Share

Chapter 14- Naliligaw

Palakad-lakad si Akie at hindi malaman kung saan ba siyang direksyon pupunta. Malalim na ang gabi at medyo napapalayo na siya sa karamihan. Hindi na nga niya alam kung saan siya naroon. Nasa isang daan siya at medyo madilim iyon dahil malalim na rin ang gabi. Wala rin halos dumadaan sa dinadaraanan niya. May mga sasakyang nadaan pero paminsan-minsan lang.

Balak lang naman sana niya ay pumunta sa Tiyang Melba niya at isumbong ang ginawa ng kaniyang amo dahil hindi naman niya ito matawagan sa telepono sapagkat hindi niya kabisado ang landline number nito, at mukhang sinadya pa ng binata na itago iyon pati na ang sarili niyang cellphone nang hindi niya namamalayan.

Iyon sana ang plano niya, ang magsumbong sa tiyahin at humingi ng tulong para makauwi ng Pilipinas, ngunit heto siya ngayon, naliligaw na yata at hindi malaman kung saan pupunta. Sa dami ng eskinita ay hindi na niya malaman kung saan siya dadaan. Sinubukan niya rin magtanong sa nakakasalubong na tao kung paano ang pagpunta s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status