Chapter 3

Reen

"ANO? ITO ANG ISUSUOT KO?" gulat na gulat kong tanong kay Liller, habang nakatingin sa pulang pampormal na sleeveless na kanyang inabot sa akin.

"Bakit? Ano ba'ng masama sa dress na 'yan?" balik tanong nito sa akin.

"Anong masama? Eh, baka kapag sinuot ko na 'to lumuwa na ang—"

"Kailangan, Reen," mabilis na tugon ni Liller sa akin.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito.

"Ano? Seryoso ka ba? Okay lang sa 'yo na may lumuwa—"

"Ano ba'ng sinasabi mo riyan?" natatawa-tawa nitong sambit. "Syempre, hindi!" pagpapatuloy niya.

Bahagya akong napaatras, nang makita siya na mas lalapit pa sa gawi kung saan ako nakatayo.

"S-sandali nga lang!" hindi ko na napigilang magprotesta pa, maging bahagyang maitaas ang aking tinig dahil sa pinaghalo-halong emosyon na aking nadarama.

"Hindi ko maintindihan. K-kapirasong— t-tela lang ito . . .” takang-taka at nag-aalangan kong wika sa kanya.

Nangunot ang noo ko nang tipid na ngumiti sa akin si Liller.

“Of course, Reen,” sabi nito. “CCA ang trabaho natin dito," dagdag pa nito. 

Agad na nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa sinabi niya.

“CCA?” mahina kong tanong.

“Yes, CCA. Mag i-entertain tayo ng mga customers na papasok dito, mga mayaman na lalaki na nais mag happy-happy, ganorn! Kakausapin natin sila, magse-serve tayo ng foods—”

“Ha?!” nanlaki ang aking mga mata sa kanya. Ewan ko, pero hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya sa akin.

Napalunok ako, nang mapansin na seryoso siyang napatingin sa akin.

“L-Liller, a-ano ba’ng . . . h-hindi kasi ito ang— t-trabaho na i-inakala kong—”

“Reen," napahinto ako mula sa pagsasalita, nang muling putulin ni Liller ang aking sinasabi.

"Ano man 'yang nasa isip mo, alisin mo ‘yan. Ngayon din. Hindi purkit kakausap at mag i-entertain tayo ng mga mayaman na lalaki na papasok sa bar na ito, ay pokers na tayo!” Huminga siya nang malalim. 

“Hindi tayo gano'n. Okay? Subukan mo, para malaman mo," mahinahon niyang pagpapatuloy. "Matagal na ako rito, pero hindi naging kabawasan sa pagkatao ko. Lalong-lalo na sa pagkababae ko ang trabahong ito,” dagdag pa niya.

Napahinga ako muli nang malalim. Umayos ako mula sa 'king kinatatayuan, saka diretsong tumingin sa kulay-kape niyang mga mata.

"Reen, hindi tayo magbebenta ng sarili rito. Trust me. At kung ang nais mo ay mabuhay at makatulong sa pamilya mo, tatagan mo ang loob mo." 

Napaawang ang aking labi dahil sa kanyang mga sinabi. Lalo, nang pasadahan niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa maya-maya lang ay umalis siya sa aking harapan. Diretso itong naglakad, na tila walang ano man na nangyari. 

Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang ibalik ko ang tingin sa dress na inabot sa akin ni Liller kanina. Ewan ko, pero hindi ko talaga maiwasan ang pag-iingay ng aking d****b. Bukod sa hindi ko alam ang aking gagawin dito, ay ito pa ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ito.

Sh*t! 

Hindi ko na alam ang aking gagawin. Pero isa lamang ang aking nasisiguro— hindi ako maaaring umuwi sa bahay nang walang napapatunayan kay Nanay— sa pamilya ko. Kailangan ko silang tulungan, kailangan kong lakasan ang loob ko para sa kanila. Dahil kailangan nila ako. Kailangan ako ng pamilya ko.

Tama si Liller. 

Kailangan kong tatagan ang loob ko. Hindi na ako pwedeng umatras. Nandito na ito— nandito na 'ko.

“Girls, thirty minutes! Be ready!”

