Share

Probinsyana?

  Naging mabilis din ang araw at ngayon ay pasukan na. Napag-usapan na din namin ng manager ko sa cafe ang magiging bagong schedule ko tutal ay  magkakaroon na ako ng pasok sa umaga. Hindi din naman naging mahirap ang pagpasok ko dahil public lang ito at walang uniporme kaya wala ding extra gastos.

  "Tara na?" pag-aaya na sa akin ni Alen, s'ya din ang magiging kasabay 'ko sa pagpasok. Wala namang problema sa akin ito dahil na din sa s'ya lang ang maari 'kong pagkatiwalaan. 

  "Ayos lang ba talaga ang suot 'ko? Puwede ba ito doon? Baka naman mamaya ay hindi ako papasukin sa suot ko na ito" pag-aalala 'kong sabi kay Alen habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin.

  "Ayos lang iyan, tama naman ang t-shirt at faded jeans. Hindi bawal 'yan doon dahil mas inirerekomenda ang ganyang pananamit" ani sa akin ni Alen saka na ako hinatak palabas.

  Hindi pa din ako nagiging komportable sa mga nagiging tingin sa akin ng kalalakihan sa iskinitang laging dinadaanan namin palabas at papasok ng bahay na inuupahan. Malalagkit ang laging ipinupukaw nilang tingin sa akin, wala naman din akong magagawa kung hindi maglakad ng diretsho kahit ano pang klase ng mananalita nila.

  Ang sabi lamang sa akin ni Alen ay mas mabuting hindi 'ko sila bigyang pansin. Iyon na lang din ang ginagawa 'ko dahil mas mukhang nawawalan sila ng interes sa akin.

  "Bilisan mo na Istel, baka mahuli pa tayo" hinawakan ni Alen ang kamay ko saka tumawid ng daan. Nilakad-takbo naman  ang daan. 

  "Ito Istel" turo niya sa isang mapa na naglalaman ng mga building at facilities ng buong campus "Nandito tayo at dito ka, samantalang ako ay dito. Sundan mo lang ang daan na 'to, dito na lang tayo magkita uli pag-uwian dahil hindi din magkakamukha ang mga oras ng subject natin" 

  Tinanguan 'ko na lamang si Alen sa mga sinasabi n'ya, mas lalo naman n'ya hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay 'ko. Ilang minuto ang lumipas ay nagpaalam na si Alen sa aking pupunta na s'ya sa una niyang subject habang ako ay sinunod ko na ang daang sinabi ni Alen na sundan 'ko.

  Pagkadating ko sa klase 'ko ay marami-rami na din ang mga istudyante na nakaupo sa loob, mabuti na lang hindi pa nakakarating ang magiging propesor namin. Limang minuto pagkatapos 'kong makapasok ay saka pa lamang dumating ang propesor namin kung saan may mga kinausap pa s'ya istudyante na nakasabay n'ya ng pasok.

  "Okay class, you can call me Sir. Reyes.I will be your professor in Accounting. First, I want to know your names so bring out your 1/2 index card and copy the format that I will write" 

  Index? Hala! Wala ako nun!

  Hinalughog 'ko ang buong bag 'ko, nagbabaka sakaling may nailagay na ganoon si Alen sa loob. Kulang na lang ay baliktarin 'ko na ang bag 'ko at ibuhos ang nilalaman nito sa harapan 'ko. Wala talaga, isa-isa nang nagpapasa ang mga ka-blockmates ko. Kahit nakakahiya ay kinalabit 'ko ang katabi 'kong babae.

  Napatingin naman itong nagtataka sa akin. Bago pa ako nakapagsalita ay inabutan na n'ya ako agad ng isang index card saka tumingin sa harapan. Dali-dali 'ko namang kinopya ang isinulat na format ni Sir. 

  Bago ko pa matapos at maibigay sa harapan ang akin ay sinumulan na ni Sir Reyes ang pagtawag sa mga pangalan, wala naman akong nagawa kung hindi mag-exccuse sa kanya at inaabot ng dahan-dahan ang akin.

  Tiningnan ako ni Sir na matalim "Next time make sure you pass yours with everyone else. Ayoko ng may sumisingit habang nagsasalita ako" malamig na ani sa akin ni Sir halatang medyo nairita sa aking ginawa.

  "Pasensya na po" namumula 'kong sabi sa kanya at bumalik na sa aking inuupuan, wala naman akong narinig na pagtawag o bungisngis sa iba.

  Baka ganoon talaga ang ugali ng propesor na ito at sanay na sila o baka sadyang naging mali ang pagsingit 'ko sa guro.

