Share

Kabanata 2

C2 

JELL POV

“Anong ginagawa mo?” kunot noo kung tanong kay Ansel habang hinila niya ako.

“Wala kang paki-alam.” madiin niyang sagot sa akin. Hindi ko naman mapigilang mahiya habang pinagtitinginan kami sa mga estudyante rito sa campus. 

“Saan mo ba ako dadalhin? At bakit ka ba nagagalit?” tanong ko sa kanya habang hila niya pa rin ako.

“Pinabili lang kita ng softdrinks tapos hindi ka na nahiya makipaglandian kahit ang pangit pangit mo.” asik niya habang itinulak ako papasok sa kanyang sasakyan.

“T-tika s-saan mo ako dadalhin?” takang tanong ko sa kanya ng buhayin na niya ang makina.

“A-Ansel saan tayo pupunta?” hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa bilis niyang magpatakbo. Hindi rin ako makahingi ng tulong kay Mommy dahil iniwan ko ang aking bag.

“Manahimik ka pangit!” sigaw niya kaya tumahimik ako.

Ilang sandali pa ay huminto ang kanyang sasakyan kaya napatingin ako sa labas. mabilis naman siyang lumabas at binuksan ang pinto malapit sa akin. Hinawakan niya ako at hinila papasok sa loob ng building. 

“Bitawan mo ako,” sambit ko habang nasa elevator na kami.

“Subukan mong magsalita ulit at ihuhulog kita sa building na ito.” madiin niyang sabi kaya nanahimik na lang ako.

Nang bumukas ang elevator ay hinila niya agad ako palabas at mabilis na binuksan ang isang pinto na malapit sa elevator, ngayon ko lang din napagtanto na nasa condo niya pala kami.

“Bakit mo ako dinala rito? Baka hinahanap na ako ni Mommy,” mahina kong wika sa kanya habang nakayuko.

“Ano pang hinintay mo? Maghubad ka na.” aniya na ikina-angat ng aking mukha. Bigla namang namilog ang aking mga mata ng makita siyang wala ng pang-itaas na damit.

“A-ano ba i-iyang pinagsasabi mo? A-Ansel m-magbihis ka na u-uwi na ako,” nauutal kong wika sa kanya.

“Tsk. mas makakabuti na matikman muna kita bago ka makipaglandian sa iba.” madiin  niyang sabi sabay dagan sa akin. Kaya hindi ko mapigilang sumigaw.

“Ansel ano ba! Bitawan mo ako ano ba!!” sigaw ko habang hinahampas siya. pero parang wala siyang narinig at patuloy pa rin sa pagtanggal ng mga butones sa damit ko.

“Ansel bitawan mo ako parang awa mo na!” iyak kong pakiusap sa kanya. Pero hinawakan niya lang ang aking mga kamay.

“Shut up! Dapat nga matuwa ka. Dahil kahit pangit ka pinagtiyagaan pa kita.” aniya habang itinaas ang aking suot na palda.

Tanging iyak na lang ang aking nagawa habang nasa ibabaw ko si Ansel. Tanging hikbi ko lang ang maririnig sa buong condo unit niya.

“Fix yourself.” wika niya habang tumayo na siya at pumasok sa isang kwarto. Inayos ko naman ang aking damit at pati ang aking palda. Pinunasan ko ang aking mga mata at sinuklay ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Hindi ko naman maiiwasan mapadaing dahil sa sakit ng aking gitnang hita.

“Let’s go.” wika niya habang nauna ng maglakad. Dahan-dahan naman akong sumunod sa kanya dahil wala pang masyadong lakas ang aking mga paa.

“Bakit ba ang bagal mo?” kunot-noo niyang tanong habang nilingon ako.

“Sorry,” sambit ko.

“Tsk. ayosin mo nga iyang paglalakad mo para kang matanda.” singhal niya sa akin.

Nang makarating kami sa school ay nakita ko naman si Kuya Arnold na nag-aabang na sa akin. Bumaba ako agad sa sasakyan ni Ansel at pumunta kay Kuya. 

“Ma’am kanina pa po nagagalit ang Daddy niyo dahil hindi kayo sumagot sa kanyang mga tawag.” aniya.

“Sorry po naiwan ko po kasi ang phone ko.” ani ko.

“Nasa loob na po ng sasakyan ang bag niyo Ma’am kinuha ko na po.”  aniya kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa sasakyan ni Ansel habang nag-umpisa ng umandar ang sasakyan. At nang hindi ko na ito makita ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko na naglalandas ulit sa aking mukha.

Bakit ba ginagawa ito sa akin ni Ansel? Bakit ba ang sama-sama niya sa akin.

Pagdating sa bahay ay inayos ko ang aking sarili at lumapit kay Mommy at Daddy.

“Good evening Mom, Dad,” ani ko, sabay halik sa kanila.

“Bakit ngayon ka lang Jell?” tanong ni Daddy, habang umupo ako sa tapat ni Mommy.

“Sorry po Dad, may kailangan po kasi akong gawin sa bahay ng kaklase ko.” pagsisinungaling ko kay Daddy. Hindi ako sanay magsinungaling sa kanila ni Mommy kaya ibinababa ko ang aking dalawang mga kamay sa ilalim ng mesa, dahil ramdam ko ang aking panginginig.

“Okay ka lang ba anak?” wika ni Mommy sa nag-alala na boses, kaya tumango naman ako sa kanya. Pagkatapos namin kumain ay mabilis akong nagpunta sa aking silid at pumasok agad sa banyo. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko. sa bawat haplos na dinaanan ni ng kamay ni Ansel ay sinabon ko ng husto. Hindi ko rin napansin na napapalakas na pala ang aking paghikbi.

Kinabukasan ay ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan kaya nagpasya akong hindi muna pumasok. Sinabi ko na rin kay Mommy na masama ang pakiramdam ko kaya hindi niya rin ako pi-napapasok sa school.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil ilang araw din akong absent. Hindi ko naman maiwasan ang mapayuko habang pinagtitinginan ng mga kaklase ko. siguro dahil doon sa paghila ni Ansel sa akin. Nang nakaupo ako sa aking upuan ay narinig ko naman ang boses ni Ansel kaya lalo akong nagyuko ng ulo. Ayaw ko kasi siyang tingnan dahil sa ginawa niya.

Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa aking tabi.

“Bakit ang tamlay? Buntis ka ba?” aniya kaya napatingin ako sa kanya.

“Ang pangit mo na nga ang landi mo pa. sino naman ang tatay ng anak mo?” ngiting wika niya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko kaya mabilis ko siyang sinampal. Nabigla naman siya sa aking ginawa pati ang mga kaklase namin.

“B-bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Wala naman akong ginawang masama sa’yo ah!” iyak kong sigaw sa kanya. Bigla naman siyang tumayo at hinawakan ako sa panga.

“How dare you to slap me.” wika niya habang nanlilisik ang kanyang mga mata.

“Alam mo bang wala pang gumawa sa akin nito. Kaya pagbabayaran mo ang ginawa mo.” wika niya sabay tulak sa akin.

Nang makatayo rin ako ay agad ko siyang itinulak at kinuha ang aking bag. Mabilis rin akong tumakbo palabas ng campus sa takot ko kay Ansel.

Makalipas ang ilang araw na nasa bahay lang ako ay hindi ko naman maiwasang umiyak palagi dahil ikinulong ako ni Daddy sa kwarto ng malaman niya na itinulak ko ang kaklase ko dahil isa raw akong kahihiyan sa kanya.si Mommy naman ay walang nagawa para makalabas ako ng kwarto dail takot din siya kaya Daddy. Parang nasanay na ako na nakakulong.

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang isang katulong namin para bigyan ako ng pagkain. Nang maamoy ko ang laman ng tray ay bigla nalang bumaliktad ang aking sikmura kaya tumakbo ako papunta sa banyo.

Ilang minuto rin akong nanatili sa loob ng banyo dahil sa sama ng aking pakiramdam.

“Anak, Jell, anong nangyari sa’yo?” wika ni Mommy sa nag-alala na boses kaya agad akong umiyak ng makita siya. hindi ko rin alam kung bakit ako naging emosyonal ng makita ko Mommy.

“My God! Ano bang nangyari sa sa’yo Jell bakit ang putla-putla mo?” ani Mommy habang niyayakap ako.

“Rebecca tumawag ka ng Doctor.” utos ni Mommy sa katulong namin habang inalalayan niya akong tumayo.

“Anong nangyari dito?” Napalingon kami ni Mommy sa pinto at nakita si Daddy na nakatayo.

“Daniel nagsusuka ang anak mo, at tingnan mo ang putla putla na niya.” iyak na wika ni Mommy kay Daddy.

“Ano na naman ang kaartehan mo Jell? Diba ito naman ang gusto mo ang manatili sa bahay dahil ayaw mong pumasok?” galit na wika ni Daddy sa akin. Hindi ko naman mapigilang umiyak dahil sa kanyang sinabi.

“Ma’am, andito na po ang Doctor.” wika ng katulong namin at agad pumasok ang isang babae na tingin ko ay nasa edad singkwenta na.

Agad niya akong tiningnan at sinuri ang aking katawan.

“Wala naman po akong nakikitang sakit ng anak niyo Mrs. Lee, kailangan niyo na lang po siyang patingnan sa isang obgyne.” ngiting wika ng Doctor na agad kong ikinagulat. A-anong buntis p-paano ako nabuntis?

