Share

Chapter 2

This is for today. Don't forget your assignment. Goodbye Class." Mrs. Rameo said.

"Goodbye Ma'am!" Paalam din namin at lumabas na si Ma'am na sinundan na ng iba. 

Itatago ko palang ang notes ko ay tatayo naman na ang katabi kong si Kian at lalabas na din ng room.

"Mauna na ako sa inyo guys." paalam ni Lalaine.

"Ingat." sagot ko.

"Bye Lalaine." singit ni Gio pero inarapan lang ni Lalaine saka nagpaunang lumabas na. 

Narinig ko namang tumawa ng mahina si Jarus.

"Sabay na tayo?" yaya niya sa akin.

Sasagot na sana ako nang ilahad ni Gio sa harap ng mukha niya ang cellphone nito.

"As in now na?" tanong niyang hindi inaasahan ang pinabasa sakanya. He then heave a sigh.

"Let's go?" yaya niya kay Jarus.

"May meeting daw kami together with our team." sabay kamot sa batok niya na parang nahihiyang bawiin ang pagyaya niya kanina.

"Go ahead." Sagot kong nakangiti.

"Pasensiya na talaga pero next ..." 

"Halikana at nag aantay na si coach!" putol nito sa sinasabi ni Jarus at inakbayang hinila papaalis.

"Sabay tayo bukas Via, okay?" Habol nito hanggang sa nahila na siya hanggang sa labas ng classroom.

Nakangiting naiiling nalang ako. 

Nang mailigpit ko ang lahat ng gamit ko at tatayo na sana ako ng makita ko ang isang wallet sa upuan mismo ni Kian. Kinuha ko iyon at tiningnan ang loob para masiguradong kay Kian nga.

Nakita ko ang isang larawan ng isang ginang na nakangiti habang yakap ang isang batang lalake na sa mukha nito ay kita ang saya. Nakita ko rin ang 2X2 picture sa gilid nito at si Kian iyon. 

Tipid ang ngiting makikita sa larawan niyang ito pero kita parin ang kagandahan ng mukha niya. 

That first and second time around that our eyes met gaves me some foreign feeling that I couldn't even know what does it mean. Basta ang alam ko lang ay I can resist looking at him too when he does the same way. I shrugged that thought when I realized what I am thinking.

Tiniklop ko ang wallet niya at lumabas ng classroom at nagbabakasaling mahahabol ko pa siya.

Patakbong naglalakad ako habang ang mata ko ay hinahanap siya.

"Via!" tawag sa akin ni Gail na kalalabas din ng classroom nila.

Patakbo itong lumapit sa akin.

"May ikwenkwento ako sayo." panimula niya at tinuloy ko ang paglalakad habang ang mata ko parin ay hinahanap si Kian.

"Yung new student sa inyo. Si Kian diba? Halos pagpiyestahan siyang tingnan ng mga kaklase ko nang dumaan siya kanina. Ang lakas ng appeal. Kung sabagay nasakanya na lahat ng katangian ng isang lalake. Tall, thick eyebrows, pointed nose, red lips, long eyelashes ... " at napatigil ako sa paglalakad na kinatigil din niya.

"Seryoso? Nakita mo talaga yun nung dumaan lang?" I unbelievably asked.

"Sa harap ako nakaupo girl. Siyempre parang slow motion nadin siyang dumaan at nakita ko facial features niyang yun. Ang gwapo!" kilig niyang banggit sa huli.

Napailing ako at tinuloy na maglakad. Paano ko ibibigay sakanya ang wallet niya kung kasama ko ngayon ang kaibigan ko. Baka ano pang gawin mamaya kapag nakita si Kian.

Nasa labas na kami ng gate at hinanap ko pa din siya baka sakaling di pa siya nakakaalis.

"Sino ba hinahanap mo at kanina pa malikot ang mata mo." Takang tanong sa akin. 

"Wala." pagsisinungaling ko.

Saktong lilingon ako sa likod ko ng mapansin kong kakalabas din ni Kian na gamit ang bike niya.

"Sabay na tayong umuwi." yaya ni Gail.

"Mauna ka na pala at may naiwan pala ako sa loob. Babalikan ko lang." palusot ko at kunot noo namang tumingin sa akin.

"Antayin nalang kita." aniya niya.

"Mauna ka na. Susunod nalang ako." taboy ko dito at taka namang sumunod sa sinabi ko.

Nang makasakay siya sa jeep at makaalis ito ay nilingon ko ang daan kung saan tumungo si Kian. Tumakbo ako. Naway sa malapit lang siya.

