Share

Body Shot
Body Shot
Author: Raquiza Sausa

Chapter 1

"Badtrip talagang buhay to! Bwisit!" Naiinis kong sabi sa sarili ko habang walang tigil ang pag inom ng bloody mary. Nandito ako ngayon sa isang bar, actually hindi ito isang ordinaryong bar, gay bar.

Sa sobrang sama ng loob ko kanina sa bahay, nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa makita ko ang bar na ito. Walang pagdadalawang isip, agad akong nagbayad ng entrance fee para makapasok. Mukhang duda pa ang receptionist sa edad ko kaya padabog ko pang ipinakita sa kanya ang aking driver’s license.

Bago sa akin ang lugar na ito. Ako si Stacy Mendoza, isang mabait na anak, masunuring simula nang ipinanganak. ‘Ni minsan ay hindi ko sinuway si Dad, ‘ni minsan hindi ako humindi sa mga utos niya sa akin. Kahit ba hindi ko na iyon gusto, kahit ba hindi na bukal sa puso ko, sinunod ko siya. Pero mukhang  hanggang doon na lang, pagod na akong parating maghintay sa atensyon ni dad. Simula noong mamatay si mommy last year, nawalan na ako ng kakampi. Lumayo na ang loob sa akin ng tatay ko. Hindi na siya nagpapakita ng pagmamalasakit sa akin. Madaals ay hindi na siya umuuwi sa bahay namin.

At kanina nga, pag uwi ko ng bahay from the university,  imagine my shock nang sabihin ni Dad na magpapakasal na siya. Magpapakasal na sila ng secretary nya. What? ‘Yung secretary nya na alam ko kahit na noong buhay pa si Mom ay nilalandi na ang Daddy ko. Ganun lang yun? Isang taon pa lang since mawala si mommy ay magpapakasal na agad sila? At kailan pa sila nagkarron ng relasyon?

Naiiyak ako na gusto kong magwala. Gusto kong sampalin ang mukha ng babaeng iyon kanina noong dalhin sya sa bahay ni Dad. Pero nagtimpi ako, kahit papano naman ginagalang ko pa si Dad. Kaya heto ako ngayon. Gusto ko sana, kahit man lang ngayon, kahit isang beses lang sa buhay ko ay maging isang masamang anak. Gusto kong maexperience ang mga hindi ko pa neeexperience sa buhay ko.

"Ladies and gents, are you ready for our big surprise?!" Narinig kong sabi sa mic ng isang baklang host.

Napukaw ang pansin ko sa madilim na stage, may silhouette ng isang lalaki. Naisip ko, ganito pala rito. Dahil nga first time kong makapasok sa ganitong klaseng lugar ay naexcite ako sa mapapanood ko.

"Here he is, Tisoy!" Muling sabi ng host.

At ‘yun nga, ang madilim na stage ngayon ay may lumiwanag dahil sa  spotlight na nakatutok dito. May isang tila shower room. At talagang may shower, may tubig na lumalabas. In fairness sa bar na ito, naisip ko.

Tumutok ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod na ngayon ay parang tuwang tuwa sa pagpapakabasa sa shower. Aakalain na nasa sariling banyo at ninanamnam ang agos ng tubig sa kanyang katawan. Balewala rito ang makabasag eardrum na hiyawan ng mga nanonood.

"Wow sexy back!" nasabi ko habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang lalaki sa stage. Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga babae, matrona at mga baklang kasama kong nanonood ngayon.

"Humarap ka na please," hiling ko while secretly telling my self na baka naman puro likod lang ito, walang face value,  baka dinadaan lang sa likod.

Parang narinig ‘ata niya ang piping hiling ko, dahil ‘yun nga, unti unti syang humarap nang nakangiti.

"Pakshet!" Tuluyan na akong natulala. As if namagnet na ang mga mata ko sa mga mata niya.

Ang hot niya habang patuloy na nagpapakabasa. Maya maya ay marahan niyang hinubad ang suot niyang muscle shirt, pinigilan ko nang magmura, mukhang magiging palamura ako dahil sa lugar na ito. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganito. First time kong mamangha ng ganito pagkakita sa isang lalaki.

Naririnig ko pa rin ang hindi magkamayaw na hiyawan, siya ay patuloy na sumasayaw habang tumutulo ang tubig sa katawan. Napalunok na lang ako ng sundan ko ang tinutumbok ng bawat tubig na pumapatak na mula sa shower. Those biceps, ang dibdib, the abs, at teka lang, hinuhubad na niya ang shorts niyang suot. Naparami ang inom ko dahil hindi ko na yata kinakaya ang mga napapanood.

Napaorder akong muli ng inumin nang makita ko siyang naka trunks na lang. Shit! Hiyaw ko sa isip at saka tinawag ang isa pang waiter at  binulungan ng makalapit ito sa akin.

Mayamaya lumapit sa akin ang isang matabang bading, ang manager ng bar.

"Madamme! Type mo sya?" malanding tanong nito sa akin.

Tumango lamang ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking nagsasayaw sa stage.

"Kaya lang hindi kami basta basta nagpapalabas ng mga boylet namin dito, lalo pa at baguhang katulad niya," napansin niya yata ang pagkaatat sa mukha ko. Hindi naman siguro ako naglalaway na parang aso na nakakita ng buto.

