Nang nakita niyang ligtas si Thea, nakahinga nang maluwag si Thomas. Pagkatapos, lumapit siya sa kanya at nagtanong, "Ayos ka lang ba, Thea?" Bahagyang umiling si Thea at nagsabing, "Ayos lang ako." "Ang Prince of Orchid Mountain ba ang nagligtas sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Thomas. Bahagyang tumango si Thea at nagsabing, "Oo, nahanap niya ako." Pagkatapos niyang magsalita, lumingon siya kay Sky na mukhang dismayado. Nasaksihan niya ang laban mula sa malayo. Hindi inasahan ni Thea na sa sobrang lakas ni Langston na maski si Sky, na isang ninth-rank grandmaster, ay walang laban sa kanya. Tinignan ni Sky si Thea nang may madilim na ekspresyon. Sa umpisa, binalak niyang dukutin si Thea para pilitin si James na sumunod sa kanya. Gayunpaman, hindi niya inasahang lilitaw sina Thomas at Langston. Hindi siya nagtangkang pigilan si Thea sa pag-alis. "Layas." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya para umalis. Sabi ni Thomas, "Dahil maayos na ang lahat ngayon, dapa
Binunot kaagad ni Thomas ang espada niya. Humakbang paharap si Thea para pigilan siya at nagsabing, "Sir Caden, sasama ako sa kanila. Ang sabi nila ay di nila ako papahirapan. Naniniwala ako na ang mga miyembro ng Void Sect ay hindi mga klase ng taong hindi tumutupad sa mga sinabi nila."Alam ni Thea kung gaano kalakas ang Void Sect. Kahit sina Tobias at Lucjan ay natalo nila sa isang atake. Higit pa roon, ang tumalo sa dalawa ay mga tauhan lang ni Kaj.Tiyak na si Kaj ay isang taong mahirap labanan. Walang dudang isa siyang ninth-rank grandmaster. Kapag naglaban sila, baka walang laban si Thomas sa kanya. "Pero, Thea…" may pag-aalinlangan sa ekspresyon ni Thomas. Sabi niya, "Malapit ka nang manganak. Sa mga panahong ito, dapat magpahinga ka." Simpleng nagsabi si Kaj, "Hindi mo kailangang mag-alala tungkol diyan. May mga midwife din ang Void Sect. Walang masamang mangyayari kay Thea sa Void Sect." Pagkatapos sabihin iyon, iniunat niya ang kamay niya para salubungin siya. Lu
Sa isang maliit na nayon sa kabundukan…Sa nagdaang ilang araw, nagmemeditate si James nang mag-isa. Pagkatapos kainin ang isang misteryosong prutas na naglalaman ng napakaraming Empyrean Spiritual Energy, hinihigop niyang maigi ang Empyrean Spiritual Energy. Lumalakas nang lumalakas ang True Energy niya. Sa isang kurap, lumipas ang limang araw. Limang araw nang nagmemeditate nang mag-isa si James. Pagkalipas ng limang araw, lumitaw si Thomas sa isang maliit na nayon sa kabundukan. Nang dumating siya, nakita niya si James na nakaupo sa courtyard nang naka-lotus position, umiilaw nang maliwanag ang buo niyang katawan na nagsasalit-salit sa itim at puti. Lalapit na sana siya kay James para sabihan siya. Pinigilan siya ni Callan bago siya makalapit at nagsabing, "Naka-closed-door meditation si James. Kung kailangan mo siyang kausapin, hintayin mo hanggang sa matapos ang meditation niya." Tumingin si Thomas kay Callan at nagsabing, "Kailangan ko siyang makausap tungkol sa is
