Share

CHAPTER 3

MELODY POV

Habang natutulog ako naramdaman kong may kung sino ang pumasok, tuloy-tuloy lang ang lakad nito hanggang sa tumigil. Dahil sa sinabi ni Tiya at Maya kanina na hindi sila sigurado kung anong oras ang kanilang uwi naiisip ko ngayon na si Aron ang pumasok. Dahil sa sama ng pakiramdam, hirap akong maimulat ang aking mga mata pero…bakit ganon? Parang may nakatingin sa’kin? Hirap man pinilit kong magmulat ng mata at sa pagmulat ko hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Aron at titig na titig sa’kin. Nilukob ako ng matinding kaba.

“ M-May k-kailangan k-ka b-ba? ” Nauutal kong  tanong sa kan’ya. Kakaiba talaga ang mga titig na ipinupukol sa’kin ng mga mata n’ya.

Natatakot ako…

“ Masama pa rin ba ang pakiramdam mo Melody? ” Tanong n’ya sa’kin na parang may iba pang ibig sabihin. Lumapit pa s’ya lalo sa akin kaya tinulak ko s’ya ng kunti, dahil na rin siguro sa wala akong lakas kaya hindi manlang s’ya natinag.

Bumangon ako at lumayo sa kaniya. “ Anong binabalak mong gawin? ”

Mas tumindi ang kaba sa dibdib ko ng makita ko ang ngiti n’ya. Ngiting may ibig sabihin.

Hindi ko gusto ang ganito. 

“ Ano ba’ng gagawin ko sa’yo? Tinatanong lang naman kita kung masama pa ba ang pakiramdam mo? Masama ba ang itanong sa’yo ’yon? Melody, nag-aalala din naman ako sa’yo kahit papa’no. ” Sabi n’ya pagkatapos ay akmang hahawakan n’ya ang pisnge ko pero tinabig ko ‘yon.

Inipon ko ang buo kong lakas para matulak s’ya. “ Nasisiraan ka ba ng ulo Aron? Natatakot ako sa inaasta mong iyan! ”

Marahas n’yang hinawakan ang kamay ko.

“ Nasasaktan ako Aron! Bitawan mo ako! ” Sigaw ko.

Halo-halo na ang nararamdaman ko takot , kaba at kung ano-ano pa. Dahil mas lamang ang lakas n’ya sa’kin walang kahirap hirap na nabuhat n’ya ako na parang sako, pinasok sa loob ng kwarto n’ya, inihiga sa kama at pinatungan.

“ Masasaktan ka talaga kung mag mamatigas ka sa’kin Melody! ” Diin n’yang sabi. Sa puntong ’yon nagsimula ng mamalibis ang aking mga luha.

Mama, papa, please! Tulungan n’yo ako...

Pinilit kong magpumiglas sa mga kamay n’ya. “ Nababaliw kana Aron! Gago ka! Bitawan mo akong hayop ka! ”

He laughed, pinaglandas ang daliri n’ya sa pisnge pababa sa labi ko. Naninindig ang lahat ng balahibo ko sa mga ginagawa n’ya, nandidiri ako.

“ May nakapagsabi na ba sa’yo na ang ganda ganda mo Melody? Sayang nga lang dahil naging mag pinsan tayo at mas lalong sayang dahil hindi pwede maging tayo. Kaya naisip ko, total naman ang ganda ng katawan mo at birhen pa gusto ko sanang ako ang makauna sa’yo. Matagal ko na ngang iniisip kong paano kita aangkinin dahil sa pamilya ko. Hindi mo lang alam Melody! ” Sabi n’ya na ikinalaki ng mata ko. Baliw na s’ya!

“ Please, Aron. Nakikiusap ako sa’yo, pakawalan mo na ako. Pangako kakalimutan ko na nangyari ito at hindi ako magsusumbong kay Tiya. Pakiusap! ” Pagmamakaawa ko sa kaniya pero sa halip na maawa s’ya sa’kin bigla s’yang tumawa habang nagsisimula ng gumala ang kamay n’ya sa katawan ko. Napapikit ako ng madiin habang impit na umiiyak.

Wala bang tutulong sa’kin d’yan?

Nilapit n’ya ang kanyang labi sa tenga ko. “ Shhh! Pangako magiging gentle ako Melody, hindi kita sasaktan. Intindihin mo na lang sana ako. ”

“ Demon—Ahmmm! ”

Sa pagkakataong iyon tuluyan n’ya ng inangkin ang labi ko. Pinipilit ko paring umiwas sa mga halik nyang nakakadiri, sa bawat iwas ko s’ya namang hawak sa mukha ko upang hindi ako makaiwas. Patuloy lang ako sa pag-iyak lalo pang tumindi ng marinig at maramdaman kong marahas niyang pinupunit ang damit ko pang itaas. Diyos ko! Ito na ba ang katapusan ko? Matatawag na ba akong isang maruming babae? Bakit s’ya pa? Bakit s’ya pa na pinsan at kadugo ko ang s’yang bababoy sa’kin at sa pagkatao ko? Bakit!

“ Mama, papa… ” Bulong ko. Wala na akong lakas, pareho n’yang hawak ang dalawa kong kamay. Anong laban ko? May sakit ako at mahina, wala akong magagawa kung hindi ang umiyak at hayaan siyang hawakan ng madumi niyang kamay ang aking dibdib.

