Hindi na nagkaroon ng masamang panaginip si Quincy sa nakalipas na dalawang gabi. Siguro ay dahil nabisita na niya ang puntod ng mga magulang at nabigyan sila ng bulaklak.Ang mga fragrances na niregalo sa kaniya ni Sharon ay nakatulong rin nang malaki sa kaniyang pagtulog. Kaya naman, masigla siya nitong mga nakaraan.Dahil masigla siya, gumanda rin ang pakiramdam ni Dayton.Dumating naman ang doktor para magsagawa ng B-ultrasound examination sa kaniyang anak.“Ayos naman ang bata. Kailangan mong mapanatili ang sigla mo at magpahinga ka pa. Kailangan mo rin mas kumain ng masustansya. Uminom ka ng maraming sabaw.” Paalala sa kaniya ng doktor pagkatapos ng eksaminasyon.Kumalma ang nangangambang puso ni Quincy at nagtanong, “Kailangan ko pa rin bang uminom ng stabilizing pills?”“Kahit na wala naman masiyadong problema ngayon, muntik ka nang makunan noong nakaraan, kaya kailangan mo pa rin inumin ang stabilizing pills,” Sabi ng doktor.Tumango si Quincy at sinabing, “Sige po, nak
Maingat na tinulungan ni Dayton si Quincy na bumaba ng sasakyan. Kaagad na lumapit ang butler para batiin sila.“Welcome back, Young Master at Young Madam,” Sabi ng butler.Dalawang hilera ng mga tagasilbi sa likod ng butler ang bumati sa kanila, “Welcome home, Young Master at Young Madam.”“Ipasok niyo sa bahay ang mga bagahe na nasa likod ng sasakyan,” Sabi ni Dayton sa butler.Kaagad na inutusan ng butler ang mga tagasilbi na gawin ang sinabi ni Dayton. Saka siya sumunod kina Dayton at Quincy.“Young Master…Narito si Miss Tia,” Ulat ng butler.Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Dayton matapos marinig ang sinabi ng butler. Bago pa siya makapagsalita, isang tao ang mabilis na lumabas ng bahay at sumigaw, “Dayton, nakauwi ka na rin!” Boses ito ng isang dalaga.Matapos ang isang sandali, isang babaeng nakasuot ng kulay rosas na bestida ang tumayo sa harapan niya.Hindi pinansin ni Tia Smith ang mga taong nasa tabi ni Dayton at kaagad na hinawakan ang kaniyang kamay. Malambing a
Pagkatapos matulala ay tumawa si Quincy. Hindi siya naniniwala. “Paano iyon naging posible? Pinsan niya si Dayton.”“Binanggit mong malayo silang magkamag-anak. At saka, hindi sila maituturing na pamilya. Hindi niya kapatid si Dayton,” Sabi ni Sharon.Kaagad na naglaho ang ngiti ni Quincy. Tila mayroon siyang naisip. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.Napansin ni Sharon ang pagbabago sa ekspresyon ni Quincy. Mukhang hindi nito alam ang nararamdaman ni Tia para kay Dayton.“Kung ganoon nga talaga, hindi nakapagtataka kung bakit ayaw niya na sa akin noong una pa lang.” Maingat na inalala ni Quincy ang pakikitungo ni Tia kay Dayton at piniling maniwala sa sinabi ni Sharon.Saka niya dinagdag, “Walang silbi kahit gusto nga niya talaga si Dayton. Hindi siya magugustuhan ni Dayton. At saka, ako ang asawa niya.””Tinitigan siya ni Sharon at nagtanong, “Nagtitiwala ka ba sa nararamdaman ni Dayton para sa iyo?”“Oo naman, naniniwala akon hindi siya mahuhulog sa ibang babae.” Lalo na sa
“Ang sabi ko ay hindi lang siya ang pwedeng magbigay sa iyo ng anak. Mayroong napakaraming babae ang pwedeng magsilang ng anak para sa iyo.”“Siya lang ang gusto kong magdala ng anak ko. Wala akong kinalaman sa ibang tao. Wala silang karapatan na ipagdalang-tao ang mga anak ko!” Katakot-takot ang aura ni Dayton.Nararamdaman ni Hayley ang galit ni Dayton. Dinagdag niya, “Paano kung hindi niya mabubuhay ang bata?”“Itikom mo ang masama mong bibig! Isisilang niya nang ligtas ang bata!” Malamig na sigaw ni Dayton.Nakita ni Hayley ang madilim at galit na galit na ekspresyon sa mukha ni Dayton. Mapanghamak siyang tumawa at sinabing, “Sige, ipagdadasal ko na ligtas niyang maisilang ang bata.”Pagkatapos magsalita, tumayo siya at sinabing, “Malalim na ang gabi. Magpapahinga na ako. Bantayan mo siyang mabuti para maiwasan ang anumang kumplikasyon sa pagbubuntis niya.”Hindi siya pinansin ni Dayton. Pagkatapos umalis ni Hayley, patuloy siyang naupo sa sofa at hindi gumalaw.Dapat maisil