Umaasang tumingin si Callan kay James at nagtanong, "Nakarating ka na ba sa ninth rank?" "Mhm." Tumango si James nang may bakas ng ngiti sa mukha niya. Sa kabilang banda, nagsalita si Thomas nang may seryosong ekspresyon, "May nangyari." "Ano yun?" Nagtatakang tumingin si James kay Thomas. Sumagot si Thomas, "Kinuha si Thea ng mga miyembro ng Void Sect." "Ano?" Nabigla si James, at napuno siya ng galit. Pinigilan niya ang galit niya at nagtanong, "Anong nangyari? Paanong nakuha ng Void Sect si Thea?" Maikling kwinento ni Thomas ang lahat ng nangyari. "Gustong tapusin ni Sky ang Void Sect ngunit hindi siya sigurado kung magtatagumpay siya. Para ikaw ang tumapos sa Void Sect, dinukot niya si Thea. Sinubukan kang tawagan ng Callahan family pero walang sumagot." Pagkatapos marinig iyon, binunot ni James ang phone niya. Mayroon ngang maraming missed calls pati na rin mga text mula kay Lex. Nagpatuloy si Thomas, "Pinuntahan ako ni Maxine at sinabi niya sa'kin na aatakihin n
Nang unang lumitaw si James, hindi ito naramdaman ng Omniscient Deity. Ngayon, nararamdaman niya ito. Iba na ang aura ni James kumpara noon. Ngayon, pinipigilan niya ang aura niya. Tanging ang paghinga niya lang ang nararamdaman niya, hindi ang pag-alon ng True Energy niya. Sa isang iglap, napansin niyang nakalampas na si James. Napatayo sa gulat ang Omniscient Deity. Tinitigan niya si James. "Mhm." Marahang tumango si James. Huminga nang malalim ang Omniscient Deity. Masyado itong mabilis. Halos dalawang linggo ang nakaraan, tinatanong pa siya ni James tungkol sa ninth rank. Hindi niya inasahan na sa loob ng dalawang linggo, makakarating siya sa ninth rank. Naalala niya ang sarili niyang paglalakbay papuntang ninth rank. Nakakahiya ito. Gayunpaman, nakahinga rin siya nang maluwag. Si James ang nag-iisang tao pagkatapos niya na nakarating sa ninth rank nang mag-isa. Kahit ang Prince of Orchid Mountain o si Sky, kailangan nilang umasa sa ibang bagay para makarating sa
"Hindi galing sa daigdig?" Nagulat ulit si James. "Ang totoo, galing sila sa daigdig. Medyo." Natulala si James. 'Anong ibig sabihin ng isang taong hindi galing sa daigdig pero medyo ganun na nga?' "Ang guro ko ay mula sa Sealed Realm." Dahan-dahang nagsimulang magsalita ang Omniscient Deity at nagbanggit ng isang sikreto. Huminga nang malalim si James para pilitin ang sariling manatiling kalmado at nagtanong, "Ano ang Sealed Realm?" Sabi ng Omniscient Deity, "Wala rin akong masyadong alam tungkol dito. Noon, sinabi sa'kin ng guro ko na ang Sealed Realm, sa katotohanan, ay nasa Daigdig. Gayunpaman, isinara ang espasyo nito at hindi tayo makakapasok. Nang paalis ang guro ko, sinabi nilang pagkatapos ng halos isang libong taon, mapapakawalan ang Sealed Realm."Kapag nasira ang seal, magagawang lumitaw ng martial artists mula sa Sealed Realm sa mundong ito. Sa panahong iyon, makakaranas ng daigdig ng nakakagulat at malalaking pagbabago. At sa kung ano naman ang magiging kalab
Binisita ni James ang Omniscient Deity upang makakuha ng impormasyon tungkol sa Void Sect. Hindi niya inasahan na ibubunyag ng Omniscient Deity ang mga lihim na ito sa kanya. Ang pagbalik ng Spiritual Energy, ang malaking pagbabago sa mundo… ang lahat ng ito ay higit pa sa inaasahan niya. Subalit, ngayong naabot na niya ang ninth rank at mayroon na siyang Empyrean Spiritual Energy, nagawa niyang tanggapin ang mga ito. Maging ang mga nilalang na gaya ng mga dragon ay nakita na niya. Ano pa bang hindi niya kayang tanggapin? Nagpatuloy ang Omniscient Deity, "Ang apat na mga seal. Sa nakalipas na mga taon, nakolekta ko ang tatlo sa mga ito. Isang seal na lang ang kulang."Pagkatapos niya itong sabihin, nilabas niya ang tatlong seal at binigay niya ito kay James.Nagulat si James at sinabing, “Bakit mo binibigay ang mga ‘to sa’kin?”“Kunin mo ang mga ito.”“Sige.”Kinuha ni James mga ito at sinuri niya ito sa kanyang mga kamay. Tatlong seal, na may tatlong magkakaibang kula
