Share

Kabanata 881

Author: Crazy Carriage
Tinitigan ni Maxine ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge.

Hindi niya inakalang magbabago ang painting kapag napatakan ito ng dugo. Higit pa roon, nangyari lang ito sa dugo ni James.

"Iyan ang sikreto ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge."

Tumingin si James sa nasasabik na si Tobias at nagsabing, "Nasabi ko na sa'yo ang sikreto. Mula ngayon, kailangan mo kong protektahan."

"Hindi magiging problema yun. Isa kang Caden. Bilang head ng pamilya natin, paano kita hindi mabibigyan ng proteksyon?"

Dinampot niya ang painting at tumawa nang malakas. "Haha! Sa wakas ay natuklasan na rin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge!"

Bigla na lang, bumalik ang larawan sa original nitong anyo.

Kinakabahan siyang nagtanong, "Anong nangyari?"

Sumagot si James, "Paano ko malalaman? Baka kailangan nito ng mas maraming dugo."

"Bakit to gumana sa dugo mo pero di sa'kin?"

Umiling si James. Wala rin siyang ideya.

'Bakit kailangan yung akin?

'Pareho kaming Caden kaya bakit nababago n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 882

    Narinig ang mga katok mula sa likod ng pinto. "Pasok," mahinang sagot ni James. Bumukas ang pinto at pumasok si Maxine na nakasuot ng puting dress. Wala siyang oras para magpalit ng damit na namantsahan ng dugo ni James. "James," malambing niyang tinawag ang pangalan niya habang naglakad siya papunta sa kanya. "Mhm," marahang sagot ni James. Nagtanong siya, "Bumalik na ba ang True Energy mo? Kailangan kita na paikutin ang True Energy mo at tulungan akong pagalingin ang mga sugat ko." "Medyo bumalik na pero di pa lahat," sagot ni Maxine. Mahinang nagsabi si James, "Sa tingin ko ang cultivation method sa Moonlit Flowers on Cliffside's Edge ay nangangailangan ng dalawang tao." Nagtanong si Maxine, "Bakit mo naman naisip yun?" Nagsabi si James, "Hula ko ay tama ang ginawa natin noon. Hindi lang to gumana dahil wala sa'tin ang cultivation method. Pagkatapos malagyan ng dugo ang painting, naglaho ang maliwanag na buwan at lumitaw ang nagliliyab na araw. Ayon sa pagkakaintin

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 883

    Ang Governor Vessels, Conception Vessels, at ang Eight Extraordinary Meridians ay mahalaga para sa mga martial artists. Ang mga may mababang cultivation bases ay hindi kayang i-regulate ang mga ito. Kailangan pang makarating ng isang tao sa ika-limang antas at magkaroon ng isang matibay na cultivation para mapagana ang mga ito. Nung una, hindi sigurado si Tobias tungkol sa kung paano gagamutin ni James ang mga natamo niyang pinsala. Subalit, isa siyang grandmaster at isang doktor, kaya mabilis niyang napansin ang ilang palatandaan. Nagkunwari lang siya na gagamutin niya ang kanyang mga sugat. Ang balak niya talaga ay i-regulate ang kanyang mga vessels at meridians. Ginamit siya ni James para itusok ang mga acupuncture needles sa kanyang mga meridians at acupuncture points sa buong katawan niya para protektahan ang kanyang heart meridian. Kaya naman, kahit na gaano kasakit pa ito, hindi siya mamamatay. Gayunpaman, ang katawan niya ay nasa kalunos-lunos nang kondisyon at hi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 884

    Mabilis na umiwas si Maxine sa malakas na pwersa. Subalit, hindi naging sapat ang kanyang bilis at nasugatan siya sa mga karayom na tumalsik.Bumulagta ang katawan ni James si kama. Pinagpapawisan ng husto si Tobias. Pinunasan niya pawis sa kanyang mukha, habang nakatingin kay James at nakahinga ng maluwag. “Ang binatang ito ay talagang matapang. Hindi ako makapaniwala na naisip niya gawin ang delikadong bagay na ito,” sabi ni Tobias. “Lolo, kamusta na siya?”Hindi inisip ni Maxine ang sugat na natamo niya sa kanyang katawan at mabilis na tinanong ang kalagayan ni James, na walang buhay na nakahiga sa kama, duguan. Nang nakangiti, hinimas ni Tobias ang kanyang puting balbas at sinabi, “Tagumpay ito. Ang kanyang Governor Vessels, Conception Vessels, Eight Extraordinary Meridians, at bawat isang ugat sa kanyang katawan ay bukas na. Sa teorya, nakapasok na dapat siya sa ika-limang antas.”“Talaga?” Nagulat si Maxine. “Ibig sabihin ba nito ay magagawa na natin na makagawa ng

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 885

    Pagkatapos niyang umalis, nagtungo si Maxine sa isang closed-door meditation sanctuary sa bakuran ni Tobias. Alam niya na nasagad ang True Energy ni Tobias at kailangan nitong mag-meditate para mabawi ito. May nag-iisang bahay na gawa sa kahoy sa bakuran ng mansyon ng mga Caden. Pumunta si Maxine sa kahoy na bahay at dahan-dahan na kinatok ang pinto nito. “Pasok,” isang boses ang maririnig mula sa loob ng kwarto. Binuksan ni Maxine ang pinto at pumasok sa loob ng bahay na kahoy. Tiningnan niya si Tobias. Naka lotus position ito ng upo, habang pinapaikot ang kanyang enerhiya para manumbalik ang nawala niyang lakas. “Lolo,” tinawag niya ito. “Bakit? Anong kailangan mo?”“Lolo, gusto ko sanang humingi sa inyo ng ilang rejuvenation pills.”Tiningnan ni Tobias si Maxine at tinanong ito, “Hindi mo naman naubos ang iyong True Energy, kaya bakit mo kailangan ng rejuvenation pills?”Niyuko ni Maxine ang kanyang ulo at nahihiyang binulong, “Pinilit ko kasi na gawin ang meridian

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 886

    Si Maxine ay isang miyembro ng mga Caden at napag-aralan na ang sinaunang salita, kaya nauunawaan niya ito. Bahagya siyang umiling at sinabi, “Mukhang isa itong cultivation method. Sinaliksik ko na ang parirala nitong mga nakaraang mga araw pero wala pa din akong nahanap. Sinubukan ko na din na paghiwalayin ang mga salita sa dalawang bahagi, pero walang katuturan ang mga ito.”“Sige.” Tumango si James ay saka sinabi, “Ilang libong taon na itong isang lihim. Hindi ito ganun kadaling lutasin. Huwag kang mag-alala. Naniniwala ako na malulutas din natin ito. Subalit, kailangan ko nang umalis.”“Ano?” Nagulat sandali si Maxine. “Aalis ka na?” Tanong niya. Tumango si James at sinabi, “Medyo matagal na ako dito sa Capital. May mga aasikasuhin pa ako sa Cansington.”Nag-aalala si James para kay Tiara. Nang umalis siya, nasa ospital pa din si Tiara. Dahil maraming araw na ang lumipas, nag-aalala siya tungkol sa kalagayan nito. Isa pa, nandun din si Thea. Nang umalis siya, parang ma

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 887

    Desidido na si James na umalis, kaya naman hindi na siya pinigilan ni Tobias. Ayaw kalabanin ni Tobias ang mga malakas na pwersa at gawin itong mga kalaban para lang kay James. Gayunpaman, nangako na siya na poprotektahan niya ito kapalit ng lihim ng Moonlit Flowers on Cliffside’s Edge. Ngayon na na-regulate na ni James ang mga meridians sa buong katawan niya, maituturing na siya na isang fifth-rank grandmaster at may walang hangganan na potensyal. Bigyan ng sapat na oras, aangat siya sa rango. Ang James na ito ay karapatdapat na protektahan. Kaagad niyang nilabas ang kanyang phone at tinawagan si Hades, ang patriarch ng mga Johnstons. Kumonekta ang tawag, at isang hindi palakaibigan na boses ang maririnig mula sa kabilang linya, “O, tingnan mo nga naman? Hindi ba’t si Mr. Caden ito? Bakit ka napatawag?”“Hades, gusto ko lang ipaalam sayo na simula ngayon, parte na ng pamilya namin si James. Ang kanyang kilos ay alinsunod sa mga Caden.”Pagsabi niya nito, binaba na ni Tobia

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 888

    Kagaya ng sitwasyon niya kay Blake, hindi niya mabasa ang laman ng isipan ni Tobias. Dumedepende siya sa kanyang kutob pagdating sa pakikipagkaibigan, at pakiramdam niya ay hindi maaasahan si Tobias. Hindi niya mabasa si Tobias, at nahihirapan siyang malaman kung ano ang nasa isipan nito. Higit pa dun, nandoon din ang isyu sa pagkakagulo sa loob ng mga Caden mula tatlumpung taon na ang nakalipas at ang pagpatay sa pamilya ni James sampung taon na ang nakalipas. Si Tobias ang salarin, at kaya naman, hindi na mawawala ang paghihiganti sa likod ng isipan ni James. Gayunpaman, hindi pa din sigurado si James kung dapat ba niyang patayin si Tobias para ipaghiganti ang kanyang pamilya kapag sapat na ang lakas niya. “Anong iniisip mo, James?”“Wala lang. Tara na.”Umiling si James, ayaw magpaliwanag. Lumingon siya at naglakad palayo. Bago pa man makalabas sa tarangkahan ng mga Caden, hinarangan si James ni Bobby, na nakatayo kasama ng isang lalaki na kasing edad niya. Ang lalaki

