat masaya ako sa kanila ni Rein.

Napansin ko ang pagtapik ni Von sa balikat ko kaya nilingon ko siya.  “Okay lang kung hindi mo kayang sabihin sa ‘kin. I understand,” sabi niya nang nakangiti.

Pinahid ko ang luhang nasa pisngi ko at ngumiti sa kaniya. “Hindi, ah. Kaya kong sabihin, ano. Naka-move-on na rin kaya ako,” sagot ko.

“Crush ko ‘yong best friend ko. Mabait kasi siya. Pinu-protektahan ako n’ong mukong na ‘yon. Ayaw niyang nilalapitan ako ng kung sinu-sinong lalaki.” Natawa ako, naalala ko kasi kung gaano siya ka-protecive sa akin. Wala raw siyang tiwala sa mga lalaking nanliligaw sa akin doon sa school. “E, ako naman ‘tong si tanga. Kinilig kasi akala ko nagseselos lang s’ya,” dagdag ko. Bigla siyang tumawa nang malakas. Pinipilit kong h’wag tumawa, masakit kaya sa akin ‘yon. Pero kahit ano’ng pigil ko, napatawa pa rin.

“Tanga ‘ko, ‘no?” tanong ko sa kaniya habang tumatawa. Tumango lang siya at walang tigil sa katatawa.

“Best friend ka n’ya, e. S’yempre pu-protektahan ka n’yan,” sabi niya.

Hinampas ko siya sa balikat. “Ano ba?! H’wag mo nga akong tawanan,” sabi ko habang nagpipigil sa tawa.

“Assumera ka kasi, e,” sagot niya. Tiningnan ko siya nang masama. Napipigil siyang tumawa at tumango-tango. “Okay, sorry again for laughing. Continue,” he said.

Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa akin at kay Gabriel. Pati na rin relasyon nina Gab at Rein. He felt sad about it. It’s really sad, actually, but I should be happy for my sister’s happiness.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status