Pinag-usapan nila kung ano ang kailangang gawin ngayon."Kung natagalan ka pa sa pag-abot sa ninth rank, baka kailanganin ko pang humanap ng paraan upang nakawin ang seal mula sa Prince of Orchid Mountain at buksan ang seal. Pagkatapos mabuksan ang seal, madali kong masasakop ang Sol at masisiguro ko ang kaligtasan ng mga Solean. "Ngayong naabot mo na ang ninth rank, hindi natin kailangang magmadali na buksan ang seal. Aayusin muna natin ang Sol.""Sige. Naiintindihan ko."Tumango si James. Hindi niya iniisip na nagbibiro ang Omniscient Deity. Base sa maliit na misteryosong halaman na nakuha niya, halos sigurado na siya na totoo ang sinasabi ng Omniscient Deity. "Mga banyaga, mga mababangis na nilalang, isang panibagong mundo…" Ang sabi ni James. Sa kasalukuyan, medyp nasasabik din siya tungkol dito. Inaabangan niya ang pagbubukas ng seal at ang pakikipaglaban sa malalakas na mga martial artist. Gayunpaman, si Thea pa rin ang pinakamahalaga sa ngayon. Kailangan niya muna
Maraming magagandang biyaya ang lumitaw sa panahong ginugol ni James sa pag cucultivate at ang iba't ibang nilalang ay walang katapusang nakipaglaban sa kanila. Ang ilan ay nawalan pa ng buhay sa matinding labanang ito. Ang mga malalakas lang ang natira sa huli.Kahit na pagkatapos ng 500,000 taon, walang iba kundi si James ang bumisita sa gitnang rehiyon. Ginugol ni James ang mga nakaraang taon sa pag cucultivate sa loob ng pagbuo ng oras at ang kanyang pag unawa sa mga Formation Inscription ay lumalim pa. Naglabas siya ng nakakatakot na aura at umikot sa kanya ang mahiwagang Formation Inscriptions.Boom!Biglang nagsanib ang Formation Inscriptions at isang nakakatakot na pwersa ang sumabog.Nabasag ang nakapalibot na kalawakan at ang mga shock wave ay bumagsak sa hangin.Ang lakas ng aura ni James.Dahan dahan siyang tumayo at kampante na tumawa. "Naabot na ng aking Formation Path ang Quasi Acme Rank."Matapos ang hindi mabilang na mga taon ng maingat na pagsisikap, sa wakas a
Umalis si James sa lugar, naiwan si Leilani. Naramdaman ni Leilani na blangko ang kanyang isip at tumayo siya sa kinatatayuan.Si James ay nagpakita ng nakakatakot na kapangyarihan. Naalala pa niya ang unang pagkikita ni James. Ginawa niya ang lahat para makuha ang pabor nito. Gayunpaman, siya ay naging napakalakas sa loob lamang ng maikling panahon. Maging si Leilani ay nag iingat sa kanya sa kanyang kasalukuyang cultivation rank.Agad niyang naunawaan na nagkamali siya sa pag atake kay Wotan. Kung hindi niya ipinagkanulo ang mga ito, maaaring naiwanan niya ng buhay ang Planet Desolation dahil naintindihan na ni James ang pagbuo sa paligid ng planeta. Baka buksan ni James ang formation at palabasin siya sa huli. Gayunpaman, nawalan siya ng pagkakataon.“Huff.” Walang magawa si Leilani.Samantala, nakaalis na si James. Ang balita ng pagpatay ni James kay Wynnstan ay agad na kumalat sa buong Planet Desolation at narinig ng lahat ang tungkol sa labanan. Si James ay naging isang exist
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan