Kung maikakasal siya sa desenteng lalake, makukunsidera niyang napakasuwerte niya. Pero, hanggang sa isip lang niya ito. Alam niyang hindi siya nararapat para kay James, at ang mga nararapat sa kanya ay mga anak ng mga major sect at mga pamilya.“Oo, tara na.”Hinawakan ni James ang kamay ni Yevpraksiya at nilisan nila ang Celestial Abode. Pagkatapos, bumalik sila sa Elixir Pavillion sa Heavenly Secrets City.Sa nakalipas na mga araw na wala si James, ginamit ni Yuina ang impluwensiya ng Elixir Pavillion sa Boundless Realm para alamin ang lahat ng tungkol kay James. Sapagkat hindi malayo ang Heavenly River sa Stardust Realm, nalaman ni Yuina ang mga ginawa ni James katulad na lang ang Alchemy Tournament na sinalihan niya sa Stardust Realm gamit ang intelligence network niya. Matapos matutunan na si James ang lumikha sa mga elixir na ibinenta sa kanya, natulala siya.“Isang Imperial Weapon… Isang Emperor Rank alchemy furnace… Sino ba talaga siya?”Naupo si Yuina sa opisina niya at napai
Walang pakielam si James sa pagiging Sect Elder ng Elixir Pavillion. Tutungo lamang siya doon para hanapin ang Ancestral God Rank elixir. Noon, sinabihan siya ni Xandros na ang Ancestral God Rank elixir ay nasa Elixir Pavillion. Ngunit, hindi sigurado si James kung ito ang Elixir Pavillion na hinahanap niya. Kaya tutungo siya doon para imbestigahan ang bagay na ito. Samantala, ang paraan lamang para makasali sa Elixir Pavillion ay pumasa sa discipleship examination.Wala siyang kagustuhan para sa awtoridad at mas gugustuhin na mamuhay ng payapa at walang iniisip.Pagkatapos, kinausap ni Yuina si James tungkol sa master niya.“James, hindi ka pangkaraniwan na tao, sa tingin ko kilalang tao ang master mo, hula ko. Baka nakaengkuwentro ko na siya noong nakaraan.”Nakangiting sinabi ni Yuina.Samantala, si James ay ngumiti lamang at nanatiling tahimik. Sapagkat hindi siya nagmula sa mundong ito, hindi malalaman ni Yuina kung mananahimik siya. Hindi nagtagal, naihanda ang limang trilyon ng
Tinignan ni James ang mga sundalong walang tigil na nag-eensayo at kinawayan sila, “Nagtrabaho kayo ng mabuti.”“Hindi pa masyado, Sir!” sabay-sabay nilang sagot.Habang tinitignan ni James ang mga pamilyar nilang mga mukha, naguiguilty si James. Siya nga naman ang naglagay sa kanila sa Celestial Abode at pinagsanay sila ng walang tigil. Bilang cultivator, alam niyang kung gaano kaboring at ka hindi interesante ang pagcucultivate. Kahit na hindi nililimitahan ang galaw nila, at malaya sila sa loob ng Celestial Abode, nakaseal naman ang mundong ito mula sa labas. Kaya, wala silang makausap na tagalabas. Habang lumilipas ang oras, mawawalan sila ng gana at mawawalan ng interest sa pagcucultivate.Iniisip ni James na pagbakasyunin sila. Pero, matapos niya maalala na ito ang Boundless Realm, isang mundo na puno ng panganib, isinantabi niya ang mga iniisip niya.Sa oras na iyon, nagpakita ang Spirit Tool.Tinignan niya ang Spirit Tool at nagtanong, “Kumusta ang lakas ng mga sundalo?”Sumago
Minaliit ni James ang kapangyarihan ng apat na daang libong sumpa. Sobrang nakakatakot ang nagpatong-patong na bigat ng mga sumpa ito, aa tindi ito ay hindi niya ito makayanan sa isang subok. Habang sugatan at naaagnas sa ilalim ng sumpa, humina ang kondisyon ng isipan niya at lumabo ang malay-tao niya. May umuugong sa bungo niya na para bang may humahampas sa ulo niya gamit ng sandata. Binuhos niya ang lakas ng buong katawan niya at pilit niyang napalinaw ang isipan niya. Pagkatapos, pinagana niya ang Jade Seal, at sinimulang pigilan ang kapangyarihan ng sumpa sa loob ng katawan niya. Lumakas nang lumakas ang magnetic field sa paligid ng katawan niya na nagpatayo at nagpaatras sa mga sundalong kinuhanan niya ng sumpa. Mas lalo silang lumayo kay James. Huminto sila malayo kay James para maobserbahan siya mula sa malayo. “Ayos lang ba ang lahat?”“Kinuha ni James ang sumpa sa loob ng katawan natin. May mangyayari bang masama sa kanya?”“Magiging ayos lang siguro siya. Kamp
