Share

3

"Come on Ariya. You know na hindi agad agad papayag si Abuelo na hindi ka magcelebrate ng 18 mo. It's our tradition." Pagkukumbinsi pa sa'kin ni Ate Leia.

"Kay Abuela ka matakot kapag nalaman niyang ayaw mo." Pagbabanta pa sa'kin ni Kuya Andrew kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.

Kanina pa 'tong lalaking 'to ah. Halatang walang mapagtripan kaya ako na naman ang kanina niya pang nakikita.

Kasalukuyan kaming nasa Sunset Lounge ng resort ngayong magpipinsan. Nakapalibot kami sa isang malaking table at oo, pinag-uusapan nila ang magiging celebration ng birthday ko.

Lahat kasi kaming magpipinsan ay naisipan na libutin ang buong resort hotel at nang mapagod kakaikot (dahil sa laki ba naman) ay naisipan na lang namin na dito na muna tumambay. Umorder ng snacks sina Kuya Andrei pati na rin ng mga drinks. Nagk-kwentuhan lang talaga kami nang bigla na lang napunta sa pagcecelebrate ng birthday ko.

Ang aming mga magulang naman ay nagpapahinga na sa kanilang mga kwarto. Masyado yata silang napagod sa byahe kanina kaya naisipan na agad nilang magpahinga.

"Ate naman kasi, you know my situation. Wala pa nga yata sa sampu ang mga kaibigan ko. Paano aabot sa 18 chuchu na 'yan? We can just celebrate it in a simply way." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"And? We're not the only Monteclaro, Ariya. You know that. May iba pa tayong kamag-anak. Yung mga second cousins natin. Also, you can invite the Salem's! I know that they will come. Hindi lang kami ang pamilya mo, Iya."

"Ate Leia is right. Tsaka, once in a lifetime lang mangyayari 'to so better celebrate those 18s."

"Tsaka, ano naman kung wala pa sa sampu ang kaibigan mo? Ano pa ang purpose naming kamag-anak mo? Yung mga pinsan mo pa sa side ni Tito Son, marami hindi ba? Mas malaki pa ang angkan nila kesa sa'tin baka nakakalimutan mo."

"Malaki nga pero hindi pa rin naman tayo sigurado kung makakapunta ba lahat at kung ilan ang available. For sure ay kakaunti lang dahil busy rin ang iba." Pagdidipensa ko pa.

"Kaya nga nagpplano Ariya para kahit papaano ay alam nila kung kailan. Isang araw lang naman ang birthday mo hindi naman isang buong linggo kaya alam kong kahit isang araw lang ay maglalaan sila ng oras para sa celebration mo."

"Napaka-negative mo naman kasi mag-isip Ariya!"

"We'll invite Hans and the others if you want to also invite them. Just head us up."

"See? Ikaw lang ang nag-iisip na konti lang ang dadalo sa birthday mo eh."

Napahinga ako nang malalim at marahang tumango sa kanila kaya naman umingay ang aming table. Ayos lang naman mag-ingay rito since it's an open area. Bukod pa roon, mahangin pa rito.

Sa 'di kalayuan naman, kita naming naglalakad papalapit sa Sunset Lounge kung nasa'n kami ang mga magpipinsan na Sy. Siguro ay dito rin nila naisipan na tumambay muna.

Dumako na naman ang paningin ko kay Kiel na sa iba ang tingin kaya umiwas na agad ako.

Bakit ba laging

 

There is no time limit basta ba magawa mong matalo ang kalaban mo.

I looked at Alex, his magic energy is now stronger than before. Hindi ako nakaramdam ng kaba instead I smiled, mukhang lumakas nga ang mokong.

Unang sasabak si Zora and being her usual self ay nakangiti lamang ito habang naglalakad na papunta sa magic circle. Isang babae ang kalaban niya.

A girl with short black hair, naka-all black at may itim na lipstick.

That girl has the same magic energy as Zora, I can feel it.

Mas lalo akong nakaramdam ng excitement.

This is going to be fun.

Third POV

Loud screams and cheers enveloped the grand hall. Tila naging laban lang ito sa pagitan ni Zora at ng babaeng kalaban niya. You can't blame the people watching, isang parte ng Haven clan ang sasabak sa entablado ngayon.

