…Kinabukasan, sapilitang dinala ng mga tauhan ni Dayton si Tia palayo sa isla.Binalik siya sa villa sa mainland.Mabilis na umalis ang mga tauhan ni Dayton pagkatapos mailapag ang mga bagahe ni Tia. Ayaw nilang magwala ulit ito at ibunton sa kanila ang galit.Sobra-sobra ang galit ni Tia. Sinipa niya ang bagahe at galit na sumigaw, “Bwisit! Mga walang kwenta! Inaapi ako ni Dayton, at kayong mga walang silbi ay hindi rin ako sineseryoso!”Kasalanan itong lahat ng p*tang Quincy Lane na iyon. Siguradong inakit niya si Dayton. Kung hindi, hindi siya nito tatratuhin nang ganito kasama!Bumaba si Hayley. Nang marinig niya ang mga sigaw ni Tia, hindi niya mapigilang magtanong, “Bakit ka bumalik? Hindi ba’t sabi mo ay doon ka magbabakasyon at saka ka na lang babalik?”“Tita…” Sumimangot si Tia. Saka siya tumakbo at niyakap ang braso ni Hayley habang nagmamaktol. “Gusto kong magbakasyon doon, pero pinaalis ako ni Dayton. Gusto niyang makasama doon si Quincy Lane. Sabi niya ay iniistorb
Napahanga si Quincy sa pangangatawan ni Dayton. Nasugatan ito kagabi at nilagnat din. Ngunit, kinabukasan ay gumaling agad ito pagkatapos uminom ng isang gamot.Medyo huli na siya nagising ngayong umaga. Halos alas dies na nang umaga nang magising siya.Wala sa tabi niya si Dayton. Kaagad siyang napaupo. Hindi niya inaasahang makakatulog siya nang mahimbing. Hindi niya man lang namalayan nang umalis ito sa kwarto.Pagkatapos bumaba, isa sa mga tauhan ni Dayton ang nagsabi sa kaniya na umalis ito para mangabayo.Nagulat siya. Injured si Dayton. Bakit siya lumabas para mangabayo?Nang nagpunta siya sa dalampasigan, nakita niya si Dayton na nakasakay sa isang puting kabayo. Nilapitan siya nito.Nakasuot ito ng isang classic na puting shirt at itim na suit pants. Umiihip ang hangin sa itim nitong buhok. Mala-rebelde man itong tingnan, parang isa rin kagalang-galang na ginoo si Dayton habang nakasakay sa isang puting kabayo at palapit sa kaniya.Nang makarating si Dayton sa harapan
Hindi tinanggihan ni Quincy ang alok ni Dayton. Bigla siyang nawalan ng gana.Naghahanda na si Dayton na samahan si Quincy na magtanghalian. Dito naman siya nakatanggap ng tawag. Mayroong nangyari. Kailangan niyang bumalik sa mainland para asikasuhin iyon.Hinawakan niya ang kamay ni Quincy, makikita sa kaniyang mukha ang paghingi ng tawad. “Dito ka lang at kumain ka. Babalik ako pagkatapos kong maayos ang problema.”“Hindi ka ba muna kakain bago ka umalis?” Hindi problema ang iwan siyang mag-isa rito.“Kumain na ako kaninang umaga. Hindi ako gutom.” Nilaro niya ang malalambot na hibla ng buhok ni Quincy at lumapit para humalik sa mga labi. “Hintayin mo akong makabalik.”Malinaw na nag-aalinlangan siyang umalis.Nginitian siya ni Quincy at sinabing, “Pumunta ka na sa trabaho kung abala ka. Huwag mong pagmukhaing kinukulong kita rito at wala kang anumang magawa.”“Kinukulong mo talaga ako rito. Isa kang munting diwata.” Mala-demonyo ang mababa at kaakit-akit na boses ni Dayton. S
Makikita sa mga mukha ni Terry ang galit nang marinig niya ang sinabi ni Quincy. Masama ang loob niyang sinabing, “Kung hindi nawala ang mga alaala niyo, hindi niyo sasabihin iyan.”Kung hindi nawala ang mga alaala ni Quincy, hindi niya kailangang sabihin sa kaniya na iwan si Dayton. Hindi nito gugustuhin na makasama siya.Alam ni Quincy na malaking kawalan ang pagkawala ng kaniyang mga alaala, kaya hindi niya masabi kung nagsasabi ng totoo o hindi si Terry sa kaniya.“Dahil alam mo iyon, maglabas ka dapat ng ebidensya imbes na sabihin sa akin ang mga salitang iyan.”Kailangang magpakita ng ebidensya ni Terry kung gusto niyang ipaalam kay Quincy na kalaban niya si Dayton. Kung hindi niya iyon gagawin, hindi ito maniniwala sa kaniya.“Alam kong hindi ka naniniwala sa akin ngayon. Sinubukan kong maghanap ng ebidensya, pero sinira ni Dayton ang lahat. Wala akong maipapakitang ebidensya sa ngayon. Pero, hindi ako susuko.”“Mag-usap tayo pagkatapos mong makahanap ng ebidensya.” Medyo
