Share

Gabriel Montesilva
Gabriel Montesilva
Author: Reynang Elena

Chapter 1

Gabriel POV

Bata pa lang ako ng mamatay ang mga magulang ko kaya ako na ang gumawa ng paraan para mabuhay, hindi naging madali sa akin ang buhay dahil sa labis na kahirapan pero wala naman akong magagawa dahil ito ang itinadhana sa akin.

Naging palaboy din ako sa kalsada at natuto din akong mamalimos para lang may ipantustos sa pang araw araw ko o para may maibili ng pagkain hanggang sa nagbinata ako at kahit na hindi ako nakapag aral ay marunong naman akong magbasa at sumulat.

May naging kaibigan din ako sa kalsada at kagaya ko ay maaga din siyang naulila, ilan taon din kaming magkasama pero bigla na lang itong nawala at hanggang ngayon ay wala akong naging balita sa kanya.

Ngayon ay nandito ako sa ilalim ng tulay dahil dito ako nakatira, katatapos ko lang mangalakal para makabili ng pagkain, ang kinita ko ay kasya na ito para ngayong araw at bukas.

Inilabas ko na ang pagkain na dala ko dahil nagugutom na din ako, maaga kasi akong umalis kaya hindi na ako nakakain ng almusal at isa pa ay wala akong pera kanina.

Habang kumakain ako ay may narinig akong yakap na mukhang papunta sa kinaroroonan ko, nang tingnan ko ito ay nakita ko ang isang lalaki pero hindi ko siya kilala.

“Gabriel?” pag tawag niya sa pangalan ko na ikinagulat ko.

“A-ako ho ba ang hinahanap niyo?” takang tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin. “Sinasabi ko na nga ba at dito lang kita makikita eh.” 

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Baka nagkakamali ka lang, hindi kita kilala.” saad ko.

“Ano ka ba naman Gab, ako ito si Luigi ang dating kaibigan mo.”

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya, hindi ko siya nakilala dahil na din sa kanyang ayos. Malaki ang pinagbago niya kaysa sa huli naming kita.

“L-lui ikaw ba ‘yan? Anong nangyari? Bakit bigla kang nawala?” pagtatanong ko sa kanya.

“Oo ako nga, hindi ba at sinabi ko naman sayo dati pa na gagawin ko ang lahat makaahon lang ako sa hirap? At nagawa ko na nga, hindi na ako palaboy sa daan. Ikaw kamusta?”

Umupo naman ako sa gilid. “Heto ganito pa din ang buhay, sinubukan kung maghanap ng trabaho pero nahihirapan lang ako dahil hindi ako nakapagtapos ng pag aaral. Ikaw mukhang swerte ka sa naging buhay mo ah. Anong sikreto mo?” saad ko.

“Ang mabuti pa ay sumama ka sa akin muna at kakain tayo.” pag aya niya na sinang ayunan ko naman.

Sumakay kami sa magarang sasakyan at nagsimula na siyang mag drive. 

“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Sa bahay kung saan ako nakatira ngayon.” sagot niya naman sa akin.

Hindi din naman nagtagal ang naging byahe namin at nakarating kami sa isang malaking bahay, hindi ko maiwasan ang hindi mamangha dahil dito. Nang nasa tapat na kami ng gate ay bumukas ito at pumasok na kami.

“Halika na at bumaba na para makapasok na tayo sa loob.” nakangiting wika ni Luigi ng maipark niya ang kotse kaya tumango na ako at sumunod sa kanya.

Nang makapasok na kami sa loob ay dumiretso kami sa sala, tinawag pa ni Luigi ang isa sa mga maid nila at pinadalhan kami ng pagkain at pagkatapos ay kumain muna bago bago pumunta sa veranda para mag usap.

“Ang laki ng bahay mo Lui.” namamanghang turan ko.

“Sabi ko naman sayo hindi ako papayag na maging palaboy na lang ako habambuhay.” 

“P-paano ka naging ganito kayaman? Share mo naman at baka sakaling maambunan din ako ng swerte mo.” anas ko.

“May kinakasama ako Gabriel, mas matanda siya kumapara sa akin.”

Napatingin naman ako dahil sa sinabi niya. “Ano? Hindi ko maintindihan Lui.” wika ko.

“May sugar mommy ako, sa kanya lahat ang pera na meron ako.”

“Ano kamo? Sigurado ka ba r’yan sa sinasabi mo?” mahinang turan ko.

“Oo at hindi ko kinakahiya ang bagay na ‘yon Gab, alam mo naman na walang tatanggap sa atin na trabaho kaya kung hindi ka mag iisip ng paraan paano mabuhay ay mamamatay ka na lang sa gutom.”

“H-hindi ko yata kaya gawin ang bagay na ‘yan. Paano kung may pamilya kang masisira? At hindi mo ba naisip na pwede kang mapahamak? ” tanong ko sa kanya.

“Sa mga katulad natin na ulila at halos isang kahig isang tuka ay hindi na natin maiisip ang bagay na ‘yan ay isa pa ay walang pamilya ang kinakasama ko. Kung gusto mong makaahon sa buhay ay pwede mong gawin ang ginagawa ko, tingnan mo naman ako ngayon at nabibili ko ang mga gusto ko.”

Nag usap pa kami tungkol sa ibang bagay, naikwento niya din sa akin kung paano sila nagkakilala at kung ano ang naging buhay niya pagkatapos no’n. 

Pagkatapos ng ilang oras na pag uusap namin ay dumating ang kanyang kinakasama kaya nakilala ko ito, tama nga siya na mas matanda ito sa kanya. Kung tutuusin parang nanay niya na nga ito pero mukhang mabait naman.

At dahil mag gagabi na din kaya niyaya na nila akong sumabay sa kanila sa pagkain bago umuwi, marami akong nalaman tungkol sa kinakasama ng kaibigan ko.

At nang matapos na kaming kumain ay nagpaalam na ako at nag prisinta naman si Luigi na ihahatid na ako.

Nang makarating ako sa tulay kung saan ako nakatira ay nagpapasalamat ako sa kaibigan ko bago magpaalam.

“Gab, pag isipan mo ang sinabi ko sayo kanina. Kung gusto mong makaalis sa buhay na ito.”

Tumango naman ako. “Pag iisipan ko muna ang bagay na ‘yan Lui. Salamat ulit sa pag imbita mo sa akin.” saad ko.

Hindi na siya nagtagal at umalis na dahil masyado ng gabi.

Hanggang sa nakahiga na ako sa mga karton na nagsisilbing mga sapin ko ay hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Luigi sa akin. Kung tutuusin ay may punto siya dahil para sa katulad naming isang kahig isang tuka ay walang tatanggap na kumpanya sa amin o kahit sa anong trabaho lalo na kung ang mga magiging kasabayan mo ay mga nakapagtapos ng pag aaral.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status