Share

Kabanata 1602

Pinag-isipan ito sandali ni Dayton. Hindi niya kailanman pinagbalat ng hipon noon si Tia. Marahil ay mali ito ng pagkaka-alala. Maaaring sinasadya rin nitong magsinungaling.

Malamig ang eskpresyon sa mukha niya nang sabihin, “Walang nangyaring ganoon.”

Kaagad na sinabi nang malakas ni Tia, “Siyempre nangyari iyon. Paano mo nakalimutan?” Nilagay niya ang hipon sa harapan ni Dayton at sinabing, “Tulungan mo akong balatan iyan, okay?” Napakalambing ng kaniyang boses.

Nanatiling walang emosyon si Dayton. Tinulak niya pabalik ang hipon kay Tia at sinabing, “Gawin mo mag-isa kung gusto mong kainin iyan.”

“Ikaw…” Ngumuso si Tia. Galit na galit siya.

Pinanood ni Quincy ang interaksyon ng dalawa. Napaka wala sa katwiran ni Tia.

Gayunpaman, nagsimula siyang matakam sa garlic prawn matapos maamoy ang aroma nito.

Lumingon siya sa lalaking nasa tabi niya. Kinurap niya ang mga mata at sinabing, “Gusto kong kumain niyan.”

Hindi pa napoproseso ni Dayton ang hiling ni Quincy. “Huh? Anong gusto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status