Share

Chapter 4

Author: _Rannie_
last update Last Updated: 2020-10-03 23:31:05

"Suicide daw," bungad na sabi ni Sha Gomez. Jake's rumored girlfriend.

Dumako ang tingin nito sa akin. Sandaling pinagmasdan, kapagkuwa'y muli na namang napaiyak. Mugto ang mga mata nito, burado na rin ang make up.

Sana hindi nalang siya naglagay. She looks really awful. 

Lihim akong napailing.

Bukod sa pamilya Moralde na ngayo'y halos mahimatay sa kakaiyak, pansin ko rin ang ibang kaibigan ni Jake, kasama na roon ang mga demonyo. Nakikipag usap sa awtoridad at iilang taga media. 

"Natagpuan ang bangkay sa ilalim ng pangpang," rinig kong usal ng isang lalaki sa aking likod. 

Mabilis kong siyang nilingon. Sa ilalim ng pangpang? Paano? I tilted my head to the other side. Nakahilata ito malapit lang sa kanyang sasakyan noong iwan ko. How come-

"What are you doing?" may diin sa boses na tanong ni Fergus. 

"Sir?" 

Mula sa aking mukha, lumipat ang kanyang tingin sa kamay kong may benda. 

"What happened to that?" puna nito. 

"Ay...May nakapagsabi po kasing kapag sinuntok mo ang salamin sa eksaktong alas tres ng madaling araw, hindi raw ito mababasag," nagkibit-balikat ako at ngumiwi. "Sinubukan ko naman po... Hindi pala totoo."

Napangiwi na rin siya. 

Alam kong iniisip nitong ako na ang pinakabobo sa lahat. Ngunit hindi niya alam na siya pala talaga ang naloko, silang lahat... And that includes his family. Fuck them all for manipulating the evidences!

"Sumasakit na nga ang ulo ko dahil sa nangyari kay Jake, dumagdag ka pa," dismayado siyang napailing, saka walang paalam akong iniwan. 

"Dumagdag ka pa..." I mocked.

Inirapan ko ang papalayong likod nito. Kung wala lang sanang mga tao, kanina ko pa siya pinatay ng tingin. 

Pasimple ang aking pakikinig sa usapan ng mga tao sa paligid. Nagbabasakaling may makuhang magandang impormasyon. 

I'm with the criminals. They might put the topic about my family's grief, since they knew Jake was included in the crime eleven months ago. 

Lakad lang ako ng lakad, hanggang makarating sa tahimik na koridor. Aalis na sana, nang may maulinigang ingay mula sa loob ng isang eksklusibong kwarto. Bahagyang nakaawang ang pinto, kahit papaano'y malinaw kong naririnig ang pinag uusapan ng mga nasa loob. Kita rin mula rito ang ginagawa nila. 

"Burado ang lahat ng CCTV footage noong gabing iyon..." usal ng isang babae. Kaharap ang nakakatandang kapatid ng yumaong artista. 

Dahan-dahan akong lumapit, at nagtago sa likod ng malaking halaman. 

"Now I doubt if he really committed suicide. You know more than anyone that Jake cannot do that hon. He love his career, his life..." nasapo ng babae ang kanyang noo.

"The authority are now working on it. Sa ngayon, suicide muna ang kailangang ibalita sa lahat. You know we have to be careful. Alam mo naman kung gaano kahirap pagtakpan ang-"

Aksidente kong nasagi ang isang maliit na vase sa likod. Hindi ito tuluyang nahulog, ngunit nakagawa naman ng konting ingay. 

"Who's there?" kinakabahang tanong ng babae. 

Shit!

Bago pa man mahuli'y nagawa ko nang umalis sa pwesto. 

There's no way they'll get me! Babagsak muna silang lahat bago mangyari iyon.

Muli akong sumuong sa gitna ng mga nag iiyakang kaibigan at kamag anak ni Jake. Baka may makuha pang impormasyon. 

Base sa narinig, kumpirmadong may ginawa nga sila. Sigurado akong malaking halaga ng pera ang ginugol ng mga ito para pagtakpan ang nangyari. That is how these wealthy people spend their money. 

To cover their crap! 

"I never thought he can do such thing. He love his life!" 

"Hindi nga ako makapaniwala. He already had everything!" 

"Nag away daw kasi sila ni Sha. Hindi nakayanan ang sinabi ng kasintahan kaya ayun, tumalon." 

"Binawi raw ng direktor ang desisyon nitong gawin siyang bida sa gagawing pelikula."

Rumor...Rumor...Rumor. 

Marahas akong napabuntong hininga at bigong napailing. Wala akong makukuhang mahalaga sa kanila. 

Aksidenteng dumako ang aking tingin sa kabaong ni Jake. I am fighting the urge of walking towards him to see what he looks. Pero baka bigla itong dumilat at sakalin ako, malaman pa ng iba ang aking ginawa. 

That's a no, no. 

"Let's go," hindi na hinintay ni Fergus ang sagot ko. Hawak ang aking kamay, lumabas kami ng funeral.

Nakasalubong pa si Spencer, kasama ang assistant yata nito. 

Agad na nagtama ang aiming tingin. He was serious, ngunit may iba pa akong nakikita sa mga mata nito. Hindi nga lang matanto kung ano. 

"Bro," pinagsangka ng dalawa ang kanilang kamao.

"How was everyone?" 

"See for yourself," tipid na sagot ni Fergus, saka marahang tinapik ang balikat ng kaibigan. "We gotta go." 

"Your new?" makahulugang tanong ni Spencer, referring to me. 

"My assistant," pabalyang binitawan ng senyorito ang aking kamay. 

"I see..." his eyes pierced through me, but amusement was engraved on his mouth. 

Hindi na nagtagal pa ang demonyo. Agad itong nagpaalam upang personal na alamin ang sitwasyon sa loob. 

"Saan po tayo?" 

"You go home. Sa condo ako mamamalagi hanggang sa susunod na araw," Fergus firmly said. 

Dinukot niya ang kanyang pitaka sa bulsa at dumukot ng dalawang libo, kapagkuwa'y inabot sa akin.

"Hindi na kailangan ser. May pamasa-" 

"Just accept it," he cut me off. 

Nagtataka kong kinuha ang pera. What's gotten into his mind?

"Be careful on your way home," pahabol na sabi nito bago umalis. 

May nainom ba siyang pampabait sa loob? May narinig na nagpabago sa kanyang pananaw? Or is he planning on ending his life? Kaya ngayo'y nagpapakabait sa huling araw.

Ano ang iniisip mo Fergus? Kinagat ko ang aking pang ibabang labi. 

What is it to you then Kiesha? Let him kill himself! 

-

Nine-thirty in the evening. Hindi ko na mabilang kung pang ilang dako na ng tingin sa antigong orasang nakasabit sa itaas ng kabinet. 

Marahas akong napabuntong hininga at padarag na bumangon. Kanina pa nakahiga, ngunit hanggang ngayo'y hindi parin makatulog. 

I clearly heard what he said earlier. He'll be staying in his condo. Ngayon, bukas, at sa susunod na araw. 

I should be happy, kasi makakatulog ako ng maayos dahil wala ito. Walang manggugulo ng madaling araw para magpatimpla ng kape o magpaluto ng pagkain para sa gutom na sikmura.

He usually sleep very late. Gabi-gabing inaasikaso ang mga bagay-bagay tungkol sa negosyong pinamamahalaan. Business proposals, new project launching, letters for the investors, shareholder's approval, etc. 

I once asked him about the things he usually do 'till dawn. Sinasagot niya naman, may kasamang malulutong na mura nga lang. 

Anyways... Bakit ko ba siya iniisip? 

Muli kong itinumba ang sarili sa kama, pagkatapos ay pumikit. 

Linisin mo ang iyong isipan Kiesha. Matulog ka!

Breath slowly... Inhale... Exhale... Inhale... Urg, fuck! 

I jumped out of the bed. Dumiretso sa closet at basta-bastang dumukot ng damit. 

An oversized hoodie, paired with ripped jeans and black puma shoes. I tied my wig into a messy bun at naglagay ng konting lipstick. I look so pale, magmumukha akong bangkay na bumangon sa hukay kung walang kulay ang labi.

I took my phone out to see where exactly the devil was. 

"Lapu-lapu street..." 

Malayo kaya? Sandali akong napaisip, kapagkuwa'y nagpasyang lumabas upang puntahan ang senyorito. 

I'm actually not concern about him. I just wanted to check if he's still alive. Kung naghihingalo na, better bring him to the nearest hospital. 

He doesn't have the right to end his own life. Papahirapan ko pa siya! 

-

"Can you trace the devil's condo?" bungad na tanong ko kay Gee, nang sagutin nito ang aking tawag. 

"Okay..." inaantok niyang tugon. 

"Sorry for waking you up."

"That's totally alright with me Kiesh, you always got my back." 

"I love you..." 

Hindi ko narinig pa ang sagot nito. Siguro ay sinisimulan na ang paghahanap sa senyorito. This is what I like about having an intelligent friend. Pagdating sa ganitong problema, I always have her to help me. 

Kanina pa ako nakaharap sa building na itinuro ng aking telepono. Fergus was inside, but I don't know the exact floor. 

"Eighteenth floor. Right side," usal ni Gee matapos ang ilang sandali. 

"Okay... You're the best!" halos tumalon na ako sa galak. Maaasahan talaga siya... 

I ended the call and confidently strutted towards the entrance. Pakanta-kanta pa. 

"Saan ka po ma'am?" mabilis na humarang ang guwardiya. 

Hindi pa pala tapos ang problema. Humugot ako ng malalim na buntong hininga, saka plastik na ngumiti rito. 

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagdududa. Sino ba naman kasi ang hindi makakaisip ng iba kung ang babaeng kanina pa nakikitang nakatayo sa harapan ng binabantayang building ay bigla nalang lalapit? Nagkataon pang nakahoodie ako. I look like a psychopath in this. 

Well, mukhang ganoon na nga... Nasa unang lebel pa nga lang. 

"Magandang gabi po kuya. Nasa loob po ang-" 

"Ano po ang pangalan ma'am?" putol nito sa sasabihin ko. Pagkatapos ay hinugot sa lalagyan ang woki-toki. 

"Fergus Da Silva po," mabilis kong sagot. 

Sumenyas itong manatili, saka tumalikod. 

Nagkibit balikat lang ako, kapagkuwa'y sumandal sa glass window. I put my hands inside my pants pocket and looked up to the cloudy sky. Uulan pa yata. 

"Wala raw pong inaasahang bisita si Mr. Da Silva. Pwede ko bang matanong ang pangalan mo ma'am?" 

Mabilis kong binalingan ng tingin ang guwardiya. 

"Alga po. Dakilang alalay ni ser," I laughed a bit. 

"Teka lang po ulit," muli na naman itong tumalikod. 

Hanggang kailan ba ako tatalikuran nito? 

But I must commend how good this man was in doing his job. Ganitong klase ng tao ang dapat pinaparangalan. Totoo at dedikado sa trabaho. 

"Pwede na po kayong pumasok ma'am, sorry." 

"Ayos lang po kuya. Tama lang naman ang ginawa mo," bahagya akong yumuko. 

"Sa receptionist po muna kayo." 

Tinahak ko naman ang daan patungo sa tanggapan. Matamis na ngiti ng babaeng resepsyonista ang agad nabungaran. Magalang itong bumati, habang inaabot ang notebook na susulatan ko ng aking pangalan. It was for security purposes. Kung sakaling may mangyari, may listahan ng pangalan silang agad na mailalahad. 

Matapos ang ginagawa, hindi na ako nagtagal pa sa harap nito. 

Sinunod ang sinabi ni Gee. Eighteenth floor, right side. Iilang hakbang pa ang gagawin bago tuluyang makarating sa harap ng kulay abong pinto. Tatlong beses ko itong kinatok, at ilang beses na pinindot ang doorbell, para makasiguradong maririnig niya nga. 

The door opened. Revealing a man in white v-neck shirt and vicious eyes, that was directed right into me. 

Awkward akong ngumiti, saka itinaas ang kanang kamay. 

"Sabi ko na nga ba mahahanap kita," I waved hello. 

"How did you find me? I haven't given you this address," tanong nito sa baritonong boses. Nakahalukipkip siya, nakaharang ang malaking katawan sa pinto. 

"Nagpindot-pindot lang po ako sa telepono. Tapos asidenteng napunta sa gogol? Gogle? Gaggle? Basta 'yon po. Nagpindot-pindot lang ako ulit hanggang mabasa ang pangalan mo at address ng lugar na ito, " mahina akong tumawa. "Ang galing ko 

po 'diba?" 

He let out a deep sigh. Tumingala ito, problemadong hinilot ang sentido. 

"First of all, Google 'yon Alga. Pangalawa, hindi kita inutusang puntahan ako rito."

"Nag aalala lang po kasi ako sayo sir. Paano kung gusto mong uminom ng kape o nagugutom ka? Sino ang magsisilbi para sayo? Sino ang uutusan mong magluto? Paano kung bigla kang makaramdam ng lungkot sir? Kaso wala kang kasama. Baka maisipan mong-"

"I can cook..." he cut me off. 

"Oo, aaminin kong nalulungkot sa nangyari kay Jake, but I'll never kill myself dumbass!" marahas nitong pinitik ang aking noo. 

Napayuko ako, ganoon nalang lihim na pagmumura. That was painful! Hintayin mo lang na mapuno ako, I can't wait to see you suffer my dear...

"Anyway, paano mo nalaman ang eksaktong palapag ng condo ko? I told them not to tell you," he licked on his lips. 

"Kinatok ko po ang mga pinto sa baba. Tapos maswerte namang may nakakakilala sa iyo. Siya ang nagturong sa palapag na ito ka makikita," I proudly said. 

His brows furrowed. Nanatili lang itong nakatitig sa akin, while I remained acting as the naive Alga. 

"Sir hindi mo man lang ba ako papapasukin?" 

Para naman malaman ko kung saan magtatago o paano ang mabilisang pagtakas sa susunod na mapadpad rito. 

"Umuwi ka na. I'm alright without you," isisirado na sana nito ulit ang pinto, kaso mabilis kong hinarang ang katawan sa pagitan nito. 

"Sus si sir kunwari pa. Huwag ka na pong mahiya, ako na nga itong nagkukusa."

"Alga..." may halong pagbabanta sa boses niya. "I don't need you here," his eyes pierced through me.

"Ano po ang ibig sabihin no'n sir?" 

His loud and violent curses is what I heard next. 

"Sir palagi nalang po kayong nagmumura. Hindi daw po 'yan maganda..." ngumuso ako. 

Marahas itong napabuntong hininga, lantarang umirap, kapagkuwa'y isinarado ang pinto. 

"I really hate you..." bigo siyang napailing. Walang ibang nagawa kundi ang hayaan akong pumasok. 

"Umamin din po kayong kailangan nga ako."

Victory! 

I smiled even more at my own thought... 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Body In Exchange    Epilogue

    "A single lie discovered is enough to create doubt in every truth expressed, "-Life Hacks.Today is the day we are finally closing ties...For the business, of course!Aaminin kong lubos na naaapektuhan sa pakiusap nito. I used to love him, I actually still do. Hindi naman talaga siya nawala sa puso ko. Palagi siyang nandito, nag-iisang nakaupo sa trono.I once consider giving him my trust again, kahit imposibleng mabuo pa ang basag na parte. Pero naalala kong may desisyong nakaukit na pala sa isipan. At hindi na ito magbabago."You are finally getting married," bulong ni dad, habang naglalakad kami papunta kay Fergus."For the business," pagtatama ko rito.I silently scanned every details of my groom's face. I saw love and pain on his eyes as his gaze travelled down to my body. Tipid siyang ngumiti, maging ang mapangahas na

  • Body In Exchange    Chapter 50

    "Nasaan ka na?""Nasa aiport pa, kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko," mabilis na sagot ni Gee sa kabilang linya.I parked my lambo right in front of AF Enterprise's entrance. Isang valet ang agad dumalo. He opened the door for me and bowed a little."Good morning ma'am," he said in baritone.I shamelessly checked him out. Hair in clean cut, handsome face, masculine, tall and formal. He can be a model.Siguro ay bago pa lang siya sa kompanya, hindi ko ito napansin noong huling beses na naparito."Hey, are you still there?"Oh, I almost forgot my bestfriend."Yes, I am. Magkita nalang tayo sa club mamaya. May meeting pa kasi akong dapat daluhan. But don't worry, I sent someone there to fetch you.""Just make sure he's as handsome as my Zi."

