KABANATA 2

Gusto kong huminga ng malalim dahil sa bungad niya pero pinili ko na lamang huwag gumawa ng kahit ano dahil alam ko na kung anong mangyayari kapag may isinumbat ako. Tumango ako.

"Sige po, Auntie. Magbibihis lang po ako," pagod kong sagot bago pumanhik sa aking kwarto.

Nagbihis ako roon at kahit na masakit ang ulo at nahihilo ako ay naghugas muna ako ng pinag-kainan nila. Habang naghuhugas ay naririnig ko ang tawa ni Auntie sa sala. Nakikitira lamang ako sa kanila at ito ang kapalit sa pagtira ko. Ang paglilinis sa kanilang bahay, pagluluto ng pagkain nila at pagbigay ng pera o grocery tuwing swelduhan.

Wala na akong mga magulang kaya ako nandito sa puder ng tiyahin ko. Kaya kapag may sapat na akong pera para sa pangungupahan ng apartment ay aalis na ako rito. Hindi ako nakakaipon at mahirap ang buhay ko sa puder nila. Pagkatapos maghugas ay agad din akong pumanhik sa aking kwarto para matulog muna.

Nagising ako sa padabog na tuktok sa aking kwarto. Lagi ko iyong nila-lock kapag nandito ako sa loob dahil para na rin sa aking safety.

"Hoy! Ang sarap ng buhay mo riyan. Lumabas ka at magluto ng tanghalian!" Narinig kong sigaw ni Auntie sa labas ng pintuan. Napahinga ako ng malalim. Medyo naluwagan ang aking puso dahil sa narinig. Akala ko ay ang tiyuhin ko na naman iyon na kumakatok.

Naramdaman kong medyo masakit pa rin ang aking ulo at agad nag-flashback ang nangyari sa akin kagabi. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang aking noo gamit ang aking daliri dahil sa katangahan. Ang buhay ko ay sirang-sira na hindi ko akalaing may mas ikakasira pa pala. Sobrang tanga ko.

"Hoy! Lumabas ka na riyan. Tanghali na! Aba!" Nabulabog ang aking pag-iisip dahil sa padabog na tuktok ni Auntie sa aking pinto.

"Lalabas na po!" Sigaw ko sa loob para tigilan na niya ang pagkatatok.

Kalaunan ay lumabas na rin ako at nagsimulang magluto ng tanghalian. Si Auntie at Myra na anak ni Auntie lamang ang nandito ngayon. Ang tiyuhin ko ay nasa trabaho at gabi na kapag umuuwi kaya masaya ako ngayon sa aking trabaho gabi-gabi dahil hindi ko nakakasalamuha ang aking tiyuhin. Magmumukha man akong masama sa bagay na iyon ay hindi kasi ako komportable kapag siya ay nasa paligid.

One time when I don't still have a work. Ilang beses ko ng nahuli na sinusubukan niyang buksan ang pintuan ko sa kalagitnaan ng gabi. Sobra akong natakot at na trauma ng dahil doon. Pero ngayong may trabaho na ako ay halos hindi na kami nagkaka-usap at nagkikita pa, maliban na lamang tuwing wala siyang trabaho ay isa iyong pinakahirap na sitwasyon sa akin.

I always keep my distance whenever he is near and keep my eyes alert. Ilang beses ko na rin iyong sinabi kay Auntie pero hindi siya naniwala at nakinig. Kaya sana sa lalong madaling panahon, gusto ko na sanang bumukod.

Pagkatapos kong magluto ay inayos ko na ang mga plato at lamesa para sa mag-inang kakain. Sinunod kong ayusin ang mga pagkain nila pagkatapos ay saka pumunta sa sala.

"Auntie, handa na po ang pagkain niyo." Tawag ko sa kanya pagdating ko sa sala.

Tumango lang ito dahil abala siya sa pinapanood habang ako naman ay umalis na para magtungo muli sa aking kwarto. Itutulog ko muna saglit habang sila ay kumakain. Hindi kami sabay kumakain. Laging ako ang huli at laging dito lang ako sa kwarto kumakain ng mag-isa. Hindi naman na bago iyon sa akin kaya wala na lang sa akin iyon.