Sa halip na masira, nalanta ang malaking puno nang napakabilis at naging isang patay na halaman nang wala pang isang segundo. “Kung kaya kong kunin ang buhay nito, kaya ko rin sigurong buhayin ito,” bulong ni James sa loob niya. Gayunpaman, masyado pang kaunti ang nalalaman niya tungkol sa Reincarnation Art, lalo na sa Curse Inscription. Kahit na gusto niyang buhayin ang nalantang punong ito, lagpas ito sa kakayahan niya. Gayunpaman, pakiramdam niya ay posible ang lahat basta't pagsanayin niya ang Curse Magic sa pinakamataas na potensyal nito. Sakop ng sumpa ang lahat. Magiging posible ang lahat basta't ma-cultivate niya ito nang kumpleto. “Masyadong mababa ang cultivation rank ko. Kailangan ko munang nakarating sa Divine Rank para maunawaan ko ang malalakas na signature Supernatural Powers na ito,” sabi niya sa sarili niya. Napakarami ng Supernatural Power pati mga kayamanang hawak niya, ang Infinity Stele, ang Five Elements of Genesis, Elemental Inversion, ang swordsmanship n
Ang haba ng isang siglo ay nakadepende sa pag-unawa. Para sa isang cultivator, ang isandaang taon ay isang pitik lang. Para sa pangkaraniwang tao, ang isang siglo ay habangbuhay. Ngayon, nanatili si James sa Celestial Abode nang isandaan at limang taon. Sa loob ng panahong ito, habang pinipigilan niya ang kapangyarihan ng sumpa, nanatili si Yevpraksiya sa loob ng Saucer at kinokontrol ang direksyon nito. Mabuti na lang, automatic ang Saucer. Basta't nakatakda na ang destinasyon nito, kayang lumipad mag-isa ng Saucer nang hindi kailangang masyadong bantayan. Sapat na ang tingin sa radar paminsan-minsan. Sa buong panahong ito, nagcucultivate mag-isa si Yevpraksiya. Ang pagdating sa Sage Rank ay nangangahulugang maganda ang angking kapasidad niya. Dahil lang sa kakulangan sa pag-aalaga, kawalan ng cultivation methods, at kawalan ng malakas na pinagmulan kaya mabagal ang cultivation niya. Sa buong siglo, naghihintay siyang lumitaw is James. Nagcultivate siya nang libo-libong taon, naka
Nabigla si James sa biglaang pagbabago ng ekspresyon niya. Naglakas ng loob si Yevpraksiya at tumalon siya sa mga bisig ni James. Habang niyakap niya siya nang mahigpit, bumilis ang paghinga niya. “Mr. Caden, may dalawandaang taon pang natitira. Di ba dapat may gawin tayo para magpalipas ng oras?”Tulalang-tulala si James. Anong nangyayari?Lumipas ang ilang segundo at tinulak niya sa tabi si Yevpraksiya. Nang umupo siya sa isang upuan, bumunot siya ng sigarilyong kinuha niya mula sa Earth. Sinindihan niya ang isa nito at tumingin sa kanya nang may blangkong ekspresyon. Sa sandaling ito, nasa lapag na ang bestida ni Yevpraksiya. Nakatayo siya tabi nang nahihiya. Iniiwasan niyang magtagpo ang tingin nila ni James. Sabi niya nang may seryosong tono, “Wag mo tong gawin.”“Mr. Caden, iniisip mo bang hindi ako nararapat para sa'yo?” Tinitigan siya ni Yevpraksiya sa mata. Kinamot ni James ang ulo niya at naiilang na sumagot, “H-Hindi sa ganun.”“Kung ganun, dahil ba hindi sapat
Sa mundo ng Boundless Realm, maaari kang maging ignorante tungkol sa pangalan ng mga Grand Emperor maliban kay Xainte Callahan. May reputasyon si Xainte Callahan na hindi madaling makalimutan. Isa siyang alamat buong buhay niya mula sa araw ng kapanganakan niya hanggang sa araw na nakarating siya sa ranggo ng Quasi-Emperor, gumamit lang siya ng tatlompung libong taon. Isa nga siyang nilalang na dapat katakutan. Kahit saan siya magpunta, naging isang alamat siya. Habang nagkwento si Yevpraksiya tungkol kay Xainte, hindi niya naitago ang paghanga niya nang nagpatuloy siya, “Hindi maipaliwanag ang talento ni Xainte. Sa loob lang ng sampung libong taon, nakarating na siya sa ranggo ng Quasi-Emperor, at ang unang nakagawa nito sa Boundless Realm.”“Xainte Callahan?” Mahinang bumulong si James sa sarili niya. Kahit na pareho silang may apelyidong ‘Callahan’, sina Xainte at Thea ay hindi posibleng iisang tao lang. Isinantabi niya ang isipang ito sa ngayon. “May dalawandaang taon pang n
Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali
Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si
Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na
Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti
Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi
Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar
Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan
Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa
"Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba