“Dad, pinapayagan mo ba si Simon na pakasalan ang ganitong babae?” Bumaling ang kaniyang tingin kay Douglas.Walang emosyong tiningnan ni Douglas si Sharon. Hindi niya magawang matanggap ang daughter-in-law na ito, ngunit siya ang ina ng bata. Kung tatanggi siyang tanggapin ito, kailangan niya bang hayaang tumira sa ibang lugar ang bata?Hindi na nagsalita pa si Douglas, kaya’t ang kaniyang pananahimik ay nagpapahiwatig ng pagsang-ayon.Wala ng maisip pa si Fiona at galit na sinabi kay Simon, “Sige sige… maghintay lang kayo at makikita niyo. Lolokohin ka rin niya balang-araw, at magsisisi ka rin!”Hindi na nakapagpigil pa si Sharon nang marinig ito. Lalo na nang malaman niya mula kay Sally na noong araw ng kasal nila ni Howard, hinayaan ni Fiona na ilabas ang mga larawan. Si Fiona ang taong sumira sa kaniyang reputasyon!Ngayon ay malakas pa ang loob nitong siraan siya!“Madam Lionel, bawiin niyo po ang sinabi niyo, inosente ako at hindi kailanman niloko si Howard.” Malamig na ti
Busog na busog si Sebastian. Hinaplos nito ang kaniyang lumobong tiyan. “Mommy, parang pakwan po ba ang tiyan ko?”Hinawakan din ni Sharon ang kanyang tiyan, namamangha. “Sinong nagsabi sayong kumain nang ganoon karami?”“Sobrang sarap po ng pagkain, hindi ko mapigilan.” Hinimas ng bata ang tiyan nito. Kung hindi siya sobrang busog, kakain pa siya nang marami.“Mommy, sobrang sarap ng pagkain kila Dad.” hindi mapigilang dumaing ng bata.“Kung ganoon, kapag tumira ka na dito sa susunod, pwede kang kumain ng maraming masasarap na pagkain araw-araw,” biglang sabi ni Simon.“Tama iyon. Dito ka na lang tumira, sasabihin ko sa kasambahay na maghanda ng kwarto para sa iyo.” Kaagad na inutusan ni Douglas ang isang butler para asikasuhin ito.Tiningnan ni Sebastian ang kaniyang Mommy, naghihintay ng pagsang-ayon,” Dito po ba tayo titira?”“Well…” Tiningnan ni Sharon si Douglas, pagkatapos ay si Simon. Plano naman nilang patirahin dito ang bata, tama?Si Simon pa rin ang ama ng bata. Kai
“Pumasok lang ako para maligo at nakalimutan kong dalhin ang mga damit ko sa…” Paliwanag niya rito.Gayunpaman, nang makitang wala itong intensyong huminto at papalapit pa rin sa kaniya, kinakabahan niyang sinabi, “Huwag… huwag mong subukan… Kahit na nakuha na natin ang certificate, pekeng kasal lang iyon. Kapag hindi mo sinunod ang kasunduan at mayroon kang ginawang anuman sa akin, pwe… pwede tayong magdivorce kaagad…”Tila wala ni isang narinig na salita ang lalaki mula sa kaniya, at napilitan siyang sumandal sa pader. Nang wala na siyang espasyong matatakasan pa, tinulak ng lalaki ang kamay nito paharap, nasa gitna siya ng mga braso nito.Pinalibutan siya ng panlalaking hininga. Namamanhid ang kaniyang anit habang napupuno ng pagkataranta ang kanyang mga mata. Nagbabanta niyang sinabi, “Simon, binabalaan kita…”Mapagmalaki siya nitong tiningnan at malamig at kalmado ang boses na nagsalita,”Mrs. Zachary, ipinapaalala ko lang sayo na kwarto ko ito.” Kaya naman pwede siyang pumaso
Nagtataka si Simon kung anong nangyayari sa sarili. Habang tinitingnan niya ang peke nitong ngiti, naningkit ang kanyang mga mata.. Bigla niyang hinawakan ang baba nito. “Mrs.Zachary, kailangan mo pa rin masanay sa akin.”Naalarma si Sharon. Anong pinaparating niya?Tumingala siya upang makita ang panunudyo sa mga mata ng lalaki at napagtantong sinasadya niya ito. Intras niya ang maliit niyang mukha. “Ikaw…” Nang itutulak niya na palayo ang lalaki, natulak pabukas ang pinto ng kwarto.“Tapos na ako, Mommy.” nagsuot ng cute na pajama si Sebastian matapos maligo at binuksan ang pinto.“Mommy.. Hmmm? Nandito rin si Dad?” nakita ng batang lalaki ang kanyang tatay at naghihinala itong tiningnan.“Anong ginagawa niyong dalawa?”Sumandal si Sharon sa pader, at hinaharangan siya ni Simon. Hindi nakatingin sa kaniya ang bata, at naalala niyang wala ni isang hibla ng tela ang mayroon sa kanyang katawan. Mabilis niyang tinulak ang lalaki nang nahihiya. Hinawakan niya nang mahigpit ang damit
