DID SHE SUCCEED in removing Andro’s memories?
Iyan ang paulit-ulit na tinatanong ni Leticia sa sarili almost everyday. She wasn’t given the chance to see Andro. Hindi niya alam kung sinadya nitong huwag magpakita sa kanya dahil naaalala pa siya nito, o baka lumiban ulit ito sa klase. He seemed to be absent for the past few days. And it was all her fault.
Isang linggo ang lumipas simula nang burahin ni Leticia ang alaala ni Andro. At ipinangako niya sa sariling si Andro na ang huling taong hahawakan niya kahit anong mangyari. Siya na lang ang mag-aadjust para sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit gaano man ito kahirap.
Napabuntong-hininga siya.
Isinalampak niya ang headset sa tenga niya. She wanted to be relaxed. Patuloy ang pagsakit ng ulo niya nitong mga nakaraang araw. Maybe kailangan niyang mag-unwind at pumunta sa ibang lugar? Mag-travel kaya siya? Kukuha siya ng private car or magrerenta na lang. Marunong siyang mag-drive ng motorsiklo at four-wheel cars. May student license naman siya kaya hindi na iyon magiging problema.
Ang mga parents na lang niya. Kailangan niyang hingin ang approval ng mga ito. Masyado kasing protective ang mga ito pagdating sa kanya. Ayaw ng mga itong mawala siya sa paningin ng mga ito kahit isang araw lang.
Pumailanlang sa tenga niya ang isa sa paborito niyang kanta, habang abala naman ang mga mata niya sa pagtingin sa mga naglalaro frisbee sa ground.
Walang ano-ano’y isang estudyante ang humarang sa vision niya.
Napaigtad siya sa inuupuan.
Nakatayo ito sa mismong harapan niya, salubong ang mga kilay. “Masaya ka bang nakikitang parang tanga ang kaibigan ko, mangkukulam?” tanong nito. “Ang saya ng buhay mo, ano? Masaya kang nanonood dito, samantalang parang baliw naman si Andro sa bahay nila,” paratang nito.
“Sino ka? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” pagmamaang-maangan niya.
Akala niya wala ng lalaking magiging dahilan ng problema niya. Tapos na siya sa problema kay Andro. Dadagdag ba ang lalaking ito?
Humalukipkip ito. “Ah. So kailangan ko pa palang ipakilala ang sarili ko sa iyo ngayon? Pwes, para matahimik ka. Ako si Milo. Kaibigan ng lalaking kinulam mo. Saang bayan ka ba nanggaling at dinala mo ang pangungulam dito?” anito habang nagbabaga ang mga mata. “Hindi pa ba sapat ang mga kinulam mo sa bayan ninyo at naghanap ka pa rito?"
She could feel his anger directed to her. Kung makakapatay lang ang tingin, malamang matagal na siyang bumulagta sa ground.
“Excuse me. Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa sinabi mong iyan? Libel na iyan, Mister. Wala kang ebidensya. Before you open your dirty mouth, ibigay mo muna sa akin ang mga supporting documents. Hindi iyang kung ano-ano na lang ang sasabihin mo.”
Mariin niya itong tinitigan. Maputi ang lalaki at kasintaas yata ang isang poste ng kuryente. Basang-basa ang buhok nito ng pawis at hiningal nang kaunti.
“Sinungaling ka! Pangit ka na nga, ang sama pa ng ugali mo.”
“Excuse me? Kung makasabi ka ng pangit, parang ikaw ang pinaka-gwapo sa buong mundo. At sino bang may mas masamang ugali sa ating dalawa? Nananahimik ako rito. Ninanamnam ang vacant time ko, at heto kang susugod sa akin? Daig mo pa ang asal-kalye, a? Walang breeding.”
Naagaw ang tingin ng ibang estudyante at napunta sa kanilang dalawa. Wala naman siyang pakialam. Basta walang hawakan. Or hell will break loose.
Kung away ang hanap ng lalaking ito, mabilis lang naman siyang kausap. Ibibigay niya ang away na hinahanap nito. She was not the kind of woman na yuyuko na lang sa kahit na sinong lalaki kahit na sabihing si Andro ang kaibigan nito.
Ikinuyom nito ang mga kamay. Nanginginig ang mga iyon.
