Share

Chapter 2.2

Venus POV 

Maya-maya lang ay umpisa na naman ng trabaho namin. Call Center agent si Penny, habang si Hailey naman ay isang Graphic artist. Habang ako ay isang Content Writer. 

Puro mga foreigners ang mga clients at mga employers namin. Through online ang trabaho kaya sobrang importante ang malakas na wifi at maayos na computer or laptop. 

Walang hussle or pagod sa byahe dahil sa walong oras na trabaho namin ay nakaharap lang kami sa computer dahil doon namin nakakausap ang mga employer namin. 

Bukod doon ay malaki din naman ang bayad sa amin lalo pa't marami na kaming naging mga employer sa upwork at pwedeng-pwede pa kaming mag dagdag ng trabaho kung gugustuhin. 

Sa isang araw ay kailangan kong mag sulat ng 2,500 word count na content. Iyan ang word count pero pwede ring mas higitan iyon at may additional na bayad. Though sa akin, kahit anong oras ko pwedeng gawin dahil mag susulat lang naman ako. Unlike kay Hailey at Penny na Fixed ang schedules. 

Sumasabay lang ako sa oras ng trabaho nila para maka-balik ako sa publication site at i-offer ang mga istoryang nagawa ko. Sana lang talaga ay matanggap na sa SPC o Stories Publication Company ang mga istorya ko. 

Inumpisahan ko ng tumipa sa keyboard, tungkol sa pamilya naman ang isusulat ko ngayon. Inalala ko ang mga nangyari sa akin noon kasama sina daddy at mommy. My dad was so obsessed managing our company, madalas nga na palagi s'yang nasa business trip at wala ng time sa akin noon.

Sobrang strict n'ya pagdating sa mga bagay-bagay. Ayaw na ayaw niyang nagkakamali ako. Akala n'ya ata ay ipinanganak ako ni mommy na perfect at hindi nagkakamali. 

Every year ay mga mga plano na s'ya, ni-hindi ko nga na-enjoy ang pagiging bata ko noon dahil wala siyang ibang ginagawa kapag umuuwi kundi ang sabihin sa akin ang lahat patungkol sa kumpanya. 

Pati narin ang mga naging kaibigan ko noon ay nilayuan ako dahil kay dad. Ayaw n'ya kasing nakikipag kaibigan ako lalo na kung mahihirap at simpleng tao lang. Dahil pera at koneksyon lang daw ang habol sa akin ng mga 'yon. 

Pero mali si dad. I found my dearest best friends at sina Hailey at Penny iyon.

Noong mga panahong walang-wala ako ay sila pa ang tumulong sa akin. Sila ang nakasama ko sa hirap at saya. 

Kaya maling-mali si dad sa bagay na pera lang ang habol sa akin ng ibang tao. Ayokong matulad sa kanila na puno ng inggit. Ayokong mabuhay sa pakikipag kumpetensya sa iba. 

Napangiti ako ng makita ang picture frame sa lamesa ko katabi ng computer, picture naming tatlo ni Hailey at Penny. Kung hindi ko sila nakasama baka sobrang lungkot ko sa buhay. 

Kaya nga hindi ko na naisip na mag lovelife dahil mas ini-enjoy ko pa ang pagiging single. Walang magiging taga bitbit ang dalawang 'to kapag nag lalasing dahil palaging sawi.

Napahinto ako sa pag titipa ng maka-recieve ako ng notification sa sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha at kunot noong binasa kung ano man 'yon. 

Sage Trevor Dawson? A multi-billioner CEO? Puro sulat lang ang nakalagay patungkol sa kumpanya nito at pati na sa mga negosyo. Wala namang naka-attached na picture sa nasabing lalaki. 

But, anyway. Wala naman akong pakialam. Kahit pa s'ya ang maging pinaka mayaman sa buong mundo. I don't mind others life! As if namang may mapapala ako sa pagiging chismosa. 

Mabuti nalang at walang chismosa dito sa amin! Mga mababait ang mga tao at maaasahan lalo na ang land lady namin. 