Gayunpaman, mayroon itong pagkakapareho--magkalaban silang dalawa.Sinabi ni Tia na kalaban siya ni Dayton, pero sinasabi naman ni Terry na si Dayton ang kalaban niya.Sino ang paniniwalaan niya?Tinakpan ni Tia ng bibig at tumawa nang mapansin ang pagkalito sa mukha ni Quincy. “Ah, muntik ko nang makalimutan na mayroon kang brain injury at nakalimutan mo na ang lahat. Kaya naman handa kang maging paanakan para kay Dayton. Isa kang hangal.”Masama ang ekspresyon sa mukha ni Quincy. Kahit na ayaw niyang maniwala sa mga sinabi ni Terry, katulad iyon ng mga sinasabi ngayon ni Tia. Humina ang tiwala niya kay Dayton.Si Jackson na nabigong pigilan si Tia ay napansing mayroong mali. Sinubukan niya kaagad hilain palabas si Tia. “Miss Tia, huwag na kayong magsalita pa. Magagalit ang Young Master kapag nalaman niya ang tungkol dito.”Tinabig ni Tia ang kamay niya at sumigaw, “Huwag mo akong hawakan! Tumabi ka. Pwede mo ba akong hawakan?”Hindi pinansin ni Jackson ang pangmamaliit ni Tia
Nagkunwari si Quincy na hindi narinig ang mga sinabi ni Tia. Nabigla lang siya kung paano siya protektahan ni Terry,Sa hindi malamang dahilan ay sinimulan niyang pagkatiwalaan si Terry. Nilahad niya ang kamay niya rito at sinabing, “Tulungan mo akong makabalik sa kwarto ko.” Kailangan niyang huimiga. Nahihirapan na siya sa masasakit na contractions sa kaniyang tiyan.Tinulungan siyang makatayo ni Terry, pero nawalan siya ng balanse at natumba. Nasalo siya kaagad ni Terry at walang pag-aalinlangang binuhat. Saka siya nito nagmamadaling inakyat sa kaniyang kwarto.Mahirap para kay Quincy na maglakad ngayon. Wala siyang ibang nagawa kung hindi hayaan si Terry na buhatin siya.Sinigawan sila ni Tia matapos makita ang kanilang ginagawa. “Walang hiya talaga kayo! Hindi na kayo nag-aabalang magpanggap ngayon, ano?” Bakit sila nagyayakapan?!Dinala siya ni Terry sa kaniyang kwarto at tinulungan siyang makahiga. Pinapunta na rin ni Jackson ang doktor.“Doktor, tulungan niyo ako. Kumusta
Gusto ni Dayton na hindi kailanman makaalis si Tia sa islang iyon. Kung hindi, papatayin niya ito.Nagmamadaling lumabas ang doktor mula sa examination room at sinabi sa kaniya, “Nagpapakita ulit ng senyales ang Young Madam ng miscarriage. Kritikal ang kondisyon nila ng bata ngayon. Bukod sa pagsubok na palakasin ang kapit ng bata, kailangan naming obserbahan palagi ang Young Madam. Kung mayroong anumang problemang lalabas, kailangan namin siyang isailalim sa Caesarean section at ilabas ang bata.”Nanginig ang katangkaran ni Dayton nang marinig niya ang sinabi ng doktor. “Hindi pa umaabot sa due date ang bata!”“Naiintindihan namin, pero wala kaming ibang magagawa kung hindi ilabas ang bata nang premature kung kakailanganin. Kailangan natin silang panatilihing ligtas pareho,” Sabi ng doktor.Nagsalubong ang mga kilay ni Dayton habang nagdidilim ang paningin. Tinikom niya ang mga labi at nanatiling tahimik. Kailangang maging ligtas ng Quincy at ng anak nila.Kaya naman, kailangang
Pinantayan ni Quincy ang tingin ni Dayton. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang napakabigat na ekspresyon sa mukha nito.Bahagya siyang ngumiti at sinabing, “Oo naman, naniniwala ako sa iyo. Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang tatay ng batang nasa sinapupunan ko.”Niyakap ni Dayton si Quincy habang kumikinang sa galit ang kaniyang mga mata. Nararamdaman niya ulit ang kagustuhang patayin si Tia.Kahit na hindi niya ito patayin, kahit paano ay kailangan niyang busalan ang bibig nito. Sa gayon, hindi na ulit nito magagawang sabihin ang mga kalokohan na iyon!Sumandal sa mga braso niya si Quincy habang unti-unting naglalaho ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mabigat ang kaniyang puso.Kahit na walang anumang malaking pagbabago sa emosyon ni Dayton, nararamdaman niya pa rin na iba ang inaakto nito ngayon.Halatang mas naging malamig ito matapos niyang magtanong tungkol sa sinabi ni Tia.Dahil dito ay naghinala siyang mayroong katotohanan ang mga sinabi ni Tia.Ngayong naisip niya ito,