Share

Chapter 5

Veronica POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumataba sa mukha ko nanggagaling sa aking bintana, hindi ko man lang naisara kagabi ito dahil sa labis na pagod at antok.

Nanatili pa rin akong nakahiga sa aking kama habang iniisip ang naging usapan namin ng aking anak ng tumawag ito kagabi at sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Gabriel.

Flashback…

Pipikit na sana ang mga mata ko ng magring ang phone ko at nakita kung si Klaus ang tumatawag kaya agad ko naman itong sinagot.

“Anak kamusta ka?” bungad ko sa kanya na masagot ko ito.

“I’m okay mom, I’m just tired from work kaya ngayon lang ako ulit nakatawag sayo.” sagot niya naman.

“Baka naman nagpapasobra ka sa trabaho at magkasakit ka na niyan, ilang beses ko na kasi sinabi sayo na umuwi ka na lang dito at hawakan ang mga business natin kaysa nandyan ka.” anas ko.

“Mom, alam mo naman na ito ang gusto ko at saka huwag kang mag alala dahil darating din naman ang araw na uuwi ako diyan. Alam ko naman na ako lang din ang magmamana ng mga business natin.” natatawang saad nito.

“Hahayaan kita ngayon pero kapag kailangan mo ng gampanan ang tungkulin mo dito ay dapat wala ka ng excuse, alam mo naman na hindi habangbuhay at nandtio ako at isa pa tumatanda na din ako.” wika ko sa kanya.

“I know mom, don’t worry about me. Alam ko naman na namimiss mo lang ako kaya ka ganyan.”

“Hay naku ewan ko sayong bata ka.” natatawang sambit ko.

“Anyway, mom kamusta ka naman? Ikaw ang dapat huwag magpagod diyan.”

“Nasa maayos na lagay naman ako anak. At isa may gusto pala akong sabihin sayo.” bulalas ko.

“Ano naman ‘yon? Huwag mong sabihin magpapakasal ka?” pagbibiro nito.

“Ano ka ba naman! Alam mo naman na wala na akong planong palitan ang Daddy mo at masaya na ako sa buhay ko ngayon.” sagot ko naman sa kanya. Alam niya naman kung gaano ko kamahal ang ama niya kaya kahit matagal na itong wala ay hindi na ako naghanap pa ng bagong mapapangasawa.

“Eh ano?”

“May binata akong tinulungan, siguro ay mga ka edad ko siya. Nakita ko siya kasing  palaboy laboy sa lansangan at napag alaman ko din na bata pa lang siya ay namatay na ang kanyang mga magulang.” pagkwento ko sa kanya.

“How did you help him?”

“Inalok ko siya na dito na lang tumira sa bahay natin.” anas ko.

“What? Are you serious mom? Hindi mo nga alam kung ano ang pinanggalingan niyan, baka mamaya ay masamang tao pa ‘yan at mapahamak ka!” galit na turan niya.

“Klaus anak alam ko ang ginagawa ko at nakakasigurado ako na mabuti siyang tao.” depensa ko.

“You can help him in any way mom, pwede naman ‘yon diba? Bigyan mo na lang ng pera o kaya trabaho.” pagpupumilit ng anak ko.

“Alam ko na ako lang ang inaalala mo anak pero gusto kung tulungan ang binatang ito at isa pa ay ng inalok ko siya ay hindi agad siya pumayag dahil iniisip niya na may kapalit ito pero pinaliwanag ko sa kanya ang lahat. He even said na tutulong siya dito sa loob ng bahay o kahit maging hardinero natin para naman masuklian niya ang tulong na binigay ko.” mahabang paliwanag ko.

“Masyado kang mabait mom at baka diyan ka mapahamak sa ginagawa mo. Just be careful okay? Kasi kung ako ang tatanungin mo ay hindi ako papayag sa desisyon mong ‘yan. Mahirap magtiwala sa panahon ngayon, kung pamilya nga nagagawa na mag traydor ‘yon pa kayang hindi natin kadugo. At isa pa sinabi mo sa akin na ka edad ko lang siya diba? Hindi mo ba naisip ang pwedeng sabihin ng ibang tao? Tiyak akong bibigyan nila ng kahulugan ang bagay na ‘yan at baka pag isipan ka pa nila ng masama.”

“Just trust me on this Klaus okay? At wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil alam ko naman sa sarili ko na bukal sa loob ang pagtulong ko na walang hinihingi na kapalit.” saad ko.

“Pero paano kung pera lang ang habol sayo ng lalaking ‘yan? Alam mo na mom sa panahon ngayon ay ‘yong ibang mahihirap ay nagagawang kumapit sa patalim dahil sa labis na pangangailangan.”

“Klaus I told you not to judge other people base lang sa naging buhay o kahirapan nila. Hindi nila ginusto mapunta sa gano’n na sitwasyon sadyang ‘yon lang ang binigay ng tadhana sa kanila at maswerte ka dahil hindi mo dinanas ang bagay na ‘yon.” wika ko sa anak ko.

“I’m just telling the truth mom, don’t expect me to agree with your decision about that guy. I don’t trust him.”

Bumuntong hininga na lang ako at iniba na ang usapan dahil alam kung walang patutunguhan kung ipipilit ko ang bagay na ‘yon sa anak ko.

Hindi din nagtagal ay natapos kami sa pag uusap dahil anong oras na din at kailangan na namin magpahinga na dalawa.

End of flashback

Naiintindihan ko naman ang anak ko, alam kung concern lang siya sa akin kaya hindi ko ito masisisi kung bakit gano’n na lang ang pag ayaw niya sa desisyon ko pero hindi ito ang magiging hadlang para hindi ko ituloy ang pagtulong ko kay Gabriel, ayaw ko na isipin niya na lahat ng mga mayayaman ay masasama at hindi marunong makipagkapwa tao.

Agad na akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto para bumaba, napadaan ako sa silid kung saan natutulog si Gabriel at nakita ko itong nakabukas na at walang tao. Marahil ay gising na ito.

Pagkababa ko ay nakita ko ang isa sa matagal ng naninilbihan sa akin.

“Good morning Ma’am.” nakangiting bati nito sa akin.

“Manang nakita niyo ba si Gab?” tanong ko sa kanya.

“Ay kanina pa gising ang batang ‘yon at nagkape, baka na sa garden siya.” sagot nito sa akin.

Tumango naman ako sa kanya at naglakad papunta sa garden at nakita ko do’n si Gabriel na busy sa pag aayos ng mga halaman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status