Share

Chapter 3

Ingay doon, ingay dito. Ingay sa likod at ingay din sa harap. Ang sarap magwala at sumigaw na tumahimik sa sobrang ingay ng tinitirhan ko. Parang gusto ko nang umuwi. Gusto ko ng bumalik sa bahay pero hindi ko pa kaya. Not now!

As usual ay kinaya ko ang ingay. Nakatira ako ngayon sa isang boarding house na halos kasama ko rin ay mga studante pero halos lahat ay mga college students na. Sa isang room ay apat ang nakaoccupy, double deck din ang beds at may tag iisang locker. Iisang CR para sa apat na nakakawarto. Lahat sila ay may tig isang electric fan sa paanan ng bed nila habang ako ay pamaypay na papel lang.

Sabay sabay pa kaming lahat ng oras pumasok kaya pag late ka gumising ay siguradong ikaw na ang pinakahuling maliligo at siguradong late nadin kapag papasok.

Sa karinderia nadin ako kumakain sa baba at tabi ng boarding house namin. Alam naman talaga nila papa na dito ako pansamantala kaya minsan nadadatnan ko nalang na may pagkain na ako sa kama at yun ang panggabihan ko.

This is not the life that I want to be but I chose it just to distance myself from them for a while. 

I sighed. I missed my parents.

"Hey!" nagulat ako sa pagbiglang akbay ni Jarus sa akin at agad ko yung tinanggal.

Nasa pathway na kami papunta sa school building namin.

"Anyare sa mukha mo? Parang dinaanan ng ilang barko ahh!" he jokingly said and then, laughed.

"Nakakatawa?" sungit ko saka ko siya inirapan.

"Ay hindi pala barko! Eroplano!" he added and looked at him curiously. 

Saka nilapad ang kamay sa noo ko at doon ko napagtanto ang ibig sabihin ng joke niya.

"Baliw!" singhal ko at tawa lang siya ng tawa.

Nang mahimasmasan na siya ay inakbayan ulit ako at tinanggal ko ulit. Makulit din eh no.

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Tapos na." tipid kong sagot.

"Wala so mood kumare?" he teasingly called me using our call sign. I grinned.

"Medyo kumpare." I teased back.

"Yannn, dapat ngumingiti ka sa akin." he said but I just rolled my eyes.

"Ngingiti ako kahit kanino ko gusto." I said.

"Nakakatampo naman yan. So sa iba ngumingiti ka habang sa akin hindi? That's unfair!" he exclaimed as if someone robbing him.

"Hindi yun unfair. Ang unfair ay claiming something that is not yours kumpare." I explained.

"So... ngingiti ka sa iba habang sa akin hindi?" he asked like he is in pain.

Nilingon ko siya.

"Pinagsasabi mo?" tanong ko and he bitterly smiled at me.

"Don't ever get close to someone who doesn't deserve your smile." he uttered. " I can be your bucket to catch up all your tears and I can be your rainbow to lessen your burden inside you and put curve in to your lips." he said like there's something a hidden message on it.

"Jarus."  he looked at me with a serious eyes while wearing a small smile.

"I just read that, don't assume that's for you kumare." he said and burst out laughing. 

Siraulo talaga toh. Sarap sipain.

"Nakakatawa?" I sarcastically said.

"Pikon?" he said in between his laugh. 

"Sinong pikon?" takang tanong ko.

"Ikaw!" he said.

"Ako?"

"Oo."

"Hindi ba pwedeng hindi ako natuwa sa joke mo?" I rudely answered him.

"Hindi naman joke yun ah." he replied. 

"I don't know what to name it pero hindi ako natawa or natuwa."

"Then don't laugh!" he replied.

"Eh bat ka tumawa?" I asked again.

"Kasi nakakatawa itsura mo kanina." and he laugh again.

"Bwisit ka!" I exclaimed at hinabol ko siya.

Nasa classroom kami ngayon at inaantay ang next teacher namin. Minsan ako pasulyap sulyap sa katabi ko dahil sa sobrang tahimik nito. Hindi ba napapanis ang laway niya? Tumagilid at hinarap ko siya.

"Hey Kian..!" bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay tumayo ito at lumabas ng classroom na parang walang narinig galing sa akin.

Pasalamat nalang ako at walang nakapansin at pasimple nalang akong nag-ayos ng buhok ko na kunwaring iyon talaga ang ginawa ko.

"Narinig ko iyon." bulong na may halong pang-aasar sa boses ni Lalaine sa tabi ko at sinang ayunan din ni Gio sa likod.

Napahilamos ako ng mukha sa kahihiyan. Kakausapin ko lang naman siya eh pero hindi ko naman inaasahan na iiwasan ako ng ganun.

Makalipas ang ilang minuto ay inannounce ni Trisha na hindi kami maaattendan ni Mr. Gregory sa klase at nilagay nalang sa GC ang mga gagawin namin at ipapasa din before mag-end ang period.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan sa GC kung naroon ba ang pangalan ni Kian. As expected, hindi lang ako ang naghanap sa account niya, halos lahat ng babae dito sa klase ay hinanap siya pero bigo ang lahat ng walang makita.