“Shar, bumalik ka pagkatapos ng kasal, ha?” Sabi ni Quincy habang nakahawak sa kamay ni Sharon. Ayaw niyang umalis ito kaagad.“Oo, babalik ako kapag mayroon akong oras para samahan ka.” Nakikita niyang unti-unti ng bumubuti ang kondisyon ngayon ni Quincy. At saka, malapit na ang kasal ni Eugene. Makakauwi na siya nang walang inaalala.Nakatayo si Quincy sa gilid ng kotse habang nakikipag-usap sa kaniya. Nakatingin si Dayton sa kanila mula sa malayo.Wala ng iba pa ang nasa tabi nila. Hininaan ni Quincy ang boses at sinabi sa kaniya, “Huwag mong kalimutan ang pinangako mo sa akin. Mas madali para sa iyo na imbestigahan ang nangyaring aksidente kapag nakauwi ka na.”Alam ni Sharon na tinutukoy ni Quincy ang hiling nito na tulungan niya itong alamin ang katotohanan sa likod ng aksidente ng mga magulang ni Quincy.Bumugso ang kumplikadong emosyon sa kaniyang mga mata. Ang totoo, hindi niya na kailangang imbestigahan iyon. Alam niyang si Dayton ang nasa likod ng lahat.Gayunpaman…Hin
“Hindi ba’t mayroon silang anak? Malaki na ang anak nila. Sa tingin ko ay hindi lang sila basta nagkabalikan lang.”“Baka nga. Kung hindi, bakit siya pakakasalan ni President Eugene pagkatapos makipag-divorce?”“Naku, ang first love talaga ng mga lalaki ang tangi nilang hahanapin.”Hindi tumitigil ang mga bisita sa pag-uusap tungkol sa kanilang dalawa.Tumutulong si Sharon sa makeup room. Pagkatapos asikasuhin ang makeup ni Fern nang halos kalahating araw, natapos na rin sila. Nakapagbihis na rin ng wedding gown si Fern.“Sister-in-law, kailangan kong aminin na napakaganda mo ngayon. Kung lalaki ako, kikiligin ako dahil sa iyo,” Puri ni Sharon.“Nambobola ka.” Tumawa si Fern.“Hindi ako nambobola. Nagsasabi ako ng totoo. Matalas ang mata ng kapatid ko. Napakaganda ng gown na dinisenyo niya para sa iyo.”Kung sinabi ni Sharon ni maganda ito, siguradong kamangha-mangha ito.“Ang laki ng ginastos niya rito.” Para kay Fern ay sapat na ang isang simpleng gown. Hindi niya gusto ang
Nakalimutang huminga ni Fern nang halikan siya ni Eugene. Malakas niya itong tinulak at sinabing, “Sinisira mo ang lipstick ko.”Tinitigan ni Eugene ang mga labi niya. Talaga ngang kumalat ang lipstick sa mga labi niya. Mahina ang boses niyang sinabi, “Tutulungan kitang ire-apply.”Nagdududa siyang tiningnan ni Fern. “Alam mo kung paano gawin iyon?”Umiling si Eugene at tapat na sinabi, “Hindi, pero hindi naman iyon dapat mahirap gawin.”Pagkatapos magsalita, kinuha niya ang lipstick sa vanity table at naghanda ng tulungan si Fern na ayusin ang makeup.Naniwala si Fern sa kaniya at tumayo roon nang hindi gumagalaw upang hayaan si Eugene na i-apply ang lipstick sa kaniya.Mariin na tinitigan ni Eugene ang mga labi ni Fern na para bang pipirma siya ng isang kontrata na nagkakahalaga ng isang daang milyong dolyar. Ginamit niya ang lipstick upang lagyan ng outline ang hugis ng mga labi ni Fern. Saka niya maingat na inapply ang lipstick.“Tapos ka na ba?” Gusto niyang tingnan ang sar
Si Fiona ang sumigaw. Tulak-tulak nito ang old master na nakaupo sa wheelchair.Alam ni Fern na hindi siya gusto ng old master. Tutol ito sa pagbabalikan nila ni Eugene.Narito ba ito para pigilan ang kasal nila?Kumunot ang noo ni Eugene nang makita ang pagdating ng kaniyang lolo.Bago ang kasal, inimbita niya ang kaniyang lolo na dumalo ngunit hindi siya sinagot ng old master. Akala niya ay hindi dadalo sa seremonya ang old master.Pumunta ba ito rito nang biglaan para pigilan siya na pakasalan si Fern?Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Fern para bigyan ito ng lakas at ipaalam na sisiguraduhin niyang makukumpleto ang seremonya anuman ang sabihin ng matanda.“Narito ang Old Master Newton.”“Narinig kong hindi sang-ayon ang old master sa kasal na ito. Si President Eugene ang siyang nagpumilit na pakasalan ang babaeng ito na hindi niya makalimutan.”“Ibig sabihin ba ay narito ang old master para pigilan ang kasal nila?”Yumuko ang mga bisita at muling nagsimulang magbulungan…