Share

Chapter 4

Zedic's POV

"Zedic!" Naistatwa ako mula sa kinatatayuan ko matapos marinig ang istrektong tinig na iyon ni Mom matapos kong nakapasok ng bahay.

Hindi ko inaasahan ang pagpunta nito ngayon dito sa bahay ko at siguradong sermon na naman nito ang maririnig ko.

Hindi ko napansin na narito ito dahil sa likod ng bahay ako dumaan upang iparada ang kotse ko at hindi sa mismong gate. 

Marahan ko na itong nilingon kasabay ng pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba mas dumuble ang bigat ng bag na kasalukuyang hawak-hawak ko habang naglalakad ako papasok, pinanatili ko ang blankong expression ko upang ipakita sa kaniya na hindi manlang ako natuwang makita ito.

"Looks like you aren't happy to see me?" tanong pa nito matapos ko itong harapin, tumayo na rin ito mula sa pagkakaupo sa single sopa sa sala at maharang humakbang palapit sa gawi ko, makikita ang manipis na lipstick na nakalapat sa labi niya at bumagay naman ang magandang uri ng floral na bistida na suot nito na tila pinabata siya ng dalawang taon base sa pagkakahugis ng bistidang iyon sa pantay na hugis ng kaniyang balakang, kahit may edad na ito ay hindi maitatangging kaaya-aya pa rin itong tingnan.

"Dapat ba akong matuwa mom?" sarkastikong tugon ko kasabay ng isang mapait na ngiting umukit sa labi ko. "Bumisita ka ba o naparito lang para sermonan na naman ako?" sunod ko uling tanong.

"Mukhang tama ka nga, ano itinuloy mo pa rin ang kalukuhan mo anong mapapala mo sa pagtuturo ah marami ang umaasa sa'yo sa kumpanya hindi mo ba alam iyon at mas gugustuhin mong tumayo sa harap ng mga istudyante mo habang hawak ang marker sa board ganoon ba ang gusto mo?"

Napasinghap na ako sa hangin matapos marinig ang mga sinabi nito.

"Paulit-ulit na naman tayo sa bagay na iyan mom, p'wede ba." medyo inis ko nang sabi, aatras na sana ako upang talikuran ito ay nagsalita ulit siya.

"Paulit-ulit talaga hanggang hindi mo pa rin tinigilan ang kahibangan mo, wala kang mapapala sa pagtuturo Zedic!" 

Matapos marinig ang sinabi nito ay inis akong napakamot sa noo ko, "What's wrong with that mom? Ginagawa ko na lahat ng gusto mo at ni dad, hindi ko pinababayaan ang kumpanya at kaya ko iyong ipagsabay sa pagtuturo ko kaya 'wag naman pati ang pagtuturo ko kung saan na lang ako masaya ipagkakait mo pa sa'kin." napapasigaw ko nang saad rito.

"Siguraduhin mo lang na magagawa mo ngang pagsabayin iyang kagustuhan mo Zedic, dahil kapag hindi mo nagawa ang mga trabaho mo sa kumpanya ako mismo ang mag-uutos sa iskwelahan na tinuruan na ipatanggal ka tandaan mo iyan," maawtoridad na saad pa nito.

"Babe nandito ka na pala?" Tinig ni Estella ang sunod na narinig namin dahilan para matigil kami ni mom sa pagsasagutan.

Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis ng malaman na pati pala ang babaeng ito ay nandito rin.

"Hi babe," saad ni Estella.

Mga yabag ng paa ang sunod kong narinig at batid kong papalapit na ito sa'kin pero hindi ko na ito nagawang lingunin pa. 

Wala akong nagawa pa nang sunod kong maramdaman ang mahigpit na pagyakap nito sa likod ko.

"Nalaman ko na pupunta pala rito si tita kaya sumama na ako, I miss you babe, why are you ignoring me the whole day? I called and chat you hundred times already but even just one reply I didn't receive from you." Nagtatampong sambit nito habang nakayakap pa rin sa likod ko, hindi ko nagawang igalaw manlang ang katawan ko sa higpit na yakap na iyon na para bang libong taon n'ya akong hindi nakita at subrang na miss niya.

Malalim akong napabuntong hininga saka ito sinagot, "I'm busy."

"I know, naiintindihan ko naman kaya nga ako na lang ang bumisita sa'yo," saad pa nito.

Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at hinawakan ang braso nitong kasalukuyang nakayapos sa'kin saka ko kinalas ang mahigpit na pagkakayakap niya.

"Hindi pa ba kayo uuwi, gabi na ah?" sinubukan kong sabihin iyon na hindi nila mahahalatang gusto ko na silang umalis.

"Ayaw mo ba na nandito kami ng mom mo, naghanda na ako ng pagkain babe sasabayan ka na namin mag dinner," masigla pa nitong sabi.