Binilisan ko ang takbo na halos maghabol hininga na din ako. Yumuko ako at pinatong ang dalawang palad ko sa tuhod ko habang hingal na hingal ako sa pagtakbo.

"Bakit ba ako nag-eeffort na ibigay ang wallet niya kung pwede naman bukas ko nalang ibigay diba?" pangungumbinsi sa sarili ko.

Nasapo ko ang noo ko. Bakit hindi ko iyon naisip. Desperada lang girl?

Ramdam ko ang pagtuyo ng lalamunan ko. Nauuhaw ako.

Babalik na sana ako ng mahagip ng paningin ko siyang lumabas sa isang maliit na convenience store. Hindi na siya nakasuot ng school uniform kundi nakasuot na ng kagaya ng mga kasama niya sa loob. Nagtratrabaho siya diyan?

Tumawid ako at tumungo sa kinaroroonan niya habang isa isang pinapasok ang mga boxes na mukhang kakadating lang bago siya makarating dito.

Nang ipapasok niya ang huling box ay bigla siyang napaatras sa biglang presensiya ko sa likod niya.

"Hi." bati ko.

Luminga linga siya sa paligid na parang sinisigurado kung may kasama ako o wala.

"Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong niya. Gaya ng dati, seryoso at mukhang hindi mo kakikitaan ng interisado siya sa presensiya mo. Halos hindi mo nga makita ang mukha niyang masaya na parang nakita ko sa picture sa loob ng wallet niya. In short, ang sungit niya.

"Naiwan mo." saka pinakita ang wallet niya.

Binaba niya ang buhat niyang box at kukunin na sana sa akin pero agad kong iniwas ko na kinakunot noong tumingin sa akin.

"May problema ba tayo?" tanong sa akin na hayag ang pagkainis sa inasta ko.

"Wala naman." sagot ko saka tumingin sa loob. "pwede akong humiram ng pera mo, nauuhaw na kasi ako." at muling tumingin sakanya. Makapal na kung makapal ang mukha. Nauuhaw ako eh.

Binuhat ulit ang box na dala niya at pumasok sa loob. Sumunod naman ako.

The next thing I knew ay nakaupo na ako ngayon at iniinom ko ang isang bottled mineral na halos maubos ko pa ito sa isang inuman lang. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likod ng palad ko at inilapag ang plastic bottle sa harap kong table.

"Kian anak, pakiayos din mamaya ang mga dilata sa corner na yun." utos ng isang ginang na kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang ina niya.

Pag aari nila itong maliit na convenience store?

"Okay lang po ba kayo?" nag aalalang tanong sa ina. Tumango naman at tinapik ang balikat ng anak.

"Okay lang ako anak. Malakas pa si mama." sabay ngiti sa anak na kinangiting tipid naman ni Kian sa ina.

Kita ko sa mukha ang pag aalala sa ina niya kaya siguro nagmamadali itong lumabas kanina para umuwi.

"Diba sa school ka rin ni Kian nag aaral iha?" tanong ng ginang sa akin na kinagulat ko at agad akong napatingin sakanya.

"O-opo." sagot ko.

"Mabuti naman at mukhang may kaibigan na agad ang anak ko sa school niya. Intindihin mo nalang muna ang ugali niya at masyadong seryoso sa buhay iyan." saad ng ginang na kinangiti ko at tango bilang tugon sa sinabi niya. Pasalamat nalang at gwapo siya.

Bumalik ang ginang sa counter ng may pumasok na ibang costumer. Tumingin ako Kian na busy ring nag-aayos ng mga paninda nila dito. May dalawang kasama pa sila dito. Ang isa ay lalake na mataba na nakasuot ng itim na eyeglass at ang isa naman ay babae na mukhang kaedaran lang namin.

Nang mapansin kong malapit magdidilim na ay napagdesisyonan ko na ding umalis at umuwi na. Pero bago pa ako makaalis ay narinig ko ang boses niya.

"Kung ano man ang nakita, nalaman at narinig mo dito ngayon. Kalimutan mo nalang lahat." huling salitang sinabi bago ako dinaanan at nilagpasan.

Lumabas ako ng store nila na litong lito sa sinabi. Pinagkamalan ba niya akong chismosa? Nag effort lang naman akong ibalik ang wallet niya ah.

"Judgemental din ano!" sambit ko sa sarili ko habang naglalakad ako.

Pero biglang naging palaisipan din sa akin ang sinabi niya. Lumingon akong muli sa store nila at nakita siyang muli sa loob mula sa glass wall nila.

May secreto ba siya na ayaw malaman ng iba?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status