Share

Chapter 1

Mischell's POV

"Ito ba 'yung room natin?" tanong ni Nath ng mapunta kami sa tapat ng isang silid pareho kaming nakatayo mismo sa harap ng nakasaradong pinto at walang kasiguraduhan kung iyon nga ang aming silid, kahit ako ay hindi ko alam kung ito na iyon dahil late na nga ako nakarating ng school at hindi ko nga alam kahit pa ang unang subject ko ngayon.

"Aba malay ko sa'yo sana inalam mo na kanina pa," medyo irita kong sabi.

"Reklamador ka talagang hinayupak ka ito nga aalamin na." Kinuha nito ang cellphone niya at may tiningnan rito, malamang inaalam na niya ang schedule namin dahil pareho lang naman kami nito.

Ganito kami ka-close ni Nath kulang na lang ay magpatayan kaming dalawa kung may hawak lang kaming kutsilyo, sanay na kaming mag bulyawan, asaran at pikunan nito buti na lang nakakayanan pa naming intindihin ang isa't isa sino ba naman magkakaintindihan kundi ka-level mo rin syempre.

"Ito na 'yon girl," saad nito mayamaya ng masiguradong iyon nga ang room namin.

"Kumatok ka muna baka may teacher na jan," saad ko naman dito na agad naman n'yang ginawa.

Sigundo pa lang ang lumipas ay may bumukas na no'n, isang lalaki na batid kong istudyante rin dahil sa ID nitong suot.

Sa ID lang naman kasi malalaman kung istudyante ka dahil wala namang uniform ang university na ito kaya kahit anong gustuhin mong isuot ay malaya kang isuot.

"Yes po, dito rin ba kayo?" tanong pa ng lalaki sa'min, upang alamin kung doon din ba kami sa silid na iyon.

"Ah opo dito rin kami kuya, sorry late lang," malambing na sagot ni Nath na tila natipuhan na agad ang kausap dahil kahit kailan ay hindi ko pa ito narinig na nagsalita ng 'po' at 'opo.

'Talanding bakla talaga,' wika ko sa isip.

"Don't call me kuya ano ka ba mukhang magkakaklase tayo, tuloy kayo iilan pa lang kami rito at wala pa namang teacher na pumapasok," sambit pa ng lalaki at saka nilawakan ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok kami.

Tumuloy naman kami ni Nath papasok at doon ko naramdaman ang pagyakap ng malamig na klima na nagmumula sa aircon na nagawang palamigin ang buong silid, tuluyan na rin akong nakahinga ng maluwag dahil kapag sinusuwerte ka nga naman at wala pang teacher na pumapasok.

Napatingin pa ako sa loob ng buong silid at tinapunan ng tingin ang lahat na kasalukuyang nakangiti at nakatingin sa pagpasok namin.

Binilang ko sa isip ang babaeng naroon lang at akalain n'yong anim lang sila at ako ang pampito, at si Nath ang kalahati.

Kalahating binabae lang naman siya e' kaya okay na 'yon.

Mas marami ang lalaki sa section na ito mga lalaki lang naman kasi kadalasan mga business minded kaya siguro business ang mas pinili nilang course.

"By the way I'm Atom Gutierrez." Nagpakilala pa sa amin ang lalaki habang sa'kin nakalahad ang kamay nito na mukhang makikipagkamay pa.

"I'm Nathaniel Salazar, Nath for short." 

Si Nath ang unang nagpakilala at naki pag-shake hands kay Atom na dapat ay ako dahil sa'kin nakalahad ang kamay nito, talandi nga 'di ba magtataka pa ba ako, baklang 'to talaga.

"Mischell Flor nga pala dude, nice to meet you." Umakto ako na parang maangas rito kasabay ng pag-tapik ko sa balikat nito na parang lalaki ako kung umasta paraan ko 'yon upang maalis na ang binabalak niya mukhang natipuhan ako ng mukong e' pasensyahan na lang study first ako 'no.

Pilit pa itong napangiti sa ikinilos ko akala siguro nito tumboy ako, babae ako 'no mukhang lalaki nga lang.

Sinong sira ulo ba naman kasi ang advance mag-isip kakakilala pa lang type agad syempre ako, pasensya na advance talaga ako mag-isip naisip ko na nga agad na type ako ng lalaking 'to purke sa'kin nakalahad ang kamay, sa itsura ni Atom mukhang yayamanin kumustahin n'yo naman ako nakarating na ng college hindi manlang sinapian ng glow up kay saklap na buhay, puyat pa self.

Matapos nang pakikipagkilala namin sa iba pang naroon sa silid ay agad na kaming naupo ni Nath sa gitnang bahagi kung saan may bakanting upuan.

"Andaming papalicious sa section natin siguradong mapapaaga na ako nito pumasok lagi." Pabulong sa saad ni Nath nang sabay na kaming nakaupo.

"Kahit kailan naman alam kong 'yon lang ang habol mo, e' magtira ka naman ng kalandian baka maubos 'yan," nagsimula na naman akong asarin ito.

"Ang kalandian hindi basta-basta nauubos pero ang pasensya ko kunting-kunti na lang!" Maaksyong sambit nito sa harapan ko na bigla kong ikinahagalpak nang tawa, napalingon naman ang ilan sa nakarinig sa'min na mukhang natawa rin, kami lang kasi ang nakakapag-usap sa loob ng silid dahil karamihan ay hindi pa kilala ang isa't isa kaya mas pinili nalang na manahimik.

Hindi ko alam kung paano kami nagsimulang maging magkaibigan nitong si Nath nalaman ko na lang nakakasama ko na siya madalas at laging nag-aasaran, same school kami nu'ng senior high at unang beses pa kaming nagkita noon ay sa mismong guidance office dahil late kami pareho.

Grade 11 and 12 ay halos kinareer namin ng baklang 'to ang pagiging late, kaming dalawa ang nakakapuno sa record book ng guidance counselor dahil sa paulit-ulit na pag lista ng pangalan naming dalawa na halos walang araw na hindi late, buti na lamang at napakiusapan ko pa ang school noon dahil kulang na lang ay i-draft out kami nito pareho ni Nath.

Ngunit sa pagkakataong ito kailangan ko nang baguhin ang nakasanayan ko dahil hindi ako pwedeng mabigo sa college lalo pa at scholarship ang nakasalalay rito, nakapasa lang ako sa scholar kaya ako nakapasok sa university na 'to. Walang magulang na makakapagsustinto sa pag-aaral ko kaya kumakayod ako ng sarili ko lang.

Si Nath napilitan lang na samahan ako na mag-aral sa university na 'to, kasi dito lang ako nakapasa sa limang school na inaplayan ko ng scholarship. Ako lang ang scholar sa'ming dalawa ni Nath mukhang kaya naman ng pamilya ni Nath na gastusan ang pag-aaral niya kumpara sa'kin. 

Ako si Mischell Flor, 18 years old na ako at sa university na pinasukan ko umaasa ako na maging daan ito upang maabot ang mga pangarap ko sa buhay.

"Day dreaming na naman girl natutulala ka na lang bigla nag-almusal ka na ba?" Ikinagulat ko ang pag salita ni Nath na tinapik pa ako sa balikat dahilan para makabalik ako mula sa malalim na pag-iisip.

"Hindi pa," sagot ko sa tanong niya.

"Burikat ka talaga paano magkakalaman ang utak mo kung walang lamang ang tiyan mo?"

"Hindi naka connect ang tiyan sa utak bakla," angal ko naman.

"Pero tiyan ang nagbibigay inerheya sa utak," katwiran naman nito.

"Bakit ikaw kumakain ka naman pero wala paring laman ang utak mo sige nga paano mo ipapaliwanag 'yon?" bulyaw ko na.

"Oo nga 'no?" Napaisip pa ang walang hiya sa sinabi ko.

"Are you guys brother and sister?" tanong sa'min ng isang babae upang alamin kung magkapatid kami ni Nath, napalingon ito sa'min ni Nath dahil nakaupo kasi ito sa upuan sa unahan namin kaya malamang naririnig kami nito.

"Hindi." sabay naming sagot sa babae na nag ngangalang Zoey base sa pagpapakilala nito sa'min kanina.

"Ano pala?" muli nitong tanong upang alamin ang relasyon namin ni Nath.

"We're mortal enemy," sagot ko rito.

Nilingon ko si Nath na salubong na ang mga kilay na nakatitig sa'kin, prangka ako madalas magsalita na laging ikinaiinis ng baklang 'to.

"Haha charot lang Zoey mag-kaibigan lang kami nito na parang kapatid na rin," agad na pagbawi ko sa sinabi ko kanina.

"Ah okay, pwede rin ba akong maging part ng friendship n'yo guys, seriously I haven't any friends here lahat sila sa ibang university nag-aral at nahiwalay ako dahil gusto ng parents ko na ituloy ko ang pag-aaral sa business," kwento na nito sa'min.

Nagkatinginan kami ni Nath dahil na rin sa tanong ni Zoey kung pwede s'yang maging parti ng pagkakaibigan namin.

"Walang problema sa'min tutal sawang-sawa na ako sa burikat na 'to e'," saad ni Nath na nakaturo pa sa'kin.

"Talaga ba, kumustahin mo naman ako?" sarkastikong sabi ko.

"Kumusta ka girl?" lintek kinumusta nga ako raulo, imbis na makipag-asaran pa ay iniba ko na ang usapan.

"Bakit napakatagal naman yata ng teacher natin aral na aral na ako ah," saad ko.

"I don't know, kanina pa rin nga kami naghihintay e'," sagot ni Zoey.

Saglit pa ang lumipas ay nabaling na ang paningin naming lahat ng bumukas ang pinto ng silid na iyon, ngunit hindi ko maipaliwanag sa sarili ko nang tila ba biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo ko sa hindi maipaliwanag na dahilan siguro ay sanhi lang ito ng hindi ko pagkain ng almusal kaya gutom.

Ngunit tila kakaiba ang bagal na iyon ng unti-unting tumama ang paningin ko sa lalaking pumasok ng aming silid, matangkad ito at napaka ganda ng pangangatawan na talaga namang bumagay ang suot nitong plain white t-shirt na napapatungan naman ng itim na coat na hindi naka sara ang mga butones tinernuhan pa ng black slack pans.

Tila ba may hipnutismong humuhugot sa'kin na kahit isang saglit lang ay hindi naalis ang paningin ko rito, makikita ang walang emosyong mukha nito na hindi manlang nagawang ngumiti matapos pumasok sa silid namin, makinis ang balat ng bilogang mukha nito na tila ba lumaklak ng isang gallon ng glutathione sa subrang puti ng balat, matangos ang ilong at medyo chinito ang mga mata, makikita na mukhang binata pa ito, kaklase rin kaya namin siya pero wala naman itong suot na ID katulad ng sa'min o baka wala pang ID kaya gano'n.

Ito na ba 'yung sinasabi nilang blessing, oh my gosh thank you lord for giving me hope and inspiration while achieving my dream, nakikita ko na ang future ko kasama ang lalaking 'to.

Sinabi ko na nga kanina 'di ba ADVANCE ako mag-isip, kaya madalas nasasaktan.

Tumayo ang lalaki sa mismong harap ng klase at nakaharap pa sa'min walang pinagbago ang blankong expression nito saka nagsalita.

""Good morning everyone, I'm sorry for being late I just finished talking to the principal because of my schedule, by the way I will introduce my self first, I'm your proffesor in Entrepreneur subject my name is Zedic Lim, you guys can call me Prof. Lim or Prof. Zedic anything that you want." mahabang pakilala ng lalaki sa unahan na ikinapanlumo naman ng buong pagkatao ko nang marinig ang salitang 'proffesor'.

Sinasabi ko na nga ba dahil sa pagiging advance ko mag-isip sinampal ako ng katutuhanang walang future na magaganap sa aming dalawa dahil hindi p'wede ang istudyante sa guro lintek na buhay.

'Zedic Lim' 

Malibis kong naalala ang pangalang iyon sa napulot kong ID papunta pa lang ako rito sa klase namin.

'Sa kanya ba ang ID na 'to,' Kinapa ko pa ang ID na kasalukuyang nasa bulsa ng pantalon ko.

Nakakahiya kung ngayon ko ito isasauli, kaluka siguro mamaya na lang.

"Another reason to live a happy life girl, ang pogi ni Prof." Pabulong pang saad ni Nath sa'kin upang walang makarinig sa kanya.

"Basta talaga pogi ang galing mo e' ano, sorry ka akin 'yan," saad ko na halatang ikinagulat naman nito.

"Potahca girl," pagmumura nito sa'kin.

"I won't ask you to introduce yourself to me one by one because I have a list of your names so I'll have to memorize it, so before I start the introduction of our topic any question regarding the subject or anything that you want to ask." Nakataas kamay pang saad ng Prof upang alamin kung may tanong pa raw kami. 

"Single ka po ba?" wala sa sariling naitanong ko iyon dahilan para mabaling ang paningin nilang lahat sa'kin kasama na si Prof Zedic.

Nagtama ang paningin naming dalawa na nagpatindig sa lahat ng balahibo ko sa katawan, tila ba gusto kong humagilap ng martilyo sa mga oras na ito at pokpokin na lang ang sarili kong ulo dahil sa kahihiyan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status