Chapter 5 - Hue

Wildflower

Inaamin kong may nararamdaman akong kaonting atraksyon sa assistant ko. Hindi naman kasi maikakaila ang taglay nitong kagandahan at katalinuhan.

Sa unang tingin pa lang, kapansin-pansin na ang haba ng kaniyang mga biyas, bilog na bilog na d****b at pirming puwetan. Ang kaniyang kutis ay makinis at ‘di makikitaan ng peklat o marka. Sa kaniyang sobrang kaputian, namumula siya kapag nasisikatan ng araw. Parang kutis lamang niya ang tanging malambot sa kaniya dahil ang kaniyang mukha ay tila laging may matigas na emosyon.

Ang kaseryosohan ng kaniyang itim na mga mata ay ‘di nawawala kahit pa siya’y ngumingiti o tumatawa. Dahil na rin siguro sa makapal na kilay, kung kaya’t may kaistriktuhan ang kaniyang itsura, na totoo naman sa kaniyang pag-uugali. Tahimik lang ito at parang laging galit.

May pakiramdam ako na façade lang ito ng babae tuwing siya’y nasa trabaho at iba ito tuwing nasa labas. Kaya hindi na rin ako nagulat nang ibalita sakin ni Aram ang ibang personalidad nito na nasaksihan niya.

“No, you should go.” Matigas na sagot niya sa akin sabay baba ng tawag.

“Fuck this!” Hinubad ko ang suot na tie at frustrated na ginulo ang buhok.

Matindi ang kuryusidad ko sa babae noon pa man, pero ni minsan ay ‘di ako tumawid sa linyang pumapagitan sa amin. Ngayon pa lang.

We are a great team at work, I have never had an employee like her before. Kilala niya ako at ang klase ng trabahong pino-produce ko at kinakaya niya iyon pantayan o lagpasan pa. Bagay na mahirap mahanap sa sino man.

Hindi ko rin naman inaasahan na hihilingin ko sa kaniya ang pigilan ako sa binabalak ko. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Pero mula ng magising ako kaninang at maalala na ngayong araw ang nakatakdang pagsisiping namin ni Maliah ay may kumakatok sa aking konsensya.

Noong una naiisip kong hindi ko dapat ‘to gawin kay Maliah, na hindi naman nararapat sa kahit na sinong babae ang gamitin sa kama para sa pansariling interes. Isa pa ay may gusto raw sakin si Maliah, kaya higit na mali kung gagamitin ko ang nararamdaman niya sakin para lamang maisalba ang kompanya.

Napagtanto ko na ginagamit ko si Maliah, si Maliah na kaibigan ng aking assistant. At nang umabot ako sa isiping ito, bumaling ang utak ko kay Azalea na umpisa pa lamang ay hindi na sang-ayon sa plano kong ito. Hanggang sa tanging siya nalang ang tumatakbo sa isip ko.

Naghahanda na akong pumunta sa hotel ng tumawag ako sa kaniya kanina. Pero bahala na, hindi na ako pupunta. Hindi ko maipaliwanag pero may inis akong nararamdaman kay Azalea sa pag-udyok niya sakin na ituloy ang binabalak. Hindi ko nagustuhan ang sagot niya at nanggigigil ako sa ‘di malamang dahilan.

Naging malalim ang paghinga ko, mayroon sa loob loob ko ang gustong magwala at magalit. Hindi ko maintindihan.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili. I dialed Aram’s number.

“I need a drink, bud.” Seryoso kong wika.

“What’s wrong? I’ll be there in fifteen.” Mukhang naalarma siya sa bigla kong pag-aayang uminom.

Fuck this. A drink won’t suffice my frustration. Hindi na ako nag-isip at basta nalang nagsalita, “I need a woman too.”

“Woah! This is new.” Parang manghang-mangha siya na ako na mismo ang nag-aya. “Hold on, I thought ngayong gabi ka makikipag-sex sa babaeng napili mo?”

A low growl came out of my mouth, “I need someone else! I’m not touching any girl related to Azalea! That woman!”

“Anong meron kay Azalea? Did she do anything? Pinigilan ka ba niya sa balak mo?”

Mas lalo akong nainis sa tanong niya. “She didn’t do anything! Hindi niya nga ako pinigilan e,” gigil na gigil na pahayag ko.

“I don’t understand you, dude.”

“Fuck it, I’m so frustrated with that woman. I can’t understand myself too.”

“Oh, I think you do. It’s just that whenever you can’t control how you feel, you get angry.”

I think I know what he’s trying to tell me. “Fuck you! Just text me where to meet you!”

He texted me an address not a minute later.