Hindi ko napansin na umalis na naka-alis na pala ang Doctor, napabalik na lamang ako sa aking ulirat ng bumaling ang aking mukha sa kabila, dahil sa lakas ng sampal ni Daddy.

“Bakit mo ginawa sa amin ito Jell? Hindi mo ba alam na ginawa namin ang lahat para mabigyan ka ng magandang buhay? Pero ano itong iginanti mo sa amin ha?” biglang sumigaw si mommy ng sampalin ulit ako ni Daddy.

“Tell me? sino ang Ama ng anak ng anak mo?” sigaw ni Daddy sa akin habang umiiyak ako at hawak ang aking pisngi na sinampal niya.

“Daniel taman na!” iyak na sigaw ni Mommy ng hinawakan ni Daddy ang aking braso.

“Kailangan mawala ang batang nasa tiyan ng anak mo. Ayaw kung masisira ang reputasyon ko ng dahil sa anak mong iyan.” madiing wika ni Daddy sabay labas ng aking kwarto. Hindi ko naman mapigilang mapahagulhol dahil sa aking narinig. Kahit galit ako sa Ama ng magiging anak ko, ay hindi pa rin tama na patayin ko siya dahil wala siyang alam sa ginawa ng Tatay niya sa akin.

“Mom, please, tigilan niyo po si Daddy, wala pong kasalanan ang magiging baby ko para po papatayin niya please Mom, maawa ka po,” iyak kong pakiusap kay Mommy. Alam kong hindi niya kayang suwayin si Daddy, pero umaasa pa rin ako na sana maawa si Daddy sa baby na nasa tiyan ko. 

Paglabas ni Mommy ay agad akong napahawak sa impis ko pang tiyan, at hinaplos ito. Lalo akong napaiyak ng mahawakan ko ito dahil sa takot na nararamdaman ko para sa magiging anak ko. alam kong mahina ako pero hindi ko kayang mawala siya sa akin hindi ko kayang tanggalin siya sa tiyan ko. gusto ko siyang makita at lumaki.

Napatingin ako sa pinto at hindi ko mapigilang matuwa ng makitang naiwan nilang bukas ito. Mabilis kong kinuha ang aking maleta at inilagay ang ilan kong mga gamit. Kinuha ko rin ang savings na ibinigay ni Daddy sa akin. Kahit hindi ko alam kong saan ako pupunta ay kailangan kong makaalis at iligtas ang anak ko sa binabalak ni Daddy.

Dahan-dahan akong lumabas habang hila-hila ko ang aking maleta, nang makalabas ako ng gate ay agad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa sakayan ng bus. 

Hindi ko alam kong saan ako pupunta at dahil sa takot kay Daddy ay agad akong sumakay ng buss kahit hindi ko alam kung saan ito papunta. Habang nakatingin ako sa labas ay naglalandas naman ang masagana kong mga luha.

“Ayos ka lang ba Iha?” Napalingon ako sa aking katabing matanda dahil sa kanyang tanong. umiling naman ako bilang sagot sa kanya.

“Saan ka ba pupunta?” tanong niya sa nag-alala na boses.

“H-hindi ko po alam, n-naglayas po ako sa amin Nay, kasi po b-buntis po ako,” iyak kong wika sa kanya. Napasinghap naman siya sa aking sinabi.

“Naku! Bakit ka naman naglayas. Alam mo Iha, sa una lang naman galit ang isang magulang, dahil walang magulang ang may gustong mapahamak ang kanilang anak,” aniya na lalo kong ikinaiyak, dahil alam kong hindi ganun si Daddy at kaya niya talagang ipalaglag ang magiging anak ko.

“H-hindi po ganun ang Daddy ko Nay, balak niya pong ipalaglag ang anak ko,” ani ko na ikinagulat niya.

“Ano? Hindi niya ba alam na malaking kasalanan ang gagawin niya apo niya ang magiging anak mo.” tanging iyak lang ang naisagot ko sa kanya dahil tama siya, pero walang pakialam si Daddy basta hindi lang masisira ang image niya.

“Saan ka naman pupunta ngayon?” tanong niya sa akin.

“H-hindi ko po alam, gusto ko lang ang maliligtas ang anak ko,” iyak kong sagot sa kanya.

“Nasaan ba ang Tatay ng anak mo?” tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya dahil ayaw ko ring malaman ni Ansel ang pagbubuntis ko. lalo na at alam kong hindi niya matatanggap ang magiging anak ko, dahil ayaw niya sa akin at lagi niyang ipinagmumukha sa akin na pangit ako.

Huwag kang mag-alala anak, hindi kita pababayaan kahit hindi alam ni Mama kung saan tayo pupunta. Sa isip ko habang hinaplos ang impis kong tiyan.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lenny Yruma
haissst kainis lang basahin pag ganito
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status