Zora Haven, is a magic user who can manipulate sound waves.

If you look into it, Zora is in advantage dahil sa lakas ng tunog na nanggagaling sa mga manonood, she could easily gather sound waves from them at mas lalakas pa ang magic energy niya.

'Yown, thank you God sa blessing!

Zora smiled as she spoke in her mind.

Lahat ng manonood maging ang mga magic users at president ng factions ay nakatutok lamang sa laban ng unang pares. Bukod sa nakakamanghang panoorin, they are both great. hinahanap hanap ng mata ko yung lalaking 'yon?

Umupo sila sa hindi kalayuan sa'min kaya tanaw na tanaw pa rin namin sila. Joan waved at me kaya tinaas ko rin ang kanang kamay ko para makawayan din siya.

"Musta ang pag-uusap para sa debut ni Skye?" Tanong ni Kuya Andrei na kararating lang sa table namin dahil may kinausap ito kanina saglit kaya umalis muna siya sa pwesto namin at lumayo.

"We will invite the other Monteclaros. Also the Salem's. Then kung sino yung mga kaibigan na iimbitahan ni Ariya." Pagpapaliwanag ni Ate Jamie.

"How about the Sy's?" Pagsingit ni Kuya Andrew sa usapan kaya nagulat naman ako.

Hindi malayo ang pwesto nila sa'min pero nakakahiya naman kung narinig nila ang sinabi ni Kuya Andrew. Baka akalain pang pinag-uusapan namin sila.

Isa pa, bakit pa iimbitahan ang mga Sy? Bukod kina Joan at Joshua, at pati na rin siguro si Kiel, wala na akong ibang kilala. Nakakahiya kung buong angkan ang iimbitahan tapos hindi naman nila kilala ang celebrant.

"How about us? Anong meron?" Mas nagulat ako nang biglang may lumapit sa'min na lalaki.

Eto na nga ba ang sinasabi ko! Kung anu-ano naman kasi ang sinasabi nitong si Kuya Andrew, tsk! Hindi muna nag-iisip.

"The heck, Jon! Nanggugulat!" Kilala ni Kuya Andrei?

"Sorry Drei! I overheard lang. Medyo malakas pagkakasabi ni Andrew ng surname namin." Pagbibirong sabi nito kahit hindi naman talaga malakas. Or malakas talaga? />

"We're just talking about Skye's debut."

"Sino sa kanila?" Tanong nito kaya napalingon naman sa'kin ang mga pinsan ko kaya gano'n din ang ginawa nu'ng Jon.

"Oh! I remembered you! You're one of the friends of Eila, right?" Kaya napatango ako sa sinabi niya.

I can't seem to remember him. Hindi ko siya nakita nu'ng party nina Joan at Joshua. Sobrang laki ba naman at dami ng tao that time.

Maya maya pa ay tinawag niya si Joan na hinatak naman si Joshua at sinama pa nga si Kiel kaya napaiwas agad ako ng tingin.

What the hell!

Ang naisip ko lang na iimbitahan ay sina Joan at Joshua. Hindi naman kami masyadong magkakilala at nag-uusap netong si Kiel!

"Hi Iya!" Masayang bati na naman ni Joan sa'kin kaya ginantihan ko ito. "Bakit pala Kuya Elon?" Takang tanong pa ni Joan sa Kuya niya.

"They're planning about your friend's debut." Ngayon ko lang napansin na medyo hawig etong lalaki sa dalawa. Siguro kapatid siya nina Joan at Joshua. Pansin ko rin kasi na puro EJ ang initials nila. Eila Joan, Eli Joshua, Elon Jon.

"Talaga?! Pupunta kami! Just head us up!" Excited pang sabi ni Joan.

Napalingon naman ako sa mga pinsan ko at mukhang tuwang tuwa sila sa narinig nila kay Joan.

Now that the Sy knows about my upcoming celebration, alam kong tuloy na tuloy na talaga ito at wala na talagang atrasan.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Liela Pama
nalito ako bakit na iba na Ang kwento
goodnovel comment avatar
Ma Chona Dango
ano ba yan kweninto muna bakit binitin mopa!
goodnovel comment avatar
Jack Nacion
bkit ganun nawala
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status