Share

Chapter 04: A Decision to Make

“DON’T you know what time it is already?”

Zariyah nearly jumped out of her skin when she heard Grey’s voice. Abala siyang tapusin ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Laxamana kaya siguro hindi niya napansin ang pagdating nito.

“I really admire your dedication in your work but Ms. Castañeda you shouldn’t overwork yourself. It’s already lunch time.”

She glanced at her wristwatch and gasped when she saw it was already twelve in the afternoon. Sa sobrang busy niya ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

“Anyway, what brings you here Mr. Grey?” pormal niyang tanong dito. Hindi niya pinansin ang nauna nitong sinabi. “Wala dito ang ama mo. He’s in a meeting.”

A chuckle escaped his lips. It was deep and warm. “I wouldn’t have come if I knew my dad was here,” anito at ngingiti-ngiti pa sa kanya.

Tumayo siya para magtungo ng cafeteria. Ngayon lang din niya napansin na kumakalam na rin pala ang sikmura niya.

“Hey, hey, hey! Where are you going?”

Nakakunot ang noo niyang napatingin dito. “Well, obviously sa cafeteria para kumain.”

“You don’t have to,” wika nito at itinaas ang dala-dalang tinake out na pagkain. “Let’s have our lunch here.”

“No,” mariin niyang sagot. Akmang aalis na sana pero biglang hinawakan ni Grey ang braso niya at hinila siya nito pabalik sa upuan niya. Ipinatong nito sa ibabaw ng desk niya ang dala nitong pagkain.

“Well, it would be a waste kung hindi natin ’to kakainin,” ang sabi nito at naupo sa silya sa harapan ng table niya. “And we’ve got enough space para magsalo dito sa desk mo.”

Hindi siya kumibo at napabuntong-hininga na lang. Kinuha niya ang inabot nitong pagkain at tahimik na kumain. Pero nakakailang subo pa lang siya ay napahinto rin siya kaagad. Paano ba naman siya makakain ng maayos kung ramdam niyang sinusundan ng tingin ni Grey ang bawat kilos niya.

“Will you please stop staring at me?”

“Am I not allowed to stare at you?”

Pinanliitan niya ito ng mata pero hindi na siya umimik pa.

“You know I really don’t understand why you are being hostile towards me. I just couldn’t think of any reason.”

“Well, that’s easy,” she said and gave him a saccharine smile, then added, “It’s because I don’t like you.”

“As far as I know, wala akong masamang ginawa sa’yo para hindi mo ako magustuhan.”

Napaangat ang kilay niya sa sinabi nito. “It’s your personality that I don’t like,” she explained.

“What about my personality?” balik-tanong naman nito.

She sighed. Iniisip niya kung manhid ba ito o sadyang nagmamaang-maangan lang. Napasandal siya sa upuan at matiim na tiningnan si Grey. “If ever you’re given a last chance to be with the person you love, will you grab the chance?”

Sandali itong natahimik at nag-isip ng isasagot. Her dark eyes roamed his face. She hated to admit it but she now understood why those women always flocked around him. Grey was… he had this kind of face that would definitely make you stop in your tracks. And the jerk knew well how to use his charm. She wondered how many women have fallen victim to that killer smile of his.

“Well, I haven’t been in that position yet,” he said after a few moments. “Since hindi ko naman kailangan maghabol,” mayabang na dagdag pa nito.

She rolled her eyes. Nakalimutan pala niya ang tungkol dun. Hindi na sana siya nag-abala pang tanungin ito. Maybe she could ask Nadia about it later.

“But since you asked, of  course I would grab that chance. Who wouldn’t, right? Kahit ba sabihin natin na maliit lang tsansa.”

“But wouldn’t that make me selfish?”

He chuckled, “Honey, love is the most selfish of all the passions. And besides, I don’t think there is anything wrong wanting to be with the person you like, right?”

Her lips curled in a barely perceptible smile. She couldn’t believe that she’s having this kind of conversation with Grey. Maski ang mga sinabi nito ay hindi niya akalain na maririnig niya mismo mula sa labi nito.

“Well, you got a point in there, Mr. Love Guru,” she teased at saka ulit nagpatuloy kumain.

He grinned, “Does this mean that I don’t stand a chance now?”

Isang kibit balikat lang ang isinagot niya sa tanong ni Grey.

LABIS ang pagtataka ni Zariyah nang makita ang isang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila. Ang isa sa mga kapitbahay nila na kanina pa nakikiusyoso ay lumapit na sa kanya.

“Oy, Zariyah! Yayamanin ang bisita niyo. Ang gara ng kotse, oh. Kaano-ano niyo yung bisita?”

Hindi niya pinansin ang tanong nito sa halip ay dali-daling pumasok sa loob ng bahay nila. Ganun na lang ang gulat niya ng maabutan sa sala ni si Mr. Fontanilla.

“Oh, Zariyah!” Ngumiti ito pagkakita sa kanya.

Ang ama niya ay napalingon rin sa kanya. “Nakauwi ka na pala, anak.”

“How…” Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin. She was confused. Wala siyang natatandaan na may sinabi siya rito kung saan sila nakatira nung huli silang magkita.

“I have my ways,” ani Mr. Fontanilla na tila ba nabasa ang nasa isip niya.

Napalunok siya at pagkaraan ay binati rin ito. Sandali muna siyang nagpaalam para magtungo ng kwarto at makapagpalit ng damit. Pagbalik niya sa sala ay naabutan niya ang mga ito na nagtatawanan. Napangiti siya.

‘Just like the old times,’ she thought to herself. Only the difference was that Kylian was not here.

Hinayaan niya na lang ang dalawa dahil matagal na rin naman ng huling magkita ang mga ito. Dumiretso na lang siya sa kusina para magluto ng hapunan.

Iniisip niya kung kaya ba naparito si Mr. Fontanilla ay dahil gusto na nitong malaman ang sagot niya sa alok nito. Ilang gabi rin siyang hindi nakatulog ng maayos sa kakaisip sa isasagot niya. Pero ngayon ay nakapag-isip-isip na rin siya at alam na niya ang sagot na ibibigay rito.

PAREHO nilang mag-ama na inihatid sa labas si Mr. Fontanilla. Lagpas alas nuebe na rin ng gabi. Hindi nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. 

“Thanks for the dinner,” ani Mr. Fontanilla. Nasa loob na ito ng kotse nito. “Ang sarap mo pala magluto, hija. You’ll definitely make a good wife,” he added na ikinagulat naman niya.

Tumawa naman ang kanyang ama sa sinabi nito. “Naku, ilang beses ko ng sinabihan yang anak ko, Dan pero hindi ko pa rin mapilit. Eh, paano ba naman ba—” Napahinto ang ama sa pagsasalita at nagkatinginan sila. Napabuga na lang ito ng hangin.

“Sa susunod ulit.”

A frown creased her forehead. Kanina pa niya inaantay na banggitin ni  Mr. Fontanilla ang tungkol sa pabor na hinihingi nito. Pero paalis na lang ito ay wala pa rin itong binabanggit. Nagbago na ba ang isip nito?

She panicked. Bago tuluyan makaalis ay agad niyang kinatok ang bintana ng kotse. Mabilis naman nitong ibinaba ang bintana ng sasakyan.

“Bakit, hija?”

She gulped nervously. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa at ibinigay na niya ang sagot rito. It’s now or never. “The favor you asked… I accept it.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status