Share

Chapter 1.1

Venus POV

Muli na naman akong napakamot sa ulo habang nasa labas ng building ng isa sa mga sikat na publication company dito sa bansa. For the nth time around ay rejected na naman ang istoryang nagawa ko.

May panlulumo akong tumingin sa ibang tao na galing sa loob at mukhang masaya dahil tinanggap ng kumpanya ang mga kuwento nila.

Ilang beses na din akong nag-apply pero paulit-ulit akong nire-reject. Bumuntong hininga muna ako bago sumakay sa taxi na huminto sa harapan ko.

"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver at tumingin pa sa rearview mirror nang tuluyan akong makasakay.

"Kahit saan kuya, sasabihin ko nalang ho kung saan ako bababa..," walang gana kong sagot at nag umpisa na itong mag-drive.

Pagod kong idinikit ang noo sa windshield ng sasakyan habang matamlay na nakatingin sa labas. Hindi puwedeng ganito, dati ko pang pangarap na maging miyembro ng publication company na iyon! At hanggang ngayon ay pangarap ko parin.

Napapitlag ako nang bigla nalang mag-ring ang selpon ko na nakalagay sa bag, dali-dali ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hailey?" Bulong kong tanong.

Agad kong sinagot ang tawag n'ya at itinapat ito sa aking tenga.

"Baksss?! Nasaan ka??" Tanong nito at napapikit naman ako sa lakas ng boses n'ya, bukod don ay maingay din sa kabilang linya.

"Ah, uuwi na sana. Bakit?" Tanong ko.

"Hanu baaaa, iinom pa 'ko aaahhh!"

Agad na nangunot ang noo ko dahil sa narinig. Teka? Si Penny 'yon ah?

"T-Teka nga! Patay gutom naman! Hello- hello, Venus? Puntahan mo na kami ditooo! Si Penny lasing na lasing na! Nandito kami sa bar!" Sigaw nito at bigla ding namatay ang tawag.

Napailing nalang ako at bumuntong hininga bago tinapik si kuyang driver sa balikat.

Kaagad ko ring natanggap ang text message nito na nasa Pub Palace raw sila- isa sa mga sumikat na bar dito sa Makati.

"Para na po kuya, dito nalang.." saad ko at agad din namang ini-hinto nito ang sasakyan.

"Dalawang daan lang po mam!" Saad nito at agad akong kumuha ng pera sa wallet.

Nagmadali akong bumaba at tinanaw muna ang bar kung nasaan sina Hailey at Penny. Juice colored naman! For sure at madami ng mga tao d'yan dahil alas-nueve na ng gabi.

Agad akong tumawid sa kabilang kalsada at pumila kung nasaan ang entrance, may dalawang bouncer ang nag tsi-tsek sa mga pumapasok.

"Ma'am, paki-bukas nalang ho ng bag,"

Agad ko namang sinunod ang sinabi nila at ng matingnan nila ang mga gamit ko ay pinapasok na rin nila ako sa loob.

Pagpasok ko palang ay madami nang tao at sobrang ingay dito sa loob. Halo-halo na ang usok at amoy ng alak. Halos magkanda haba-haba na ang leeg ko sa kakatingin sa paligid para mahanap kung nasaan ba ang magagaling kong mga kaibigan.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makita ko sa parteng dulo sina Hailey, patuloy padin nitong inaagaw ang alak kay Penny na mukhang lugmok na sa kalasingan.

"Hay, buti naman at dumating kana! Grabe, ayaw magpa-awat nitong baklang 'to!" Turo n'ya pa kay Penny na panay tungga ng alak.

"Bayad 'to lahat?" Nagtatakang tanong ko at mabilis itong tumango.

Naupo ako sa tabi ni Penny at agad naman itong tumingin sa akin.

"Oh! Marshieee! Nandito ka pala! Buti naman at dumating ka, eto kasing si Hailey masyadong KJ eh. Edi tayong dalawa nalang ang uminom!" Tatawa-tawa nitong sabi kaya naman ay agad ko s'yang pinitik sa tenga.

"Ubusin mo na 'yan at uuwi na tayo!" Saad ko pa.

Naupo na rin si Hailey sa tapat namin ni Penny, kinakain n'ya 'yong mga pulutan at naghatid pa nang panibagong pulutan ang isa sa mga staff ng bar.

"Oh, bakit? H'wag mo 'kong tingnan ng ganyan bakla! Kanina pa ako nagugutom!" Singhal nito.

"Bakit naman umiinom 'to ngayon?" Ini-nguso ko si Penny na mukhang tinakasan na ng kaluluwa.

Hindi ko alam kung aware pa ba s'ya sa mga pinaggagagawa n'ya eh!

"Eh, pano- broken daw s'ya dahil nga nagbreak na sila no'ng Joshua! Ayan! Inubos ang sahod n'ya dito sa bar!" Nakasimangot na sagot ni Hailey sa akin at nakiinom na din ng beer.

Naiiling nalang akong sumandal sa kinauupuan ko.

Ayan, lovelife pa! Tsk. Mukhang may magtatawag na naman ng mga uwak mamaya! Matagal na naming sinabi kay Penny na manloloko 'yong Joshua na 'yon pero hindi man lang s'ya nakinig.

Tumingin nalang ako sa paligid at marami ding nagsasayaw sa dance floor, 'yong iba ay naghahalikan na sa gilid kaya agad kong iniwas ang tingin ko. Saglit nalang akong pumikit dahil sa mga ganap dito sa bar.

My virgin eyes! Paano ko ba sila mapro-protektahan sa ganitong klaseng lugar?! How to unsee?! Damn.

"Oh, Hailey! Tumagay pa tayoooo! Ikaw din marshiee! Dapat lango tayong uuwi sa bahay!!!!" Parang sinasapiang sabi ni Penny at itinaas pa ang hawak na bote.

Nakipag-cheers din sa kanya si Hailey at mukhang mauubos naman nila ito agad. Tingnan nalang natin kung sino ang susuka sa kanilang dalawa. Bukod sa gutom ay pagod narin ako.

Parang gusto ko nalang matulog sa kinauupuan ko dahil sobrang lambot!

-

A/N: I hope you liked it! Ratings and comments are well appreciated! Thank you for supporting my story♡ Stay Safe and God bless!(。

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag mong sabayan ang dalawa mong kaibigan venus dahil baka paggising mo may katabi ka ng lalaki ikaw din
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
haha wag ka matulog naku baka saan kana pag nagising ka
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status