"Paano niya malalaman na may activity kami?" bulong ko sa sarili. 

Concern lang ako sa grade niya.

Maya maya ay bumalik din ito at nag- akma akong gumagawa ng activity na pinasa sa GC. Bago pa makarating sa upuan ay tinawag siya ni Trisha na kinalingon ng lahat sakanila.

"Kian, wala ka pa sa GC. Paaccept sa friend request ko para maadd kita." sabay pakita sa phone niya na nahanap nito ang account niya at inaantay nalang ang pag accept nito.

"Sige." tipid niyang sagot at nilabas ang phone niya saka inaaccept siya. "Okay na." sagot agad nito at umupo.

Nakarinig ako ng ilang reklamo at naiinggit kay Trisha pero ngisi lang sinagot sa mga kaklase naming babae.

Tiningnan ko ulit siya pero sa cellphone na ito nakatingin at naglabas na ng 1pad paper at nagsimulang magsagot na.

"Ano ang sagot mo di.. hoyy!" tawag sa akin ni Jarus rason para mapatingin ako sakanya tiningnan niya si Kian at binalik din agad sa akin.

"Ano yun?" tanong ko at tarantang naglabas nadin ng papel.

"Wala ka pang nasasagot." aniya niyang napansin na wala pa akong nasisimulan.

"Nag-iisip lang ako ng isasagot." palusot ko at tiningnan naman niya si Kian. 

Saglit! Iniisip ba niya na si Kian ang dahilan bakit wala pa akong nasasagot? Please lang, huwag kang issue Jarus.

"Nag-iisip ng sagot ha!" sambit niyang mukhang hindi naniniwala sa akin. Sabay nilapit ang mukhang parang may ibubulong sa akin. "Gusto mo lang kopyahin ang sagot niya eh." bulong sa akin na kinalaki ng mata ko.

"Sira! Hindi ko gawain yun no." paliwanag ko pero nangingiting nang aasar lang sa akin saka ako tinalikuran at tinuloy ang ginagawa.

Baliw. Ginawa akong cheater. Loyal kaya ako.

Nasa cafeteria kami ngayon. Gaya ng dati ay sa amin nakikisalo si Gail.

"Ngayon ka lang walang sinasabing chismis sa amin ah."natatawang sambit ni Gio kay Gail.

"Later okay? Kain muna ako at gutom na gutom na ako." sabi niya na kinatawa naming apat. 

"Totoo? Nakita mo siya doon?" tanong ng isang babaeng dumaan.

"Oo. Lalapitan ko sana siya kaso nakakahiya." sagot naman ng kausap.

"Sinong pinag-uusapan nila?" tanong ni Lalaine.

"Si Kian. Nasa silong kasi siya ng punong Acacia at doon mag-isang kumakain." sagot ni Gail habang nginunguya ang pagkain.

"Loner type ba yun?" tanong naman ni Gio.

"Parang? Who knows. We cannot judge a person based from what we see on the outside." Wika ni Lalaine.

"True!" Gail agreed.

Tumayo ako at kinuha ang sandwich at juice ko.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jarus.

"Ahh ehhh .. sa... sa classroom."palusot ko. "May gagawin lang ako. Mauna na ako ah." paalam ko saka sila iniwan.

Nasa hall way ako at pababa na ng hakdanan ng makita ko siyang pabalik na din sa classroom. Agad akong napaatras at tumalikod pabalik pataas kung saan ako tutungo kanina.

Nang malapit na ako classroom ay bigla akong nagulat nang may maapakan akong madulas sa sahig sanhi para matumba at bumagsak ako at tumilapon sa akin ang juice na hawak ko.

"Why you're so lampa Via." sabay tawa ni Trisha na nasa pintuan ng classroom habang nakahalukipkip itong nakasandal.

Hinaplos ko ang pwet kong unang bumagsak. Tiningnan ko si Trisha at tinaasan ko ng isang kilay.

"Lampa agad ang tawag kapag nadulas? Have you checked the meaning of lampa or are your just making your own definition.?" sagot ko na kinawala ng saya sa mukha niya.

"Are you really trying me?" tanong niyang parang naghahamon.

Dahan dahan akong tumayo at tiningnan siya sa mata.

"I'm not, I guess. Tahimik lang ako. " sagot kong hindi inaalis ang tingin sakanya.

"Tahimik? Tahimik sa panlabas pero nasa loob ang kulo. Hypocrite, bitch!" she uttered.

She's getting on my nerve now but I need to calm down. Huwag papatol sa taong isip bata. 

I took a deep breathe.

"Wala ka bang magawa sa buhay?" I asked her sarcastically. 

"Marami, at isa ka sa mga iyon." She said and then, smirked.

Tinalikuran ako at bumalik sa upuan niya.

Naramdaman ko ang isang tao sa likod pero hindi ko sinubukang lingunin hanggang sa nagsalita siya.

"Sometimes we also have to fight when necessary." Bigla akong nagulat sa pamilyar na boses. 

Nilagpasan niya ako papasok ng classroom na parang walang nangyari. And that man was Kian. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status