Inihanda ni Leticia ang sarili. Oras na saktan siya ng lalaking ito, sisiguraduhin niyang pagsisisihan nitong kinalaban siya nito.
“Walang comeback? Walang rebuttal? E, ano ka ngayon? Bago ka manghamon ng away, siguraduhin mo munang hindi ka matatamimi riyan.”
It was wrong of her to provoke him. Alam niyang hindi maganda ang ginawa niya, but then again, she also wanted to release some steam. And this man offered it. She will gladly accept it.
“Ibalik mo sa dati si Andro.”
Tumayo siya. “Hindi kita maintindihan. Diyan ka na nga.”
On the other hand, hindi na pala siya makikipag-away. Sayang ang clean record niya sa school. Baka mabahiran lang ng lalaking ito.
Hindi na niya i-i-entertain ang sinuman. Tama na ang gulong pinasok niya noong nakaraang mga araw. Ayaw na niyang dagdagan ang problema kay Andro.
Walang ano-ano’y hinarangan nito ang daraanan niya. At akmang hahawakan ang kamay niya ngunit mabilis siyang nakailag. Hindi nito pwedeng hawakan ang kamay niya.
Itinago niya ang dalawang kamay sa likuran.
Matalim niya itong tinitigan. “Anong ginagawa mo? Una, libel. Ngayon naman harassment? Hindi ka ba natatakot? Kayang-kaya kitang dalhin sa kulungan.”
Mabuti na lang naging mabilis siya. Kung hindi, kung hindi.
Hindi niya kayang i-imagine ang susunod na mangyayari. Bakit ba siya lapitin ng dalawang lalaking ito? She did not ask for any of this or their attention. Gusto lang niyang bumalik sa dating set-up noon kung saan komportable siyang nakaupo sa likod ng classroom nila habang nakikinig sa lectures ng mga professor.
“Ngayong nabiktima mo na siya, tatakas ka na? Napakaduwag mo.”
Mas tumalim pa ang mga mata niya. “Dahan-dahan ka sa paratang mong iyan. Huwag na huwag mo akong kakalabanin. Hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari.”
Ilang pagbabanta ba ang gagawin niya para tigilan siya ng lalaking ito? This guy had no idea how much he was in danger by just surrounding her.
“Go ahead. Gawin mo ang gusto mong gawin sa akin. Tutal naman doon ka magaling. Pero, kailangan ko munang mabigyan ng katarungan ang nangyari sa kaibigan ko.”
“Anong pinagsasabi mo, lalaki? Hindi nga kita maintindihan. Wala akong nakitang mali kay Andro. He looked fine to me. Open your eyes para makita mo ang sinasabi ko.”
Kung makapagsalita ito, para bang pinatay niya si Andro. Na hindi niya ginawa. May konsensya pa namang nalalabi sa puso niya sa kabila ng mga masasakit na salitang binabato ng mga tao sa kanya. Binura lang niya ang alaala nito na may kinalaman sa kanya at kay Felipe.
Tinuruan pa rin siya ng magandang asal ng kanyang mga magulang. Kahit gaano man ka walang modo ang taong nasa harap niya, kailangan pa rin niya ang pagtitimpi.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Kung sa pisikal wala pero dito,” anito sabay turo sa utak nito, “Mayroon. Simula nang pumunta ka sa bahay nila, nagbago na siya. Alam mo bang basta-basta na lang siyang umiiyak sabay sabing wala siyang kasalanan? Na hindi siya si Felipe? Araw-araw niya akong tinatawagan para sabihin iyon!”
Nagkaroon ng bulong-bulungan sa mga estudyante. They were careful that they would not hear anything they said.
Nanlamig siya.
H-hindi siya nagtagumpay? Naaalala pa rin ni Andro ang tungkol kay Felipe? Ang tungkol sa kanya? Hindi na dapat mangyari iyon. Pwera na lang kung nagkamali siya? Na hindi effective iyong ginawa niya?
Hindi. Hindi pa siya nagkakamali. Kung ganoon, ano? Bakit nangyayari pa rin iyon kay Andro? May kulang pa ba?
