I booked a flight ticket to an airport in Tugue. That's the closest airport to the address. Although I'd have to go by land after the landing, doon ko na lang siguro poproblemahin kung saan naman kaya ako makakakuha ng sasakyan pa-Santa Ana.
The plane ticket was a bit expensive since it's booked last minute, abruptly catching the next flight to the destination. Wala naman akong magawa kasi if I go by land, it will probably take me a whole day to even get to the halfway point.Mabilis kong ni-print ang mga details bago naman nagbukas ng E-mail para sa may-ari noong private property. Agad ko na din na tinupi't sinilid sa bag ko ang brochure matapo makopya nang maayos ang E-mal address nila. I sent an E-mail regarding my interest of the land and that I'm already on my way to check it. Nanlaki pa nga ang mga mata ko nang 8 minutes ago pa lang ang E-mail ko at nakatanggap na kaagad ako ng response.Sinabi ay magpapadala raw sila ng susundo sa akin sa airport at'Yung katabi ko na rin ang nag-set up ng table ko tsaka niya ipinatong ang tubig at pagkain ko doon. Kinuha niya pa sa kamay ko 'yung tinapay.Nagtaka ako nang mapansing nasa aisle sa katapatan ng upuan namin 'yong attendant. Medyo nahimasmasan na ako."Need anything?" tanong ko."Oh, nothing." he smiled a little and shook his head before continuing onto the next row.Nangunot ang nuo ko sa kaniya pero hindi ko na lang din binigyan pa ng pansin at sinimulan nang buksan ang tinapay ko."Thank you for helping." baling ko sa katabi kong sarap na sarap sa kinakain niyang brownies.Malaki ang ngiti niyang umiling. "Huy, it's okay lang! You're welcome!"Nang matapos kaming kumain, the flight attendants came to collect our trash with a big plastic on their hands. Ishu-shoot ko na sana ang basura ko sa plastic na inilahad ng babaeng flight attendant nang kunin iyon noong lalaking flight attenda
Matagal ang naging biyahe namin. Smooth naman mag-drive si manong kaya nakapagpahinga ulit ako't nakatulog. Dumaan din muna kami sa isang fast food kasi baka raw hindi pa ako nag-agahan which he guessed so right nga.Sabi niya ay two hours daw talaga ang biyahe kapag papuntang Santa Ana mula sa Tuguegarao kaya baka daw magutom din ako sa daan. I genuinely accepted his offer at balak ko nga din sana siyang bilhan kaya lang ay tumanggi siya't nag-agahan na raw siya kasama ang asawa niya kaninang madaling araw.Siguro ay ganito talaga dito sa probinsya, early bird sila. Nasabi din niya na maagang nagsasara ang mga tindahan sa gabi. Kapag oumatak ng alas siyete, madalas sarado na lahat. Pwere na lang 'yong mga 24 hours ang operating time.I felt safe with manong. Para siyang father figure na kahit kailan ay hindi ko naranasan sa Papa ko. Nakakatuwa pa nga at hindi ka talaga mabo-bored kapag siya ang company mo dahil napakarami niyang kwento.Proud na
Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya. "Uh, gano'n po pala. Maraming salamat po. Pasensya na din po sa abala."Umiling siya. "No, it's okay. I will take my leave now, apo. Just rest."Tumango na lang ako sinundan siya palabas ng bahay at paounta kay Manong na naghihintay sa labas ng sasakyan.Bago pumasok si Lolo sa sasakyan, nilingon niya ako. "I'm Lolo Celestino, apo. And welcome to Santa Ana."I smiled and nodded. "Salamat po, Lolo Celestino. Ingat po kayo."Tinanguan niya lang ako't pumasok na sa sasakyan."Ma'am, pakisuyo naman pakipindot ng controller sa gate para makalabas kami. Hehe, sensya na." ana Manong. "Nariyan lang 'yung pindutan sa may sala, may screen 'yon para makita mo kami."Tumango-tango na lang ako. "Okay lang po. Sige po. Ingat po kayo."Mabilis akong tumakbo papasok sa bahay at sa sala para hanapin 'yong swutch. Agad ko naman 'yong nahanap sa gilid ng switch ng ilaw. May maliit na scr
Pinarada ko na 'yung sasakyan sa kung saan ipinarada ni Manong 'yung sasakyan no'ng unang punta namin dito. Wala namang linya or something katulad ng mga parking lot sa mga mall sa Manila pero wala lang. I just feel like being so into place. Organized lahat, kumbaga.Isa-isa ko nang pinasok sa bahay ang mga pinamili ko. Hindi naman gano'n kadami pero hindi ko din yalaga mabuhat ng iisang puntahan lang. Balikan talaga.At last, I locked the car and stared back to the house. Ang ganda-ganda talaga. Modern kasi at pasok sa taste ko. Para bang talagang itinayo 'to para sa akin lang talaga.Itinabi ko sa cupboard 'yong mga pinamili kong instant foods. Sa ref naman 'yong mga need talaga i-refrigerate.Kahit yata mag-isang linggo akong nakatira dito, maninibago't maninibago talaga ako. Parang to good to be true pa nga ang pakiramdam kapag tinitignan ko ang magagandang detalye nitong bahay.This kind of house, bagay talag
