BILLIONAIRE SERIES Hiding Him
BILLIONAIRE SERIES Hiding Him
Author: Darkshin0415
Kabanata 1

C1 

JELL POV

“Jell, anak anong oras na may pasok ka pa,” mahinang wika ni Mommy habang dahan-dahan akong niyuyog sa balikat.

“Good morning Mom,” ngiting wika ko habang inuunat ko ang aking mga kamay.

“Good morning anak, sige na bilisan mo na kailangan mo ng bumangon, dahil may pasok kapa,” ani Mommy habang tumayo na.

“Opo Mommy,” ani ko habang tumayo na para makaligo.

Ako si Jillian Lee labing siyam na taong gulang na ako at nag-aaral ng college. Dalawa kaming magkapatid at namamasukan na ang ate ko sa isang kilalang mayaman dito sa lugar namin, kaya hindi ko maiwasang malungkot sa tuwing papasok ako, dahil mag-isa lang ako.

Matapos kong ayusin ang sarili ko ay agad na akong bumaba para makapag-almusal. Bigla naman akong napahinto ng marinig ko si Mommy na umiiyak, siguro nakikiusap na naman siya kay Daddy na dalawin ang Ate Jezz ko sa pinapasukan nito.

“Good morning Dad,” wika ko ng makapasok na ako sa kusina.

“Morning,” sambit ni Daddy, habang itinuon na niya ang kanyang atensyon sa binabasa niyang dyaryo.

“Mom, okay lang po ba kayo?” tanong  ko kay Mommy habang pinupunasan niya ang kanyang mga mata.

“Okay lang ako anak, huwag mo na akong intindihin pa,” ngiting wika niya habang nilalagyan na ng pagkain ang aking plato. Alam kong hindi okay si Mommy simula ng nagtatrabaho si Ate.

Ang sabi ni Daddy kailangan magtrabaho ni Ate para maisalba ang kompanya namin.

Matapos kong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na mauna na ako, agad naman akong binuksan ni Kuya Arnold ng pinto ng sasakyan.

Habang binabaybay namin ang daan patungo sa pinapasukan kong paaralan ay hindi ko mapigilang kabahan dahil sa laging pang-aasar sa akin ng kaklase kong si Ansel. Si Ansel ay kapatid ni Ate Charlotte na matalik na kaibigan ni Ate Jezz. Mabait si Ate Charlotte kaya hindi ko alam kung saan nagmana ang masamang ugali ng kapatid niyang si Ansel.

“Ma’am Jell nandito na po tayo,” wika ni Kuya Arnold kaya napatingin ako sa labas, hindi ko namalayan na nasa school na kami.

“Salamat po Kuya,” wika ko habang bumaba ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng gate dahil baka mahuli na ako sa klase. Simula ng pumasok ako sa paaralang ito ay tanging si Ate Jezz at Ate Charlotte lang ang naging kasama ko. wala kasi akong ibang kaibigan dahil takot silang madamay sa laging pang-aasar sa akin ni Ansel. Kilala kasing mayaman ang pamilya nila lalo na ngayon na may sarili na ring kompanya si Ate Charlotte.

Nang makapasok ako sa classroom namin ay agad nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko. siguro dahil sa laging ginagawang pagpapahiya ni Ansel sa akin.

“Oy, late yata itong pangit na kaklase natin ah!” sigaw ni Ansel ng nakaupo na ako sa upuan.

Ganito siya sa tuwing nakikita ako, minsan gusto ko na lang lumipat ng ibang school pero alam kong hindi ako payagan ni Daddy.

“Anong niyuyuko mo hmm?” wika niya habang hinahawakan ako sa ulo. Para naman akong isang poste dahil kahit ang paghinga ay pinipigilan ko sa takot ko sa kanya. Hindi kasi ako katulad ng ate ko na palaban. Kapag may umaway sa akin ay iiyak lang ako sa sulok.

“Hindi ka ba marunong magsalita pangit?” tanong niya ulit habang umupo sa tabi ko. isiniksik ko na lang ang aking katawan dahil sa pag-upo niya, pang-isahan lang kasi itong upuan namin.

“Tsk. lalaban ka na?” tanong niya na mabilis ko namang ikina-iling. Wala kasi akong lakas na loob para sagutin siya.

“Good,” sambit niya habang ipinatong sa aking hita ang kanyang dalawang paa. Ramdam ko ang kanyang bigat pero hinahayaan ko na lang siya dahil sa takot ko sa kanya.

Nang dumating na ang professor namin ay agad nagsipag-ayos ng upo ang aking mga classmates pero si Ansel ay nasa tabi ko pa rin. Tiningnan lang siya ng professor namin dahil hindi niya kayang sawayin ito.

Habang nagsasalita ang aming professor ay panay naman ang panggugulo sa akin ni Ansel. Hanggang sa matapos ang aming klase ay nasa tabi ko pa rin ito. Ramdam ko naman ang gutom dahil hindi na ako nakapag-break kanina dahil sa kanya.