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 889

    Matagal nang nililigawan ni Skyler si Maxine. Iyon ang dahilan kaya lagi siyang nagpapakita sa mansyon ng mga Caden halos araw-araw. Kahit na ang relasyon sa pagitan ng apat na pamilya ay nasa alanganin, ang relasyon sa pagitan ng mga batang henerasyon ay hindi naman masyadong apektado. Kahit na ang isyu ng mga Johnston sa pakikipagsabwatan nila sa mga Sullivans at sa mga Lee para ikulong sa sulok ang mga Caden, pumupunta pa din si Skyler sa mansyon ng mga Caden. Pinanlisikan ni Skyler si James. Pinoprotektahan ni Maxine si James, na lalo lang gumalit sa kanya. “Bata, kung lalaki ka, halika dito, at lumaban ka ng patas.”“Huwag mo siyang pansinin, James,” bulong sa kanya ni Maxine. Ayaw ni James na makalaban si Skyler. Alam niya na malakas si Skyler at nakapag-cultivate na ito ng True Energy. Nilampasan lang niya sila Bobby at Skyler, at umalis palabas ng tarangkahan. Mabilis na kumilos si Skyler para muling harangan si James. Inunat niya ang kanyang kamay para haran

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4149

    Alam na alam ng lahat ang background ni Wynnstan. Siya ay isang napaka prestihiyosong powerhouse mula sa Doom Race at may napakalaking lakas. Sa kabila noon, napakadali niyang naalis. Hindi lamang nawasak ang kanyang pisikal na katawan, ngunit ang kanyang kaluluwa ay hindi rin nakaligtas sa pagpatay.Matapos masaksihan ang pagkamatay ni Wynnstan, ang mga nakapaligid na nilalang ay natakot. Kahit ang mga gustong pumatay kay James ay natakot sa kanyang lakas.Napaatras ang lahat kay James."Anong uri ng apoy ang mga iyon? Bakit napakalakas ng mga ito?""Hindi ko pa nakita o nabasa ang tungkol dito dati.""Napakahusay niyang itinago ang kanyang lakas.""Sa palagay ko hindi niya ito itinatago. Dapat ay nakuha niya ito sa Palace of Compassion."…Matapos patayin ni James si Wynnstan, isang powerhouse ng Doom Race, ang lahat ay lubos na natangay. Hindi makapaniwala ang lahat ng naroroon, ngunit nasaksihan nila ito ng kanilang mga mata.Inalis ni James ang Ignis, at huminga ng malali

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4148

    Ipinagmamalaki ni James ang pambihirang lakas. Alam ni Wynnstan na kung ang mga banta ni James ay tinakot ang mga nilalang na ito, magiging mahirap na patayin siya nang walang sama samang lakas ng lahat. Ang tanging paraan para patayin si James ay ang magkaisa sila.Pinagmasdan ni James ang mga nilalang na nanatili sa lugar. Sa pamamagitan ng paghihikayat ni Wynnstan, pinili ng maraming nilalang na huwag tumakas. Sumang ayon sila kay Wynnstan. Kung hindi nila pinatay si James ngayon at pinayagan siyang gumaling, sa huli ay papatayin niya silang lahat.Isang nilalang ang sumigaw, "Sabay sabay nating salakayin at patayin siya."Maraming nilalang ang agad na naglabas ng kanilang mga sandata.Tumingin si James sa kanila at mahinahong sinabi, “Malamang na hinihiling ninyong lahat na mamatay.”Dumadagundong ang mga simpleng salita niya. Ang kanyang boses ay nagpasabog ng ilang mga nilalang na may mas mahinang cultivation base, at sila ay natigilan sa takot."Sa tingin ko mas lumakas si

