Share

CHAPTER 2: SHE'S MY SISTER

Soheila's POV

I'm still processing things when I heard gunshots. Mabilis akong tumakbo patungong kwarto kung nasaan ang taong may hawak ng elixir at inilabas ang baril na nasa kanang hita ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago ko sinipa ang pintuan nang biglang may humila sa balikat ko. I was about to pull the trigger when I heard my sister's laugh. Yung totoo, sinong mas matanda sa amin? I scanned the whole room and saw bunch of men lying on the ground. 

"Did you get the elixir?" I asked her and she nodded but I noticed something in her eyes. 

"Umiyak ka ba, Silicia?" Takang tanong ko sa kaniya pero inirapan niya lang ako. 

"Who cried? Ako? Sisihin mo yang mga gagong 'yan! Sinabuyan ako ng buhangin!" nagmamaktol na sabi niya kaya napailing nalang ako. 

"At saka bakit ngayon ka lang? You're supposed to be here before me pero mukhang na-traffic ka ata," nakangising sabi niya. Lumapit siya sa akin at inikutan ako habang naniningkit ang mata. 

"So... who's Alas and what's with the endearment, milady?" 

Kung iyong si Alas ang tumawag sa akin ng gano'n ay ayos lang bakit pag sa kaniya nandidiri ako? Asar ko siyang tinulak pero wala pa ring tigil ang pang-aasar niya. 

"Umalis na tayo bago pa magtawag ng back-up ang mga iyon." Kinuha ko ang suitcase sa lamesa na naglalaman ng elixir at lumapit sa sa isang pintuan na nasa loob ng kwartong iyon. 

Dito rin dumaan ang mga tauhan nila para hindi sila pag hinalaan ng mga tao sa party. Sino ba namang magdadala ng suitcase sa engagement party 'diba? 

"Soheila, we did it! Oh my god wait I'll call Mimi," nagsisisigaw na sabi ng kapatid ko. 

"Hellooo? Mimi! Nakuha na namin yung elixir!...yes po nasa car na kami pauwi na...sige Mimi love you!" 

Pagkatapos ay binaba niya na ang tawag. I leaned my head at the car's window and smile. Silicia is two years older than me but everytime people saw us together lagi nilang napapagkamalan na ako ang mas matanda. Isa sa mga dahilan ay ang pagiging mataas ng energy niya araw-araw. She's friendly while I'm not, I love being alone unless my sister is with me. Hindi lang halata but I love her, she's been my other half at everything. She's the one who's taking care of me when our parents left us for business and of course she's also my back up so am I to her. Iyon nga lang hindi talaga mawawala ang pagmamaldita namin sa isa't-isa. But I love annoying her, that's my happy pill. 

"Care to share your thoughts? Baka di ko alam pag-aasawa na pala 'yang nasa isip mo," natatawang sabi niya habang nagda-drive. 

"I'm thinking about my vacation leave, stupid. I'm not going to get married, remember that?" Nakataas kilay kong tanong sa kaniya at napailing naman siya. 

"Huwag kang magsasalita ng tapos Soheila Justice, nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nakikilala ang lalaking magpapa-amo sayo," seryosong sabi niya. 

"As if someone will have the courage to tame me. Iyong mga tauhan nga ni Daddy gwapo nga takot na takot naman lumapit sa akin," asar na sabi ko at tumawa naman siya. 

"Paanong hindu matatakot eh sa tuwing naglalakad ka parang ang sama-sama ng loob mo sa mundo. Subukan mo kayang ayusin ang attitude mo." 

"Just so you know, If ever man na magkakagusto ako sa isang tao sisiguraduhin kong tanggap ako. I don't need to change my attitude just to fit someone's ideal girl," kunot-noong sabi ko. 

Isn't that right? Para sa akin kung mahuhulog man ako susulitin ko na para hulog na hulog. I want someone who will make me feel that I don't need to change myself because I am already enough for him. I want to fall inlove with someone who will kiss not just my lips but my eyes to stop my tears, my nose to make me comfortable, my cheeks to make me giggle and my forehead to say that he will cherish me forever. 

Cheesy? I don't care!

Napatigil ako sa pag-iimagine nang maalala ko ang lalaking nag-nakaw ng h***k sa magaganda kong labi. That jerk! How dare he stole kiss from me? Huwag lang siyang magpapakita ulit sa akin mapapatay ko talaga ang kinabukasan niya!

"You know what? Sometimes I just really want to have a power for reading your mind. Gustong-gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip mo base sa facial expressions mo," tumatawang sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.

"I'm thinking about that guy, he's such an asshole." 

"Oh the one who stole kiss from you? There's nothing wrong with that it's just a kiss," simpleng sabi niya kaya naman hinampas ko siya. 

"I am driving for god's sake! Gusto mo bang mamatay dahil sa car crash?" asar na sabi niya kaya umayos ako ng upo. 