I went there immediately. Umakyat ako sa ikalawang palapag at pumasok sa VIP room na nakatalaga sa amin. Andoon na si Aram at nakalatag na rin ang iba’t ibang inumin.

It is a cool place. Gawa sa one-way glass ang pader ng sa parte ng pintuan kung kaya’t kita mula sa pwesto namin ang mga nagkakasiyahan sa baba. Hindi ring anon kalakas ang tugtog dito pero sapat naman para ma-enjoy ang musika.

Agad akong uminom ng magkakasunod na shot. Naramdaman ko ang mainit na pagguhit ng alak sa aking lalamunan. I hope this will be able to take my mind of some woman.

Speaking of women, maya-maya lamang ay may pumasok na tatlong mga kababaihan sa silid namin. Napatingin ako sa kapatid ko na ngumisi ng malaki sa akin.

“You asked for it, brother.” Tanging sabi niya at saka binaling ang atensyon sa dalawang babaeng tumabi sa kaniya.

Lumapit naman sa gilid ko ang isang babae at naupo. Nakasuot siya ng pulang minidress na may malalim na neckline. Halos lumuwa na ang kaniyang d****b, bakat din ang kaniyang u***g. She’s not wearing a bra.

“Hi, I’m Jena! Aram said you need someone to warm your night, I can do that.” Diretsang sabi ng babae sa akin.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang pag-inom ng alak. Nahalata niya sigurong wala akong balak makipagkwentuhan kaya’t nanahimik nalang din siya.

Matagal tagal na rin kaming umiinom ng marinig namin ang hagikhikan ng mga kasama namin. Halos salitan nang hinahalikan at hinahawakan ni Aram ang dalawang babaeng katabi niya.

Narinig ko ang pagrereklamong bulong ng katabi ko kaya’t napabaling ako sa kaniya. Ngayong nasa kaniya na ang atensyon ko, malinaw ko nang nakikita na maganda rin pala ang babae. Pulang pula ang nguso at may mapupungay na mga mata. Marahil ay lasing na ito. Napainom akong muli ng sunod-sunod habang ang mga kamay niya ay nagsimulang lumandas sa aking katawan.

“Come on, let’s get out of here. May hotel sa tawid kalsada.” Bulong niya sa senswal na tono.  

Hotel.

Bigla kong naalala si Maliah na malamang nag-intay sa akin sa hotel. Sinilip ko ang oras at nakitang alas onse y media na. Hindi naman siguro nag-iintay hanggang ngayon ang babae. After all, ang usapan namin ay kanina pang alas siete.  Sabay sana kaming maghahapunan, at pagkatapos ay iinom ng alak bago gawin ang plano.

Muli akong nagising mula sa iniisip ng maramdaman ko ang paglapit ng mukha ni Jena sa gilid ng mukha ko. Naramdaman ko ang dila niyang bumabasa sa paligid ng tenga ko. Iniwas ko ang pisngi ng maramdaman kong palapit na ang kaniyang bibig sa labi ko. Patuloy ang pag-inom ko para lamang mapigilan ang balak niyang paghalik sa akin.

Nararamdaman ko na ang tama ng alak makalipas ang ilan pang minute. Frustrated na ring umuungol ang katabi ko, naiinis na hindi ko siya pinapansin, at ‘di rin naman pinapaalis.

Muli niyang sinubukang h*****k na maagap ko pa ring naiwasan. Sa kakaiwas ko ay nabaling ang tingin ko sa dance floor.

Natanaw ko sa baba ang pamilyar na pigura ng isang babae. Nakatalikod siya sa banda namin kaya’t ‘di ko matanaw ang mukha niya. Sumasayaw siya na puno ng pang-aakit kaya pinapaligiran ng maraming lalaki.

Hindi ako sigurado kung si Azalea nga ba iyon o dala lang ito ng inis ko sa babae at kalasingan kaya siya ang nakikita ko. Patuloy kong pinakatitigan ang bawat pag-indayog ng balakang ng babae sa baba, habang ang katabi ko’y patuloy na humihimas sa aking tiyan. Hindi ko rin namalayan ang pagpasok ng kamay niya sa aking damit dahil sa pagkawili ko sa panonood sa babae.

Halos umaangat na ang laylayan ng dress na suot ng babaeng sumasayaw. Hindi ko man sigurado dahil sa makulay na ilaw pero halata sa braso niya na makinis ang kutis niya. Hinayaan ko si Jena sa kaniyang ginagawa dahil nagsimula nang uminit ang aking pakiramdam.