Pagkatapos din nila ay saka naman ako kumuha ng mga natirang pagkain sa lamesa. Nagpasiya akong sa kwarto na lamang kumain dahil nasa sala ang aking tiyahin. Kahit na wala akong gana ay kailangan kong kumain para makainom ng gamot. Ayokong lumiban sa trabaho mamayang gabi dahil lamang sa hangover na natamo ko.

Pagkatapos kumain ay lumabas ako sa kwarto para hugasan ang mga nagamit na pinag-kainan ko at ng mag-ina. Pagkatapos ko roon ay agad din akong pumanhik sa aking kwarto para matulog muli. I set an alarm before going to bed. Paggising ay nagluto muna ako ng pagkain nila ngayong gabi bago nag-ayos ng sarili para sa trabaho.

"Lilith, iniwan mo ako kagabi." Bungad sa akin ni Elissa ng makadating ako sa loob ng bar.

Close pa ang bar. Nag-aayos at naglilinis pa lamang ang iba. Diretso naman ang lakad ko patungo sa locker room namin habang si Elissa ay sumunod. Sa tinanong niya kanina ay napagtanto kong hindi niya ako nakitang lumabas kasama ang lalaki. Sobrang tanga ko sa puntong iyon. Sana nakita niya ako.

Ngayong nawala na, hindi ko na iyon maibabalik pa muli. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Elissa ang nangyari sa akin at sa misteryosong lalaking iyon. Pero parang hindi ko ata kayang sabihin.

"Oo, umuwi na ako noon kasi busy ka na." Sagot ko na lamang habang inaayos ko ang dalang gamit at nilalagay ito sa aking locker.

Napahalakhak siya dahilan ng aking pagbaling. My brows furrowed at her. "I got preoccupied to Marcus! Nakita mo iyon?" Kinikilig niyang tanong.

Hindi ko akalain na tama ang sinagot ko kanina. I pretend to be casual. Tumango ako bilang sagot. "May sasabihin ako!" Mahina at excited niyang sabi.

"Ano?" Sagot ko bago bumaling sa kanya.

Lumapit siya para bumulong sa aking tenga. "May nangyari sa amin kagabi," nalaglag ang aking panga at namilog ang aking mga mata.

"Ano?" Gulat kong sabi.

What the hell?! Is this just a coincidence? May nangyari rin sa akin kagabi ngunit malas ko at naibigay ko iyon sa hindi ko kakilala at siya— crush niya iyon! Si Marcus ang laging inaabangan ni Elissa sa grupong laging pumupunta rito sa bar. Tapos ngayon maririnig ko na lamang na may nangyari sa kanilang dalawa? Elissa still lucky because she knows the man while me? Such a pity.

"Huwag kang maingay!" Suway niya sa akin.

"Paano—" pinutol niya ang anumang sasabihin ko.

"Hindi ko rin alam, Lilith! Basta ang huli kong naalala ay I approach him, and we dance." Paliwanag niya.

"That's a one night stand, Elissa!" Bulaslas ko.

"Alam ko!" panunumbat niya.

"Tapos masaya ka pa ha? Don't expect anything, that's just a one night stand." babala ko dahil sa kanyang naging aksiyon kanina.

Napahagikhik siya. "Well, he fucked me! Kaya dapat panagutan niya ang ginawa niya sa akin." Namilog ang aking mga mata dahil sa narinig mula sa kanya.

Is she serious? What the hell? Nababaliw na siya. She's so obsessed on Marcus!

"So, anong gagawin mo? You will chase him? If yes, you will just look pity!" Giit ko.

She's insane. Kilala ko siya. Kilala ko kung gaano niya ka gusto ang lalaking iyon. And speaking of that man, he's a known playboy in the town. Kaya hindi ko alam kung bakit pa ito nagkagusto sa lalaking iyon.

"I don't know. I just want a physical relationship with him." Nagkibit balikat siya. " I guess so," saad niya sa tinanong ko. Napa-iling ako dahil sa kanyang naging sagot.