“Pwede ba, umalis ka muna, k-kakain lang ako,” mahina kong wika habang nakayuko.

“At bakit naman ako makikinig sa’yo? Sino ka ba?” wika niya sa naiinis na boses.

“A-Ansel, saglit lang b-babalik naman ako,” ani ko.

“Tsk.” sambit niya at inalis ang kanyang mga paa sa aking hita, kaya nakahinga ako ng maluwag.

“S-salamat,” sambit ko habang tumayo.

“Bilhan mo rin ako ng pagkain.” madiin niyang utos sa akin.

“Sige, anong gusto mo?” tanong ko sa kanya.

“Kahit ano.” aniya kaya mabilis akong lumabas at nagtungo sa canteen. Bumili na lang ako ng burger para makabalik na sa classroom namin, dahil baka magalit si Ansel kapag matagal ako.

Napatigi naman ako ng makitang may kahalikan siyang babae kaya lumabas na lang ako. matagal pa ang next subject namin kaya pumunta na muna akong library para magbasa ng mga aklat.

Nang makarating ako ay naghanap agad ako ng upuan. Pinili ko ang pinaka-sulok at doon nagbasa at kumain. Lumipas ang ilang oras at nagpasya na akong bumalik sa classroom namin dahil mag-umpisa na ang next subject namin. 

Nang makarating ako sa pinto ay bigla akong hinarangan ni Ansel habang madilim ang kanyang mukha.

“Nasaan ang pinapabili ko.” asik niya sa akin. Bigla naman akong natakot at kinabahan lalo na ng maalala kong pati ang binili ko sa kanya ay kinain ko kanina.

“P-pasensya ka na, nakalimutan ko.”

“Damn!” napapitlag ako ng sumigaw siya.

“A-Ansel huwag ka na magalit bilhan na lang kita ulit.” wika ko sa kanya.

Bigla naman siyang tumingin sa akin at kita ko mga mata niya ang pagbabanta.

“Kailangan mong pagbayaran iyon.” bulong niya sa akin habang umalis sa pinto. Hindi ko naman mapigilang matakot sa banta niya sa akin.

Matapos ang aming klase ay lumabas na ako para mag abang ng sundo ko, pero nakita ko si Ansel na nakatayo malapit sa gate kaya bumalik ako at nagtago sa puno, sa takot na makita niya ako.

Pansin ko naman na madilim na kaya lumabas na ako. kanina pa rin ako tinatawagan ni Mommy dahil kanina pa raw naghihintay ang driver namin.

Paglabas ko ng pinagtataguan ko ay nag-salubong ang paningin namin ni Ansel. Hindi ko naman mapigilang magulat habang nakikita siya ang akala ko kasi ay umalis na siya.

“Daga ka ba?” tanong niya ng makalapit na siya sa akin.

“Ano naman ang ginagawa mo dyan sa likod ng puno?” wika niya habang inakbayan ako.

“N-nagbabasa,” sambit ko na ikinatawa niya ng malakas.

“Ma’am Jell, nandito lang po pala kayo, kanina ko pa po kayo hinanap.” wika ni kuya Arnold ng makita niya ako. laking pasasalamat ko naman dahil natakot ako kay Ansel.

“T-tara na po Kuya,” sambit ko habang tinanggal ang pagka-kaakbay sa akin ni Ansel. Hindi naman siya umimik kaya mabilis akong sumunod kay Kuya Arnold.

Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko rin nakita si Mommy kaya umakyat na ako. siguro busy si Mommy sa pinapatayo niya ring restaurant.

Pagpasok ko sa kwarto ay mabilis kong ibinagsak ang aking katawan sa kama dahil sa pagod sa kakatayo ko kanina sa likod ng puno para hindi ako makita ni Ansel. Pero hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nandoon pa rin siya sa oras na iyon.

Napatingin ako sa aking phone ng tumunog ito. Kinuha ko ito at sinagot dahil ang akala ko ay si Mommy ang tuwag.

“Hello,” wika ko habang inilagay sa aking tainga ang aking phone.

“Mabuti naman at mabilis mo lang sinagot.” wika ng baritong boses sa kabilang linya. Hindi ko naman maiwasang magtaka kung sino ang tumawag sa akin.

“Hindi po kita kilala, wrong number po kayo.” ani ko sa naiinis na boses.

“Talaga pangit? Hindi mo ako kilala?” wika niya na agad ikinabilog ng aking mga mata, dahil paano niya nakuha ang number ko.

“A-anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya. Habang nag-uumpisa na akong kabahan, dahil pati ba naman sa bahay ay guguluhin niya pa rin ako.

“Ikaw.” sambit niya.

“May gagawin pa ako, Ansel pwede ba bukas na lang tayo mag-uusap.” ani ko habang tinatanggal ang aking suot na uniform.