Nanlaki ang mga mata ko nang muntik nang mitumba ang babae, marahil ay dahil sa kalasingan. Nasambot siya ng lalaking kasayaw. Ang kamay ng lalaki ay nasa magkabilang bewang niya na unti-unting bumababa sa puwetan. Nakagat ko ang labi ko, parang nais kong ako ang humawak sa kaniya ng ganon.

Samantala, ang kamay ni Jena na humihipo sa d****b ko ay unti-unti namang bumababa. Nasa bandang puson ko na iyon ng masaksihan ko ang pag-ikot ng babae. Nakaharap na siya ngayon sa gawi ko, nakadikit ang likod sa lalaking kasayaw.

Naliliyo na ako sa nararamdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit mabilis akong nakaramdam ng kalasingan, pero may ibang init talagang bumabalot sa aking katawan. Nalilito na ako kung ano ba ang nagdudulot nito sa akin, ang kalasingan, ang babaeng katabi o ang babaeng senswal pa ding sumasayaw sa ‘di kalayuan.

Nakaharang ang kaniyang buhok sa mukha, na agad din namang hinawi ng lalaki upang magkaroon ng access sa leeg niya. Napatayo ako sa gulat ng mukha ni Azalea ang aking nakita.

Lumabas ako ng silid at lumapit sa hagdan. Pinakatitigan kong mabuti kung tama ba ang aking nakikita. Siya nga. Napakuyom ang kamao ko nang mapagtanto ko na kanina ko pang pinapanood na hinahawak-hawakan siya ng kung sinong lalaki.

“Azalea…” mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Kung hindi lang maingay ang paligid ay iisipin kong narinig niya ko dahil sakto ang pagdapo ng mata niya sa akin. Inaasahan kong magugulat siya o mahihiya na nakikita ko siya sa ganitong ayos, pero ngumiti lang nang mapaglaro ang babae. Hindi niya inalis ang tingin sa akin habang hinihiwalay ang sarili sa lalaking nakapulupot sa kaniya.

Tama yan, lumayo ka sa kanila. Naisip kong dalhin siya sa VIP room na nirentahan ni Aram. Doon ay ligtas siya sa mga lalaking nananamantala ng kalasingan niya. Ngunit sasama kaya siya sa akin?

Nasagot naman agad ang tanong ko ng makita kong dahan-dahan siyang lumakad papunta sa gawi ko. Umiiwas sa mga makakasalubong pero nananatili ang mata sa akin. Sinimulan ko na ding bumaba ng hagdan nang makita ko na nahihirapan siyang makipambuno ng lakas sa mga nakaharang sa daan niya.

Isang metro na lamang ang pagitan namin ng tumigil siya sa kinatatayuan niya. Kahit na patay-sindi ang makukulay na ilaw ay naintindihan ko ang tahimik na binigkas ng kaniyang mga labi, “Play with me.”

Aram is right. She’s a wildflower.

I don’t think it’s a good idea to be near her but letting her be surrounded by these wolves is not a good idea neither.

Ako na ang lumapit sa tila wala sa sariling babae.

Kahit na parang tumatawag ng atensyon ang labi niya ay nagawa ko pa ring ibaling ang tingin sa mapupungay niyang mata.

“Come join us.” Malakas na sigaw ko para marinig niya.

Tumango lang siya sa akin at gumegewang na mas lumapit. Kinuha ko ang kamay niya at ikinawit sa aking braso. Mas nag-init naman ang pakiramdam ko ng magdikit ang mga balat namin. Pinipigilan ko pa rin ang aking sarili, hindi ko sigurado kung ano ang aking gagawin kung pakakawalan ko ang init na gustong umalpas sa aking katawan.

Itinatak ko nalang sa isip na kailangan ko siyang ilayo sa mga lalaking nais siya pitasin.

“But isn’t that want you want too?” bulong ng aking isip. 'Di ko pinansin ang konsenyang kumakatok sa akin. Hinaklit ko ang bewang ni Azalea upang mas mapalapit sa akin.

Nang sa wakas ay makaupo na kami sa silid kung nasaan si Aram ay napapikit nalang ako ng mariin sa pagpipigil ng damdamin.

Nang imulat ko ang aking mata ay namamanghang nakatitig sa amin si Aram. Wala siyang sinabi pero ngumisi siya nang inabutan niya kaming pareho ng panibagong alak.

Pipigilan ko sanang uminom pa si Azalea dahil halata naman ang sobrang kalasingan niya pero nauna pa siyang uminom sa akin. Ininom ko nalang din ang tagay na inabot ng kapatid ko.

Pagkatapos non, hindi ko na namalayan ang sunod na pangyayari.

Natagpuan ko nalang ang sarili na h*******k sa pinakamatamis na labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status