"You know how much I treasure that," nakasimangot kong saad. 

"Pero aminin mo ang gwapo niya. And the way he hold your waste? Shit! He's awesome. Hep! Huwag kang mag-deny umawang yung bibig mo kanina," tawa na siya ng tawa. Sabi ko na nga ba nakita niya iyon. 

"That won't happened if you just told me earlier na may elevator naman pala. Napakadaya mo," sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ako nilingon.

Nilibot ko ang tingin ko at napansin papasok na kami sa gate ng mansyon. Hindi mo mahahalatang may tinatago ang mga tao dito dahil puting-puti ang kulay. It's my Mimi's request na puti ang kulay ng mansion nila ni Daddy bago sila ikasal. May garden at playground para sa amin na hindi na masyadong nagagamit dahil malalaki na kami. There are ten available guest rooms two rooms each for me and my sister, three rooms for our parents. One masters bedroom kung saan kami ginawa, office nilang dalawa, at isa pang kwarto kung saan nagaganap ang iba pang milagro. 

"My girls are here! How's your mission huh?" Niyakap kaming pareho ni Mimi at ginaya sa dining area kung nasaan si Daddy na may binabasa. H*****k din kami sa kaniya bago umupo at sumagot si Silicia.

"Easy peasy Mi, hindi naman ganoon kahirap since planado talaga namin. But something exciting happened," nakangising sabi niya at tumingin sa akin. 

"Really? Tell me now, Silicia," excited na sabi naman ng nanay ko. Napailing nalang ako at tumingin kay Daddy na naka-angat ang kilay sa akin. I just shrugged my shoulder and let my sister talk. 

"Well...may naglakas ng loob bihagin ang puso ng bunso natin. He's handsome, smart, and a gentleman!" Inapakan ko ang paa ng magaling kong kapatid dahil sa inis. 

"May gentleman bang bigla-biglang nanghahalik ng babae?" singhal ko sa kaniya. 

Narinig ko naman ang pagtikhim ni Daddy kaya tumingin ako sa kaniya. Nakakunot ang noo niya at nagtatanong. 

"Don't worry, Dad I didn't kiss back. That guy is just an asshole to stole a kiss from your beautiful daughter," mataray na sabi ko at tumango siya. 

They are not as strict as the other parents especially that we are both legal age and can get married anytime. They let us have some fun which my sister love the most. I'd rather sleep the whole day than communcating with others. 

"Enough for that, girls. I have something to tell you too," seryosong sabi ni Daddy. Tumingin ako kay Mimi pero gano'n rin ang mukha niya. 

"Since we got the elixir now it's time for us to make a move to turn that organization down." 

"What's the plan?" tanong ko. 

"Silicia will be the starting point. She will destroy their front base and trigger them to get out of their cage." Tumingin si Daddy kay Silicia na tumatango. Ako naman ay nakakunot ang noo. 

"You mean to say we will make her a bait? That's too dangerous! No Daddy ipagawa mo nalang sa iba," ani ko. Masyadong delikado para gawin mag-isa ng kapatid ko ang mission. 

"You can't object Soheila, napag-usapan na namin ito ng ate mo bago pa man kayo magplano para makuha ang elixir," seryosong saway ni Mimi. 

Tinignan ko si Silicia na tahimik lang na nakikinig sa amin bago tumayo at umakyat sa kwarto. I don't care if they think I'm a coward, it's my sister! Kahit na sabihing trained kami mula pagkabata ay ayoko pa rin lalo na at hindi niya ako kasama. I don't want my sister to get hurt. 

I was about to enter my bathroom when someone knock and open the door. It's Silicia. Inirapan ko siya at sinara ulit ang pinto. 

"What do you want?" tanong ko pero hinawakan niya lang ang kamay ko. 

"Nothing gonna happen okay? Huwag kang masyadong mag-alala madali lang iyon para sa akin," nagpapaliwanag niyang saad pero tinalikuran ko siya. 

"You didn't even tell me your plan. At anong hindi delikado?" saad ko. 

"Listen. Babalik ako, promise. Give me one week to finish this okay? One week lang, para exact sa birth day mo," nakangiti pa siya. 

I almost forgot my birthday. I looked at her and sighed, as if may magagawa ako. 

"One week? Dadating ka sa birthday ko?" Parang bata kong sabi kaya pinisil niya ang pisngi ko. 

"Oo nga! Tapos dadalhan kita ng bombang cake." Inambhan ko siya pero nauwi iyon sa yakap. 

I hugged her tightly and lean my head. Nag-sway pa kami pagkatapos ay natawa habang magkayakap pa rin. This is one of our problems as sisters. Masyado kaming malapit sa isa't-isa na tipong ayaw na talaga naming mahiwalay lalo na kapag may misyon. 

Palabas na siya ng kwarto ko nang magsalita ako. 

"I'll wait for you at my birthday."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status