“Paano kung ngayon ang gusto ko. may magagawa ka ba?” madiin niyang sabi, kaya hindi ko naman mapigilang napabuntong-hininga.

“Ano ba kasi ang kailangan mo.” ani ko sa naiiyak na boses, dahil sa inis ko sa kanya. Hindi pa ba sapat ang ginagawa niya sa akin sa school at pati rito sa bahay ay ginugulo niya pa rin ako.

“Gawan mo ako ng project at dalhin mo bukas.” maawtoridad niyang utos.

“Diba bukas na ang deedline noon?” ani ko.

“Kaya nga gawin mo ngayon para meron ako bukas. kapag hindi mo iyon matapos lagot ka sa akin. Huwag mo nang subukang pumasok.” asik niya sabay patay ng kanyang tawag. Tulala naman akong nakatingin sa phone ko at mayamaya pa ay mabilis na nagbibihis para bumili ng gamit para sa project namin.

Halos wala akong tulog dahil sa paggawa ng project ni Ansel.

“Oh, Jell anak, ang aga mo yata gumising?” takang tanong ni Mommy ng makita niya ako sa kusina.

“Good morning Mom, kailangan ko po kasi pumasok ng maaga Mom,” wika ko kay Mommy habang umupo na sa mesa.

“Ito, inumin mo na ito,” wika ni Mommy sabay abot sa akin ng gatas.

“Salamat Mom,” ani ko habang inimun ito. 

Nang maubos ang gatas sa baso ay agad na akong tumayo para pumasok. Pinigilan pa ako ni Mommy dahil hindi ako nag-almusal pero sinabihan ko na lang siya na sa school na lang ako kakain.

Pagdating ko sa school ay agad akong tumakbo papunta sa classroom namin para ilagay ang project ni Ansel. 

Habang umupo ako sa aking upuan at hinihintay ang ibang mga kaklase ko ay hindi ko namalayan na makatulog dahil magdamag akong walang tulog.

Nagising naman ako sa ingay ng mga kaklase ko, kaya agad akong nagpunas sa aking mukha. Pero laking gulat ko ng makita si Ansel na nasa tabi ko na.

“Nagawa ko na ang project mo,” mahinang wika ko sa kanya.

“Ang pangit mo naman lalo na kapag bagong gising ka. Tingnan mo oh, may laway ka pa.” aniya na kinatawan ng mga kaklase ko. yumuko naman ako dahil sa hiya at pinunasan ang aking labi.

“Nakikipag-usap ka pa sa akin kahit ang baho ng hininga mo. Siguro walang magka-interest na halikan ka kasi ang baho mo. Hindi ka nga siguro naliligo eh,” tawa niya pang sabi na sinabayan ng malakas na tawanan ng mga kaklase ko. hindi ko naman mapigilang umiyak dahil sa kahihiyan.

Pinipigilan kong mapahikbi habang nasa tabi ko siya dahil baka lalo niya pa akong ipahiya.

Narinig namin ang bill at mabilis naglabasan ang aking mga kaklase habang patuloy pa rin ako sa pagyuko. Ayaw ko kasi silang tingnan dahil nahihiya ako.

Napansin ko ring wala na si Ansel sa tabi ko kaya dahan-dahan akong nag-angat ng mukha. Na-pahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala na lahat ng mga kaklase ko kaya tumayo ako para pumunta ng canteen.

Nang makarating akong canteen ay agad akong nag-order ng pagkain at umupo sana sa sulok pero nakita ko si Ansel kasama ang mga kaibigan niya. Babalik sana ako sa pinanggalingan ko ng tawagin niya ako. ayaw ko mang lumapit sa kanya pero sa takot ko sa kanya ay namalayan ko na lang nasa harapan na nila ako.

“Ano iyang binili mo pangit?” tanong niya habang hinila niya ako paupo sa tabi niya.

“Iyan lang ba ang kakainin mo?” tanong niya sa nangiinis na boses. Tumango naman ako sa kanya at inumpisahan ng kumain.

“Akin na lang ito.” wika niya sabay kuha ng pasta ko. kaya kinuha ko na lang ang burger.

“Bilhan mo rin ako ng softdrinks.” utos niya kaya nilagay ko ang burger na kinakain ko para pumunta ng counter. Bumili na rin ulit ako ng pasta dahil kulang pa ang burger sa akin.

Pagbalik ko sa upuan nila ay hindi ko naman maiwasang mapatingin sa dala kong tray kanina dahil nawala na ang burger na kinain ko kanina.

Napatingin naman ako kay Ansel na matalim na nakatitig sa akin. Hindi ko naman mapigilang kabahan dahil sa tingin niya. Ano na naman kaya ang ikinagalit niya? Wala naman akong ginawang masama sa kanya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
ansama ng ugali ni Ansel bully kaasar e
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status