Buong akala ko talaga ay hindi siya sasama. Sabi niya kasi kahapon ay busy siya kaya hindi na ako nagpumilit na sumama pa siya.
Gusto kong sabihin na marupok siya kaso baka sa sobrang seryoso niya, magalit pa siya sa 'kin. Feeling ko lahat ng sabihin ko, may side comments siya.
"Akala ko may lakad ka?"
"Meron nga. Sasamahan kita magpa check-up. Bakit, ayaw mo ba?"
Napaka sungit talaga. "Uh, hindi naman."
Ilang araw ko hinintay kung kailan ako yayayain ni Anthony para makapunta at makita ko si Clint pero hindi na yata matutuloy.Nakaka disappoint kasi bukod sa nangako siya ay kung sino-sinong babae pa ang nakikita ko na kasama niya. Tsk wala siyang isang salita. Dapat sa kanya pinapa shoot to kill."Sana hindi mo mamana ugali niya, baby," sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi ako makapag hintay na sumagot siya sa pamamagitan ng pagsipa."Sinong tinutukoy mo?" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang marinig ang boses ni Anthony.
Sa gulat ko ay kaagad ko siyang naitulak. Tumitig siya sa akin at muli akong hinalikan. Naguguluhan ako sa kinikilos niya ngunit hindi ko mapagkakaila ang matamis na lasa ng malalambot niyang mga labi.Gaganti pa lamang ako ng halik sa kanya ay bigla na niyang inilayo ang kanyang mga labi."Go back to sleep." sabi niya sa akin habang hinahaplos pa ang pisngi ko.Nakuha ko pang pumikit habang dinarama ang haplos niya. Ngunit makalipas ng ilang segundo ay hindi ko na ito maramdaman kaya dumilat ako.Ang b
Parang biglang umakyat ang mga dugo sa ulo ko. Kaunti nalang makakasuntok na 'ko. "Bakit mo binura??"Tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "That was just an accident, okay? Hindi ko nga sinadya na mabura!" sigaw niya pabalik."Wala ng natira? Nabura ba lahat?" lumapit ako sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko na sinasabing ibigay at ipahiram sa akin ang cellphone."What?" tanong niya."Patingin ako nung phone. Baka naman pwede I revive!"
Hindi ako makatingin sa kanya. Parang ayoko munang makita siya. Naaalala ko pa nanaman kung paano niya ako sigawan dumagdag pa na hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya sa barkada niya tungkol sa 'kin."I'm sorry," sabi niya. "Hindi lang ako sanay na may gumagamit ng mga gamit ko.""Pasensya na at hindi rin ako nagpaalam. Hindi ko naman akalain na ganun yung magiging reaction mo," mahina kong sambit."How can I make it up to you?" naguluhan ako. Bakit? Bakit naman siya babawi?Parang wala sa bokabu
Nakangiti siyang kumakain ng french fries at sinawsaw niya rin sa sundae gaya nang ginagawa ko."Bakit ka nandito?" mataray kong tanong. Akala ko ay sasama siya kay Tricia kaya sobra akong nagtataka na nakaupo siya ngayon sa tabi ko.Sumilip ako sa labas at wala na ang babae dun. Nainip na siguro."I'll eat with you. Ayaw mo?" inosente niyang tanong."Akala ko ba ayaw ni Tricia at siya ang susundin mo?" mahina kong sambit. Totoo naman eh. Sa tono ng pananalita niya kanina, sa isipin na gusto niyang lumi
Habang nasa counter ay tawa siya nang tawa. Minsan ay titigil siya pero kapag napatingin siya sa akin ay ngingiti at mula nanamang tatawa. Nak, baliw yata ang papa mo."Sabihin mo nga sa 'kin... naka drugs ka ba?" tanong ko sa kanya.Iniabot niya sa cashier ang black card niya at tumingin siya sa 'kin."Nothing," wala pero tumatawa na naman siya."Ano nga!" pangungulit ko sa kanya. Ibinalik na ng cashier ang card at ibinalot naman ng bagger ang mga pinamili naming damit.
Nakayuko lang ako nang may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Nagulat ako nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Anthony na nakatingin sa akin."I believe you," malumanay niyang sabi at umangat ang kamay niya papunta sa aking pisngi saka tinuyo ang aking mga luha.Mas lalo akong napahagulgol. Nakita kong wala na si Tricia sa harap namin. Anong nangyari? Baka sa sobrang okupado ng isip ko ay hindi ko na namalayan ang kanyang pagkawala."S-sorry," sabi ko habang humihikbi."Shhh... it's okay." ni
"Here's your milk." ibinaba ito ni Anthony sa side table at may kasama pang cookies. Nandito ako ngayon sa kwarto niya at pumayag na rito na rin matulog. Wala namang iba dahil dito na rin ako natutulog nung mga nakaraang araw. Ang kaibahan lang ay dito ako kahit nandyan na si Lezzie at si nanay.Hindi na kami bata. Sabi nga ni nanay, alam na namin ang ginagawa namin. Siguro ay alam na rin naman ni Anthony na may pagtingin din ako sa kanya. Hindi lang bilang tatay ng anak ko kundi bilang siya."Nasa kwarto na ba sina nanay?" tanong ko sa kanya. Kanina kasi ay iniwan ko silang nakikipag kwentuhan dahil inaantok na rin ako.