Malapit na ang isang buwan matapos niyang hawakan si Andro. Ilang araw na lang at baka magmistula itong baliw. Malilito ito sa dalawang katauhan, si Felipe at ang sarili nito. Hindi na nito kayang i-differentiate kung sino ang nasa kasalukuyan at kung sino ang nasa nakaraan. Then, Felipe’s memories will take over against him. Magiging ibang tao na ito.
Mataman siyang tiningnan ng lalaki. At nang hindi siya nagsalita, muli itong nagwika. “Sinasabi ko na nga bang may alam ka sa nangyayari sa kanya. Nag-deny ka pa. Sinungaling!”
Akmang hahawakan niya ang braso nito, ngunit naalalang bawal pala. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. “Maniwala ka. Sinubukan ko siyang tulungan, subalit hindi ako nagtagumpay. Wala na akong magagawa para sa kanya. Wala na akong maisip na solusyon. Problema na iyon ni Andro,” nanghihina niyang sambit.
In the end, wala pa rin siyang nagawa. Hindi naman siguro magagalit sa kanya si Andro. She did everything she could. Even tried to erase his memories. But then, she failed.
“Ganoon-ganoon na lang iyon? Hindi ka lang pangit, sinungaling ka pa.”
Nagpanteng ang tenga niya sa narinig at bago pa man niya maisip ang gagawin, lumipad na ang kamay niya sa makinis nitong pisngi. Huli na nang mapagtanto niyang naipasa niya ang sumpa sa lalaki.
Hinawakan nito ang nasaktang pisngi.
Napaatras si Leticia. Nanginginig ang mga kamay niya habang pinagmamasdan ito. “H-hindi ko sinasadya.”
Parang wala lang ulit sa lalaki ang pagsampal niya rito. “Ngayon, ako na naman ang susunod na kukulamin mo, babae? Matutulad din ba ako sa kaibigan ko? Mawawala rin ba ang katinuan ko?”
Isang malaking posibilidad. How could she mess up again?
“P-patawad. H-hindi ko sinasadya,” pag-uulit niya sa sinabi. “I mean it. Nabigla lang ako.”
Noon si Andro. Ngayon naman ang kaibigan nito. How could she fix this? Kung si Andro pa lang, hindi niya matulungan?
Lumapit sa kanya ang lalaki at marahas siyang niyugyog. “Iyan lang ba ang kaya mong sabihin? Patawad? Hindi na niyan maibabalik sa normal ang kaibigan ko! Naniniwala na akong salot kang babae ka. Hindi ka na sana nag-enrol sa unibersidad na ito.”
Naiintindihan niya ang galit nito sa kanya. Kung siya rin naman ang nasa posisyon nito, ganoon din ang gagawin niya.
Napatigil si Leticia nang may maalala. “Mayroong paraan,” simula niya. Pabulong. Hindi dapat marinig ng mga estudyante ang sasabihin niya. Baka sabihan siyang baliw. “Sumama ka sa akin sa nakaraan. Doon natin makikita ang sagot. Ang ninuno namin ay nagbebenta ng sagot. Tutulungan nila ako dahil ako ang kalahi nila. Sumama ka sa akin sa nakaraan. Maglakbay tayo sa nakaraan. Ano nga ulit pangalan mo?” Bago pa ito sumagot, naalala na niya ang pangalan nito. Minsan na rin itong ipagmalaki ni Andro. “Ikaw si Milo.”
Lumayo ito sa kanya na animo nandidiri.
Dinuro siya ni Milo. “Isa ka ring baliw. Sasabihin mo talaga ang lahat para paniwalaan ka. Kung ano-anong imposibleng pangyayari ang binigkas mo para mapawalang sala ka?” deklara nito na may himig ng pandidiri.
“I’m being honest here.”
Humalakhak ito na parang nasisiraan ng bait. “Isang napakalaking kahibangan,” bulong nito. “Do you think na nasisiraan na rin ang bait ko? Enough with your lies, woman. Itigil mo na ang pangkukulam sa kanya. Ibalik mo ang kaibigan ko sa dating siya. Oras na ginawa mo iyon, matatahimik ka na. Hindi na kita guguluhin. Araw-araw.”
“Going back to the future was the only way. Hindi ka ba naniniwala sa time travel?”