Mabilis akong napatingin sa babaeng nagsalita mula sa kaliwa ko. Hindi ko alam, pero wala akong ibang naramdaman kundi pagkamangha nang makita ko ang itsura nito.

Napakaganda niya. Ang gaganda nilang lahat na narito— iyon ang bagay na sumagi sa 'king isipan. 

Totoo naman. Halos lahat kasi ng babaeng tamaan ng dalawa kong mga mata sa lugar na ito, talagang may masasabi. Mula sa kanilang mga tindig, pananalita, maging sa kasuotan at itsura ng mga ito. Lahat sila'y disente kung titingnan. Ako nga lang yata ang mukhang busabos dito.

Letse naman oh!

Kahit nag-aalangan at tila hindi alam ang gagawin, ay mabilis akong nagpalit ng damit. Baka maiwan ako, mahirap na. 

Hinanap ko si Liller nang matapos ako sa pagbibihis. Hindi pa ako nakakalapit sa kanya, pero natanaw ko agad ang kanyang matamis na ngiti nang makita ako nito.

“Ang ganda mo, Reen. Sobra. Gosh! Sabi ko na nga ba, eh! Hindi ako nagkamali ng pagpili sa dress na ito para sa 'yo,” wika niya nang makalapit ako sa kanya.

Sandali akong tumingin sa sarili ko, pagkatapos ay huminga ako nang malalim bago ibinalik ang aking mga mata sa kanya.

“I am pretty sure, na hindi ka maze-zero sa gabi na ito!” masaya niyang sambit.

Bahagya akong yumuko.

“A-uhm, magtatanong sana ako kung— kung okay lang ba ito—”

“Anong okay lang?” mabilis niyang putol sa ‘king sinasabi. “Okay na okay na okay!” salita niya. “Halika! Sumama ka sa ‘kin, ire-retouch kita.”

Wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya, nang hawakan niya ang aking isang kamay.

Kagat ko ang aking ibabang labi nang umupo sa isang itim na upuan, habang may malaking salamin na nasa harapan nito.

Napalunok ako, nang simulan akong make-up-an ni Liller. Alam ko ang mga ganito, sapagkat minsan ko na itong ginawa sa ‘king kaibigan— si Aoi.

Speakining of her . . . kumusta na kaya siya? Nasaan na kaya ang babaeng iyon? Ano kayang nangyari sa kanya? Naiisip pa kaya niya ako? Bigla na lang siyang nawala, siguro ay successfulled— successfully . . . ah, basta! Siguro ay maunlad na ang kanyang pamumuhay. 

Sana nga. 

Masaya ako para sa kanya. At sana isang araw ay magkita kaming muli. Lalo sigurong gumanda ang isang 'yon . . .

"Ayan, okay na!"

Napabalik ako sa kasalukuyan nang muling magsalita si Liller.

Tumingin ako sa salamin na nasa aking harapan, bago sa 'king mukha ay natamaan muna ng aking mga mata ang nakangiti kong kaibigan. 

Ginantihan ko siya ng ngiti. Pagkatapos ay tiningnan ko na ang aking sarili.

Hindi kakapalan ang make-up na inilagay ng bago kong kaibigan sa 'king mukha, pero masasabi kong epektibo ang kanyang ginawa.

Well, wala namang pangit na anak si Inay at Papa . . .

"Ang ganda-ganda mo, natutuwa ako— I mean, masaya ako para sa 'yo. Sigurado akong mag e-enjoy ka rito," untag ni Liller.

Tipid akong ngumiti sa kanya.

"S-sana nga . . . m-maraming salamat nga pala, Lier," kanda utal kong sabi.

"Ano ka ba? Walang ano man. Wait lang, mag-aayos lang ako sandali," Tumayo ako pagkasabi niya n'yon, lumipat ako sa isang bakanteng upuan, katabi ng itim na upuan na pinanggalingan ko.

Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano, habang pinanonood si Liller na nag-aayos sa kanyang sarili. Ewan ko ba. Kahit kailan naman kasi, hindi sumagi sa 'king isipan na mararanasan ko ang ganitong trabaho upang maka-survive— tama na siguro ako sa ingles ko . . .

Sana lang, ay tama rin ako sa desisyon na aking pinili.

Sana . . .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status