"I'm not hungry," mabilis kong tugon. "Pagod na rin ako kaya magpapahinga na ako," dagdag ko pa na hindi manlang tinapunan ng tingin si Estella kahit isang saglit lang.

"Zedic bakit gan'yan mo ba itrato ang girlfriend mo?" istrektong tanong pa ni mom sa'kin dahil kapansin-pansin naman talaga ang malamig na pakikitungo ko kay Estella.

"Why did you care?" walang modo kong sagot rito at saka nagsimula na akong maglakad paakyat ng hagdan.

Dalawang palapag pa lang ng hagdan ang nahahakbangan ko ay huminto ako, hindi ko sila nilingon at nanatiling diretso lang ang tingin ko sa brown na carpet na nakalatag sa hagdan.

"Kung may pagkain kayong hinanda kainin niyo na, pakisara na lang din ng pinto kapag aalis na kayo." Walang emosyon kong saad pa.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap Zedic, bumalik ka rito!" Tawag pa ni mom sa'kin upang pabalikin ako.

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan mom," sagot ko naman na hindi pa rin lumilingon sa kanila.

"Hindi mo manlang ba ihahatid si Estella pauwi?"

"Hindi ako driver, at saka nakarating nga kayo rito na walang tulong ko kaya makakaya niyo na ring umuwi."

"Babe naman," mahihimigan na ang lungkot sa tinig ni Estella ngunit wala na akong pakialam pa roon, muli ko nang tinuloy ang paglalakad paakyat ng hagdan at hindi na sila pinansin pa.

Tuluyan na akong nakaakyat at dumiretso na sa kwarto ko, mabilis kong binuksan ang pinto noon at pabalibag kong isinara ng makapasok na ako.

Pabagsak ko ring inilapag ang bag kong dala sa isang sofa sa loob ng kuwarto, kasabay ng ilang ulit kong pagbuntong hininga upang kalmahin ang kaninang inis na nararamdaman ko.

Matapos kalmahin ang sarili ay nabaling na ang tingin ko sa istante malapit lang sa may pinto, napatitig ako sa isang picture frame dun kung saan makikita ang larawan ko na may saya sa mga labi habang naakbay sa'kin si Kuya Cedric, ito ang nakatatanda kong kapatid.

Kuha ang larawan naming iyon nung 21st birthday ko nang minsan kaming pumunta sa palawan, makikita sa litrato ang masaya naming ngiti at tanging short lang ang aming suot at walang pang itaas na damit, plain brown short ang suot ko habang hawaiian short naman ang style ng kay kuya na kulay asul habang basa ang pareho naming katawan dahil kakaahon lang namin noon sa dagat.

Iyon ang huling beses na nakangiti ako ng ganoon kasaya at hindi ko akalaing iyon na rin ang huling beses na makakasama ko si kuya.

"I hope you are still here to cheer me up brother, I miss you so much." Mapait akong napangiti habang nakatitig sa larawan nito dahil kahit anong gawin ko alam kong hindi ko na ulit makakasama pa ito kahit na humiling pa ako sa isang libong tala, wala nang silbi pa.

Kuya is already dead 3 years ago because of car accident, hindi namin nalaman kung sino ang nakabangga sa kaniya na tanging sabi ng mga pulis na nag-imbistiga sa pinagyarihan ng aksidente ay naging kritikal din ang lagay ng nakabangga rito bukod pa roon ay wala na akong nalaman pa, subrang hirap sa akin ang mawalan ng kapatid na tanging kakampi ko na lang sa lahat at laging nandiyan upang sumoporta sa akin.

Living with a strict parents are isn't easy, kaya ang isa't isa ang tanging nagbibigay lakas sa amin pareho ni kuya dahil sa mga magulang namin na laging nagdedesisyon sa lahat ng bagay para sa amin.

Laging sinasabi sa akin ni kuya na gawin ko ang isang bagay na alam kong doon ako sasaya kasi ayaw niya na matulad ako sa kaniya na naging sunod-sunuran na lang kina mom at dad, may malaking pangarap si kuya at iyon ay ang maging guro mahilig ito sa mga bata kaya gusto n'yang turuan ang mga ito at maging daan siya sa mga batang nangangarap din katulad niya.

Ngunit dahil namulat kaming pareho sa mundo ng pagnenegosyo ay walang nagawa si kuya kung hindi sundin ang gusto ng mga magulang namin, hindi siya naglakas ng loob na sabihin kina mom kung ano talaga ang gusto n'yang maging.

Tanging ginawa na lang n'ya ay ang bagay na alam n'yang magiging proud sa kaniya sina mom at dad kaya business din ang pinili nito kahit hindi naman talaga siya masaya.