“Sa science fiction books lang iyan nag-e-exist.”
Umiling si Leticia. She got obsessed about the topic of time travel noong malaman niyang may kakayahan siyang bumalik sa nakaraan. So she read a lot of books about travelling back in time. And there was a lot of evidence that would support that it was true. Ang dami na ring naglipana sa internet about it. Lalong-lalo na sa mga videos. A lot of them were manipulated, pero alam niya ang tunay na time travel if she saw one.
“Lagpas isandaan na ang nakaraan mula ngayon, isang kilalang mananaliksik sa katauhan ni Albert Einstein came up with an idea kung paano ang time travel. Tinawag niya itong relativity. Ibig sabihin, may koneksyon ang lahat ng bagay. Dinagdag niya rin na ang universe ay may speed limit gaya ng mga sasakyang ginagamit natin.”
“Anong gagawin ko sa mga salitang iyan? Maibabalik ba niyan si Andro?”
“Oh come on. What I am trying to say is possible ang time travel.”
“Patunayan mo ang sinasabi mo. Isama mo ako sa paglalakbay sa nakaraan.”
Kinagat ni Leticia ang labi. “About that–”
“So hindi mo nga alam. Pinapasok mo ako sa bulsa mo.”
“Hindi. Hindi. Just...just believe in me. I can fix it.”
Napabuntong-hininga ito. “Diyan ka na nga. Pero huwag mong isiping tapos na ang pag-uusap na ito. Hindi pa tayo tapos. Magkikita pa tayo. That time, let’s find a place na tayong dalawa lang. At walang iistorbo sa pag-uusap natin.”
Leticia did not sense any fear in herself.
Hinatid niya ng tingin si Milo. Parang nagdagdagan na naman ang edad nito. Dahil sa stress at problema para sa kaibigan.
“Alam ko talaga ang sagot,” paghabol niya rito. Hindi na ito lumingon pa sa kanya.
After six months…Humahangos na tumatakbo si Bituin sa direksyon na hindi niya mawari. She was just done jumping back when suddenly dangerous men sprang out of nowhere. Kagagaling niya lang sa paghatid sa isang kliyente niya pabalik sa kasalukuyan. The client wanted to know if she will be successful in the future or gain more clients. Satisfied naman ito sa serbisyong binigay niya.Now…where was she? Right. Strange men with the intention to kill and scare her was hot on her heels. Sa pagkakaalam niya, wala naman siyang naaalalang may nakagalitan siya.No. Mukhang may nakagalitan siya. Si Leticia. Basta na lang siyang umalis sa campus na pinapasukan. Mas nag-focus siya sa negosyo niya. Nawalan ng gana sa pag-aaral. Nasilaw sa salapi. She could be successful even without finishing her degrees. Iyon ang nasa isipan niya. Hindi niya alam kung tuluyang hindi na magtatapos sa pag-aaral. Her parents and siblings did not care anyway. Bakit siya magpapagod kung wala namang nakaka-apprecia
Walang imikan na naganap sa pagitan nina Leticia at Andro sa loob ng kotse ng lalaki. Mabuti na lang at hindi nagmatka ang ginawa sa kanya ni Samuel. Or else, baka mag-worry na naman si Andro sa kanya at tatanungin ng hindi matapos-tapos na katanungan. Hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Leticia kung saan siya dadalhin ng lalaki. She was not even familiar with the route they were following.Kahit saan siya dalhin ng lalaki, she still trusted him.Masaya siya dahil sa nakikita niyang improvement sa katawan nito. Bumalik na ang dati nitong maumbok na pisngi at mga matang puno ng kulay. He looked so happy. At ito ang klase ng kaligayahan na gusto niyang makita sa lalaki which she robbed off him. Manaka-naka niya itong sinusulyapan nang palihim. Nahihiya siyang mahuli nito dahil baka kung ano ang isipin nito.“You must be curious kung saan tayo pupunta,” basag nito sa mahabang katahimikang namayani sa pagitan nilang dalawa. “Huwag kang mag-alala, Leticia. I will not kidnap you. Bes
Nagpupumiglas si Leticia. A two-handed front choke. Isang delikadong atake lalo na kung mas malakas at malaki sa kanya ang umaatake. Samuel really wanted to kill her? Bakit? She did not understand anything! Akala niya ba magkakampi silang dalawa? Wala naman siyang atraso sa lalaking ito kundi si Zephanie lang!Mas lalong bumaba ang daloy ng oxygen kay Leticia. She started to panic. She had to do something or else Samuel would really kill her!Then, Leticia extended her arms and went for Samuel’s jugular notch. She locked her elbow and extended her arm forcefully forward. Not yet enough, she curled her fingers down behind the top of his sternum. Samuel was in intense pain.Nabitiwan siya ng lalaki.Napaubo si Leticia ay pilit na hinahabol ang hininga niya. She glared at the man. “Asshole! What was that for?!” galit na tanong niya. Napaatras ito habang sapo ang lalamunan. “P-papatayin na lang kita, Esmeralda,” anito kahit hindi gaanong lumabas ang boses. “Hindi ako si Esmeralda.
Kumaripas nang takbo si Samuel.Anong problema ng lalaking iyon? Napamura si Leticia. Were they playing hide and seek right now? Bakit ito tumatakbo mula sa kanya? What’s his purpose for coming here if he will only run away? She remembered his gaze. It was full of anger. Was it directed to her? Bakit? Ano bang ginagawa niya?Wait. Alam na kaya nito ang lahat ng nangyari? Simula sa nangyari sa papa nito? Kung bakit kinulong ito ni Zephanie sa isang dimensyon? Galit ba ito sa kanila ni Zephanie at ngayon ay gustong maghigante? There was only one way to find out. She had to go after him. Nararamdaman niya ang tingin ng ibang mga estudyante sa campus sa ginagawa niyang pagsunod sa lalaki. Maybe they were thinking she was a fool for running into someone who looked like he did not want to be caught. Lakad-takbo ang ginawa ni Leticia upang sundan ang lalaki. Manaka-naka itong lumilingon sa kanya na animo sinusuri nito kung nakabuntot ba siya rito o hindi. He wanted her to pursue him?
Three months later…Leticia’s life was peaceful now. At least that’s what she was thinking. There were no unexpected travels into the past. Isang sipa na lang at magtatapos na ang isang semester. Ngayon, tinatapos na nila ang mga final exams at iba pang final projects na pinapagawa sa kanila ng mga professors nila. Pa-chill-chill na siya ngayon pagkatapos maghabol noon ng mga projects at activities na na-missed niya dahil sa pag-una niya sa pag-time travel. Nakakapanibago ang serenity na nararamdaman niya ngayon. Kakaiba sa mga stressful days niya noon. One week pagkatapos niyang magising tatlong buwan ang nakakaraan ay bumalik na rin siya sa pag-aaral. Wala ring paltos kung dumalaw siya kay Andro. Mabuti na lang at hindi nakukulitan sa kanya ang mommy ni Andro. At mukha namang hindi ito naiinis sa kanya. She believed tanggap na siya nito kahit wala naman silang relasyon ni Andro. That was a small progress at masaya na siya roon. It was also odd when Milo was slowly loweri
Madilim ang paligid ng pinasukan ni Leticia gaya ng dati. Ano kaya ang importansya ng lugar na ito sa buhay ni Alpha Naji? Bakit pabalik-balik ito sa lugar na ito? At bakit din ito sugatan? Anong nangyari? Too many questions at hindi niya magawang sagutin ang lahat ng mga ito ngayon. Hindi bale. Magkakaroon din naman ng mga kasagutan ang lahat ng ito. Kailangan lang niyang maging patient sa bawat hakbang na gagawin niya ngayon. It took a while bago nakapag-adjust ang mga mata niya sa kadiliman. The place was dusty as before. It smells. Nagkalat din ang mga bote ng mga alak sa tabi ng dinaraanan niya. Did Alpha Naji drink all of these? Daig pa nito ang naging brokenhearted. Maybe it was because of his son. Hindi pa rin nito nahahanap kung saan ang anak nito kaya sa alak nito ibinibigay ang atensyon. Hindi man ito naging mabuti sa kanilang dalawa ni Zephanie, subalit mabuti itong ama kay Samuel. Kung sana naging mabuti na lang ito at hindi na binahiran ng kasamaan ang pagkatao.