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4147

    Nagpasya si James na umalis sa Palace of Compassion at pumunta sa Planet Desolation upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon bago gumawa ng anumang karagdagang mga plano.May ilang oras pa bago ang mapagpasyang labanan, kaya hindi niya kailangang magmadali sa kanyang paglilinang. Siya ay magiging sapat na malakas upang talunin ang lahat hangga't maaari niyang maabot ang Quasi Acme Rank at linangin ang Tatlong Pagbabagong Apoy ng Flame Art.Itinabi ni James ang Ignis at iniunat ang kanyang katawan, na naging tugon nito.Ang pagsipsip at pagpino ng Ignis ay epektibong nagpainit sa kanyang katawan. Kaya, ang kanyang pisikal na lakas ay mas matatag kaysa dati. Gayunpaman, hindi pa nito naaabot ang huling stage ng Quasi Acme Rank, ngunit sa kabutihang palad ay hindi siya nalalayo rito. Malamang na maabot niya ito sa lalong madaling panahon kung nakakuha siya ng ilang higit pang mga kayamanan.Matapos masipsip at pinuhin ang Ignis, pinili ni James na huminto sa paglilinang at naghanda na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4146

    Malaking bahagi ng Ignis ang pumasok sa bibig, ilong at pores ni James.Bagama't naubos na ni James ang Frost Pill, sinunog pa rin ng apoy ang kanyang katawan. Hindi nagtagal, natatakpan ng mga duguang sugat ang kanyang balat. Nasunog din ang kanyang mga laman loob at meridian.Maliban doon, wala itong ibang ginawang pinsala.Ang kapangyarihan ng Frost Pill ay nagpoprotekta sa kanya at ang kanyang pisikal na lakas ay sapat na malakas upang matiis ang mga pinsala. Bukod dito, mayroon din siyang karunungan sa Life Path. Kaya naman, mabilis siyang makaka recover sa kanyang mga sugat hangga't siya ay nabubuhay.Pinatatag ni James ang kanyang sarili at ginamit ang kapangyarihan ng Life Path upang gamutin ang kanyang mga sugat. Kasabay nito, ipinagpatuloy niya ang pagpino sa Ignis.Lumipas ang mga minuto.Sa isang kisapmata, lumipas ang isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Ang epekto ng Frost Pill ay halos nawala.Buti na lang at naubos na ni James ang halos lahat ng Ignis at kaunti

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4145

    Sa loob ng manwal ng Three Fire Transformations ng Flame Art, nakasaad na ang tagal ng epekto ng Frost Pill ay tumagal lamang ng humigit kumulang 1,000,000 taon. Kaya, kinailangan ni James na sumipsip at irefine ang Ignis sa loob ng panahong ito. Kung hindi, magiging imposible para sa kanya na irefine ang Ignis gamit ang kanyang kasalukuyang lakas kapag nawala ang epekto ng Frost Pill.Sa kasamaang palad, ang limitasyon sa oras ay ganap at hindi umaayon sa oras na ginugol sa totoong mundo. Kaya, ang epekto ng Frost Pill ay mawawala pa rin kahit na gumugol si James ng isang milyong taon sa pagbuo ng oras.Lumapit si James sa Ignis at tumayo ng isang metro ang layo dito.Ang Ignis ay naglalagablab ng matindi at ang nakakapasong mga alon ng init ay nahuhugasan siya ng tuluy tuloy. Natunaw ng mataas na temperatura ang yelo sa kanyang katawan. Gayunpaman, ang kanyang katawan ay patuloy na nilagyan ng Cold Energy, na nakatulong sa kanya upang labanan ang init.Matapos inumin ang Frost Pi

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4144

    Umalis si Wotan sa Palace of Compassion.Tumayo si James sa bangin, pinagmasdan ang malalim na kalaliman sa unahan niya at nakita ang isang bola ng puting apoy sa ibaba. Ang apoy ay patuloy na kumikislap ng paiba iba at nagbabago ng mga hugis. Kasabay nito, nagbuga ito ng napakainit na init. Bilang karagdagan, ang bola ng apoy ay protektado ng isang formation. Kung hindi, mas mataas pa ang temperatura sa lugar.Kahit na sa kasalukuyang cultivation rank ni James, mahirap tiisin ang init. Nagsimula siyang pawisan ng husto at tumulo iyon sa kanyang damit.Nagsalubong ang mga kilay ni James. Alam niyang hindi magiging madali ang pag absorb ng Ignis. Kahit na nakuha niya ang Frost Pill, isa pa rin itong mahirap na gawain. Kung matagumpay niyang na absorb at napino ang kapangyarihan ng Ignis, matutupad niya ang mga kinakailangan para macultivate ang Three Fire Transformations ng Flame Art. Labis na tataas ang kanyang lakas kapag natutunan na niya ang Three Fire Transformations ng Flame Ar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4143

    Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4142

    Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4141

    "Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status