Share

Kabanata 78

Habang sinusubukan ni Sharon isipin ang susunod niyang gagawin, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Isang bata ngunit masayang boses ang narinig, “Mommy… Nanalo ulit ako kay lolo!”

Tumakbo papasok sa kwarto si Sebastian, tuwang-tuwa, at nang makita nito ang mga magulang na magkayakap sa sofa, biglang itong natigilan. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat habang tinitingnan ang dalawa, at sa sumunod na sandali, sumigaw ito at tinakpan ang mga mata.

Hindi inasahan ni Sharon na biglang papasok ang kaniyang anak sa kwarto at makita sila sa ganitong sitwasyon. Kahit na hindi naman intimate ang aktong ito, nahihiya pa rin siya.

Mabilis niyang itinulak si Simon at kumalas sa mga bisig nito. Lumapit siya sa kaniyang anak at nag-aalala ang tonong sinabi, “Anong problema? Bakit mo pinikit ang mga mata mo?”

“Masakit po ang mga mata ko.” Nakatakip pa rin ang mga kamay ng bata sa mata nito.

Kinabahan si Sharon. “Masakit? Hindi ba’t ayos ka lang naman kanina? Bakit biglang sumakit? Tingnan ko.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mira Jane Bugnay
ahhaha parang wla katapusan yung babasahin cguro matagl din malalaman nila na c sally yung demonyo hahah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status