Habang patuloy parin s’ya sa panghahalay sa’kin, nakahanda na siyang tanggalin ang short ko ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto n’ya. Napalingon s’ya doon at nakita ko ang gulat sa kaniyang mala demonyong mukha.

“ Mama?! ” Gulat na banggit ni Aron sa taong nasa pinto. Mabilis siyang umalis sa itaas ko habang ako naman ay napalingon kay Tiya. Nanghihinang bumangon at binalot ng kumot ang aking sarili.

“ T-Tiya! M-mali k-kayo s-sa n-nakita n-niyo—si Aron! ” Nauutal kong paliwanag, sinusubukang iligtas ang aking sarili.

Matatalim ang tingin sa’min habang tinuturo n’ya kaming dalawa ng anak n’ya. “ Kayo! ”

“ Mama! Si Melody ang may kasalanan! Inakit n’ya ako mama! ” Turo sa’kin ni Aron na ikinagulat ko. Sinungaling!

“ Hindi totoo iyan! Tiya, please! Maniwala kayo sa’kin. Nagsisinungaling ang anak n’yo! Tiya! ” Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

“ H*y*p kang malandi ka! ” Sigaw ni Tiya. Galit na lumapit sa’kin at sinabunutan ako.

“ Tiya! Nasasaktan po ako! ” Umiiyak kong sabi habang hawak ng isang kamay ko ang buhok na hinihila n’ya ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa kumot na nagsisilbing takip ng hubad kong katawan.

“ Dapat lang sa’yo ang masaktan! Haliparot ka! Ano Melody? Kumakati ba ‘yan? Kaya pati pinsan mo papatulan mo na rin! Pokpok ka talagang babae ka! ” Sigaw n’ya habang patuloy lang s’ya sa paghila ng buhok ko. Napatingin naman ako kay Aron na parang wala lang sa kan’ya na sinasaktan ako nang nanay n’ya at nangyayari ito ng dahil din sa kaniya.

Hindi ko na kaya! “ Sinungaling iyang anak n’yo. Hindi ko s’ya inakit at wala akong kahit na kaunting interest para akitin ang isang manyak na tulad n’ya! Hindi ako pokpok! Bawiin n’yo iyon Tiya! ”

Mas nilakasan pa n’ya ang paghila ng buhok ko. “ Wag mo akong masigawan! Pokpok ka! Gagawin mo pa na  sinungaling ang anak ko ha! Malandi Kang talaga, alam mo kung sa’n ka nababagay? Bagay sa’yo mag trabaho sa bar! Total naman mukha ka nang bayarang babae na kating-kati matikman ng mga lalake! Kaya nga inakit mo ang anak ko! ”

“ Tiya naman! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa’kin?! Kahit ngayon lang Tiya! Matagal n’yo na akong nakasama dito at pinagsilbihan kayo, kahit kailan! Hindi ko inakit iyang anak niyong malibog! ” Sigaw ko. Bigla n’ya akong sinampal nang sinampal at pinaghihila ang buhok, nagawa rin n’ya akong sipain sa tagiliran. Impit kong ininda ang sakit sa tagiliran ko, namumula ang pisnge, at nasugatan din ang labi ko.

“ Wag mong Matawag-tawag na malibog ang anak ko! Oo! Matagal kana naming nakasama! Anong malay ko? Kung may lihim kang pagnanasa sa anak ko! T*ng*na ka! Malandi ka! Kaya ka siguro namatayan ng magulang dahil sa malas ka! ” Sigaw n’ya sa’kin. Makakaya ko pang tiisin ang mga panlalait nila sa’kin, pero ang idamay ang mga namatay kong magulang? Hindi ako papayag.

Galit ko s’yang hinarap. “ H’wag mong idamay ang mga magulang ko, Tiya! Wala silang kasalanan kung bakit sila parehong nawala sa’kin! Ikaw itong malas! Dahil d’yan sa masama mong ugali namatay si Tito! Dapat talaga kayo ang namatay! Hindi ang mga magulang ko! Hindi si Tito! ”

 Sinampal n’ya ako ng ubod lakas na nakapagpabagsak sa’kin sa sahig. “ Pinapakita mo na sa’kin iyang totoo mong ugali! Aron! ”

Binalingan ko ng matalim na tingin si Aron, pero ngumiti lang ang hayop. “ Bakit po mama? ”

“ Ikulong iyan dito! Mamayang gabi, paparusahan ko s’ya hanggang sa maisip niyang mali na sinagot-sagot ako! Walang respeto! Pwe! ” Sabi n’ya matapos akong duraan. Sabay silang lumabas ng kwarto ni Aron. Sinubukan kong tumayo at buksan ang pinto pero naka lock na ito at hindi ko mabuksan kahit na ano pa ang gawin ko.

Kinalampag ko ng malakas ang pinto. “ Mga hayop kayo! Hindi ka talaga dapat nirerespeto dahil hindi ka naman ka respe-respeto! Magsama kayong mag-iina mga walang puso! ”

Sapo ang mukha dahan-dahan akong naupo sa sahig, umiiyak. Grabe kayo sa’kin, hindi ako sinungaling at mas lalong hindi ako makating babae. Matino akong anak nina mama at papa.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
mana ka nga talaga sa ina mo Aron mga hayop
goodnovel comment avatar
MeriDens G. Vierne
yawa talaga tong pamilya na to nanggigigil ako!! laban lang Melody
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status