Share

Chapter 3

Veronica POV

Nakita ko ang pagtataka at pag aalinlangan sa kanya dahil sa sinabi ko pero buo na ang loob ko. Nakikita ko na mabuti siyang bata kaya handa akong tulungan siya kaysa hayaan siyang manatiling palaboy sa kalsada.

“A-ano ho ang ibig niyong sabihin?” nalilitong tanong niya sa akin.

“Gusto kitang tulungan Gabriel, ako lang naman ang mag isa sa bahay kaya pwede kang tumira do’n.” sagot ko sa kanya.

“Salamat na lang po sa alok niyo pero hindi ko matatanggap.”

“Bakit naman? Wala ka naman ng ibang kasama. Mas mapanganib sayo kung mananatili ka sa lansangan lalo na’t sa panahon ngayon ay maraming mga masasamang tao sa paligid.” saad ko.

“Pero hindi po ako pwedeng tumanggap ng ganyan tulong dahil wala naman akong ipambabayad sayo, okay na po sa amin na may sarili akong tinutulugan at nakakain ng tatlong beses sa isang araw.”

“Hindi ako humihingi ng kapalit kung ‘yan ang iniisip mo.” anas ko.

Napatingin naman siya ulit sa akin. “Pero bakit mo ako tutulungan? Hindi niyo naman ako kilala.”

Ngumiti naman ako sa kanya. “Hindi din ako lumaki sa yaman, mahirap lang din ako pero hindi tulad mo na naging palaboy sa daan dahil nakasama ko pa naman ang mga magulang ko. Kahit na hindi tayo magkatulad ng naging kapalaran ay alam ko din kung paano mamuhay ng walang pera kaya ngayon na nakaangat na ako ay gusto ko din makatulong sa mga kagaya mo. At alam kung deserve mo ito dahil mabuti kang tao.” paliwanag ko sa kanya.

“Wala ba kayong pamilya? Ano na lang ang iisipin nila tungkol sa akin, hindi mo naman ako kilala.”

Umiling naman ako. “Matagal ng patay ang asawa ko at may isa akong anak na lalaki at nasa ibang bansa na ngayon dahil do’n siya nagtatrabaho. Minsan lang kami nagkikita kapag umuwi siya dito o kaya kapag ako ang pumupunta do’n, kaya mag isa na lang ako sa bahay. Nakikita ko sayo ang anak ko kaya siguro naging magaan ang loob ko sayo kahit na ngayon lang kita nakita.” wika ko.

“Pag iisipan ko muna ang bagay na ‘yan pero salamat sa alok mo.”

Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy na kami sa pagkain, marahil ay nabigla siya kaya hindi ko muna siya pipilitin. Totoo ang mga sinabi ko sa kanya, naalala ko sa kanya ang anak ko at para na din maibsan ang pagka miss ko dito kaya inalok ko siya ng tulong para may kasama ako sa bahay. Hindi naman ako nag iisa do’n dahil may mga kasama ako at ‘yon ay ang driver at katulong ko.

Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na siya pabalik kung saan siya nakatira. Sinabi ko na din sa kanya kung saan niya ako pwedeng puntahan kapag nagbago ang isip niya at tanggapin ang tulong ko.

Kasalukuyan na akong pauwi ng bahay dahil inabot na din ako ng gabi.

“Madam, sigurado ba kayo na tutulungan niyo ang binatang ‘yon?” tanong sa akin ng driver ko, matagal na siyang naninilbihan sa akin.

“Oo, siguro naman ay naiintindihan mo kung bakit ko ginawa ang bagay na ‘yon diba? Gusto kong makatulong sa ibang tao, siguro ay tadhana na ang nagdala sa akin sa lugar na ‘yon para makilala ko si Gabriel. Naranasan ko ang hirap ng buhay at alam kung mas doble ang sa kanya dahil bata pa lang ay naulila na siya.” saad ko.

“Sabagay may punto ka, mukha naman mabait ang binatang ‘yon. Pero papayag kaya ang anak niyo?”

“Ako na ang bahalang kumausap sa kanya kapag tumawag siya, alam kung maintindihan niya ako.” anas ko.

Hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa bahay at dumiretso na agad sa aking kwarto para makapag palit ng damit.

Habang nakaupo ako sa kama ko ay naalala ko na naman si Gabriel, siguro kung hindi ko siya nakita kanina ay marahil mapapahamak siya sa lalaking ‘yon. Ako ‘yong tipo ng tao na mabilis maawa sa mga katulad niya lalo na sa mga maaga pa lang ay nawalan na ng mga magulang.

Lumipas pa ang isang linggo pero hindi pa din pumupunta sa akin si Gabriel, marahil ay ayaw niya talagang tanggapin ang alok kung tulong sa kanya, sayang lang at akala ko pa naman ay papayag siya.

Kasalukuyan akong nasa opisina ko sa isang restaurant na pagmamay ari ako, mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga empleyado ko.

“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa labas.” anas niya.

“Sino daw?” tanong ko.

“Gabriel daw po ang pangalan, siya yata ‘yong kasama niyo nakaraan.”

At dahil sa sinabi niya ay inutusan ko siyang papasukin sa opisina ko ang binata. Hindi din nagtagal ay bumalik ito kasama si Gabriel at pagkatapos ay iniwan niya na kaming dalawa.

“It’s good to see you again iho.” nakangiting anas ko.

“Magandang umaga po Ma’am Veronica.”

“Napadalaw ka? May kailangan ka ba?” tanong ko.

“Nakapag-isip na ako at tinatanggap ko na ang alok niyong tulong sa akin.”

“Mabuti naman at pumayag ka na, akala ko ay tuluyan mo ng tatanggihan.” wika ko.

Ngumiti naman siya sa akin. “Ilang araw ko din pinag isipan ang bagay na ito at ayaw ko naman na tanggihan ang alok niyo, siguro nga ay tama kayo na mas mabuting huwag akong manatili sa lansangan habangbuhay. Pero sana payagan niyo ko na maging taga silbi sa bahay niyo.”

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Anong ibig mong sabihin? Kagaya ng sinabi ko sayo dati ay bukal sa loob kung tulungan ka at hindi ko kailangan ng kapalit. May mga katulong ako sa bahay.” wika ko.

“Nahihiya pa din kasi ako Ma’am, kaya saan hayaan niyo ako na tumulong sa pamamahay niyo kahit sa pagdidilig ng halaman lang o kaya sa gawaing bahay.”

“Kung ‘yan ang gusto mo ay ayos lang pero tandaan mo na hindi ka katulong sa bahay, kung hindi ay kasama ko.” anas ko.

Nag usap pa kami ng ilang saglit at pagkatapos ay isinama ko siya sa mall para makapagpaayos at mabilhan ng mga damit na gagamitin niya sa araw araw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status