Lumamlam ang emosyon ng mata niya. "You're so pretty, hija.""T-Thank you po." sagot ko at naupo na sa upuang katapat ko. Nakatayo pa din kasi ako for again, unknown reason. Nakakahiya na talaga."I'm so glad you accepted the dinner invitation. Actually, ako talaga ang nagsabi kay Dad na imbitahan ka tonight." nakangiti niyang pagsasaad sa akin.Tumango-tango ako kahit parang wala naman talaga akong nakuha sa sinabi niya. "Ah... kayo po pala."Tumango din siya. "Yes, hija. Sorry, I wasn't able to attend to you earlier. Si Dad pa ang nag-meet sa'yo. It was supposed to be me sana kaya lang, something came up.""Nasabi nga po ni... Lolo Celestino. Okay lang naman po 'yon."Agad din akong napangiwi sa isip-isip ko sa huli kong sinabi. Bakit tunog may kasalanan siya sa akin? Nakakagalit na talaga 'tong pagkalutang ko. Ano ba naman ang nangyayari sa akin."Oh, siya! Let's eat na." pag-anyaya ni Lolo sa amin kaya tumango na lan
Lumabas kami sa garden na nasa gilid ng bahay matapos naming kumain. Dito daw kami mag-uusap dahil tahimik. Tahimik din naman sa loob ng bahay kaya medyo hindi ko nakuha noong una 'yung point kung bakit kinailangan pa namin na lumabas pa kami dito para lang talaga maging maayos ang magiging pag-uusap namin.Pero at some point, nakita ko din kung bakit. May naka-set up din kasi na table and chairs kaya dito yalaga kami makakapag-usap nang maigi.Kung sa Dining Hall kasi kami, masyadong malapad at malaki ang lamesa kaya hindi ko din alam pero hindi talaga siya magandang place para sa ganitong importante at seryosong usapan.Kung sa living room naman, walang maayos na lamesa bukod sa coffee table kaya saan naman kami pipirma at saan ipapatong 'yong mga papeles. Kung ipipilit naman na gamitin 'yung pandak na coffee table na 'yon, yuko naman kami nang yuko niyan.Nadaanan kasi namin 'yong living room palabas dito aa garden kaya naki
Nang makarating na ako, mabilis ko nang inayos saglit 'yung iilang mga pinamili ko kaninang hindi ko naayos.Alam kong nangako ako sa sarili kong bukas ko na lang sana aayusin 'tong mga 'to kaya lang ay marami pala akong dadaanan bukas. Magwi-withdraw ako sa bangko, meeting kanila Lolo, at 'yung pag-process ng sa car rental.Buti na lang din pala talaga at hindi naman nagtakda ng oras 'yung sa car rental owner at pumunta ha lang raw ako kung anong oras ako free. Hawak din nga pala niya 'yung National ID ko kaya lagot din ako kung hindi ko siya sisiputin. Dahil kung hindi nga, hindi ko din makukuha 'yung identification card ko.I quickly took a half bath since ayaw kong matutulog akong basa 'yung buhok ko.And just as I said, I would want to conserve electricity. There's no room for me and hair blowers right now. Siguro, kapag tumagal-tagal na. Pero right now, I would like to just let things be. Kung hindi naman sobrang kailangan, bakit k
"Nahuli mo sigurong nagchi-chismisan sila Cecita at Ronalyn, ano?" nakangiting tanong ni Lolo na parang natatawa pa siya.Tumango ako sa tanong niya at pasimpleng sumulyap sa pintong nakasiwang na kung saan rinig na rinig pa rin ang pag-uusap ng dalawa.Ngayon naman ay iba ang pinag-uusapan nila. Tungkol naman raw doon sa batang anak ng kaputbahay nila. Mestiso raw kasi kaya pinaghihinalaan nilang hindi daw tunay na ama 'yung tumatayong tatay doon sa bata.Napailing na lang talaga si Lolo nang pati siya ay narinig na rin ang usapan ng dalawa niyang katulong. Nakakatawa na lang din isipin na ito talaga 'yung parang kasiyahan nila sa mga simple nilang buhay. Dito sila masaya, e. Ano nga naman ba ang magagawa natin, 'di ba?Wala pang ilang segundo ay narinig ko na ang tunog ng takong na sapatos na papalapit na dito sa direksyon ng Dining Hall. Panigurado ay si Tita na 'yon.Napadiretso ako ng upo sa upuan ko nang makita ko na si Tita na puma