"Magkano?” Gigil kong tanong.

"Ayyy gusto ko yan!" Pumapalakpak naman nitong sagot sa akin.

"Just bring him here after the show, wala tayong pag uusapan sa pera," ginaya ko lang ‘yung mga nababasa ay napapanood ko sa mga sitwasyong ganito. Hindi ako takot sa kung magkano ang kailangan kong bayaran, ang gusto ko lang ay makasama ang lalaking iyon at huwag maunahan ng mga matrona at bading sa paligid ko. Bukod sa credit cards ay tiyak na sapat ang dala kong cash. Hindi naman  ako magastos na tao kaya naiipon ko ang allowance na binibigay ni Dad sa akin.

Maya maya  ay umalis na ang baklang kausap ko, hawak ang perang iniabot ko sa kanya. Kasabay ito ng pagtatapos ng shower scene sa stage. Naririnig kong sumisigaw ng more ang mga tao sa paligid, pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi na muling nagpakita sa ibabaw ng stage ang lalaki.

Muling lumapit sa akin ang baklang kausap ko kanina. At ngayon napatulala akong muli, dahil kasama na niya si tisoy. Malapitan ko na siyang nakikita. Nakapagpalit na ito ng damit. He is now looking fresh and, hmmm yummy? Masama ang epekto sa akin ng lugar na ito, kung anu-ano ang naiisip ko.

"Madam, heto na po si tisoy. " sabi niya sa akin at iniwan na nga niya kaming dalawa. Humila ng upuan sa aking tabi si tisoy.

"Bakit tisoy?" nonsense kong tanong noong makaupo na siya ng tuluyan.

Ngumiti lang sya sa akin, showing off his dimples. Wala na, mukhang malalaglag yata ang suot kong panty. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, epekto yata ng iniinom ko o talagang may matinding charisma ang lalaking ito na mahuhook sa kanya ang sinumang ngitian.

"So, your name?" Tanong n’ya sa akin, napansin ko ang confidence sa pagsasalita niya ng ingles, mukhang sanay makisalamuha sa mga tulad ko.

“ Huwag mo nang alamin ang pangalan ko, hindi na mahalaga iyon,” sagot ko sa kanya. Hindi na rin naman kami magkikita pagkatapos ngayon kaya hindi ko makita ang dahilan para malaman pa niya ang pangalan ko.

Umorder akong muli ng inumin namin.

"Don’t you think you are too young to be in this place?" tumitig siya sa akin. “How old are you?”

"Excuse me, 22 na ako noh!" defensive kong sagot sa kanya.

"You don’t look like 22 to me, you look like a baby."

"’Wanna try me? I'll prove na hindi na ako bata, I can make you moan," mayabang kong hamon sa kanya. Mukhang naparami na yata ang nainom ko kung kaya kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko sukat akalain na masasabi ko ang mga ganito.

"Really? Hmmmm let’s see." sabay dukwang  malapit sa tenga ko at bumulong, “Should I be the one to make you moan?”

Agad akong nakaramdam ng kakaibang kilabot sa katawan. First time kong maranasan ito.

Upang pagtakpan ang kilabot na nararamdaman ay agad akong tumayo at hinila siya palabas ng lugar na iyon. Nang makalabas ay pinasakay ko siya sa kotse ko. Noong pareho na kaming nasa loob ng sasakyan ay napatulala ako sa harapan ng manibela, hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan kami pupunta at anong gagagwin naming? Bago sa akin ang lahat ng ito. Ano ba ang next step na dapat gawin?

Mukhang nahalata niya yata ang pag aalinlangan ko. "My place," narinig kong sabi niya, kaya naman tiningnan ko sya.

"It seems like you are lost on where to bring me. So I’m suggesting my place instead. Don’t worry, mag isa lang ako doon. " Tiningnan nya ako ng diretso sa mata, at ‘yun na ewan ko ba,  namagnet na naman yata ako kaya bumaba akong muli ng kotse at nakipagpalit ng puwesto sa kanya.

Naramdaman ko nang ini-start na nya ang kotse at ‘yun nga at papunta na kami kung saan man yung bahay niya. Dahil hindi naman ako sanay uminom, nahihilong sumandal na lang ako sa upuan ng kotse ko at saka hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan.

Nagising na lamang ako sa marahang tapik sa pisngi ko.

"Nandito na tayo?” tanong ko sa kanya.  Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at iginiya akong papasok sa isang magandang two storey house.

"Sa iyo to?" taking tanong kong sa kanya. Nagulat ako dahil ng pagalain ko ang mga mata ko sa paligid ay pawang magaganda at mamahalin ang mga kagamitan na nadoon, bukod pa sa talagang maganda ang bahay niya.

Tumango lang sya sa akin, saka nagpaalam na may kukunin lamang. Habang tinatanaw siyang palayo ay napaisip ako ako kung paano siya nagkaroon ng ganito kagandang bahay, ganoon ba kalaki ang kita sa pagiging dancer sa gay bar? Baka may taga sustento, nang iintriga kong isip.  Mukhang naloko ako nung bading na manager sa bar nang sabihin niyang baguhan lang itong kasama ko, isip-isip ko.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Serah Park
First!!!! Hahahaha grabe ka Tita first chapter palang ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status