Halos mabulunan si Simon sa isang pangungusap lang mula sa bata, at kaagad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay.Sinalubong ng batang lalaki ang kaniyang tingin nang walang takot at mapagmataas na sinabi, “Katabi ko matulog si Mommy ng limang taon, at matutulog akong katabi ni Mommy sa susunod na limang taon!”Tila mayroong ibang kinang ang mga mata ni Simon, at mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito.Hindi siya katakut-takot na ama sa mata ng batang ito?Nakikinig sa usapan lang sa usapan ng lalaki at mini-me nito si Sharon. Nang makitang halos nasasaktan na sa loob si Simon ng kaniyang anak, bahagya siyang namangha. Kung kilala si Simon bilang demonyo, ang anak nila ay tatawaging munting demonyo.Pinilit niyang ngumiti at tumahimik. Pagkatapos ay sinabi kay Simon, “Paano kung matulog na lang ako sa kabilang kwarto kasama siya?” Hindi naman niya naiisip na makisalo ng iisang kama rito.Tahimik siyang tiningnan ni Simon ng ilang segundo bago magsalita, “Walang aalis. Magtabi
Nang marinig ang tunog, lumingon si Sharon at saktong nakita ang pagbaba ni Howard mula sa kotse.Natigilan ang kaniyang mga mata. Pagkatapos, nakita niyang tinutulungan nitong lumabas si Sally sa kotse. Si Fiona ang huling bumaba.Maagang pumunta ang kanilang pamilya. Dahil ba nalaman na ng mga ito na kasal na sila ni Simon?Nakatitig lamang ang mga mata ni Sharon kay Sally. Hindi niya nakalimutan ang walang hustisyang kamatayan ni Manager Cook!Tinulungan ni Howard si Sally na pumasok sa bahay. Nang tumunog ang telepono nito, pumunta siya sa isang sulok upang sagutin ang kaniyang telepono at sinabihan si Sally at kaniyang ina na mauna ng pumasok sa kaniya.Matapos ang maikling usapan, tumalikod si Howard at hindi sinasadyang mapatingin sa damuhan. Nang makita niya ang pamilyar na mukha, biglang lumiit ang itim ng kanyang mga mata. Tumitig siya sa direksyon na iyon at hindi nakagalaw.Si Sharon? Anong ginagawa niya rito sa bahay ng mga Zachary?Hindi siya nasabihan ni Fiona tun
Lumakad si Sharon sa gilid nito at pumunta sa tabi ni Simon. Kumapit sa braso nito, at nagkunwaring close sila.Tumusok sa mga mata ni Howard ang eksena. Pinigilan niya ang galit at sumagot, “Tito, alam mo ba kung anong klaseng babae siya? Pero pinakasalan mo pa rin siya? Niloko niya ako noon at ipinanganak niya ang anak ng kung sinong lalaki. Hindi ba’t alam mo na lahat ng ito?”Tiningnan ni Sharon nang kalmado ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Bigla niyang naisip na hindi niya na maalala kung gaano ito kabait at kasigla sa kaniya noon. Bakit siya naging ganito?Nandidiri siyang tingnan ang Howard ngayon!Walang pagbabago sa ekspresyon ni Simon, ngunit bahagyang kumulubot ang kaniyang mga kilay. Matalim ang mga mata nito, “Howard, dahil tita mo na siya ngayon, kailangan mong maging magalang sa pananalita mo sa susunod.”Mayroong maliliit na yabag ang lumapit, kasunod ng isang batang boses. “Dad, Mommy, nandito pala kayong dalawa!”Tumakbo papalapit si Sebastian at inabot sa
Alam niya na ngayon na ang kaniyang lolo ay isang taong walang maglalakas-loob na galitin sa bahay na ito, kaya naman kailangan niya lamang na kampihan siya ng lolo niya sa lahat.Tiningnan ni Douglas si Fiona at seryosong sinabi, “Sige na, huwag ka ng gumawa pa ng gulo. Napakatanda mo na. Bakit ka nakikipagsagutan sa isang bata?”“Dad!” Naninikip ang dibdib ni Fiona sa galit. Sinasabihan na rin siya nito na matanda na siya. Matanda na ba talaga siya?Galit na umupo sI Fiona sa sofa. Mayroong madilim na kislap sa mga mata ni Sharon habang nakangiti at sinabi rito, “Fiona, madalas na makulit si Sebastian, huwag mo na lamang siyang pansinin.”“Sinong tinatawag mong Fiona? Huwag mong isipin na dahil pinakasalan ka ni Simon ay parte ka na ng mga Zachary!`” Mabilis na sagot ni Fiona.“Fiona, asawa ko siya, kaya’t natural lamang na parte na siya ng pamilya. Pakiusap ay maging mabuti ka sa kaniya at huwag mo siyang apiihin dahil lamang bago siya,” Kaswal na sabi ni Simon habang ang mga k