Malakas na enerhiya ang pumuno sa katawan ni Quincy nang tabigin niya ang kamay nito. Marahil natamaan nita ito nang sobrang lakas, o marahil sinadya niyang isabit nang maluwag ang tuwalya sa kaniyang balakang. Nang tinanggal niya ang kamay nito, natanggal din ang tuwalya sa kaniyang ibabang katawan! Ang hangin sa pagitan nila ay biglang lumamig.Tumitig si Quincy sa kaniyang pangibabang katawan at bumalik din sa kaniyang katinuan. Pinikit niya ang kaniyang mata agad!Bwisit! nakakasira ng mata!"Sinasadya mo ata itong gawin!" Siya ay galit at nahihiya rin. Ang kaniyang mukha ay biglang namula.Ngumiting pa-inosente si Dayton at tinanong, "Paano mo ako masisi kung ikaw naman ang nagtanggal ng tuwalya?""Magsuot ka na ng damit mo!" Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Pero, ang utak niya ay puno ng mga litrato ng nakita niya kanina.Tumawa siya nang mahina at tinanong, "Bakit ka nahihiya? Mag asawa tayo. Meron din tayong anak. Matagal mo na bang hindi nakita ang katawan ko?Hind
Patuloy na tinititigan ni Quincy ang dokumento. Ang galit sa loob ng puso niya ay unti-unting nagiging isang malaking silakbo."Dayton Night, sinadya mo ito, tama?" Nagwala na rin siya sa galit sa harapan nito. Hindi na nakapagtataka kung bakit wala itong reaksyon sa lahat ng ginawa niya. Hinayaan pa nito na harangin niya ang lahat ng projects at pahirapan siya.Nagkibit-balikat si Dayton habang inosente ang ekspresyon sa mukha. "Sinabi ko na sa iyo noong una pa lang na ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Hindi ba't ginagawa ko ngayon ang hiling mo?""Bakit hindi mo sinabi sa akin na mayroon akong parte sa kumpanya?""Sinabi ko na sa iyo na mag-asawa pa rin tayo. Dahil kasal tayo, pagmamay-ari natin ang parehong mga ari-aruan." Huminto siya sandali bago idagdag, "At saka, pagmamay-ari nating dalawa ang kumpanyang ito simula nang magpakasal tayo. Hindi mo ba alam iyon?"Syempre ay hindi maiisip ni Quincy ang ganoong bagay.Noon ay niloko siya ni Dayton para magpakasal sa kaniya p
Kawalan din ng mga directors na ito ang kawalan ng kumpanya.Hindi na sila masaya sa pinapakita ni Dayton. Kung hindi pa rin nito aayusin ang operasyon ng kumpanya, pag-iisipan nilang pagbotohang paalisin sa board si Dayton."Mayroong malaking mangyayari sa kumpanya, pero hindi ito masamang bagay." Tiningnan niya ang kaniyang secretary na nakatayo sa likuran niya at sinenyasan ito na buksan ang pinto ng conference room. Pagkatapos bumukas ng pinto, pumasok si Quincy."Miss Quincy?!" Mayroong napasigaw. Ilan sa mga matatandang director ng kumpanya na nasa meeting ay mga kaibigan ng tatay niya. Kilala siya ng mga ito.Simula nang pakasalan niya si Dayton, walang anumang masabi ang mga matatandang director na ito kay DaytonPagkatapos nito, nalaman nilang nawawala siya. Kahit gaano man sila naaawa sa pamilya niya, wala silang magagawa. Nakabalik na siya ngayon. Hindi alam ng mga matatandang director na ito kung dapat ba silang maging masaya o mag-alala. Pumasok si Quincy sa k
Napakahinahon ni Dayton. Hinayaan niya na maging chairwoman si Quincy ng kumpanya at hindi siya galit na tinanggal siya nito kaagad sa pagiging presidente!Hinihintay siyang magsalita ng board of directors. Gayunpaman, tiningnan ni Dayton si Quincy bago sumagot sa kanila, "Dahil iyon ang desisyon ng bagong chairwoman, tatanggapin ko ito."Umingay ulit ang buong conference room dahil sa sinabi niya. "Sa tingin ko ay napag-usapan na nila ito. Tanggapin na lang natin. Hindi importante ang mga opinyon natin.""Hindi nila sineseryoso ang mga matatandang directors…" "Hayaan mo na, kumpanya nila ito. Wala tayong masasabi tungkol dito.""Sa tingin ko ay tayo dapat ang umalis." Siyempre ay hindi kayang tanggapin ng board of directors na si Quincy ang naging chairwoman pagkapasok pa lang nito sa kumpanya. Plano pa nitong pamahalaan ang kumpanya sa pamamagitan ng pagiging presidente. Nabigla si Quincy sa kung gaano kadaling sumusunod si Dayton sa mga kondisyon niya. Sa kaibituran ng p