  • Body In Exchange    Chapter 49

    "I want you to investigate on someone.""Wala man lang hi, how are you? Diretso utos agad? Tauhan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong ni Lorie sa kabilang linya.I met her at a club last week. Aksidente nitong nasabing isa siyang secret agent. Now, I am taking advantage of her skills."I'll pay you, don't worry.""Game! What I can do for you master?""Imbestigahan mo ang bagong tagasilbi namin. Ipapasa ko ang ibang detalye tungkol sa kanya," wala sa sarili kong kinagat ang aking hintuturo. I parted my legs wider and leaned backward."Ano ba ang napapansin mo sa kanya?""I saw her searching something on my room last time..."Muling bumalik sa aking alaala ang ginawa nito noong unang beses na tumapak sa kwarto ko. She saw me making out with Bella, pero hindi man lang natakot nang sigawan

  • Body In Exchange    Chapter 48

    *Fergus Da Silva*"Mabuti naman at nandito ka na. Palagi ka nalang late."Everyone's eyes darted on me. I licked on my lips and stared at Spencer coldly as I racked my fingers in my hair.Dumiretso ako sa tabi nito."It's better late than never.""As expected, may bago pa ba sa isang Fergus Da Silva?" si Kianna.Nagkatitigan kaming dalawa."Wala na," nagkibit balikat ako."Tutal, nandito na naman siya. Magsimula na tayo," anunsyo ni Ayesha, a common friend.Nagkasundo ang lahat na mag usap tungkol sa gagawing bakasyon. We are going to Isla Carmella this time. I don't know some details about the place, wala naman din akong pakialam. As long as I can have fun and can at least let my frustrations out, it's all that matters. Works and business has been stressing me out lately, I badly needed a t

  • Body In Exchange    Chapter 47

    "Nakasunod na po sila.""As expected, si Fergus 'yan e. Maghanda kayong lahat, huwag niyong hahayaang makatapak sila rito."Nagmamadaling nagsilabasan ang mga tauhan. Iniwan kaming dalawa ni Argus sa cabin ng kanyang yate. Nakatutok sa akin ang baril nito. Isang maling galaw, siguradong diretso sa ulo ko ang bala."Ang kalmado mo naman yata?" puna niya."Alangan namang magsisigaw ako rito, para saan pa't hindi mo rin naman pakikinggan," I rolled my eyes.Nandito na ako nang magising kanina. Nakatali ang mga kamay at paa, pinapalibutan pa ng mga pangit na alagad niya.Narinig kong nagkabarilan pa bago tuluyang makatakas ang grupo ng kalaban kasama ako. Gaya nga ng aking nahihinuha, walang kaming sapat na lakas kumpara sa kanila."No wonder why my brother chose to fight for you. Kakaiba ka naman pala," he smiled evilly."You're

  • Body In Exchange    Chapter 46

    "Bakit ang tahimik mo?" pabalya kong itinumba ang katawan sa lounger."Tanga, ikaw nga itong kanina pa tahimik diyan.""Ako ba?""May ginawa siguro kayo ni Fergus sa dark room kaya ka nagkakaganyan," itinaas baba niya ang kanyang kilay. "Nabitin ba?"Now I'm convinced, my bestfriend is back! Ganyan na ganyan siya kadiretsahan magsalita. Katulad ko lang.Hindi siya tulala, gaya ng kwento ni Zi at mas lalong hindi nanghihina.The Geline in front of me now, was the same woman I've known for years.Nagpapahinga lang pala ito sa gilid ng pool. Kaya hindi ko nakita sa kahit saang kwarto. Kung hindi pa dumako rito'y siguradong hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako."Walang nangyari 'no!" singhal ko."Narinig ko sa mga tagasilbi na may kinabukasang natamaan ka raw sa labas," s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status