“Anak ka ba sa labas? Hindi ka ba niya tinatanggap bilang totoong apo niya kaya wala kang posisyon sa kompanya ninyo at kinakailangan mong buhayin ang sarili mo nang walang tulong niya? O itinakwil ka niya?” walang
prenong usisa niya dito.
Hindi kasi siya naniniwala sa mga paliguy-ligoy na usapan. Kung may gusto siyang malaman, tatanungin niya ng diretsahan. Para bawas misunderstanding at bawas din sa aksaya ng panahon.
Matabang na tinignan siya nito. “Why don’t you try asking me all the questions bugging you? Huwag mo nang isipin pa ang manners, pagiging magalang o pagrespeto sa personal na buhay ng taong bagong kakilala mo pa lang. Go on, ask what you want to ask,” puno ng sarkasmong anito.
Kung inaasahan nitong mapapahiya siya sa disimuladong pagkastigo nito ay bigo ito.
“I am asking. Pero hindi ka naman sumagot. Oh, never mind! Ihatid mo na nga lang ako pauwi,” aniya bago nagpatiunang maglakad patungo sa front steps ng restaurant.
Saka na nga lang niya ito uusisain. Sa ngayon mas mahalaga sa kanya ang makapagpahinga na.
Maagap na hinawakan naman siya nito sa braso. His hand was firm but not too tight. Animo kalkulado na nito ang sapat na lakas na gagamitin para hindi makakawala dito
ang bihag nito at hindi rin naman makasakit.
“What the hell are you doing?!” gilalas na lingon niya dito.
Sabay piksi ng braso niya para pakawalan nito. Pero nanatiling mahigpit na nakahawak ito sa kanya.
“I’m your bodyguard, lady, remember?” anito sa tonong animo isang Grade one student ang kausap.
“Hindi ako ulyanin! Alam ko iyon pero hindi pa rin ibig sabihin niyon ay pwede mo akong basta na lang hawakan!”
“I will if I have to. Hindi ka pwedeng basta na lang maglakad pauna sa akin nang hindi ko pa natitiyak na walang panganib na naka-abang sa harapan mo,” paliwanag naman nito.
Binitawan din naman siya agad nito matapos nitong walisin ng tingin ang harapan ng restaurant at isa-isang
titigan ang mga taong naroon.
Eksasperadong naiikot niya ang mga mata.
“Can we spell paranoid, kids? R-A-V-I-N. Paranoid!” sambit niyang sinamahan pa ng palakpak.
Saka taas-noong muling nagpatiuna ng lakad dito.
Mas malala pa ito sa kanyang ama na siya lang naman talagang may ideyang ikuha siya ng bodyguard. Dahil lang sa ilang anonymous and threatening letters at packages na ipinapadala sa kanya ng isang taong walang maggawa sa buhay nito.
Sa tingin kasi niya ay hindi naman talaga balak
totohanin ng taong iyon ang mga pagbabantang nakalagay sa mga sulat nito. Maging ang pag-i-imply niyon ng masamang balak laban sa kanya sa tatlong packages na ipinadala nito sa mismong bahay nila. Isang box ng patay na pusa at daga, lason para sa mga peste at manyikang duguan at walang ulo.
Katwiran niya, kung gusto talaga siyang saktan ng praning na iyon, hindi na siya nito dapat binabantaan pa. Bukod doon, minsan na rin kasi niyang naranasan ito noong aktibo pa siya sa showbiz. Para lang matuklasang gawa-gawa lang din pala iyon ng kanyang talent manager na si Bobit, para makalikom ng free publicity para sa kanya.
Inakala naman ng press na alam din niya iyon kaya tuloy katakut-takot na pangungutya ang inani niya nang lumabas ang totoo. Kumalat pang kaya niya daw ginagawa iyon ay dahil natatakot siyang papalaos na siya. Gayong ang totoo ay nagbabalak na siya nang mga panahong iyon na talikuran ang showbiz.
At ngayon, heto na naman ang mga death threats kuno sa kanya. mga pagbabantang tingin niya ay gawa-gawa lang na naman ng dating talent manager niya. Eksakto kasing kino-contact na naman siya nito upang subukang kumbinsihing bumalik sa showbiz nang magsimulang magsidatingan ang death threats sa kanya.
Pero bigo ito kung inaakala nitong ipangangalandakan niya sa publiko ang tungkol doon. She is satisfied with her life right now. Hindi na niya kailangan pang bumalik muli sa loob ng fish bowl na natakasan na niya.
*******************************************************************
Ravin could feel a headache coming habang ini-start niya ang kotse ni Shebbah Marie Larkin. Who was otherwise known as just Shebbah when she was still the adorable child star turned bratty teen star turned diva actress.
Kung hindi lang niya naibigay na ang salita niya nang pakiusapan siya ng lolo niya at ni Hetty na ilayo muna sa San Isidro ang dalaga, malamang hindi na siya kusang nagpakilala pa dito kanina sa loob ng restaurant.