“Huwag mong subukan banggitin ang anak natin. Mahirap para sa kaniyang tumira kasama ka." Nagalit siya sa kaniya nang maisip niya ang autistic presentations ng kaniyang anak."Hindi mo ako masisisi sa ganiyan. Kulang siya pagmamahal ng isang ina mula pagkabata. Kalaunan, magiging iba siya sa mga ibang bata."Ngumisi si Quincy at tinatanong, "Sa ibang salita, sinisisi mo ako kung bakit siya naging ganiyan?""Oo, ikaw ang may malaking responsibilidad ukol dito."Ayaw na ni Quincy makipag-away pa sa kaniya. Palagi naman itong walang hiya at matigas ang ulo."Terry, pumasok ka," tinawag niya ito upang papasukin. Itinulak ni Terry ang pinto at pumasok. Kinuha niya ng shotgun mula sa bulsa niya at itinututok kay Dayron nang makita niyang nakakulong ito sa kaniyang mga braso. "Pakawalan mo si young miss." Tinignan lamang ni Dayton ang nguso ng baril, na nakatutok sa kaniya, nang hindi ito iniisip. Hindi siya nagpakita ng kahit anong intensyon na pakawalan si Quincy.Kung tutuusin, g
"Young Master, susuko ka na lang ba nang ganito? Sa inyo ang kumpanyang ito," Galit na sabi ng kaniyang tauhang si Johnny.Inalis ni Dayton ang kaniyang tingin sa entrance ng kumpanya matapos marinig ang sinabi nito. Malamig siyang tumingin sa direksyon ng passenger seat at tinanong, "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatan magkomento tungkol sa buhay ko?""Sinusubukan ko lang ipagtanggol kayo. Kababalik lang ni Young Madam… Bakit nagiging sobrang walang galang niya sa inyo?" Nagagalit si Johnny sa ginagawa ni Quincy.Kasabay nito, hindi niya ito maintindihan. Hindi kailanman sumuko sa sino man ang Young Master. Siya ang palaging nang-aapi ng iba. Walang sino man ang makakagawa nito sa kaniya.Gayunpaman,hinahayaan nito ang Young Madam na gawin ang gusto niyang gawin ngayon… Nanigas ang ekspresyon ni Dayton. Bigla siyang umubo. Palakas nang palakas ito. Kinuha niya ang kaniyang panyo at tinakpan ang kaniyang bibig, pero nalalasahan niya pa rin ang mapait na lasa ng dugo na dumadaloy
Nairita si Yvonne sa inaasta ni Dayton. "Pwede mo bang seryosohin ang sakit mo? Kapag sumuko ka sa sarili mo, hindi kita magagamot."Kahit ano pang galing ng medical skills niya, hindi niya magagamot ang isang pasyenteng ayaw sumunod sa sinasabi niya.Patuloy pa rin siyang nginingitian ni Dayton. "Sige, naiintindihan ko. Makikinig ako sa iyo.""Palagi mo iyang sinasabi." "Makikinig na talaga ako sa iyo ngayon.""Hindi ako naniniwala sa iyo." Nawalan na siya ng tiwala kay Dayton.Nagkibit-balikat si Dayton at nagtanong, "Anong kailangan kong gawin para maniwala ka sa akin?"Pagkatapos mag-isip nang ilang sandali, sinabi ni Yvonne, "Para maalagaan ka, lilipat ako sa bahay mo para mas madali para sa akin na bigyan ka ng acupuncture treatment at mabantayan ang kondisyon mo habang iniinom mo ang mga gamot mo. Mga isang buwan akong titira rito." Halata sa mukha niyang hindi siya nagbibiro. Sandali itong pinag-isipan ni Dayton at sinabing, "Pwede kang lumipat kung gusto mo. Maraming
Pumasok si Quincy sa loob ng kwarto, at kaagad na tumakbo si Little Cupcake palapit sa kaniya. “Mommy, nagkasakit ulit si Sirius. Sobrang init niya. Dalhin na natin siya kaagad sa ospital.”Makikita ang pagkataranta sa mukha ni Little Cupcake. Labis siyang nag-aalala para kay Sirius.Hinawakan ni Quincy ang ulo ng anak na babae at lumapit sa kama ni Sirius. Namumula ang mukha ng anak niya. Natutulog ito.Hinawakan niya ang noo nito. Napakainit nga nito!“Miss Lindsay, ihanda niyo na ang lahat ngayon. Dadalhin ko siya kaagad sa ospital.” Nangamba rin si Quincy.Kumuha ng ilang damit si Miss Lindsay upang makapagpalit si Sirius. Saka ito kinarga ni Quincy palabas ng bahay.“Mommy, gusto ko rin sumama sa inyo sa ospital. Gusto ko kayong tulungan na alagaan si Sirius.” Hinabol siya ni Little Cupcake.Tiningnan ni Quincy ang anak. Hindi niya tinanggihan ang alok nito. “Sige.” Alam niyang hindi rin papayag si Little Cupcake na manatili sa bahay kahit na sabihin man niya.Nag-impake s