Subrang proud ako sa kaniya na nagawa n'yang paunlarin lalo ang kumpanya namin kaya sa aming dalawa siya ang pinaka paborito ni dad, limang taon ang tanda ni kuya sa akin habang sabay kaming nag-aaral ay talaga namang napapabilib ako ni kuya na napagsasabay nito ang pag-aaral sa pagtatrabaho niya sa kumpanya, 25 years old siya noon nang ibigay sa kaniya ni dad ang posisyon bilang CEO sa kumpanya subrang saya ko para sa kaniya kahit alam kong hindi ito masaya para sa sarili niya.

Isang taon pa lang niyang nagampanan ang katungkulan niya bilang CEO ng kumpanya nang mangyari ang aksidente na dahilan upang tuluyang mawala ang isang tao na tanging meron na lang ako, at doon na nagbago ang lahat.

Pinilit ko sina mom at dad na mag palit ako ng course ko sa college at gusto kong maging isang guro, pero hindi sila pumayag.

FLASHBACK

"Zedic, how can it be easy for you to change your course, just because you don't see yourself in busines." Istrektong saad ni dad sa akin habang nanatiling nakayuko lang ako at hindi makatingin rito ng diretso.

"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nagsisimula, anong mapapala mo sa pagtuturo hindi ka aasinso riyan," sambit naman ni mom.

Naglakas loob na akong sumagot sa kanila dahil hindi ko na kayang manahimik na lang, mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sopa at magkasunod na tinapunan sila ng tingin.

"Tama kayo wala nga marahil akong iaasinso kapag paggiging guro ang pipiliin ko, pero hindi ko gagawin ito para lang sa sarili ko dahil gagawin ko ito para kay kuya!" pasigaw kong sabi na pinilit ko pang huwag mabasag ang boses ko dahil sa galit kasabay ng panginginig ng labi ko dahil sa kaba.

"At ano naman ang kinalaman ng kuya mo rito, wala na si Cedric kaya ikaw na lang ang inaasahan namin na magtutuloy sa pagpapatakbo ng kumpanya," sambit naman ni dad.

"Wala na si kuya at 'wag n'yong hintayin na pati ako mawala na rin," sarkastikong saad ko. "Pinili ko ang pagiging guro kasi iyon ang isang pangarap ni kuya na ipinagkait ninyo sa kaniya hindi n'yo manlang siya binigyan ng layang magdesisyon para sa sarili niya, gusto kong ako mismo ang tumupad ng pangarap niyang iyon at kung ang pagpapatakbo lang sa negosyo ang pinuproblema ninyo sige gagawin ko pa rin iyon kayang-kaya kong ipagsabay iyon huwag niyo lang akong pigilan sa gusto ko." mahabang dagdag ko at saka ko na sila tinalikuran.

END OF FLASHBACK

Walang nang nagawa pa noon sina mom at dad, itinuloy ko pa rin ang pagbabago ng course ko, 22 years old ako nang maka graduate ako ng college kasabay noon ay ibinigay sa'kin ni dad ang katungkulan bilang CEO sa kumpanya na naiwang pwesto ni kuya, kahit wala pa akong napapatunayan sa pagnenegosyo ay ginawa niya pa rin iyon at alam kong malaking kahihiyan ang aabutin ko kapag wala akong naipagmalaki sa kanila.

I'm 24 years old now, dalawang taon ko nang pinagsasabay ang pagtuturo at pagiging CEO ko sa kumpanya, nahahati ang oras ko sa dalawang bagay na iyon ngunit sa pagtuturo nakahanap ako ng kasiyahan dahil iniisip kong nagawa ko ang isang bagay na pangarap ni kuya na hindi nito nagawa at ang pagiging CEO naman sa kumpanya ay patuloy kong pinagbubutihan ngunit kahit pa gawin ko na lahat ng best ko alam kong hindi ko kayang pantayan ang nagawa ni kuya dahil kahit isang beses ay hindi ko manlang naramdaman ang pagiging proud nina mom at dad sa akin katulad kong gaano sila noon kay kuya.

Halos paulit-ulit pinagtatalunan namin ng magulang ko ang tungkol sa pagiging professor ko kasi gusto nilang talikuran ko iyon at ituon ang atensyon ko sa kumpanya, ngunit wala pa rin silang nagagawa kasi ayaw kong itigil ang nasimulan ko na.

'Kung saan ako masaya doon ako,' iyan ang mga katagang itinatatak ko sa isip ko na madalas sabihin ni kuya sa akin noong nabubuhay pa ito kaya ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko na kasi dito na ako masaya, sana ay masaya na rin si kuya sa narating ko ngayon kung asan man siya dahil ako ang nagtuloy ng isang pangarap niya.

Napabuntong hininga ako matapos ng malalim na pag-iisip, sunod na akong tumungo sa banyo upang maligo para mabawasan naman ang pagod na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status