I can't believe her. I can't believe her decisions. "Ganoon mo ba talaga siya ka gusto to the point na gagawin mo na ang bagay na iyan?" I asked her pointing out the "habulin".

"You know I like him so much. I know you've witnessed my admiration to him everytime he goes here, Lilith!" Bulaslas niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim. Still not agreeing to what she wants to do. That is insane to be honest! Hindi ko masisikmura ang paghahabol sa kanino man. Kahit mahal ko pa 'yan. If that man doesn't like me back then I will respect him and just distance myself.

"Bahala ka, huwag kang pupunta sa akin para mag drama. I warned you. Don't do it!" Bulyaw ko.

Umirap siya. "As if I'll do dramas. Just support me!" Bulyaw niya rin.

Umiling ako bilang sagot dahil dismiyado pa rin ako sa kung ano ang gusto niya. Tinaboy ko siya sa locker room dahil nga sa napag-usapan namin. Umapila siya sa una pero sa huli ay umalis din. Magbibihis kasi ako ng pangtrabaho kong damit kaya ganoon. I did some light retouch to my face para maging presentable. Required din ito sa bar para sa mga customers.

I'm not really good at it. Tinuruan lang ako ni Elissa ng mga basic makeup at iyon lang ang alam ko. Retouch, retouch lang. I don't know how to do heavy makeups. Wala rin naman akong balak matutunan iyon.

Pagkatapos ko rin doon ay lumabas na ako ng locker para tumulong maglinis at mag-ayos. I looked at our big clock and saw it's ten minutes left before the opening. Lahat naman na ay tapos ng gawin at chini-check na lamang ang bar bago magbukas.

Ito ang isa sa mga kilala at engrandeng bar dito sa Maynila kaya dapat ay lahat presentable, pati mga gamit at mga trabahante. Sobrang saya ko at natanggap ako dito dahil medyo malaki rin ang pasahod nila. Nakaka-ipon ako para sa pag-aaral ko para sa kolehiyo. Gusto kong makapagtapos, kahit iyon lang ang maging achievement ko at kahit paano ay maging proud ang mga magulang ko sa akin kahit na wala na sila.

Ilang sandali pa nga ay nagbukas na kami. Ako ang naka-assign sa private seat ngayon. Sa itaas kung saan dito ang mga mayayaman o 'di kaya ay mga artista laging pumupunta. Kasama ko si Ynna ngayon at sa kabilang side siya samantalang ako naman sa ay kabila. Nasa baba ang counter kaya kung ano man ang mga utos ng customer ay kailangan pa naming bumaba.

Maliit lang naman ang mga tumatambay sa taas dahil karamihan ay nasa baba kung nasaan ang dance floor. Iyong mga tumatambay dito ay ‘yung mga taong may meeting o gusto ng privacy. Tama nga ang hinala ko dahil maliit lang ang mga umuupo. Agad akong nagtungo sa isang table na hawak ko ng may makitang umupo rito.

"What's your order, Ma'am, Sir?" Magalang kong tanong sa mag-kasintahan sa aking harapan.

Hindi ko alam kung mag-kasintahan o mag-kaibigan lang sila basta ang tingin ko ay mag-kasintahan sila.

"Give me the best meal and heavy drinks for me and cocktail for my girlfriend," sagot ng lalaki.

Tama ang hinala ko! Mag-kasintahan nga sila. Tumango ako at 'tsaka iyon sinulat sa maliit na papel na lagi kong dala.

"Anything, Sir, Ma'am?" Tanong ko muli.

"Oh! Also a water for two. That's all," aniya ng lalaki. Napatango ako muli.

Sinabi ko ang mga orders nila for confirmation. Tumango naman ang mga ito kaya nagpaalam na ako para bumaba. Sila pa lang ang umupo sa area na hawak ko kaya magaan muna ang trabaho ngunit kapag lumipas pa ang mga oras at lalo pang lumalim ang gabi ay paniguradong dadami na. Kabubukas pa lamang kasi namin, mga sampung minuto pa lamang ang lumipas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status