Base sa mga narinig niyang pag-uusap nito at ng ka-date nito kanina, hindi exaggeration ang mga kwento ni Hetty ukol dito. Shebbah was indeed a pure-blooded spoiled rich girl! Malayo sa hitsura nitong animo diwata sa kagandahan ang bibig nitong walang singtalim.
Aminado siyang kung siya man ang nasa posisyon nito at si Ervic Solis ang ka-date niya ay malamang ganoon din ang gawin niya sa lalaki. Pero bago pa iyon ay saksi siya kung paano nito ihawin ng nagbabaga nitong dila ang ego ng lalaki.
It was no wonder someone was stalking her and threatening to kill her. Malamang isa iyon sa mga nabiktima ng espada sa talim nitong dila.
Hindi nga niya maunawaan kung bakit naisip ng lolo niya na mabait, malambing at matalino daw ito. Hindi niya makita iyon dito. Ang mas nakikita niya ay ang mga isinumbong ni Hetty sa kanya na ugali nito.
She was spoiled and vain with the tounge of a shrew. Bagamat hindi rin naman niya lubos na pinagkakatiwalaan lahat ng mga sumbong ng dating nobya. Sapagkat batid din niya na isang malaking hadlang ang tingin nito sa anak ng fiance nitong anim na taon lang ang tanda nito.
Kaya nga hindi na siya magugulat kung malalaman niyang ideya nito at hindi ng ama ni Shebbah na si Tom Larkin, ang pagpapasama kay Shebbah sa kanya sa Isla Fuego. Swerte lang nito at may valid reason itong maggagamit para mawala sa landas nito pansamantala ang dalaga habang inaasikaso pa nito ang kasal nito kay Tom.
“Wala ka bang idea kung sino ang maaring nasa likod ng death threats na natatanggap mo?” untag niya kay Shebbah na prenteng nakaupo na sa backseat ng kotse at tila naghahanda para matulog.
Tila eksasperado na sa topic na iyon na iniikot nito ang
mga mata.
“None.”
“Sigurado ka? Wala ka bang naka-away nitong mga huling buwan?”
Bahagyang natawa naman ito.
“Ang mas dapat mong tinatanong ay ilan lahat-lahat ang mga naka-away ko hindi lang nitong nagdaang mga buwan kundi nitong nagdaang mga taon,” anito.
Umarko naman ang mga kilay niya.
“Ibig sabihin ganoon ka kamaldita?”
Hindi mahirap paniwalaan iyon. Lalo pa at kung aalalahanin niya ang mga intrigang ipinukol dito noong nag-aartista pa ito. It wasn’t that she was a troublemaker. Ang totoo paborito daw ito ng mga direktor at producer dahil very professional ito at miminsan lang kailanganing mag-
take two.
Ang totoo bago pa ito mag-twenty ay naka-tatlong Best Actress awards na ito dahil sa husay nitong umarte.
Marunong din itong tumanaw ng utang na loob sa mga fans nito. Kaya kahit may image ng pagiging maldita sa costars ay dagsa pa rin ang nanghinayang nang ipasya nitong talikuran ang showbiz na buong buhay na nitong kinalalahukan.
Pero ang hindi nito ginagawa ay ang makipag-plastikan sa mga kasamahan sa industriya. She was not an ass-kisser, so to speak. Prangka ito sa dilang prangka.
Kaya maraming nakakabanggang mga kapwa artista o press people. Dahil hindi ito marunong magsinungaling ukol sa mga nakakasama. Hence the label she earned as the Bitch
Princess.
“Yep. And proud of it!” tugon naman nito.
“Bakit pakiramdam ko ay hindi mo masyadong siniseryoso ang bantang ito sa buhay mo?” kunot-noong untag niya dito.
Buong akala niya kapag nagkatagpo sila nito ay kakikitaan niya ito ng kaunting pagbabawas sa katarayan at ere nito sa katawan. Pero sa halip, tila ni hindi man lang ito natatakot sa kaalamang may taong matindi ang galit dito. At
nanganganib ang buhay nito dahil doon.
“Kasi hindi naman talaga dapat seryosohin iyon. Sa tingin ko, gawa-gawa lang iyon ng dating manager ko. Kahit ano pang tanggi ang gawin niya doon,” tugon nito.
“At paano kung mali ka?”
Nagkibit-balikat ito.
“And if not him, then a disgruntled person who has nothing to do with his time but bore me with his silly threats. Para namang matatakot niya ako. Hah! Goodluck sa kanya!” she smirked.
“Sabi ng Dad mo ay pinadalhan ka ng lason, duguang manyika at patay na pusa at daga ng taong iyon. May kasama pang sulat ang mga iyon na nagsasabing iyon ang mangyayari sa iyo sa susunod. Hindi lang basta pananakot iyon kundi malinaw nang pagbabanta sa iyo.”
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa