Heinz's
POVSINUNDAN ko na lang ng tingin ang papalayong si Alexandria. Ang totoo'y nag-aalinlangan din akong anyayahan siya sa bahay na muna ito magpalipas ng gabi. Lalo pa't alam ko naman at nararamdaman na hindi komportable ang dalaga na kasama ako. Pero wala akong pagpipilian. Napakalakas ng ulan at sa pakiwari ko ay malabo itong tumila. Kung kaya't ayaw man o gusto ng dalaga ay hindi ko siya papayagang umuwi.
Tutok ang atensyon ko sa pinanood pero agad pero naalala kong hindi pa pala ako naghahanda ng hapunan. Kung kaya't minabuti kong ihinto muna ang pinanonood. Pinindot ko muna ang pause button at nagtungo sa kusina para mag-asikaso ng dinner.
"May natira pa palang
Alexandria's POVKINABUKASAN, maaga akong inihatid ni Heinz. At 'tulad no'ng una, ay kani-kaniyang motorsiklo ang gamit namin. Hindi ko na nga sana gustong magpahatid pero masyadong mapilit ang ungas."Thank you sa paghatid, Heinz. Salamat din sa pagpapatuloy sa akin kagabi," sinserong saad ko sa lalaki. Inihatid pa niya ako hanggang sa labas ng aming gate sa kabila ng pagtutol ko.
Alexandria's POVNAGPUNTA AKO sa bar kinagabihan. Dahil sa bukod sa gusto kong makausap si Seiichi ay ayaw ko sa bahay. Nagpupuyos ang kalooban ko sa t'wing maaalala ang pagtatalo namin ni Papa kanina. Well, ano pa nga ba'ng bago? Lagi naman.Nang makarating sa bar ay pabalagbag ko lamang na ipinarada sa parking space na naroon ang motorsiklo at agad na pumasok sa loob ng bar. Subalit nasa bungad pa lang ako ay namangha na ako dahil kakaiba ang ayos nito ngayon. Puno ng hugis-puso na lobo na may iba't-ibang kulay ang stage. Maging ang sahig at wall ay mga ganoon rin. Ang mga mesa naman ay may mga lobo rin. Agad akong bumilib sa kung sino man ang gumawa niyon. Makikita kasing pinag
Heinz's POV"Alexandria. . ."BAKAS SA mukha ni Alexandria ang pagkabigla nang makita niya ako. Nandidilat kasi ang mga niya at halatang hindi malaman ang gagawin. Nanatili ang hindi magkamayaw na tuksuhan ng mga tao sa paligid. Lalo na nang lumabas ako sa eksena ni Alexandria at Seiichi.Ang totoo ay kanina ko pa pinanonood ang mga ito sa sulok. Wala sana akong balak na lumapit bilang pagrespeto kay Seiichi. Kitang-kita naman kasi na pinaghandaan niya ang lahat. Ganoon pa man, hindi ko rin gusto ang nararamdaman habang pinanonood ang mga ito. Nagseselos ako.Lumapit ako sa mga ito at sinalubong ang masamang titig ni Seiichi. Alam kong hindi niya nagustu
Alexandria's POV"Hindi ka maaaring tumiwalag sa organisasyon, Alexandria. 'Di ba sinabihan na kita? Sa oras na
Heinz's POV"TULOY ka, Mr. Alvarez. Please, have a sit," pormal na utos ni Mr. Dominguez pagpasok ko sa pribadong opisina niya. Agad naman akong tumalima at umupo sa katapat na upuan niya. "Kaya kita ipinatawag dahil may nakuhang impormasyon ang NBI tungkol
Alexandria's POVNASA kwarto ako habang nakahiga at nag-bro-brows ng Facebook nang tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Heinz ang rumehistro sa caller ID nang damputin ko ito. Agad na kumabog ang dibdib ko dahil d'on. Napabalikwas tuloy ako ng bangon at saka sinagot ito."Yes?" Lihim pa akong nagpasalamat nang hindi ako mautal pagkasabi niyon."Are you free tonight?" Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang boses ng lalaki. Fuck! Bakit
Alexandria's POV"SO Alex, kayo na ba ni Heinz?" Bigla ay nanibago ako kay Krishna nang mga oras na iyon. Para kasi siyang ibang tao. Kung kanina ay napakaganda ng ngiti niya no'ng narito ang dalawang lalaki, ngayon ay seryoso ang anyo niya at walang kangiti-ngiti sa labi. Hindi ko rin alam kung tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit kasi ang nababasa ko roon.Ngayon ko lang rin nalaman na ganito pala ang personality n'ya. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap nang unang magkakilala kami sa bar ni Seiichi. At aaminin ko ring noong una ko siyang makita, ay mukha siyang anghel sa paningin ko.
Heinz's POV"SO pa'no? I-te-text na lang kita kapag nakauwi na 'ko ng bahay," nakangiting paalam ko kay Alexandria. "Thanks for tonight. Sana nag-enjoy ka, Alex."