Muli na akong humarap sa computer at nag umpisa ng mag tipa. Dahil tatlong employers ang meron ako, madami din akong sinusulat na iba't-ibang article. 

Hindi naman nito nauubos ang oras ko dahil hindi fixed ang schedule ko. Nasa sa akin na 'yon kung uubusin ko ang almost eight hours ko sa trabaho. Kailangan lang ay may daily update ako at mga panibagong content. 

Kahit papaano ay masaya ako dahil dito ko rin ine-express ang saloobin ko. Bukod don ay pangarap ko ding makumpleto ang mga librong nababasa ko online na may kasamang pirma ng paborito kong mga manunulat. 

Paano naman kasi ay mabenta lalo na't marami ang nakaabang kaya hindi ako nakakahabol. Minsan naman ay sina Hailey ang nag bibigay sa akin lalo na kung mas busy pa ako sa kanila. 

Bukas ay birthday na ni Hailey, kakausapin ko si Penny mamaya kung ano bang magiging plano namin para sa kanya. Umaarte lang kami ngayon na hindi naaalala o walang pakialam para ma-surprise naman namin s'ya. 

Mabait at maganda si Hailey, maaasahan din sa gawaing bahay at masipag sa trabaho. Kahit nga masama ang pakiramdam ay ginagawa parin ang trabaho niya. 

Masasabi kong napaka swerte ng lalaking magiging asawa in the near future, dahil bukod don ay maalaga din siya. 

Wala akong ibang hihilingin kundi ang makitang maging masaya ang mga kaibigan ko. 

Lalong-lalo na si KD. Alam ko namang ganoon din naman ang bagay na gusto nila para sa akin. 

Pero may isang bagay akong kinakatakot, dahil nagkita na kami ni KD, mukhang mahihirapan akong pumunta sa ibang bansa at baka this time ay hindi na s'ya pumayag. 

Baka isipin n'yang lalayo na naman ako kung kailan nagkita na kaming dalawa. 

Muli kong ipinikit ang mga mata sa naiisip. 

Napadilat ako ng mag ring bigla ang cellphone ko, dali-dali ko itong sinagot at itinapat sa tenga ko. 

"Hello, Venus Gabrielle Amonte?" 

Awtomatiko akong napangisi ng marinig si KD sa kabilang linya! 

"Oh, hello.., Bakit?" Tanong ko at narinig ko pang mukhang may iba s'yang kasama dahil maingay sa kabilang linya. 

Nangungunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila, sino kaya ang mga 'yon? 

"May I know kung single pa ba si Hailey? H-Hihingiin ko sana iyong pangalan s'ya sa socia media..," nahihiya nitong sabi kaya mas lalo akong napangiti. 

Mukhang magkaka lovelife na ang isa sa mga best friend ko ah? 

"Birthday niya bukas! Mas maganda kung ikaw mismo ang hihingi no'n sa kaniya 'no! Hindi kana nag bago! Kapag alam mong bff ko sa 'kin ang takbuhan mo!" Pabiro kong saad at siya naman ay natawa dahil sa mga pinag sasasabi ko. 

"Damn, I was just asking for her name in her social media accounts! Pero ikaw ang dami mo ng sinabi pero sige na nga! Ako na mismo ang mag tatanong sa kaniya but give me some clues about sa mga favorite flowers niya I guess?" 

"Red rose and tulips will do, KD." Maikili kong sagot. 

Alam kong kahit hindi ko kaharap ang isang 'to ay ngiting-ngiti na. 

"Alright! Thank you so much my dearest cousin! Kapag ako nagka lovelife? Ibibigay ko sayo ang kalahati ng mana ko!" Tatawa-tawa niyang sabi kaya maski ako ay mas lalong natawa. 

Ako na mismo ang nag baba ng tawag at na-iiling na muling tumipa sa computer keyboard. I guess, pwede ko ring gawing content 'yang love thingy na 'yan?

-

A/N: I hope you liked it! Ratings and comments are well appreciated! Thank you for supporting my story♡ Stay Safe and God bless!(。♡‿♡。). 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
nakakatuwa naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status