Share

Kabanata XXII

Lucky's POV

Tahimik ako naka-upo sa railing ng balkonahe ng bahay nila Magnus. Nakatanaw ako sa buwan na nagsisilbing ilaw ko sa madilim na kapaligiran. Pinili kong magtago dahil pakiramdam ko naubos ang energy ko sa pakikipag-socialize sa mga tao. Hindi ko sila kilala tapos kakaunti nalang dudugo na ang ilong ko sa lalim nilang magsalita ng Tagalog at Spanish.

Idagdag mo pa ang pagtatapat ni Amado na nagpasakit ng ulo ko.

“Woah.” 

Nagulat ako nang mayroong yumakap na braso sa beywang ko. Agad akong napakapit sa braso sa takot na mahulog, sementadong hagdanan pa naman ang babagsakan ko. Napahigpit ang kapit ko nang maramdaman kong hinihila niya ako pababa.

Nang makatapak ang paa ko sa sahig ay agad kong hinarap ang damuhong nagpakaba sa akin. “Magnus?” Sabi ko habang inaaninag kung tama ba ang hinila ko. 

Tinaas niya ang bitbit niyang lampara at doon nakompirma ang hinala ko. Lumapit ako sa kanya at sa inis ko a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status