“’Yung tricycle, Giacomo!” impit na tili ni Elizabeth sa nagmamaneho ng kotse niyang binata.
Muntik na nitong mahagip ang sinusundan nilang tricycle nang bigla nito iyong i-overtake. Madasalin siyang tao pero ngayon lang yata niya naranasang madasalan lahat ng santo sa loob ng kalahating minuto. Sa uri kasi ng pagmamaneho ni Giac, may kutob siyang hindi sila makakarating ng alas-otso sa opisina. Makakarating sila ng alas-otso uno sa morge matapos sila nitong mapatay pareho sa uri ng pagmamaneho nito.
Madulas pa naman ang kalsada dahil sa pabugso-bugsong ulan.
“Whoa! Wait, wait! Are you really serious about this?!” sambit ni GIAC.“About not wanting you to drive for me again? Yes! Dahil ayoko pang mamatay bago ako mag-treinta!”“No!” bulalas nito. Nangunot ang noo at minasdan siya na animo nayayamot na. “Ang ibig kong sabihin seryoso ka talagang susundin ang utos ni Lolo Nemo word for word? Kahit ang tungkol sa hindi ako pwedeng gumastos mula sa sarili kong pera sa loob ng tatlong buwan?! Come on, Lizzie! “Makipag-cooperate ka naman sa akin. I can’t survive on that measly salary you’re going to give me! Lolo Nemo will not
“No, no, no! Giac, hindi higante ang mga pakakainin mo. Liitan mo lang ang hiwa sa mga patatas,” umiiling-iling na utos ni Elizabeth sa binata nang makita niya ang malalaking piraso ng patatas na hiniwa nito para sa menudong iluluto niya. “Paano ba?” untag nito na ipinaubaya sa kanya ang kutsilyo at pumwesto sa tabi niya upang mamasdang maige ang tamang hiwang gusto niyang gawin nito sa mga patatas. “Ganito lang kaliliit. Pati ‘yung mga carrots, ganito lang din ang size,” aniya dito habang ini-slice ang mga patatas.
Bahagyang tumawa si Giac pero kahit sa tainga ni ELIZABETH, halata niya ang pagiging pilit niyon. Lumingon ito sa pamangkin niya. “Daily routine na iyon ng Tita mo, ang awayin ako. Anyway, kung gusto ninyo talagang tumulong, why don’t you guys set the table?” anito na inginuso ang dining room. “No!” malakas na protesta niya. Nang makita ang nagtatakang tingin sa kanya nina Sam at Curt dahil sa diin ng pag-hindi niya ay pinilit niyang ngumiti at tapunan ng sulyap si Giac.“Giac, you set the table. Boys, just go back to whateve
“Bloody hell! Seryoso ka ba, Pauleen?! Talagang inimbitahan niya lahat ng mga babaeng empleyado ng AserCo?!” hindik na hindik ang tinig at ekspresyon ni Giac habang kausap nito sa cellphone ang pinsan nito. Nagtatakang nagkatinginan tuloy sina Elizabeth at Sam bago sabay na sumulyap sa nakatayong pigura ng binata sa tapat ng pinto ng sala. Kasalukuyan silang nanonood ng DVD nang matanggap nito ang tawag ng pinsan nito. Mahigit dalawang buwan na itong nagtatrabaho under niya. Pero ngayon ay nagtatrabaho n
Sabay pang tugon nila kay Sam. Biglang nanlaki ang mga mata ng pamangkin niya. Bumakas ang panggigilalas sa anyo nito. Isang malawak na ngiti naman ang sumilay sa mga labi ni Giac. “See?! You’ve read my mind! You’re really perfect for the job!” “Right. And what do I get out of it?” matabang na aniya dito. Hindi pa rin buo sa sarili kung papayag nga ba siya sa ideya nito o hindi. Ngayon pa lang kasi ay nakikita na niya ang mga maaring kahantungan ng palabas na gusto nitong gawin. Isa pa ay
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n