  Nagsimula din naman ang klase pagkatapos nang pagtawag sa mga pangalan namin, wala din namang naging imik ang katabi 'ko buong klase. Nakikinig lamang s'ya at tutok sa mga isinusulat sa white board. 

  Wala din naman din akong naging kausap o ano pa mang masasabing kaibigan. I simply went by the day being alone. 

  Uwian na nghuling pagdismiss, pagkarating 'ko sa lugar na sinabi ni Alen na pagkikitaan namin tuwing uwian- wala pa s'ya. Kaya minabuti 'ko na lang mag-ikot sa buong kolehiyo. 

  Sa paggawi 'ko sa may court kung saan madaming naglalaro ng basketball, doon na ako pinagtinginan ng mga varsity. Hindi na lamang ako tumuloy at bumalik na uli sa pinanggalingan 'ko.

  "Miss! Nabagsak mo!" sigaw ng isang lalaki sa likudan 'ko. Hindi 'ko na ito pinansin at mas binilisan pa ang lakad 'ko.

  Nagulat na lamang ako nang may yumakap sa likod 'ko kung hindi s'ya napayakap baka nasubsob na ako agad sa semento.

  "Pasensya na miss" bago n'ya matanggal agad ang pagkakayakap n'ya sa akin ay naramdaman 'kong bahagyang sumayad ang kamay n'ya sa aking dibdib.

  Bago pa ako mapabaling sa kanya ay narinig 'ko na ang sigaw ni Alen sa harapan. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo sa gawi n'ya at mapalayo sa lalaking nasa likuran 'ko.

  "Alen!" sigaw 'ko pabalik sa kanya pagkalapit 'ko, bago pa ako makapagsalita ay hinigit na n'ya agad ako palabas ng eskuwelahan. 

  Hindi 'ko alam pero may galit sa kanyang ekpresyon at mabilis din ang paglalakad n'ya. Habang tumatagal din ay humihigpit na din ang pagkakahawak n'ya sa akin. 

  Kung hindi pa ako napaaray ay hindi n'ya na ako mabibatawan. Tiningnan n'ya ako saglit bago tumalikod at naglakad na uli.

  Namumula ang parte ng hinigit n'ya. 

  "Tara na Istel" iyon lamang ang sinabi n'ya sa akin bago tumuloy nang lakad.

  Pagkadating din sa inuupahan ay wala pa ang mga kasama namin. Baka hindi pa sila tapos sa kanilang mga klase o sadyang nauna lamang kami. 

  Dere-deretsho naman ng pasok si Alen at hindi pa din ako nilingon. Sinubukan 'ko na lamang isipin na baka dahil iyon sa kanyang klase at hindi dahil sa akin.

  Nang mapatingin ako sa orasan ay malapit nang mag-alas kwatro at kailangan na din ako sa aking shift. 

  "Alen, papasok na 'ko sa trabaho" bungad 'ko sa kanya saka kinuha sa aking damitang ang uniporme ng cafe. Hindi pa din n'ya ako kinikibo kahit noong lumabas ako papunta ng banyo. 

  Napabuntong hininga na lamang ako, bakit ko nga ba iniisipa ang nararamdaman ngayon ni Alen? Diba dapat ang isipin 'ko ay ang kaninang nangyari?

  Pumasok ako ng wala sa sarili, hindi 'ko na din namalayang patapos na ang shift 'ko sa sobrang kalutangan. Mabuti na lamang ay wala akong naperwisyong mga costumer. 

  Sa pag-uwi 'ko wala ding Alen na sumundo sa akin. Wala akong nagawa kung hindi lakarin ang sakayan ng tricycle sa kabilang kanto.

  'Miss, sakay ka san ka ba?'

  'Miss libre na lang sakin ka na'

  'Mukhang bagong salta'

  Rinig 'kong mga kantyaw ng ilang nakatambay, kaya minabuti 'ko nang suriin ang pinakatahimik.

  "Kuya sa harap ho ng kolehiyo" pagkasakay 'ko ay nakangisi ang driver.

  Doon na lamang bumagabag ang loob 'ko nang maisip na iba ang daanang tinatahak ng driver. 

  "Kuya! Sa kolehiyo ho! Hindi po ito ang daan!" sigaw 'ko dito pero ni isang tingin ay hindi nito pinukaw sa akin. 

  Bago pa huminto ang tricycle sa kung saang lugar ng driver balak itong ihinto ay walang pakundangang tumalon ako. Kahit puno ng galos ay pinasok 'ko ang iskinitang nakita 'ko. 

  Bago 'ko pa mamalayan ay nasa kanto na ako kung saan pagliko nito ay ang kolehiyo na, doon na ako nawalan ng malay dahil sa pagod at sakit ng mga galos.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status